Share

Chapter 4

Author: Miss Patty
last update Last Updated: 2025-01-06 21:10:08

Karen

Lalong bumilis ang kabog ng puso ko nang hawakan ako nito upang gabayan paupo. Nangatog bigla ang tuhod ko’t napatakbo ng wala sa oras sa mga upuan at muntik pa akong masubsob.

"Careful, Sweetie." Ano raw? Ako sweetie? Kinilig ako 'don ah. Pero ako si Karen Isidro at hindi kalad-Karen kaya dapat may pagka-dalagang Pilipina pa rin ako.

"You're blushing, Sweetie," sabi pa nito sabay kurot sa aking pisngi. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapakagat-labi. Kinikilig kasi ako pero kailangan kong pigilan dahil gusto kong panindigan ang pagiging dalagang Pilipina. Kaya lang, ang kilig na nararamdaman ko'y biglang bumaba at gustong lumabas sa aking pang-upo. Sa labis na taranta ko'y tumayo ako ng mabilis palayo sa kanya saka nagtago sa madilim na parte at pinakawalan ang kilig ko na nauwi sa puwet kaya nagbuga ng masamang hangin.

“Salamat, muntik na ako r’on ah," sabi ko. Madilim naman na bahagi ito kaya walang nakakikita sa akin. Pinagpag ko pa ang aking suot na dress para kumawala lahat ng amoy. Nakahihiya pag may-natira at maamoy ako. Pabalik na sana ako sa aking guwapong Doktor nang may marinig ako mula sa aking likuran.

"Ang baho ng bibig mo yak kadiri! Diyan ka na nga." Mukhang naghahalikan ang dalawa sa madilim na parte. Marahil sila ang maswerteng naka-amoy ng pinakawalan ko kanina.

"Saan ka galing Sweetie? tanong ni Dok, pagbalik ko.

"Tigilan mo nga ako sa kaka-Sweetie mo. Karen ang pangalan ko," sabi ko at naupo sa tabi niya. Inaayos ko ang aking suot nang may malaking kamay na maugat sa aking harapan. Nang lingunin ko ito'y walang iba kundi si Dok crush.

"Hi, Karen, my name is Paulo, but you can call me Paul," nakangiting sabi nito habang nasa harapan ko pa rin ang kanyang kamay. Pasimpli ko namang inipunas ang palad ko sa aking suot saka ini-abot sa kanya.

Nag-shake hands kami. Pero mukhang ayaw pa rin nito bitawan ang kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-init ang aking mukha sa simple nitong pagpisil at kagat-labi.

Grabe, maiihi na yata ako sa sobrang guwapo niya. At dahil gusto kong makasiguro’y kinurot ko ang aking binti gamit ang isang kamay upang subukan kong panaginip ba ito or totoo.

"Aray!" sigaw ko. Dahil sa sobrang lakas ng kurot ko sa sarili’y napasigaw ako ng wala sa oras habang nakatitig kami sa isa't isa. At dahil ayaw kong mapahiya kaya nagdahilan na lamang ako ng iba.

"Aray, aray naku. Kay sakit naman ng ginawa mo-- kanta 'yan Paul. Kakantahan ko kasi ang kaibigan kong bigo sa pag-ibig, kaya nagpa-practice ako," napapailing kong kunyaring dahilan. Sana ay makalusot at bitawan na niya ang kamay kong namamawis na sa sobrang kaba ko at nerbyos. Ngunit bumunghalit lamang ito ng tawa kaya tuluyan niyang nabitawan ang aking kamay. Tawang-tawa ito dahil lamang sa aking pag-kanta. Parang gusto ko na sanang maasar at sapakin ito pero sayang naman ang guwapo niyang mukha, kaya saka na lang.

"Ha, ha, you made my night complete, Karen; you are such a funny and lovely lady; you reminded me of someone," tuloy-tuloy nitong sabi. Parang nag-loading sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Funny lang ang naintindihan ko sa sinabi niya dahil sobrang bilis niya itong binigkas. Kaya nagpakawala rin ako ng tawa at hinampas siya sa braso. Ngunit ako lamang ang siyang nasaktan sa tigas nito.

"Ha, ha, ha, you're funnier too," sagot ko rin sa kanya at sinabayan siya sa pagtawa.

Pero imbes na magalit ay hinila na lamang ako nito patayo at tuluyang lumabas.

