Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na
최신 업데이트 : 2026-11-07 더 보기