Karen
"Miss?" tanong pa ng guapong Doktor sa aking harapan. Hindi ko alam kung anong pangalan nito dahil nakatanggal sa katawan nito ang suot niyang kulay puti kung saan naroon ang pangalan niya. "Are you alright? May nararamdaman ka ba?" Hahawakan sana ako nito nang umatras ako kaya hindi niya natuloy. "Huwag kang matakot? May masakit ba sa 'yo?" Yumuko pa ito upang mapantayan ako, masyado kasi siyang matangkad. Kaya lalo kong napagmasdan ang mukha nitong perpekto kong tingnan. Makinis na balat, matangos na ilong, mahabang pilik-mata. Kumbaga lahat ng katangian ng isang lalake na gusto ko ay nasa kanya. Akala ko si Lee Min Ho lang ang guapo para sa akin. Pero mayroon pa pala at totoong nasa harapan ko na. "Wala! Hindi ako magpapatingin, hmmp. Oh, ayan i*****k n'yo sa baga n'yo yang Doktor na 'yan," sabi ko pa sa mga taong inagawan ko ng pila. At tinalikuran sila. Kumikibot-kibot ang nguso ko nang marinig kong magsalita ang isa sa kanila. "Ang sabihin mo hindi ka niya type," pang-aasar pa niyang sabi. Pero hindi ko na pinakinggan at deretso na akong lumabas pabalik sa aking tindahan. At gaya kanina, wala pa ring katao-tao. "Mang Tonio, may bumili po ba?" tanong ko sa matanda na naghahain ng pagkain sa nag-iisang costumer niya. "Wala eh, kumanta na nga ako gaya ng kanta mo kanina pero wala talaga," umiiling pa nitong ani. "Hayaan n'yo na ho, magsasara na lang ako." Nag-ligpit na ako ng paninda. Dahil marami pa ang natira kaya kailangan ko muna iwanan ang mga paninda ko kanila Mang Tonio. "Iiwan ko ho muna Mang Tonio," paalam ko. "Oh sige, mag-iingat ka sa pag-uwi." Umuwi ako na tanging dalawang kilong bigas at kalahating kilo ng galunggong lang ang aking nabili. Kakaunti lang kasi ang benta ko sa araw na ito. Dahil sa libreng gamot at pakunsulta pa ang mga Doktor na mala-anghel ang mga mukha. Maggagabi na nang makarating ako sa bahay, buti nalang may dala akong maliit na ice-box kaya hindi bumaho ang dala kong isda para kay lola. Oo at sagana kami sa gulay at prutas dahil tanim lang ito ni Lola, pero kailangan din namin ang isda lalo ng Lola ko dahil sa Protina at Vitamin D na nakukuha dito. Ito ay nagtataglay rin ng Omega-3 fatty acids na mahalaga sa katawan at utak, lalo na ang Sardinas, Mackerel, tilapia at salmon. Kaya kung hindi ako nakakabili ng sariwang isda ay sa sardinas kami nauuwi ni Lola. Minsan lang kami kumain ng karne dahil sa presyo nitong ginto. Nag-mano ako kay Lola at inumpisahang lutuin ang dala kong isda, Namitas muna ako ng Okra at Dahon ng Sili na siyang ginawa kong gulay para sa sabaw nito at ang iba naman ay pinirito ko para pagkain namin bukas. "Apo, ayos lang 'yan. Minsan talaga walang benta, pero huwag mawalan ng pag-asa, malay mo bukas makabawi ka," ani ni Lola sa akin. "Opo lola, ako pa ba?" Hindi ko sinabi kay Lola ang tungkol sa mga guapong Doktor sa Bayan. Sasabihin na naman kasi nito na lalandiin ko lang daw. Nasa higaan na ako ngayon at hindi dalawin ng antok. Iniisip ko kasi na sayang ang pagkakataon ko kanina. Malay mo maibigan niya ako at magkakilanlan kami. Pero biglang nagbago ang isip ko. Naalala ko kasi ang mga paalala ni Lola sa akin, lalo na at dayuhan sila. Baka bigla nilang kunin ang aking puri tapos saan ko sila hahagilapin at saka inisip ko din na malayo ang aming estado sa buhay at imposible na magkagusto siya sa akin. Kaya kahit crush ko na siya ay umatras pa rin ako. Kinabukasan ay maaga akong naggayak upang maka-alis ng maaga para makarami ng benta. Wala naman akong dadalhin dahil nasa karenderya na nila Mang Tonio at Aling Mameng ang paninda ko. Alas-singko pa naman ng umaga kaya tulog pa si Lola. Aalis na sana ako nang magawi ang aking tingin sa isang bote na pinagbabawal ni Lola na dalhin ko at ibenta. Hindi ko alam kung para saan ang gamot na iyon pero mukhang importante