"Come on, let's find some quiet place," nakangiti nitong ani. Wala na akong nagawa kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Masyado nga naman maingay sa loob at kanina pa sumasakit ang tenga ko.

May pinindot siya gamit ang maliit na remote na nasa kanyang bulsa kaya umilaw at tumunog ang magarang sasakyan na kulay pula saka niya binuksan ang pinto at inutusan akong pumasok. Pagkapasok ko'y umikot na naman ito sa kabila saka umupo sa manibela.

"Paul, saan tayo pupunta?" maya-maya ay tanong ko sa kanya. Hindi siya kaagad sumagot at pinatakbo na lamang ang sasakyan papunta sa kung saan.

"Basta, magugustuhan mo roon," sagot niya. Kinakabahan man ako'y pinilit ko itong iwaglit sa aking isipan. Hindi naman siya siguro masamang tao at magaan agad ang loob ko sa kanya. Siguro kasi crush ko siya? Kasi guwapo siya? Naku! kung malalaman lang ni lola ito'y paniguradong makukurot ako sa singit.

"Nandito na tayo," sabi nito. Hindi ko na namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan at nasa labas na siya upang pagbuksan ako ng pinto. Pinigilan kong muli ang kiligin at baka kung saan na naman mauwi ito.

"Salamat Paul," nakangiti kong sabi. Palagay ko'y hindi niya ako nakilala. Sa bagay ang pangit pala ng suot ko noong nakaraang araw, hindi gaya ngayon na naka-dress at may kunting kolorete sa mukha.

"Ilang taon ka na pala Karen?" tanong naman nito nang mapa-upo kami sa mesa na mukhang mamahalin. Restaurant pala itong pinuntahan namin sa karatig Bayan, kaya hindi pamilyar sa akin.

"Twenty years old," sagot ko. Ini-abot sa akin ng waitress ang isang parang songbook, pero pagkain ang mga nakalagay imbes na kanta.

"Are you still studying? I mean nag-aaral ka pa ba?" Narinig ko ang tanong nito sa akin pero hindi ako makasagot dahil sa presyo na nakikita ko sa bawat pagkain. Naghahanap pa naman ako ng mura. Pero halagang limang-daan lamang ang pinakamurang presyo.

"Ang mahal naman dito sa resturan Ninyo. Hala! kay Aling Mameng ang sing-kwenta pesos mo'y may ulam at kanin ka na, may kasama pang softdrinks," sabi ko sa waitress. Pero napalakas yata kaya nagkatinginan ang ibang kumakain at nagbulungan.

"Ma'am, sorry po, pero hindi po ito karenderya, this is a high-class Restaurant and not restaurant," pagtatama nito sa akin, pareho lang naman iyon kulang lang ng letter T. Ang arte naman nito. Sasagot na sana ako pero itong si Paul ang siyang sumagot para sa akin.

"Miss, ako na lang ang mag-o-order. But I think you owe her an apologised, bago kita isumbong sa manager ninyo dahil sa behavior mo sa mga costumers," seryosong sabi ni Paul. Hala, galit ba siya sa babae?

"I'm sorry, Ma'am," hingi nito ng pasensya sa akin habang nakayuko ito.

"Ano ka ba?! Ayos lang 'yon, sige na, sorry din kasi nabigla lang ako sa presyo. First time kong kumain ng ganito ka-mahal," hingi ko rin ng paumanhin. May kasalanan din naman kasi ako.

Maya-maya'y naka-order na nga si Paul at na-i-serve na rin ito sa amin.

"Grabe naman, Paul, matabang ang lasa? Ganito ba talaga dito?" bulong ko sa aking katabi na natatawa habang kumakain ng hilaw na pagkain. Parang may dugo pa kasi.

"Okay, next time, sa karenderya ni Aling Mameng tayo kakain," napapailing pa nitong sabi, habang abala sa pagkain. Napakagat-labi naman ako. Ibig sabihin may next time pa, kaya magkikita pa kami?

Parang tumatalon tuloy ang puso ko sa tuwa dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin magtatagal pa sila dito sa Bayan namin?

"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Hindi ko na inusisa kong gaano ba sila katagal dito sa amin, baka malungkot lang ako bigla.

