LOGINHindi ko na naalala pa kung ano ang mga sagot ko sa interviewer kanina. Ang nasaisip ko lang habang naglalakad pauwi ay ang card na hawak ko, at ang tanong kung dapat ba akong pumunta bukas.
Pagdating ko sa bahay, nakita kong nakahiga pa rin ang tatay ko sa sofa, mas mahina ngayon kaysa kaninang umaga. Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niyang malamig kahit sa init ng panahon.
"Kumusta ang interview, anak?" tanong niya, mahina ang boses.
"Ayos naman po," pagsisinungaling ko habang ngumiti para hindi niya mapansin ang totoong nararamdaman ko. "May bago po akong lead, Tay. Baka may magandang mangyayari."
Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol kay Diego Castillo. Paano ko nga ba ipapaliwanag na may lalaking bigla na lang nag-alok sa akin ng tulong dahil lang sa nabuhusan ko ng kape ang amerikana niya? Sasabihin niyang gawa-gawa ko lang ito, o mas malala, matatakot siyang baka mapasama ako sa masasamang tao.
Buong gabi kong pinag-isipan iyon. Kung hindi lang totoong kailangan ko ng pera, hindi ko na sana iisiping puntahan pa ang opisina niya kinabukasan. Pero tumingin ako sa mga bill sa lamesa—overdue na ang renta namin, at ang bill sa ospital ay lalong tumataas araw-araw dahil sa mga gamot at check-up ng tatay ko. Wala akong ibang pagpipilian.
Kinabukasan, alas-onse y medya ay narrating ko ang napakalaking gusali ng Castillo Group sa Ayala Avenue, Makati. Hindi ko akalaing kailangan ko pang dumaan sa tatlong security check bago ako umakyat sa ika-30 palapag gamit ang isang private elevator na hiwalay sa karaniwang mga elevator ng gusali.
"Miss Reyes?" bati ng isang babaeng nasa katanghaliang-gulang, mukhang sekretarya, sa labas ng malaking opisina sa dulo ng corridor. "Hinihintay ka na ni Sir Diego. Ako pala si Corazon, ang personal assistant niya. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka."
"Salamat po," sagot ko, kinakabahan pero sinusubukang manatiling kalmado sa paligid ng ganoon kalaking establishment.
Pagpasok ko sa opisina, nakita ko si Diego na nakatayo sa harap ng malaking bintana, nakatalikod, nakatingin sa buong Makati skyline sa ibaba. Naka-suit pa rin, pero mas maayos ngayon ang buhok kaysa kahapon, mas seryoso ang postura ng katawan niya, parang ibang tao siya kumpara sa naunang nakita ko sa coffee shop.
"Umupo ka," sabi niya, hindi pa rin lumilingon sa akin.
Umupo ako sa isa sa mga upuan sa harap ng malaking mesa niyang gawa sa itim na kahoy. Pagkalipas ng ilang segundo, lumingon siya at umupo rin sa tapat ko, tinititigan ako nang deretso na parang sinusukat kung ano ang nasa isip ko.
"Sigurado kang gusto mong marinig ang alok ko?" tanong niya, walang paligoy-ligoy. "Kasi kapag narinig mo ito, hindi ka na basta-basta makakaatras."
"Sinabi n'yo pong may trabaho kayo para sa akin," sagot ko, sinusubukang lumakas ang loob. "Kaya nga po ako narito."
Ngumiti siya nang bahagya, ang uri ng ngiti na hindi mo alam kung dapat kang matuwa o matakot. "Hindi ganoon kasimple ang trabahong ito, Miss Reyes. Pero bago ako magsalita pa, sabihin mo muna sa akin—gaano kalala ang sitwasyon ng tatay mo?"
Kumunot ang noo ko. "Paano n'yo po nalaman na may tatay akong may sakit?"
"May koneksyon ako sa St. Luke's," sagot niya nang walang pagdadalawang-isip, parang normal lang na bagay ang pagsisiyasat sa buhay ng ibang tao para sa kanya. "Alam ko na kailangan niya ng operasyon within the month, at alam ko rin na kulang ka ng malaking halaga para dito."
Nanginig ang kamay ko sa kandungan. Hindi ko akalaing hanggang doon na ang ginawa niya para lang malaman ang buhay ko sa loob lamang ng isang araw.
"Bakit n'yo po ginawa iyon?" tanong ko, naghahalong galit at gulat. "Wala kayong karapatang siyasatin ang buhay ko."
"Wala," aniya, deretsahan, walang pagsisisi sa boses. "Pero kailangan kong malaman kung totoo ang nararamdaman kong kutob nang makita kita kahapon. At tama ako." Yumuko siya nang bahagya, ang mga siko niya ay nakapatong sa mesa, ang mga daliri niyang magkadaop sa harap ng bibig niya habang tinitingnan ako. "Kailangan ko ng tulong, Xandra. At sa tingin ko, kaya mo iyon."
