Home / Romance / Mini Me, Instant Daddy! / Chapter 3 - After five years

Share

Chapter 3 - After five years

Author: Black_ink
last update publish date: 2026-05-29 11:43:24

“May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.

“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit.

Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?

Napakasinungaling!

“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”

“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.

“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”

Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya!

“Shh… baka mapaano ka pa, kakapanganak mo lang, Brenna. Hayaan mo na ang lalaking iyon. Nariyan naman ang anak mo, ‘di ba? Sa kanya mo ibuhos lahat ng pagmamahal at oras mo.”

Napalingon ako sa anak kong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang maliit niyang kamay at napangiti ako nang kusa rin itong humawak nang mahigpit sa isang daliri ko.

“Nandito lang si Mommy, anak. Hindi kita iiwan, pangako.”

“Dito kayo mananatili mag-ina, ito ay Mother’s Ward. Puwede kayong manatili rito mula anim na buwan hanggang isang taon, kaya maaalagaan mo ang anak mo nang mabuti,” nakangiting saad ni Clarisse.

May ganito pala rito. Labis ang takot ko noon sa akalang paghihiwalayin kami agad ng anak kong si Brent.

“Maraming salamat, Clarisse. Malaking bagay ito sa akin.”

“Walang anuman. Hindi naman gano’n kasama ang batas, Brenna. ‘Wag kang mag-alala, kami ni Malia ang bahala kay Brent sa araw na kailangan na niyang humiwalay sa’yo. Tutulungan ka namin para mapabilis ang paglaya mo rito.”

Napakaganda ng lugar na ito. Malaki ang kaibahan sa karaniwang selda. Malinis, mabango, at higit sa lahat—ligtas para sa anak ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, hanggang sa dumating ang kaarawan ni Brent. Narito kami ngayon, nagdiriwang sa loob ng correctional ward. Sobrang saya ko dahil marami ang napamahal sa anak ko. Lahat sila ay nagkagusto kay Brent, at ahat sila ay nagprisinta na maging Ninang at Ninong niya.

Dito ko naramdaman na may pamilya pa rin ako—hindi tulad ng tunay kong mga magulang at kapatid na ni minsan ay hindi man lang ako naalalang kumustahin.

“Oh, paano? Kailangan na naming umalis ni Brent. ‘Wag kang mag-alala, dadalawin ka namin madalas rito,” paalam ni Malia.

Kahit na alam kong nasa mabuting kalagayan ang anak ko, hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala habang nakayakap sa kanya.

“Alam ko naman iyon… pero paano kung bigla niya akong makalimutan, Malia? Baka hindi na ako ang kilalanin niyang ina kapag lumaki na siya,” garalgal kong tanong habang hindi mapigilan ang pagtulo ng luha. Ayaw kong mawalay kay Brent kahit saglit lang.

“Loka-loka ka talaga! Anong kalilimutan? Puwede ba ‘yan? ‘Wag ka ngang OA, Brenna!” saway at sermon sa akin ni Malia.

Panay ang yakap at halik ko kay Brent, akala mo ay hindi ko na ito makikita pa kailanman.

“Hindi makakatakas si Malia. Naka-blotter na ‘yan dito dito, subukan niya lang,” singit ni Clarisse sabay kindat, bagay na ikinadilim naman ng mukha ni Malia.

“Kahit kailan talaga, hindi kayo magkasundo!” natawa na lang ako sa dalawa.

“Ikaw Clarisse, sumusobra ka ba! Eh kung idemanda kaya kita? Nambibintang ka na naman eh!” giit ni Malia.

“Tumigil na nga kayong dalawa! Kailan ba kayo magkakasundo? Tatlo lang naman tayo, palagi pa kayong nag-aaway,” saway ko sa kanilang dalawa.

“Sige na, umalis na kayo baka ma-traffic pa kayo pauwi. Basta, Malia… alagaan mong mabuti si Brent ah?” paalala ko pang muli bago ibinigay ang anak ko sa kanya. “Paalam, anak. Hintayin mo si Mommy, hmmn?” h******n ko siya muli sa huling pagkakataon bago sila tuluyang umalis.

Inihatid na sila ni Clarisse sa labas dahil hindi naman ako pwedeng lumabas ng bakuran. Pagbalik ko, nagtungo na ako sa dati kong selda at doon maghihintay sa mahabang panahon hanggang sa araw ng aking paglaya.

 

~ After five years ~

Malia’s POV

Hay, ano ba naman ‘to! Naparami yata ang napamili ko. Paano ko bang dadalhin ‘to lahat? Hindi ko naman na puwedeng ibalik dahil bayad ko na. Shunga-shunga ko talaga minsan, kainis!

“Brent, anak. Dito ka na muna, okay? Sandali lang si Ninang ha,” bilin ko sa inaanak ko habang inaayos ang mga bitbit. Hahanap lang ako ng pwedeng tumulong sa amin. “‘Wag kang aalis diyan ha? Kung saan kita iniwan, dapat nandito ka pa rin pagbalik ko, ayos ba?”

“Opo, Ninang. Behave lang po ako rito. Hindi ako aalis, promise,” sagot nito habang nakangiti. Napangiti rin ako dahil sa sobrang bait at cute ng batang ito. Hindi talaga ako nahirapan na alagaan siya sa loob ng limang taon.

“Good boy. Kiss muna si Ninang.”