at mabisa. Kaya kumuha ako ng isang bote at pinalitan ng bote na kagaya lang din nito para hindi halata. Malay mo maibenta ko. Habang nasa daan ay inusisa ko ang nakalagay sa bote, at nanlaki ang aking mata dahil sa nalakagay na halatang sulat kamay ng Lola ko. "PAMPATIGAS NG T*TI." Natutup ko agad ang aking bibig at biglang tinakpan ang aking mukha nang mapagtanto kong napalakas yata ako ng pagkakabasa kaya narinig ng aking mga katabi. Puros matatanda pa naman ang mga ito at iilan sa kanila'y kasama pa ang kanilang mga asawa. "Ineng, ano kamo? Pampatigas ng ano?" 'di nakatiis na tanong sa akin ng aking katabing matandang lalaki. Kagat-labi akong humarap sa kanila. "Wala ho, pampatigas ng ano pero ng kabayo at hindi ng tao," napapailing kong paliwanag. "Ahh, ganoon ba? Sayang naman, akala ko may pag-asa na ako upang marating ko ulit ang langit." Sabay-sabay pa ang mga ito sa pag-buntonghininga na para bang lahat sila'y nanghinayang. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at umidlip na lamang ako. "Karen, dumating na tayo sa bayan." Tapik sa akin ni Mang Tomas, ang suki kong bumabyahe sa Bayan na hindi ako pinagbabayad. Magiging Apo rin daw ako nito balang araw. Diyos ko po, balak pa yatang ligawan ang Lola ko. Mabuti pa ang Lola luma-love life, samantalang ako, zero. "My loves, magandang umaga." Meron naman pala si Mando, pero di-bale na lang. "Ikaw Mando, huwag mo sisirain ang umaga ko, parang awa mo na," nakiki-usap kong ani kay Mando. "My loves, sabi ko DJ, hindi Mando," Nnapapakamot nitong ani. Hmm, infairness mukha siyang tao ngayon. Bagong ligo kasi siya at hindi amoy pamada. "Guapo na ba ako sa iyong paningin?" nagpapa-cute nitong tanong habang may pa kindat-kindat pang nalalaman. Kaya imbes na mainis ako'y natawa na lamang ako sa kanya. "P'wede na, nga pala saan ba ang lakad mo, may burol ba?" "Wala, may sayawan mamayang gabi sa Plaza, kaya iimbitahan kita para maging kapareha ... "Magtigil ka, wala akong oras diyan. Umalis ka nga sa harapan ko, gigil mo ako, naku!" Nagtatakbo naman ito nang aambangan ko na itong hampasin ng kahoy na hawak ko. "Mas gugustuhin kong tatandang dalaga na lang ako, kaysa patulan kita Mando," natatawa kong ani. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng paninda at sinimulan na naman magtawag. Hindi kasi effective ang pagkanta ko kahapon. Medyo masaya na ako ngayon dahil matao na, wala na kasi ang mga Doktor sa barangay. "Mga Ate, Kuya, Brothers, and Sisters. Kayo ba ay may pinagdadaanan sa buhay? Maraming sikreto, o secret? Na tinatago sa engles ay hiding sa katawan o body? Huwag mag-alala ... don't you worry, Miss Quack is here at your service," paunang sigaw ko sa mga dumaraan. May nakapansin naman sa akin kaya lumapit ito. "Miss, pabili ako ng gamot sa kati-kati." Natuwa naman ako dahil meron ako nang hinahanap niya. "Tamang-tama Ate, mayroon po tayo n'yan. Kati sa balat, sa buhok, sa singit, mga alipunga lahat-lahat ng may makati ay kayang gamutin niyan," pagmamalaki kong sabi. "Sige bibili ako, mga dalawang bote, magkano ba?" masayang tanong nito. "250 pesos lang po isang bote." Masaya kong ibinalot sa kanya ang dalawang bote ng gamot Aba! mabisa naman kasi ang mga gawa namin ni Lola, di-kaliyad. Kung ang mga sikat na Pharmacist ay may sari-sariling tagline. Aba'y hindi rin kami magpapahuli ni Lola. "Salamat, naku! Magagamot na ang kati-kati ng asawa ko sa mga babae, salamat ha," sabi ng Ale at tinalikuran na ako. Ang saya-saya pa niya. Nakatulala lang ako at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Hindi naman niya kasi sinabi na para sa asawa niyang maharot sa babae ang gamot. Aba, wala ako n'on, himala lang makagagamot d'on o kaya tanggalan ng kaligayahan. May sa malas yata ang babaeng iyon. Naubusan na ako ng tagline at boses ay wala