"Anong klaseng tulong?" tanong ko, kinakabahan na ngayon sa direksyon ng usapan.
Huminga siya nang malalim bago sumagot, tila pinag-iisipan pa rin kung paano ilalatag ang mga susunod na sasabihin niya. "Para mapasaakin ng buo ang kumpanyang ito, kailangan kong mag-asawa bago ako mag-30 taong gulang. Kondisyon iyon ng yumaong lolo ko bago siya namatay. May isang buwan na lang ako, at kung wala akong asawa pagsapit ng deadline na iyon, mapupunta ang kontrol ng Castillo Group sa aking pinsan—isang taong wala akong tiwala na pamahalaan ang libu-libong empleyado namin."
Napanganga ako sa narinig, hindi ko alam kung paniniwalaan o hindi. "Bakit n'yo po kinukwento sa akin lahat ng to?"
"Bacause I want you to be my wife," sabi niya, tuwiran, walang pagbabago sa boses kahit gaano kabigat ang sinasabi niya. "Hindi totoong asawa. Kontrata lamang. Anim na buwan hanggang isang taon, depende sa pangangailangan ng kompanya at kung gaano katagal bago masigurado na akin na talaga ang posisyon ito."
Kailangan kong huminga nang malalim bago ako muling nagsalita. Pakiramdam ko'y bumibilis ang mundo sa paligid ko. "Sir Diego, hindi ko po lubos maisip kung paano—"
"Bibigyan kita ng dalawang milyong piso," patuloy niya, na parang hindi niya narinig ang sinasabi ko, "bukod pa riyan, buwanang allowance na sapat para sa lahat ng pangangailangan mo, at lahat ng gastusin sa operasyon at post-op care ng tatay mo, simula bukas kung kakailanganin."
Napahinto ako. Ang laki ng halagang iyon—sapat na hindi lamang para sa operasyon, kundi para sa buong buhay ng tatay ko at ako sa mga susunod na taon.
"Bakit ako?" tanong ko muli, mas mahina ngayon ang boses. "Ang dami n'yong pwedeng piliin, sir. Mga anak ng mayayamang pamilya, mga kilalang personalidad—bakit ako, isang taong na nagbuhos lamang ng kape sa inyo kahapon?"
Tumagilid ang ulo niya, tila tinitimbang ang sagot bago ito binitawan. "Dahil hindi ka interesado sa akin, sa pera o sa pangalan ng pamilya ko. Nagulat ka lang kahapon. Natakot ka pa nga. At kailangan ko ng babaeng walang plano na ibenta ang kwento natin sa tabloid, o kaya'y umibig ng totohanan sa akin dahil sa yaman. Simpleng transaksyon lamang ito, Miss Reyes. Business, walang iba."
May bahagyang sakit na dumaan sa dibdib ko sa mga salitang iyon, kahit hindi ko lubos maintindihan kung bakit. Hindi ko naman siya kilala. Bakit dapat akong masaktan sa idea na basta transaksyon lamang ang tingin niya sa akin?
"Kailangan ko munang mag-isip," sabi ko sa huli, tumayo, kinakabahan pa rin.
"May hanggang bukas ka ng umaga para magdesisyon," sagot niya, tumayo rin, ngunit hindi niya ako sinamahang lumabas ng opisina. "Isipin mong mabuti, Xandra. Hindi lang ito tungkol sa pera. Kapag pumayag ka, alam mong ako ang bahala sa lahat—sa'yo, sa pamilya mo. Pero kapalit noon, ako rin ang mamahala."
Tumingin ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng opisina, at sa paglakad ko pababa sa private elevator, hindi ko maalis sa isip ko ang huling pangungusap niya, at kung ano ang ibig sabihin ng "ako rin ang mamahala."