At hinalikan ko na muna ito sa pisngi bago ko siya iwan saglit sa isang sulok na upuan.

Ngunit habang naglalakad ako, may biglang bumangga sa akin.

“Ay, bubwit!” gulat kong sambit.

Isang batang babae ang nadapa sa harap ko kaya agad ko itong dinaluhan at tinulungang makatayo.

“Baby girl, I'm sorry, are you okay?” tanong ko rito.

“What’s bubwit?” tanong nito habang magkadikit ang kilay na nakatingala sa akin. Natawa ako dahil nga hindi nito maintindihan ang nasabi kong salita. Mukhang hindi sanay mag-Tagalog itong batang ito. Nasaan na ba ang bantay niya?

“Ah… ‘bubwit’… ano iyon… maliit na daga lang ‘yun,” natatawang paliwanag ko rito.

“Brianna!”

Napalingon kaming pareho sa biglang sumigaw. Mukhang ito nga ang hinahanap niya. Gano’n na lang ang gulat ko nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

“Yes, Daddy! I'm here!” sigaw ng bata sabay takbo palapit sa kanya.

So, ito pala ang anak niya? Malaki na rin pala at napakaganda, may hawig sa kanya… at parang may kung anong pamilyar sa mukha niya, parang si Brent din.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko na iniwan ko pala si Brent doon sa upuan. Hindi na kailangan na makita pa ako ni Primo, lalo na ang anak ni Brenna. Aalis na sana ako nang mabilis pero bigla na lang akong hinawakan ng batang babae sa laylayan ng damit ko.

Shit! Makikita ako ni Brent!

“Brianna, where have you been? Let's go, I'll bring you home,” mahinahong utos ng lalaki.

“Daddy, wait! She told me she saw a bubwit! Can I have one?” Napangiwi ako nang sabihin niya iyon sa tatay niya. Lokong bata, gusto pa yata gawing alaga ang daga!

“What? Anong pinagsasabi mo? No! Hindi puwede! Marumi ‘yun at nakakakagat,” ma-awtoridad na sagot nito sa anak.

Ihahakbang ko na sana ang isa kong paa paalis nang mabilis, nang bigla akong tawagin ng lalaki.

“Excuse me, Ms. Anong ibig sabihin ng sinabi ng anak ko kanina?”

Paktay! Wala nang atrasan ‘to! Hinarap ko siya nang may pilit na ngiti.

“Yes? Ano iyon?”

Kitang-kita kong nanlaki ang mga mata niya at nagulat nang matitigan niya ako nang maigi.

“M-malia?”

Inirapan ko siya. Siya pa ang may ganang magulat!

“Ako nga. Bakit? May problema ba?”

“Ninang!”

Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. 'No, no, no! Hindi kayo puwedeng magkita!'

Pero kung minamalas ka nga naman… tumakbo ito palapit sa akin nang mabilis. Halos itago ko na lang siya sa loob ng damit ko kung puwede lang, para hindi siya mapansin ni Primo.

“Anak, ‘di ba sabi ko ‘wag kang aalis do’n?” paalala ko kay Brent habang pilit na hinarang ang kawatan para lang hindi siya makita ni Primo.

“Pero, Ninang… naiihi na po ako. Saan po iyong CR?” tanong nito habang hindi mapalagay.

Gusto ko na lang sanang maglaho sa lupa sa kahihiyan. Lalo na nang mapansin kong nakatitig nang mabuti si Primo kay Brent. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa, at parang may kung anong kuryosidad at pagtataka sa mukha niya.

“Who's that kid, Malia? Kaninong anak 'yan?”

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 4 - Panganib

    Brenna’s POVNakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako." Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa a

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 3 - After five years

    “May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit. Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?Napakasinungaling!“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya! “Shh… baka map

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 2 - Primo's Pov

    Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa. Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako. Flashback – Rooftop“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.

  • Mini Me, Instant Daddy!   Chapter 1 - Hatol

    “One, two, three, push!” “Uhmn… aghhh!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tindi ng sakit habang umiire. Ang buong katawan ko nanginginig, pawis na pawis. “Okay, malapit na… nariyan na ang ulo. Kailangan mo nang mahabang ire. Kakayanin mo, Ms. Guevarra!” sigaw ng nagpapaanak sa akin. Tama siya. Kailangan kong ilabas ang mga anak ko nang maayos. Huminga ako nang malalim, kinagat ang telang nasa bibig ko, at buong lakas na umire. “Very good, Mommy! Ayan na!” Hingal na hingal ako, pero nung marinig ko ang unang iyak ng sanggol, napaluha ako sa saya. “Thank you, Lord…” mahinang usal ko. “Lumabas na ang baby boy. May isa pa,” sabi ng doktor. Naramdaman ko ulit ang hilab. Sakit na parang pinipiga ang katawan ko. “Push! Malapit na,” utos niyang muli. Mas mabilis lumabas ang kasunod kumpara sa una. “Okay, stop!” Ramdam kong hindi pa tuluyang lumabas ang anak ko. “Sandali lang, nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg niya. Kailangan ko muna itong alisin. Nasasakal siya,” narin

  • Mini Me, Instant Daddy!   Prologue

    “Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko. Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan? Hayst. Bahala na. “Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance. Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life. “Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim. “Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.” “Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin. Sabay silang nagtawanan. Mga hayop. Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi. “Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status