ng bumili. kahit tawas man lang. Kaya tanghali na'y hindi pa rin ako kumakain. "Hija Karen, kumain ka na, halika na rito at libre na lang, kaysa sumasayad na iyang nguso mo sa lupa sa kaka-simangot mo riyan," tawag pansin sa akin ni Aling Mameng. "Mamaya na ho, wala pa akong gana, salamat po." Libre na nga ang sinabi nito'y tila hindi ako nagka-interes. Paano kasi iniisip ko na malapit na naman dumating ang pasukan ang kaso isang libo pa lang ang naipon ko. Hindi naman ako makakuha ng scholar kasi 78 lang ang average ko sa card, hindi raw pasok ayon sa eskwelahan. Kaya nakapangalumbaba ako sa aking mesa at tila inaantok at pinikit na lamang ang aking mga mata, pero maya-maya'y may biglang kumatok malapit sa aking kaliwang tainga na ikinagulat ko. Isang magandang nilalang ang siyang nabungaran ko. Nakatulala akong awang ang bibig habang pinagmamasdan siya. Napakaganda niya kasi, ang kinis ng kutis, perpektong balat, at halatang mataas ang pinag-aralan. "Miss, I need some Herbal medicine; I hope you might have some." At ang boses niya kay sarap kung pakinggan, parang bumabaliktad na yata ako't nagka-crush bigla sa kanya. "Medicine? Gamot iyon 'di ba?" tanong ko saka umayos ng tayo upang harapin siya. Hindi nakaligtas sa akin na pagmasdan ito mula ulo hanggang paa. Mala-porselanang kutis, magandang hubog ng katawan at malaking suso, sa madalinmg salita, perfect. "Oo, sana meron ka nito." At idinikit ang bibig sa aking tainga upang bumulong. Mabango ang bibig niya pero kinilabutan ako at nanayo ang balahibo ko, napagtanto kong straight pa rin pala ako. "Mayroon ka ba n'on? Please I need it for my boyfriend, kahit magkano bibilhin ko, baka umepekto sa kanya this time." Hindi ko masyado dinig ang sinabi nito basta nadinig ko lang ay hard, so sa tagalog matigas tapos sinabi niyang boyfriend so baka 'yon na nga ang hinahanap niya. "Meron, kaso mahal ang isang bote, sampung libo," balewala kong sabi. Alam ko naman na aalis siya. Ano siya tanga? Bibili ng sampong libo para sa gamot na hindi naman sigurado. "Okay, I'll get it," nanlaki ang aking mata nang iniabot nito sa akin ang malutong na tig-iisang libo. Kumukurap-kurap pa ang aking mata at natatakot na kunin, baka sabihin nito bigla ang salitang, It's a prank. "Miss ito na." "Sure, po kayo?" paninigurado kong tanong. "Of course, mukha ba akong nagbibiro?" Kinuha ko na lamang sa ilalim ng mesa ang bote at ibinigay ito sa kanya. "Here's the payment; thank you, Miss." At sumakay na nga ito sa magarang kotse. "Uto-uto ba 'yong babae na 'yon?" Bahala siya lord, hindi ko naman po ipinilit hindi ba? Masaya akong nagligpit ng maaga, para maaga makauwi. Panigurado may pang matrikula na ako. At dahil kumita ako ng malaki kaya bumili ako ng lutong karne para lumakas naman ang mga buto ni Lola. Pakanta-kanta akong sumasayaw pauwi sa bahay namin ni Lola nang makasalubong ko si Luningning. "Oh, Ning-ning, nagmamadali ka yata," pansin kong bati sa kanya. Ayos na ayos ito at ang pula ng tuka. "Karen, ahhh, dali sama ka sa akin, nagpaalam na ako sa Lolo Engrasya mo," nagtititili nitong sabi at hinila ako. "Saglit, saan ba tayo pupunta?" ireta kong tanong sa kanya. "Sa Bayan, may sayawan d'on, kaya halika na." "Saglit nga, ibibigay ko muna ito kay Lola at kakain muna ako, balikan mo ako matapos ang isang oras sa bahay." Wala na ngang nagawa ito't dumiretso na rin ako sa bahay. Ininit ko lang ang bulalong binili ko, at sabay kaming kumain ni Lola. Hindi na naman nagreklamo itong si Lola at sinabihan pa akong magsaya na rin daw ako kung minsan. Isinuot ko ang damit na nabili ko lang sa ukay-ukay at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Maya-maya nga'y nariyan na si Ning-ning, sakay ng owner type jeep na siyang ginamit namin. Marunong siyang magmaneho kaya hindi ako nag-aalala. At