Se connecterBIGLANG nagbago ang ekspresyon ni Samantha matapos marinig ang sinabi ni Marikit. Mariin nitong hinampas ang mesa bago biglang tumayo.
“Marikit Valejo!” Ngunit wala nang pakialam si Marikit. Tahimik lamang siyang tumalikod at bumalik sa sariling workstation. Pagkaupo niya, dahan-dahan niyang inilabas ang maliit na compact mirror mula sa bag. Tahimik niyang tiningnan ang manipis na sugat sa gilid ng pisngi niya na gawa ng papel na inihagis ni Mikael. May bahagyang dugo pa roon, pero hindi naman malalim. Kumuha lamang siya ng wet wipes at dahan-dahang pinunasan ang sugat. Hindi na niya balak lagyan pa ng gamot. Tutal, sa mukha niyang ito, wala namang magbabago kahit magka-peklat pa siya. Ngunit habang nakatingin siya sa salamin, biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng kasama ni Mikael. Parang pamilyar ito, lalo na ang mga mata. Hindi niya lang maalala kung saan pero sa tingin niya ay nakit na niya ito noon. Pero marahas ding napailing si Marikit. Nagkakataon naman talagang mayroong magkakamukha sa mundo. Baka nga kahawig lang ng babaeng iyon ang nakita niya o nakilala noon. --- MAGHAPON na nag-focus si Marikit sa tinatapos na files, at halos uwian na nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang caller ID, agad na lumambot ang ekspresyon niya. “Dad.” “Marikit,” bungad ng ama niya sa kabilang linya. “Nakauwi na si Kuya Gabriel mo. Umuwi ka rito mamaya. Sabay-sabay tayong magdi-dinner.” Biglang lumiwanag ang mukha ni Marikit sa narinig. “Kuya Gabriel is back?” gulat ngunit masayang sabi niya. “Hindi ba next week pa dapat siya uuwi?” “Maaga natapos ang project niya abroad,” sagot ng kanyang ama. Napangiti si Marikit. “Okay po. Uuwi ako after work.” Pagkababa ng tawag, agad niyang inayos ang mga gamit bago tuluyang umalis sa opisina. Excited siyang makasama ang pamilya lalo na't stress siya these past days. --- TAHIMIK niyang minaneho ang sasakyan papunta sa bahay ng pamilya Valejo sa Quezon City. Hindi naman sobrang mayaman ang pamilya nila ngunit maayos ang buhay nila noon. May sariling real estate company ang ama niyang si Roberto Valejo at nakatira sila sa isang malawak na condominium penthouse sa isang exclusive subdivision. Lumaki si Marikit na hindi kinakapos sa buhay. Ngunit mahigit kalahating taon na ang nakalipas, halos bumagsak ang negosyo ng pamilya nila dahil sa maling investments. Nalubog sa utang ang kompanya. At noong panahong iyon din nalaman ni Roberto Valejo na buntis si Marikit kay Mikael Altaverde. Hindi siya nito pinilit. Hindi rin siya nito inutusan na pumunta sa pamilya Altaverde. Ngunit nang makita niyang unti-unting nanghina at tumanda ang ama niya dahil sa problema… ausiya na mismo ang lumapit sa pamilya ni Mikael. At oo… may sarili rin siyang selfish reasons noon. Mahal niya si Mikael. Sobrang mahal. Kaya kahit alam niyang hindi siya gusto ng lalaki, pinili pa rin niyang magpakasal dito. Nailigtas man ng malaking dowry mula sa mga Altaverde ang kumpanya ng pamilya nila… siya naman ang tuluyang nasira. At wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Pagdating ni Marikit sa Valejo residence, agad siyang sinalubong ni Stella Ramirez. Matagal nang kinakasama ng ama niya ang babae matapos silang iwan noon ng biological mother niya. “Marikit, you’re home.” Bahagyang ngumiti si Marikit. “Tita Stella, nasaan po sila Daddy?” “Paparating na sila ni Gabriel. Kakatawag lang,” sagot nitong nakangiti. Tumango lang si Marikit bilang sagot. Noong siyam na taong gulang siya, iniwan sila ng tunay niyang ina kasama ang kuya niya. At sa loob ng maraming taon, kinamuhian niya ang ina dahil doon. Ngunit dumating si Stella sa buhay nila. Ito ang tumayong ina niya, at inalagaan siya ng parang tunay nitong anak. At kahit hindi ito kasal sa ama niya, itinuring siya nitong parang tunay na anak. Maging si Gabriel, itinuring din siyang totoong kapatid. At dahil doon, unti-unting napawi ng mga ito ang sugat na iniwan ng pagkawala ng tunay niyang pamilya. “I’ll go upstairs muna,Tita,” sabi ni Marikit. “Okay, magpahinga ka muna.” “Okay po." Tahimik siyang umakyat sa dating kuwarto niya. Kahit kasal na siya, hindi kailanman inalis ng ama niya ang kuwarto niya sa bahay. Nananatili pa rin iyong katulad noong college siya. Pagpasok pa lamang niya sa silid, agad niyang naramdaman ang gaan sa dibdib. Parang lahat ng pagod at sakit na dinadala niya ay bahagyang gumaan. Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama. At doon niya napansin ang lumang photo album sa bedside table. Mabagal niya iyong kinuha at binuksan. Ang unang litrato roon ay isang lumang family picture. Napunit iyon sa gitna. Kuha pa ito noong walong taong gulang siya. Karga siya ng ama niyang bata pa noon habang nakatayo sa tabi nila ang kuya niya na 14 years old na ng mga panahong iyon. At sa kabilang bahagi naman, naroon ang ina niya. Siya mismo ang pumunit sa litratong iyon noon dahil galit na galit siya sa inang iniwan sila. Ngunit habang lumilipas ang panahon, ay unti-unti na ring naghihilom ang sakit na iyon. Matapos niyon ay mabagal niyang nilipat ang susunod na pahina. At doon tumambad ang larawan ng sarili niya noong teenager pa siya. Nakatayo siya sa ilalim ng golden acacia trees habang suot ang puting dress at light brown sun hat. Mahaba ang itim niyang buhok noon, maliit ang mukha, maputi, at may napakagandang mga mata. Punong-puno siya ng buhay at liwanag sa larawang iyon. Parang ibang tao. Tahimik na napatitig si Marikit sa litrato. Noong mga sumunod na taon, nagkaroon siya ng hormonal imbalance kaya kinailangan niyang uminom ng gamot. Doon nagsimulang magbago ang katawan niya. Unti-unti siyang tumaba. At kahit anong diet o exercise ang gawin niya noon ay hindi siya basta pumapayat. Minsan pa nga, halos gutumin na niya ang sarili para lang magbawas ng timbang pero wala pa ring silbi. Ang nangyayari ay hinihimatay siya o kaya ay nanghihina dahil sa kakulangan ng energy. Tahimik na napahawak si Marikit sa lumang litrato. At sa hindi niya malamang dahilan, bigla niyang naalala ang babaeng kasama ni Mikael kanina. Biglang nanlamig ang mga daliri niya ng mga sandaling iyon. Dahil ngayon niya lang napansin na medyo magkahawig pala sila nito... lalo na ang mga mata. Bakit parang kamukha niya ito? Nagkataon lang ba?BAHAGYANG natigilan si Mikael nang makita ang itsura ni Marikit. Basa ng tsaa ang buhok at damit nito habang namumula ang balat sa gilid ng leeg at pisngi. Ngunit mabilis ding naging malamig muli ang ekspresyon ng lalaki.“Mom,” mababa nitong saad habang bumababa ng hagdan, “what happened?”Agad namang tumayo si Veronica at inayos ang laylayan ng damit nito.“Tinuruan ko lang ng leksyon ang asawa mo,” malamig nitong sagot. “Mas lumalala na kasi ang ugali.”Tahimik na napayuko si Marikit. Ramdam niya ang hapdi ng balat at ang mabigat na tensyon sa buong sala, ngunit wala na siyang lakas para makipagtalo pa.Maya-maya ay mabilis na lumapit ang isang kasambahay dala ang bimpo.“Ma’am, punasan n’yo po agad,” anito habang iniiaabot iyon.Ngunit hindi man lang inabot ni Marikit ang bimpo. Tahimik lamang niyang pinunasan ang gilid ng mukha gamit ang manggas ng suot niyang jacket.bIlang segundo siyang nanahimik bago marahang nagsalita.“Pasensya na po kung naging disappointment ako sa pamilya
PAGKAALIS ni Mikael ay ilang segundo lamang na nanatiling nakatayo si Marikit sa gitna ng living room. Pagod na pagod na siyang habulin ang isang taong kailanman ay hindi naman lumingon pabalik sa kaniya.Marahan siyang napabuntong-hininga bago tumalikod at naglakad papunta sa sofa. Doon niya napansin ang makapal na stack ng documents na pinapagawa sa kanya ni Mikael kaga i.Tahimik siyang naupo at isa-isang inayos ang mga papel bago muling inilapag ang basurahan sa dating puwesto nito. Nang silipin niya ang laman ng documents, agad niyang napansing mga lumang files lamang iyon ng kumpanya. Mga reports at contracts na matagal nang obsolete.Unti-unting bumigat ang dibdib niya. Hindi pala talaga mahalaga ang mga papel na iyon. Ginawa lang iyon ni Mikael para ipahiya siya at iparamdam kung gaano siya ka-walang silbi sa bahay na ito.Tahimik niyang tinipon ang mga dokumento saka dahan-dahang tumayo habang inaalalayan ang tiyan. Pagbalik niya sa kuwarto ay muli niyang sinubukang buksan a
