Home / Romance / Mini Me, Instant Daddy! / Chapter 2 - Primo's Pov

Share

Chapter 2 - Primo's Pov

Author: Black_ink
last update publish date: 2026-05-29 08:09:48

Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.

“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa.

Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako.

Flashback – Rooftop

“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”

Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.

“Primo, ‘wag mong gawin ‘to! Pakiusap, maawa ka,” umiiyak na pagmamakaawa ni Brenna.

Ngunit sarado na ang utak ko. Ang akala ko’y pagmamahal, napalitan ng matinding pagnanais na angkinin siya nang buo — dahil kung hindi siya mapapasa-akin, sisiguraduhin kong hindi siya pakikinabangan kung sino mang lalaking iyon! Ako lang dapat ang lalaki sa buhay niya. Akin siya!

“Ahh… putangina!” napasigaw ako sa galit habang pilit ko siyang inaangkin, walang pakialam akong pakialam sa pagtanggi niya. “Youre mine!” singhal ko. Ang bawat galaw ko ay puno ng poot, bawat hawak ko sa kanya ay walang pag-iingat, mariin at mapangahas.

“Primo… masakit… tama na… please…”

Imbis na maawa, mas lalo ko siyang hinawakan nang mahigpit at inayos ang pwesto namin, wala siyang pagkakataon sa bawat pagtatangka niyang lumayo. Ang mga hikbi at daing niya ay parang hangin lang sa pandinig ko, binaliwala ko ang lahat ng kanyang pagtutol.

Nang maramdaman kong malapit na ako sa sukdulan ay mas lalo kong pinabilis ang bawat kilos, hindi nagtagal ay tuluyan nang sumabog ang mainit kong damdamin sa loob niya.

Habol ang hiningang binitawan ko siya. Walang itong kibo, puno ng takot. Nang kumalma ang katawan ko at unti-unting bumalik ang katinuan, saka ko siya binalingan at tiningnan nang maigi.

Magulo ang buhok, punit-punit ang ilang parte ng kaniyang damit, walang boses habang walang tigil na umiiyak. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan.

“Anong ginawa ko?” mahinang sambit ko, “I… I raped her!”

Tahimik itong humihikbi habang pilit na inaayos ang sarili at tinatakpan ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pulang mantsa sa laylayan ng kaniyang bistida. Dahan-dahan itong tumayo at naglakad nang paika-ika. Muntik na itong matumba — akmang lalapitan ko siya para tulungan, pero—

“‘Wag kang lalapit! Pakiusap… nakuha mo na ‘ko. Gusto ko nang umuwi!”

“Brenna… I'm sorry, hindi ko sinasadya…” Muling sinubukan ko itong lapitan pero mas lalo lamang itong lumayo. Nanginginig, takot na takot, parang nakakita ng halimaw sa harap niya.

“Kung iyon na ang kabayaran ko sa lahat… siguro naman ay wala na akong utang sa iyo.” Sabay takbo palayo.

Hindi ko na siya nagawang habulin. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan, tinanaw ko na lamang ito hanggang sa mawala sa paningin ko. Doon ko naramdaman ang bigat ng kasalanang ginawa ko.

Mayamaya lang, pumasok ang tatlo kong kaibigan — huli na ang lahat.

“Primo–”

“Sinaktan ko siya… hindi ko sinasadya,” mahinang sambit ko habang sabunot ang sarili kong ulo. Para na akong masisiraan ng bait, paulit-ulit na lumilitaw ang imahe niyang takot at umiiyak kanina.

Biglang hinila ni Calix ang kwelyo ko. Nanlilisik ang mga matang nakipag-sukatan ng tingin sa akin — puno ng galit at pagkadismaya.

“Gago! Anong ginawa mo kay Brenna? Ha?”

“Dude, teka, awat na! ‘Wag kayong mag-away uy!” pigil naman ni Kevin sa kamay ni Calix na nakahawak pa rin sa kwelyo ko.

Hindi ako lumaban. Deserve ko ito.

“I… I forced her–”

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin nang tumabingi na ang mukha ko sa lakas ng sapak ni Calix. Tumalsik ako sa lakas ng suntok.

“Putangina ka! Ginahasa mo siya? Anong klaseng utak ang meron ka! Hayop ka!” gigil at nagtatagis ang bagang na sumbat nito sa akin.

“Dude… ginawa mo talaga iyon? Bakit?” tanong naman ni Dexter na ngayon ay nanlulumong napaupo sa sahig, parang nawalan ng lakas.

“Wala kang kwenta, alam mo ba ‘yon? Nanonood kami, nakikita namin kanina, dude! Alam naming may mali, nakikita naming napipilitan lang siya sa mga sinasabi niya sa’yo! Pero ikaw… bulag ka sa galit!” sigaw ni Calix, puno ng poot.

Sa aming apat, si Calix ang pinaka-maingat. Alam niya kung may mali o tinatago ka; para siyang scanner na nababasa agad ang laman ng utak mo.

“W-what do you mean?” wala sa sariling tanong ko rito, natataranta.