Matapos kami kumain ni Paul ng hilaw na pagkain ay matamis naman ang mga sunod nilang ibinigay sa amin. Isa itong cake na natutunaw sa dila pag nasa bibig muna, ang sarap. Gusto ko sana pasalubungan si Lola pero nahihiya akong magsabi kaya sa sunod na lang pag-kumita ako ng Malaki. Bibilhan ko si Lola ng cake para matikman naman niya.

Matapos kami kumain ay inaya naman ako ni Paul sa tabing-dagat. Tumanda na ako sa lugar na ito'y ngayon ko lang napansin na may dagat pala rito.

"Hala! ngayon ko lang nalaman na may malapit na beach pala rito? Gusto ko sana dalhin dito ang Lola ko," sabi ko habang lumalanghap ng sariwang hangin na galing sa dagat. Natatanggal ang bubong ng kanyang sasakyan kaya sakto lang ang aming puwesto.

"Lola? Nasaan pala ang mga parents mo?" tanong nito habang umiinom ng beer na nasa lata.

"Bata pa lang ako, ulilang lubos na sa Nanay at Tatay. Si Lola ang nagpalaki at kasa-kasama ko hanggang sa kasalukuyan," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nang nilingon ko ito’y gahibla na pala ang lapit ng kanyang mukha sa akin. Kaya nagkanda-duling na tuloy ako at napa-atras bigla kasabay ng biglang pagsara ng bubong ng kanyang sasakyan ang tuluyang pagdikit din ng kanyang malambot na labi sa aking labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Miss Quack meets Doc Paul   Chapter 36

    Karen/Christine "Paul! ahhhh, Sweetie na-miss ko 'yan!" malakas kong halinghing habang nagpapakasasa sa sarap dulot ng mga labi ni Paul na sobra ko ring na-miss. Narito kami ngayon sa bahay kubo namin ni Lola. Dinala ako ni Paul dito, baka raw magising ang aming mga anak lalo pa at maingay raw ako. Gaya ngayon ramdam na ramdam ko ang kahabaan ang dila niya sa loob ng pagkababae ko ngunit hindi ko naman siya makita dahil sa laki ng aking tiyan. "Sweetie, I'm craving for this too," tukoy nito sa aking pagkababae. "Paul, sige pa, ahhh." namimilipit sa sarap kong sagot. Bakit ba pagdating sa ganitong kainan ay nangunguna itong si Paul? Pakiramdam ko kasi'y matatanggal na nito ang aking maliit na pearl na kanina pa nito sinisipsip. Wala itong pakialam kong nakapag-ahit ba ako o hindi. Aba! bahala siya, sa gusto niya kaya tatanggi pa ba ako. Maya-maya'y naabot ng aking kamay ang buhok nito. Walang babala ko itong sinabunutan kasabay nang marating ko ang sukdulan. Inalis nit

  • Miss Quack meets Doc Paul   Chapter 36

    Karen/Christine "Ayan, Lola Engrasya, maayos na ang bahay ninyo." Mabilis lumipas ang mga araw. Limang buwan na rin ang ipinagbubuntis ko. Narito kami ngayon sa Baryo Pag-asa. Medyo malawak naman ang lupain na ipinamana sa akin ni Lola. Kaya sa tulong ni Lolo Christ ay nakapagpatayo kami rito ng bahay, sa tabi ng bahay kubo namin ni Lola. Hindi ko binago ang design ng bahay namin. Gusto ko kasing pagpasok ko'y manunumbalik sa aking alaala ang mga panahong palagi niya akong sinisermunan. Mga panahong inaalagaan niya ako't masaya kaming magkasama kahit salat sa salapi. Tanging ang bubong at dingding lamang ang ipinaayos ko, maliban doon ay wala na akong binago. Pinalagyan ko lang ng bakod ang lawak ng lupain ni Lola kaya nasa loob na rin ang kanilang puntod. Ginawa ko lang itong parang isang musileyo. Pasasalamat ko ito dahil hindi nila ako pinabayaan. Malinaw na rin sa akin ang lahat, kung paano akong napunta sa kanila. Naikwento sa akin ito ni Aling Luring, ang nanay