TAHIMIK na napahawak si Professor Kent sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Marikit.“Paano mo nasugatan nang ganiyan ang tuhod mo?” mahinahon nitong tanong.Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang umiling.“It’s nothing,” mahina nitong sagot, halatang ayaw nang pag-usapan pa ang nangyari sa villa.Hindi na siya pinilit ni Kent. Tahimik na lamang na bumagsak ang katahimikan sa loob ng private room habang mahinang tumutunog ang ECG monitor sa gilid.Makalipas ang ilang minuto ay marahang nagsalita si Marikit.“Professor…” mahina nitong saad habang nakahawak sa tiyan, “gusto kong isama ang baby ko kapag umalis ako ng bansa.”Agad napatingin si Kent dito.“What do you mean?” kalmado nitong tanong.Bahagyang napatitig si Marikit sa kisame bago marahang ipinatong ang palad sa tiyan niya.“Natatakot akong maiwan siya sa pamilya Altaverde.”Tahimik na natigilan si Kent matapos marinig iyon. Alam na alam niya kung gaano kahalaga ang batang dinadala ni Marikit para kina Doña Esperanza
SUBALIT wala nang pakialam si Marikit nang mga oras na iyon. Mahigpit niyang inalalayan ang tiyan niya bago diretsong naglakad palabas ng living room.Nang makita naman iyon ni Mikael ay bigla itong huminto. Unti-unting tumalim ang ang mga mata nito habang pinapanood ang asawa, pero katulad ng dato ay hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong pinanonood ang papalayong babae.Paglabas ni Marikit ng villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala siyang suot na jacket at manipis lamang ang tela ng damit niya kaya agad siyang nanginig sa ginaw. Naiwan din sa loob ng kuwarto niya ang cellphone at susi ng sasakyan.Sandali siyang napalingon sa napakalaking villa ng pamilya Altaverde. Unti-unting tinangay ng malamig na hangin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tuluyang naglakad palayo nang hindi na lumilingon pa.Tahimik siyang naglalakad sa ilalim ng mapuputlang ilaw ng exclusive subdivision habang mabagal na hinahaplos ang tiyan
SUMAKAY si Marikit ng taxi pauwi sa villa sa Ayala Alabang. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pagdating sa villa ay wala siyang nadatnang kasambahay sa sala kaya diretsong umakyat siya sa kuwarto.Tahimik niyang inilabas ang isang malaking maleta mula sa cabinet bago nagsimulang mag impake. Mahigit kalahating taon din siyang nanirahan sa villa na iyon. Napakarami niyang gamit. Pero essentials at ilang damit lang muna ang dinala niya. Babalikan na lang niya ang iba kapag tuluyan na silang nag divorce ni Mikael.Tahimik siyang nagtitiklop ng damit nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang nakita si Aling Lydia. Pagkakita sa maleta ni Marikit ay agad kumunot ang noo nito.“Ano ’yang ginagawa mo?” mataray nitong tanong. “Uuwi rito mamaya si Sir Mikael. Saan ka pupunta?”Tahimik lamang na napatingin si Marikit dito.“Maghanda ka na ng dinner para kay Sir,” utos pa nito.Biglang natahimik si Marikit. Uuwi si Mikael? Marahil ay dahil
BIGLANG natigilan si Matthew Lee nang makita ang nangyari. Akala nito ay may nakasalubong lamang na kakilala si James kaya hindi siya lumapit kanina. Ngunit nang makita niyang nakaluhod ang babaeng buntis sa sahig habang namimilipit sa sakit, agad siyang mabilis na humakbang palapit. “Miss, okay ka lang ba?” mahinahon nitong tanong habang inaabot ang kamay sa kaniya. Ngunit bago pa makahawak si Matthew, agad siyang pinigilan ni James. “Hey, Matt. Hayaan mo na ’yan,” malamig nitong saad habang nakataas ang kilay. “Deserve naman niya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Matthew bago malamig na nilingon si James. Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki at diretsong inalalayan si Marikit para makatayo. “Nasaktan ka ba?” tanong nito. Ngunit sobrang sakit ng pagkakabagsak ni Marikit kaya hindi siya agad nakasagot. Tahimik lamang siyang umiling bago pilit na naglakad papunta sa tumilapong insulated container. Tahimik na napabuntong hininga si Matthew bago nilingon si James.