Nang gabing iyon, dumating ang buong draft ng kontrata sa email ko, kasama ang isang maikling mensahe mula kay Diego: "Basahin mong mabuti. Tawagan mo ako kung may tanong."Binasa ko ito nang paulit-ulit sa aking maliit na kwarto, ang liwanag ng laptop ko ang tanging ilaw sa dilim. Dalawang milyong piso sa pagtatapos ng kontrata—ito ay nakasaad sa unang bahagi. Sumunod dito, ang detalyeng monthly allowance na sapat para sa lahat ng aking mga pangangailangan, pati na rin ang buong bayad sa ospital ng aking tatay simula sa sandaling pipirmahan ko ang kasunduan.Nabasa ko rin ang mga kondisyong idinagdag niya, tugma sa aking mga hiningi: walang ibang tao ang dapat makaalam ng totoong dahilan ng aming kasal maliban sa mga direktang kasangkot; malaya akong makakaalis pagkatapos ng napagkasunduang tagal; at ang pisikal na bahagi ng kasunduan ay nakabatay sa aming magkasanib na pahintulot.Isang linya lamang ang nagpahinto sa akin nang matagal: "Ang mag-asawa ay sasang-ayon na tumira sa pare
Sumagot agad ang sekretarya niyang si Corazon sa unang tunog pa lamang ng telepono. "Castillo Group, magandang umaga po.""Ah, hi po, si Xandra Reyes ito. Gusto ko sanang makipag-usap kay Sir Diego, kung pwede.""Sandali lang po, i-coconnect ko na kayo."Ilang segundo lamang ang lumipas bago narinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya. "Xandra." Hindi tanong, kundi parang pagbati lamang, na parang alam na niyang tatawag ako."Diego," sabi ko, kinakabahan pero nagpupumilit na maging matatag. "Pumapayag na ako sa alok mo."May katahimikan sa kabilang linya sa loob ng ilang segundo, at para akong nakaramdam na bumigat ang hangin sa paligid ko habang naghihintay ng sagot niya."Alam kong papayag ka," sabi niya sa wakas, may bahagyang kasiyahan sa boses na hindi ko na akalaing marinig mula sa kanya. "Pumunta ka sa opisina ko mamayang tanghali. May kailangan tayong pag-usapan bago mo pirmahan ang kontrata."Pagdating ko sa opisina niya bandang alas-dose, nakaupo na siya sa likod ng m
Umuwi ako sa bahay namin na parang lumulutang, hindi ko alam kung nararamdaman ko pa ang aking mga paa sa lupa. Nakita kong natutulog na ang tatay ko sa sofa, mahina ang paghinga niya, at napansin kong lalong nangangayayat siya sa mga nakaraang araw.Naupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya, at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang tahimik. Hindi dahil sa kalungkutan lamang, kundi dahil sa halo-halong takot, pag-asa, at kaba na hindi ko lubos maintindihan.Isang buong araw ko itong pinag-isipan. Habang naglalaba ako, habang nagluluto ng hapunan, habang nakahiga sa kama sa gabi—ang lahat ng ito'y binabalikan ko sa isip: ang alok ni Diego, ang halagang kanyang sinabi, ang kondisyong dapat kong tanggapin.Kung tutuusin, ano ba talaga ang kailangan kong isakripisyo? Anim na buwan hanggang isang taon lamang. Hindi ito habambuhay. At sa katapusan, magiging malaya na ako, malaya ang tatay ko sa mga alalahanin sa pera, malaya kaming dalawa m
Hindi ko na naalala pa kung ano ang mga sagot ko sa interviewer kanina. Ang nasaisip ko lang habang naglalakad pauwi ay ang card na hawak ko, at ang tanong kung dapat ba akong pumunta bukas.Pagdating ko sa bahay, nakita kong nakahiga pa rin ang tatay ko sa sofa, mas mahina ngayon kaysa kaninang umaga. Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niyang malamig kahit sa init ng panahon."Kumusta ang interview, anak?" tanong niya, mahina ang boses."Ayos naman po," pagsisinungaling ko habang ngumiti para hindi niya mapansin ang totoong nararamdaman ko. "May bago po akong lead, Tay. Baka may magandang mangyayari."Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol kay Diego Castillo. Paano ko nga ba ipapaliwanag na may lalaking bigla na lang nag-alok sa akin ng tulong dahil lang sa nabuhusan ko ng kape ang amerikana niya? Sasabihin niyang gawa-gawa ko lang ito, o mas malala, matatakot siyang baka mapasama ako sa masasamang tao.Buong gabi kong pinag-isipan iyon. Kung hindi lang totoong kailangan ko
May mga araw na alam mong hindi maganda ang mangyayari bago pa man ito magsimula. Para sa akin, ang araw na iyon ay nagsimula sa isang sirang alarm clock, isang bill na overdue, at isang tatay na halos hindi na makahinga nang maayos sa sofa namin sa maliit naming inuupahang bahay sa Project 4, Quezon City."Tay, aalis na po ako," sabi ko, yumuko para hagkan ang noo niya. Mahina ang boses niya nang sumagot, "Ingat ka, anak. Sabi ni Dr. Molina, kailangan na daw talaga ng operasyon bago sumama pa ang kalagayan ko." Tumango na lang ako, kinagat ang labi para hindi umiyak sa harap niya. Alam kong hindi ko kayang bayaran ang operasyong iyon—hindi sa ganitong kita ko bilang freelancer.Kaya naman, buong linggo akong nag-apply sa mga in-house design job, kahit alam kong mas gusto ko ang kalayaan ng freelancing. Kailangan ko ng steady income, at kailangan ko ito ngayon.Ang interview na pupuntahan ko ay sa isang advertising firm malapit sa Ayala Avenue—maliit na kompanya, pero disente ang alok







