Share

Chapter 64

Nakaupo si Elaine sa maputi at pinong buhangin ng isla habang pinagmamasdan nya ang masayang pagsasabuyan ng tubig dagat ng kanyang mga kapatid. Nasa may ibabaw na parte lamang ang mga ito kaya kampante sila ng kanyang ina na pagmasdan lamang ang mga ito. Pagkatapos kasi nila kumain ng umagahan ay nag-aya na maligo sa dagat si Sabrina kaya pinagbigyan naman nila ito.

Sobrang excited kasi nitong maligo dahil unang beses pa lamang nito ma eexperience ang dagat, hindi kasi nila afford na magbakasyon. Dahil nga maaga nawala ang kanyang ama ay sya na ang umako sa lahat ng gastusin nilang mag-anak. Ang sahod naman na nakukuha nya ay sapat lamang para sa pang gastos nila pang araw-araw at para sa gamot ni Sabrina, minsan nga ay kulang pa kaya kinakailangan pa nya rumaket o kumuha ng pangalawang trabaho.

“Ateee!” pagtawag sa kanya ni Sabrina na nakangiti at kumakaway pa.

Kumaway naman sya pabalik dito. “Wag kayong pupunta sa malalim na parte ha!” sigaw nyang bilin sa mga ito.

Nag thumbs-up
Shelly Moirae

Pasensya na po at napatagal sa pag update. Nagbirthday po kasi ako at nagpahinga muna saglit, pero babawi po ako sa inyo readers. Sana wag po kayong magsasawa sa pagsupport sa aking kwento. xoxo Love, SM

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status