LOGINBrenna’s POVNakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako." Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa a
“May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit. Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?Napakasinungaling!“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya! “Shh… baka map
Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa. Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako. Flashback – Rooftop“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.
“One, two, three, push!” “Uhmn… aghhh!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tindi ng sakit habang umiire. Ang buong katawan ko nanginginig, pawis na pawis. “Okay, malapit na… nariyan na ang ulo. Kailangan mo nang mahabang ire. Kakayanin mo, Ms. Guevarra!” sigaw ng nagpapaanak sa akin. Tama siya. Kailangan kong ilabas ang mga anak ko nang maayos. Huminga ako nang malalim, kinagat ang telang nasa bibig ko, at buong lakas na umire. “Very good, Mommy! Ayan na!” Hingal na hingal ako, pero nung marinig ko ang unang iyak ng sanggol, napaluha ako sa saya. “Thank you, Lord…” mahinang usal ko. “Lumabas na ang baby boy. May isa pa,” sabi ng doktor. Naramdaman ko ulit ang hilab. Sakit na parang pinipiga ang katawan ko. “Push! Malapit na,” utos niyang muli. Mas mabilis lumabas ang kasunod kumpara sa una. “Okay, stop!” Ramdam kong hindi pa tuluyang lumabas ang anak ko. “Sandali lang, nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg niya. Kailangan ko muna itong alisin. Nasasakal siya,” narin
“Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko. Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan? Hayst. Bahala na. “Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance. Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life. “Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim. “Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.” “Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin. Sabay silang nagtawanan. Mga hayop. Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi. “Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa k