  • Miss Quack meets Doc Paul   chapter 35

    Karen/Christine “I have two sons, Christopher Junior, my eldest, and Christian. My two daughters, Crishayne and Christina, died many years ago after she gave birth. And because of an accident, we thought her daughter died too, but luckily, she's not. And we finally found her after 22 years. I am happy to introduce my long-lost granddaughter, Christine.” Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga paa. Nang marinig ko ang tawag sa akin ni Lolo. Naninibago man ako bilang si Christine ay kailangan ko ng sanayin ang aking sarili. Ako pa rin naman si Karen. Pangalan ko lang ang nagbago. Huling baitang na ng hagdanan nang salubungin ako ni Miguel, isa sa anak ng kasosyo ni Lolo sa negosyo. “I have never seen anyone as beautiful as you, Christine,” salubong nitong sabi sa akin. “Thank you, Mr. Guzman, mambobola ka pala,” nakangiti kong sagot. “Nagsasabi lang ako ng totoo,” ani pa nito. Hindi ko na lamang siya sinagot at lumapit na kay Lolo sa gitna ng entablado. “Ladies and

  • Miss Quack meets Doc Paul   Chapter 34

    “Should anyone present know of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony, speak now or forever hold your peace,” tanong ng Pari. Tahimik ang lahat hanggang lumabas ang isang sopistikadang babae upang ito’y tumutol. “I object!” sigaw nito at naglakad sa harapan. “Shayne Holly?! But why? May relasyon ba kayo ni Paul?” nagtatakang tanong ni Mr. Humes. “Hmm, Kuya Fidel wala sa akin, pero sa pamangkin ko, meron,” sagot ni Shayne. “Miss Holly, please don’t make a scene here and interrupt for my daughter's wedding! Father, please continue,” ani naman ni Ginang Humes ang Mommy ni Criselda. “What? Me, actually I have no intention of ruining your daughter's wedding. But … “Shayne, ano ba’ng eksena ito? Huwag mong sabihin na karelasyon mo si Paulo?” galit na tanong muli ni Mr. Humes. “Of course not, Kuya Fidel, but to your real daughter Christine, yes,” sagot nito. “What are you talking about?” “See it for yourself and try to look at her face, Kuy

  • Miss Quack meets Doc Paul   Chapter 33

    Karen Naging tahimik ang paligid sa amin ni Paul. Nanatili pa rin ako sa kanyang tabi. Kailangan niya ako ngayon. Saka ko na lamang iisipin ang tungkol sa aming dalawa. Hindi man sabihin ni Paul sa akin kung ano ang saloobin niya’y alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa biglaang pagkawala ng Lola niya. Ramdam ko ang sakit. Ganyan na ganyan din ako noon nang mamatay si Lola ko. Pero iba si Paul. Hindi ko na siya nakita pa na umiyak kahit sa huling hantungan ng Lola niya. Wala siyang nais na makausap. Maski ako’y hindi niya gaano kinakausap. Hindi rin siya halos sa akin tumatabi sa pagtulog. Hinahayaan ko na lamang ito’t nauunawaan ang kanyang pinagdaraanan. Nag-leave din siya sa trabaho at maski ang mga kaibigan nito’y hindi niya gaano kinakausap. Gusto lagi ay mapag-isa. Kinausap rin ako ng Mama niya at tinanong kong may sinasabi raw ba sa akin si Paul. Wala akong maisagot. Dahil maski ako’y nilalayuan niya. Ang sabi lang nila sa akin ay habaan ko ang pas

  • Miss Quack meets Doc Paul   Chapter 32

    KAREN "Hindi ba si Cris ang ... "She is, ayaw kong pakasalan si Cris kaya kinuha nila sa amin ang full Authority ng negosyong pinaghirapan ni Abuelo at Abuela." Natigilan ako sa sinabi ni Paul at napaupo. "What's wrong?" tanong niya. Nagsimula magkwento si Paul ng kabataan nila ni Cris. May naganap daw na kasunduan noon ang Lolo niya at Lolo ni Cris, na pagdating daw ng araw ay magpapakasal ang kanilang mga apo. Pero maagang namatay ang Lolo niya at tutol naman si Abuela kaya hindi na natupad ang kasunduan. Hanggang malaman na lang daw nila na bigla na lang kinuha sa kanila ang pamamalakad ng kompanya nila. May pinakita raw na katibayan ang Papa ni Cris sa naganap na kasunduan noon na nagsasabing kapag hindi natupad ang usapan nila'y mapupunta sa mga Humes ang kompanyang pinaghirapan ng Lolo ni Paul. "Wala naman, sumagi lang sa isip ko na isa pala ako sa dahilan kung bakit ka nahihirapan," seryoso kong turan at tiningnan siya. Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng aking mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status