“She's lying! Pilit lang niyang sinabi na may iba siyang mahal para itaboy ka o may dahilan siya. Pero, ikaw? Anong ginawa mo? Pinalala mo ang lahat!” anang sigaw nito. “Pero putangina ka! Kanina pa namin kayo tinatawag, halos gibain na naming tatlo ang pinto ay hindi mo pa rin kami pinagbuksan! Iyon ang mali mo! Iyon ang bagay na hinding-hindi mo na kayang ibalik pa! Nasaktan mo si Brenna… demonyo ka na ngayon sa paningin niya!”

Napahawak ako sa sarili kong buhok, puno ng sakit at pagsisisi. “Ahhrr! Bakit hindi ninyo ‘ko pinigilan?! Bakit hinayaan ninyong mangyari ‘yon!”

“Tarando! Anong hindi namin ginawa! Sisihin mo pa kaming gunggong ka!” muling sumugod si Calix pero pinigil na siya nina Kevin.

Tumayo ako, pilit na pinagpag ang sarili. Kailangan ko siyang habulin. Kailangan kong humingi ng tawad, kahit alam kong hindi na sapat ‘yon.

“Saan ka pupunta?” pigil ni Kevin sa akin, hinarangan ako.

“Susundan ko si Brenna… kailangan ko siyang makausap–”

“Dude, tama na! Ano ba!” Binigyan na naman ako muli ng isang suntok ni Calix, mas mahina pero sapat para matauhan ako. “After what you have done? Leave her alone! Galit na galit ka dahil napaniwala kang may iba siya… pero mas masahol pa ang kasalanang ginawa mo kay Brenna. Kaya tumigil ka na! Huwag mo na siyang guluhin pa!”

Hindi ko na siya nagawang habulin no’ng araw na iyon. Ilang beses ko rin siyang tinawagan pero hindi ko na siya ma-contact. Pumunta ako sa kanila pero ang sabi ng mga magulang niya ay umalis na ito.

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa bahay nila ngayon. Mukhang wala na nga siya rito. Wala na si Brenna.

“Hello… oo, bakit? Ano? Sige, sasabihin ko.” Napalingon ako kay Kevin sa kung sino ba ang kausap nito sa telepono.

“Sino ba iyon?” tanong ko nang ibaba na niya ang tawag.

“Si Dexter, Dude. Kanina pa raw tumatawag ang mommy mo sa iyo, hindi ka raw ma-contact.”

Inis akong napabuntong-hininga. “I blocked her. Gusto niyang pakasalan ko ang babaeng iyon! Hihintayin ko si Brenna, siya lang ang pakakasalan ko.”

Nagbago ang ekspresyon ni Kevin. Seryoso at mabigat ang naging tingin niya sa akin.

“Manganganak na raw si Nadia, tara na! Anak mo pa rin iyon, gunggong!”

Nanlaki ang mga mata ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “What? Saang ospital?”

“Sa Doctors Hospital sa Parañaque.”

Agad na pinaandar ko ang kotse at pinaharurot papunta ro’n. Duda ako… duda ako kung ako nga ba ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. Pero paano kung ako nga?

Nagpakalango ako sa alak nang gabing natapos ang lahat sa amin ni Brenna. Nasa isang bar ako noon, lasing na lasing. Ang gusto ko lang naman ay makalimot sa sakit, pero, nagising na lang ako kinaumagahan na nasa isang kuwarto– Kasama si Nadi, hubo’t hubad.

Paano ako napunta ro’n? Ni hindi ko nga siya kilala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 4 - Panganib

    Brenna’s POVNakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako." Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa a

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 3 - After five years

    “May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit. Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?Napakasinungaling!“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya! “Shh… baka map

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 2 - Primo's Pov

    Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa. Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako. Flashback – Rooftop“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 1 - Hatol

    “One, two, three, push!” “Uhmn… aghhh!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tindi ng sakit habang umiire. Ang buong katawan ko nanginginig, pawis na pawis. “Okay, malapit na… nariyan na ang ulo. Kailangan mo nang mahabang ire. Kakayanin mo, Ms. Guevarra!” sigaw ng nagpapaanak sa akin. Tama siya. Kailangan kong ilabas ang mga anak ko nang maayos. Huminga ako nang malalim, kinagat ang telang nasa bibig ko, at buong lakas na umire. “Very good, Mommy! Ayan na!” Hingal na hingal ako, pero nung marinig ko ang unang iyak ng sanggol, napaluha ako sa saya. “Thank you, Lord…” mahinang usal ko. “Lumabas na ang baby boy. May isa pa,” sabi ng doktor. Naramdaman ko ulit ang hilab. Sakit na parang pinipiga ang katawan ko. “Push! Malapit na,” utos niyang muli. Mas mabilis lumabas ang kasunod kumpara sa una. “Okay, stop!” Ramdam kong hindi pa tuluyang lumabas ang anak ko. “Sandali lang, nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg niya. Kailangan ko muna itong alisin. Nasasakal siya,” narin

  • Mini Me, Instant Daddy!   Prologue

    “Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko. Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan? Hayst. Bahala na. “Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance. Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life. “Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim. “Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.” “Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin. Sabay silang nagtawanan. Mga hayop. Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi. “Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status