dahil halos liparin na ni Ning-ning ang pagpapatakbo nito kaya sakto lang ang dating namin sa plaza. "Halika na dali." Inayos ko muna ang buhok kong nagulo at tumingin sa side mirror ng sasakyan saka ako sumunod sa kanya. "Wow! Ang saya Karen, diyan ka lang ha, hanapin ko muna ang boyfriend ko," ani nito. Naiwan akong mag-isa at umupo na lamang sa upuang nasa tabi, wala naman ako kilala at hindi ako sanay sa maingay. Umabot ng higit isang oras ay hindi na mahagilap ng aking mata si Ning-ning. Aalis na sana ako nang may biglang humila sa aking kamay. "Miss, kanina pa kita tinitingnan, walang lumalapit sa 'yo kaya baka puwede kang maisayaw? " antipatikong tanong sa akin ng lalaking lumapit. Ayos na sana eh, guapo siya kaya lang parang utang na loob ko pa na isayaw niya ako. "Hindi bale na lang, ayaw ko makipag-sayaw sa mayabang at lasing na gaya mo" pagtataray ko at tinalikuran siya. Ngunit hinabol pa talaga ako at pinilit na hinila sa gitna. "Huwag kana, pakipot, halika na," sabi nito at hinila pa ako nang hinila. "Hoy! bitawan mo nga ako ..." handa ko na sana siyang sikmuraan ng magulat sa braso ng lalaki na maugat-ugat pa at walang ka hirap-hirap nitong pinilipit ang braso ng lalaking lasing sa humila sa akin. "She said no, Dude, so back off." Walang nagawa ang lalake lalo na at inilabas siya ng mga tanod na nag-iikot sa lugar. "Salamat, Sir." At nang lingunin ko ang lalakeng tumulong sa akin ay walang iba kundi ang guapong Doktor na single at hindi mukhang masungit. "Are you alright Miss?" Bumilis bigla ang kabog ng puso ko nang may pag-aalala niyang tingnan ang aking braso, bago ito sa akin tumingin na may napakatamis na ngiti sa labi.Karen/Christine "Paul! ahhhh, Sweetie na-miss ko 'yan!" malakas kong halinghing habang nagpapakasasa sa sarap dulot ng mga labi ni Paul na sobra ko ring na-miss. Narito kami ngayon sa bahay kubo namin ni Lola. Dinala ako ni Paul dito, baka raw magising ang aming mga anak lalo pa at maingay raw ako. Gaya ngayon ramdam na ramdam ko ang kahabaan ang dila niya sa loob ng pagkababae ko ngunit hindi ko naman siya makita dahil sa laki ng aking tiyan. "Sweetie, I'm craving for this too," tukoy nito sa aking pagkababae. "Paul, sige pa, ahhh." namimilipit sa sarap kong sagot. Bakit ba pagdating sa ganitong kainan ay nangunguna itong si Paul? Pakiramdam ko kasi'y matatanggal na nito ang aking maliit na pearl na kanina pa nito sinisipsip. Wala itong pakialam kong nakapag-ahit ba ako o hindi. Aba! bahala siya, sa gusto niya kaya tatanggi pa ba ako. Maya-maya'y naabot ng aking kamay ang buhok nito. Walang babala ko itong sinabunutan kasabay nang marating ko ang sukdulan. Inalis nit
Karen/Christine "Ayan, Lola Engrasya, maayos na ang bahay ninyo." Mabilis lumipas ang mga araw. Limang buwan na rin ang ipinagbubuntis ko. Narito kami ngayon sa Baryo Pag-asa. Medyo malawak naman ang lupain na ipinamana sa akin ni Lola. Kaya sa tulong ni Lolo Christ ay nakapagpatayo kami rito ng bahay, sa tabi ng bahay kubo namin ni Lola. Hindi ko binago ang design ng bahay namin. Gusto ko kasing pagpasok ko'y manunumbalik sa aking alaala ang mga panahong palagi niya akong sinisermunan. Mga panahong inaalagaan niya ako't masaya kaming magkasama kahit salat sa salapi. Tanging ang bubong at dingding lamang ang ipinaayos ko, maliban doon ay wala na akong binago. Pinalagyan ko lang ng bakod ang lawak ng lupain ni Lola kaya nasa loob na rin ang kanilang puntod. Ginawa ko lang itong parang isang musileyo. Pasasalamat ko ito dahil hindi nila ako pinabayaan. Malinaw na rin sa akin ang lahat, kung paano akong napunta sa kanila. Naikwento sa akin ito ni Aling Luring, ang nanay
