Home / Romance / Mini Me, Instant Daddy! / Chapter 4 - Panganib

Share

Chapter 4 - Panganib

Author: Black_ink
last update publish date: 2026-05-29 14:41:25

Brenna’s POV

Nakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!

Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.

Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.

Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.

“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.

“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako."

Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.

“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa ang boses, pero sapat na para manindig ang balahibo ko. Panganib ang nararamdaman ko sa presensya niya.

“H-ha? Oo… bakit?” nauutal kong tanong dahil bigla siyang may dinukot sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang matalim na patalim na ngayo’y hawak-hawak na niya. “M-Mayang… bakit may ganiyan ka?”

Ngumisi ito na parang demonyo. “Relax lang. Bibigyan lang kita ng remembrance. Para naman hindi mo kami makalimutan dito paglabas mo.”

Kumislap ang talim habang pinaglalaruan niya ito sa kanyang kamay. Nanubig ang mga mata ko sa dami ng emosyong biglang sumakop sa akin — takot, galit, at pangamba.

“Mayang, ibaba mo nga ‘yan! Hindi ka nakakatuwa!” pilit kong pina-patapang ang boses ko, pero ang totoo ay takot na takot na ako. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko. Bakit ba hindi na lang ako lubayan ng kamalasang ito? “Sisigaw ako! Mapaparusahan ka niyan!”

Ngunit wala iyong epekto sa kanya. “Sumigaw ka! Bago pa man dumating ang saklolo mo, nakabaon na ‘to sa katawan mo!” Sabay ngisi uli na nagpa-tindig sa balahibo ko.

“Sabi ng boss ko, malaki ang premyo kapag natapos kita. Gusto nga niya… mamatay ka na lang,” natatawang dagdag pa niya.

“Ano? Sinong nag-utos sa’yo?!” sigaw ko. May gustong pumatay sa akin rito sa loob? Sino naman? Wala naman akong natatandaan na naging kaaway o nakasakit kahit kanino.

“Ang dami mong dada. Lumaban ka na lang kung gusto mo pang mabuhay,” aniya at pumwesto nang maayos, handa na akong sugurin anumang oras.

Ano naman ang alam ko sa pakikipaglaban? Hindi naman ako naging basag-ulo dati.

“Mayang, mabuti pa… pakawalan mo na lang ako, at kalimutan na natin ito. Hindi ako magsusumbong… maawa ka, hinihintay na ako ng anak ko,” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Mabait pa nga ako, eh. Binibigyan kita ng pagkakataon na mabuhay kaya lumaban ka! Ano?!”

Mabilis kong na-sangga ang kamay niyang may hawak ng patalim. Pero napakalakas ni Mayang, halos mabali ang braso ko sa higpit niya.

“Wala kang kuwenta! Tatapusin na ba kita rito?” sigaw niya.

Itinulak niya ako papunta sa sulok kaya na-corner niya ako nang tuluyan. Wala na akong ibang mapupuntahan. Pinagana ko ang utak ko, naghanap ng anumang maari kong magamit na panlaban sa kanya.

Sa isang iglap, sinipa ko siya nang buong lakas ko sa hita. Sabay abot sa isang piraso ng kahoy na nakasandal sa gilid. Buong pwersa ko itong pinagpapalo sa kanya, paulit-ulit… hindi ko na mabilang kung ilang beses.

“Hayop ka! Ikaw ang dapat na mamatay! Wala kang awa!” hinihingal na sigaw ko habang ginagawa ito.

Tatakbo na sana ako palabas upang humingi ng tulong, ngunit nahuli niya ang isa kong paa dahilan para madapa ako nang malakas.

“Aghh!” Matinding daing ko.

Sa sobrang bilis ng kilos niya ay naramdaman ko na lamang ang matalim na bagay na tumusok sa tagiliran ko. Sobrang sakit… parang pinupunit ang laman ko. Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan at ang mainit na likido na dumadaloy pababa.

“Diyos ko… ang anak ko…” bulong ko bago lumabo ang paningin ko.

“Hoy Mayang! Ano ‘yan?! Anong ginagawa mo?!” dinig kong sigaw ng kung sino sa labas. “Brenna!”

Lumapit ito sa akin, hinawakan ako… pero hindi ko na siya makilala nang maayos.

“Tulong! Tulungan ninyo ako! Duguan si Brenna, bilisan n'yo!"

Kadiliman… at doon na ako nawalan ng malay.

 

“Mommy! Gising ka na po, Mommy… ‘wag niyo po akong iwan…”

Dinig ko ang pamilyar na boses ni Brent. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa paningin ko ang guwapong mukha ng aking anak, puno ng luha ang mga mata habang nakayakap sa kamay ko.

“Brent… anak… bakit ka umiiyak?” mahina kong tanong habang hinahaplos ang pisngi niya.

“Thank you, Lord! Gising ka na! ” dinig kong sabi ni Malia sa gilid. “Best friend! Ano ka ba… halos atakihin kami sa puso sa sobrang kaba!” Lumapit ito sa akin at magaan na yumakap, ayaw akong masaktan.

