MasukKung may isang bagay na hindi nagbago sa St. John General Hospital, iyon ay ang pagiging maingay ni Dr. Kaye.“Good morning, beautiful people!” Napatingin ang ilang nurse sa nurse station nang dumating siya, bitbit ang kaniyang bag at isang paper cup ng kape.“Doc Kaye, alas otso na po,” paalala ni Nurse Minda. Sinundan ni Kaye ng tingin ang wall clock. “Alam ko,” balewalang sabi niya na para bang hindi big deal na lagi siyang late.Ngunit makulit talaga ang nurse. “H-Hindi po ba eight o’clock ang duty ninyo?”“Correct!”“S-So, bakit ngayon ka lang?” Inilapag ni Kaye ang kape sa mesa sabay ngiti nang ubod ng tamis. “Because, Nurse Minda, the universe wanted me to have a dramatic entrance.”Napaiing ang nurse. “Ang universe po ba ang magpapaliwanag sa Medical Director?” Nag-aalala lang naman si nurse Minda, lalo pa at mas matagal siya sa ospital kaysa sa kaniya. Hindi na iba ang turing niya kay doc Kaye.Subalit super confident pa rin itong si doc Kaye. “Kung puwede, pakisabi sa unive
Sabado ng umaga.“Anak, pang-ilang palit mo na ba ng damit iyan?” Natigilan si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng asul na dress, ngunit tila hindi pa rin sapat ang kaniyang itsura sa harap ng salamin.“Mom, I’m not even a birthday celebrant. Why does it feel like I have to go through a fashion show?” taka niyang tanong sa ina. Nakasandal si Karen sa pintuan ng kuwarto habang pinagmamasdan ang anak.Gusto sana niyang bulyawan ang anak subalit tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang anak. “Hindi ko rin alam.” paunang sagot sa anak saka lumapit. “Pero simula nang banggitin mo ang pangalan ni Dr. Nathan, kanina ka pa paikot-ikot diyan.”“Ma!” mabilis na depensa ni Kaye. Namula agad ang mukha.“A-Ano? Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa Doctor Nathan na ‘yon,” napapailing na sagot ng ina..“G-Good. K-Kasi hindi naman,” depensa agad niya.. Tumaas bigla ang kilay ni Mommy Karen. “Talaga?”“Oo!” mabilis na sagot ni K
Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na
Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaye ang pambihirang ngiti ni Nathan na nasaksihan niya sa madilim na pasilyo malapit sa charity ward. Ilang beses na niyang binalikan sa isip ang tagpong iyon, at sa tuwing naaalala niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki, hindi niya maiwasang mapangiti na para bang nanalo siya sa isang malaking kompetisyon. Para sa ibang tao, maaaring wala lang ang ganoong kaliit na reaksyon. Pero para kay Kaye, na halos araw-araw ay nasasalubong ang malamig na ekspresyon at walang emosyong mukha ni Dr. Nathan Villareal, isa na iyong malaking tagumpay. Kung kaya nitong ngumiti kahit saglit, nangangahulugan lamang na hindi pa tuluyang nagyeyelo ang puso nito. At kung may natitira pang kahit kaunting init sa ilalim ng makapal nitong pader ng kasungitan, determinado siyang hanapin iyon. Hindi naman ibig sabihin na naging mas mahinahon si Kaye dahil sa maliit na tagumpay na iyon. Sa katunayan, tila lalo pang lumakas ang loob niya. Kung dati ay pangungumus
Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal na simulan ni Dr. Kaye Salazar ang kaniyang matapang na three-month countdown. Sa bawat araw na nagdaraan sa St. John General Hospital, ginagamit niya ang bawat pagkakataon para guluhin ang tahimik, seryoso, at malamig na mundo ni Dr. Nathan Villareal. Mula sa pag-abot ng mga laboratory request at paghihintay sa tapat ng elevator hanggang sa simpleng pangungulit sa cafeteria, wala siyang pinalalampas na pagkakataong mapansin ng lalaking balak niyang patunayang hindi pala kasing-yelo ng inaakala ng lahat.Ngunit sa kabila ng kaniyang mga makukulit na biro, pagpapakita ng alindog, at pagdadala ng iba’t ibang imported pastries, nanatili pa ring propesyonal si Kaye. Sa oras na may pasyenteng nangangailangan ng kaniyang tulong, nawawala ang pagiging makulit niya at napapalitan iyon ng pagiging seryoso at mahusay na pediatric consultant.Isang hapon, habang abala si Kaye sa pag-aayos ng mga dokumento at gamot sa charity ward sa pinakadulong baha
Ilang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium.Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko.“Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar.Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lan