Karen/Christine “I have two sons, Christopher Junior, my eldest, and Christian. My two daughters, Crishayne and Christina, died many years ago after she gave birth. And because of an accident, we thought her daughter died too, but luckily, she's not. And we finally found her after 22 years. I am happy to introduce my long-lost granddaughter, Christine.” Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga paa. Nang marinig ko ang tawag sa akin ni Lolo. Naninibago man ako bilang si Christine ay kailangan ko ng sanayin ang aking sarili. Ako pa rin naman si Karen. Pangalan ko lang ang nagbago. Huling baitang na ng hagdanan nang salubungin ako ni Miguel, isa sa anak ng kasosyo ni Lolo sa negosyo. “I have never seen anyone as beautiful as you, Christine,” salubong nitong sabi sa akin. “Thank you, Mr. Guzman, mambobola ka pala,” nakangiti kong sagot. “Nagsasabi lang ako ng totoo,” ani pa nito. Hindi ko na lamang siya sinagot at lumapit na kay Lolo sa gitna ng entablado. “Ladies and
“Should anyone present know of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony, speak now or forever hold your peace,” tanong ng Pari. Tahimik ang lahat hanggang lumabas ang isang sopistikadang babae upang ito’y tumutol. “I object!” sigaw nito at naglakad sa harapan. “Shayne Holly?! But why? May relasyon ba kayo ni Paul?” nagtatakang tanong ni Mr. Humes. “Hmm, Kuya Fidel wala sa akin, pero sa pamangkin ko, meron,” sagot ni Shayne. “Miss Holly, please don’t make a scene here and interrupt for my daughter's wedding! Father, please continue,” ani naman ni Ginang Humes ang Mommy ni Criselda. “What? Me, actually I have no intention of ruining your daughter's wedding. But … “Shayne, ano ba’ng eksena ito? Huwag mong sabihin na karelasyon mo si Paulo?” galit na tanong muli ni Mr. Humes. “Of course not, Kuya Fidel, but to your real daughter Christine, yes,” sagot nito. “What are you talking about?” “See it for yourself and try to look at her face, Kuy
Karen Naging tahimik ang paligid sa amin ni Paul. Nanatili pa rin ako sa kanyang tabi. Kailangan niya ako ngayon. Saka ko na lamang iisipin ang tungkol sa aming dalawa. Hindi man sabihin ni Paul sa akin kung ano ang saloobin niya’y alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa biglaang pagkawala ng Lola niya. Ramdam ko ang sakit. Ganyan na ganyan din ako noon nang mamatay si Lola ko. Pero iba si Paul. Hindi ko na siya nakita pa na umiyak kahit sa huling hantungan ng Lola niya. Wala siyang nais na makausap. Maski ako’y hindi niya gaano kinakausap. Hindi rin siya halos sa akin tumatabi sa pagtulog. Hinahayaan ko na lamang ito’t nauunawaan ang kanyang pinagdaraanan. Nag-leave din siya sa trabaho at maski ang mga kaibigan nito’y hindi niya gaano kinakausap. Gusto lagi ay mapag-isa. Kinausap rin ako ng Mama niya at tinanong kong may sinasabi raw ba sa akin si Paul. Wala akong maisagot. Dahil maski ako’y nilalayuan niya. Ang sabi lang nila sa akin ay habaan ko ang pas
KAREN "Hindi ba si Cris ang ... "She is, ayaw kong pakasalan si Cris kaya kinuha nila sa amin ang full Authority ng negosyong pinaghirapan ni Abuelo at Abuela." Natigilan ako sa sinabi ni Paul at napaupo. "What's wrong?" tanong niya. Nagsimula magkwento si Paul ng kabataan nila ni Cris. May naganap daw na kasunduan noon ang Lolo niya at Lolo ni Cris, na pagdating daw ng araw ay magpapakasal ang kanilang mga apo. Pero maagang namatay ang Lolo niya at tutol naman si Abuela kaya hindi na natupad ang kasunduan. Hanggang malaman na lang daw nila na bigla na lang kinuha sa kanila ang pamamalakad ng kompanya nila. May pinakita raw na katibayan ang Papa ni Cris sa naganap na kasunduan noon na nagsasabing kapag hindi natupad ang usapan nila'y mapupunta sa mga Humes ang kompanyang pinaghirapan ng Lolo ni Paul. "Wala naman, sumagi lang sa isip ko na isa pala ako sa dahilan kung bakit ka nahihirapan," seryoso kong turan at tiningnan siya. Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng aking mga