“Brenna, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong naman ni Clarisse. Bakas sa mukha niya ang halo-halong lungkot at galit.

“Okay lang ako… medyo masakit lang nang kaunti ang tagiliran ko,” pag-amin ko habang hinahawakan ang bahaging nasugatan.

“Gosh! Buti na lang sabi ni Doc Pogi… mababaw lang ang pagkakasaksak sa’yo ni Mayang. Kung mas malalim pa iyon, kritikal ka na ngayon at nag-aagaw-buhay… o di kaya naman ay kuwento ka na lang sa amin,” sabi ni Malia na puno pa rin ng pag-aalala.

“Alam mo, ikaw, Malia… ang daldal mo talaga. Kung ano-ano naman iyong lumalabas sa pasmado mong bibig. Itikom mo nga ‘yan!” saway ni Clarisse sa kanya. At doon na naman nagsimula ang karaniwang bangayan nilang dalawa.

“Nasa interogasyon na si Mayang ngayon. Aalamin namin ang lahat kung bakit niya ginawa iyon sa’yo. Mas lalo siyang mabubulok sa loob at dadagdagan pa ang sentensya niya,” seryosong sabi ni Clarisse.

Biglang naalala ko ang huling sinabi ni Mayang.

“Clarisse… bago mangyari ang lahat ng ‘yon… may sinabi sa akin si Mayang,” saad ko.

Sumeryoso lalo ang mukha ni Clarisse habang nakikinig nang mabuti. “Ano ‘yun?”

“Ang sabi niya… may boss siya. Malaki daw ang premyo niya kapag natapos niya ako. May gustong ipa-patay ako… pero wala akong maituro… wala akong ideya kung sino,” garalgal kong sabi habang iniisip kung sino ang may galit sa akin nang gano'n kalala.

“Oh… Hi, Doc. Pogi!”

Natigil ang aking pag-iisip nang dumating na ang doktor na titingin at magsusuri sa akin.

“Hello, Ms. Guevarra… mabuti at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Doc… Alpha?” gulat kong sambit nang makilala ko kung sino siya.

“Aray!” daing ko nang biglang pinitik niya ang noo ko.

“Ikaw talaga… ilang taon tayong hindi nagkita, tapos malalaman ko pa na nagbakasyon ka pala sa loob ng kulungan?” seryoso pero may halong biro niyang sermon sa akin, bagay na ikina-simangot ko. “Nagpalagay ka pa ng gripo talaga ng gripo sa tagiliran? Sabihin mo nga… ano naman ang susunod kong malalaman tungkol sa iyo?"

Doon tila bumigay na ang natitira kong lakas. Walang salitang namutawi sa bibig ko, yumakap ako nang mahigpit sa kanya. Wala akong pakialam sa kung sino man ang nasa paligid, lahat ng sakit, paghihirap, at pagtitiis ko sa loob ng limang taon ay ibinuhos ko lahat sa mga bisig niya.

Naramdaman ko ang ganti niyang mahigpit na yakap. Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon… pakiramdam ko ay ligtas na ako.

“Mission abort… Love life denied for Malia,” dinig kong pasaring ni Malia sa gilid kaya napatawa ako kahit may sugat, habang nakayakap pa rin kay Alpha.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 4 - Panganib

    Brenna’s POVNakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako." Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa a

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 3 - After five years

    “May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit. Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?Napakasinungaling!“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya! “Shh… baka map

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 2 - Primo's Pov

    Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa. Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako. Flashback – Rooftop“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 1 - Hatol

    “One, two, three, push!” “Uhmn… aghhh!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tindi ng sakit habang umiire. Ang buong katawan ko nanginginig, pawis na pawis. “Okay, malapit na… nariyan na ang ulo. Kailangan mo nang mahabang ire. Kakayanin mo, Ms. Guevarra!” sigaw ng nagpapaanak sa akin. Tama siya. Kailangan kong ilabas ang mga anak ko nang maayos. Huminga ako nang malalim, kinagat ang telang nasa bibig ko, at buong lakas na umire. “Very good, Mommy! Ayan na!” Hingal na hingal ako, pero nung marinig ko ang unang iyak ng sanggol, napaluha ako sa saya. “Thank you, Lord…” mahinang usal ko. “Lumabas na ang baby boy. May isa pa,” sabi ng doktor. Naramdaman ko ulit ang hilab. Sakit na parang pinipiga ang katawan ko. “Push! Malapit na,” utos niyang muli. Mas mabilis lumabas ang kasunod kumpara sa una. “Okay, stop!” Ramdam kong hindi pa tuluyang lumabas ang anak ko. “Sandali lang, nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg niya. Kailangan ko muna itong alisin. Nasasakal siya,” narin

  • Mini Me, Instant Daddy!   Prologue

    “Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko. Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan? Hayst. Bahala na. “Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance. Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life. “Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim. “Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.” “Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin. Sabay silang nagtawanan. Mga hayop. Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi. “Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status