INICIAR SESIÓNIlang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.
Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium. Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko. “Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar. Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lang lumingon nang husto. “Good afternoon.” Napakunot ang noo ni Kaye, kunwaring nagulat at inilagay ang isang kamay sa tapat ng dibdib na tila ba na-offend sa kakulangan ng energy ng lalaki. “Aba… dalawang words na ngayon. Improvement ha! From zero to hero na ang vocabulary mo, Doc Grim.” Agad na napatigil sa paglakad si Nathan. Dahan-dahan siyang lumingon, ang kaniyang mga mata ay blangko ngunit may halong pag-aalinlangan at pagka-irita sa makulit na sinabi ng babae. “What?” tanong nito sa mababa at seryosong boses. “Progress,” nakangiting sagot ni Kaye habang dahan-dahang lumalapit nang kaunti sa kaniya, hindi alintana ang malamig na aura ng kaharap. Hindi na siya muling pinansin ni Nathan. Akala nito ay tapos na ang usapan kaya tumalikod na ulit ito para magpatuloy sa paglakad palayo. Ngunit bago pa man makalayo ang doktor, muling nagsalita si Kaye, ang kanyang boses ay naging seryoso pero puno ng mapang-akit na hamon na umalingawngaw sa tahimik na hallway. “Three months.” Muling napahinto si Nathan sa kaniyang paglakad. Ang mga balikat nito ay bahagyang tumigas at naging estruktura ng yelo. Hindi siya lumingon, pero kitang-kita ang pagka-intriga sa tindig niya. “What?” ulit ni Nathan, mas malamig ngayon ang tono, tila nagbabala na huwag siyang subukan. “In three months,” pagpapatuloy ni Kaye habang nakangiti nang abot-tenga habang pinapanood ang likod ng lalaki, “mapapangiti rin kita.” Nanahimik ang buong pasilyo. Ilang segundong walang kumibo, tanging ang tunog ng aircon vents at ang mahinang beep ng mga monitor mula sa malayo ang maririnig sa paligid. Saka lamang dahan-dahang nagsalita si Nathan nang hindi man lang lumingon sa kaniya. “Focus on your patients, Dr. Salazar.” Tumango si Kaye nang may buong pagmamalaki at mabilis na nag-salute gamit ang dalawang daliri sa kaniyang sinturon na parang sundalong handang sumabak sa giyera. “Yes, future husband!” malakas niyang tugon. Napaigtad si Nathan at mariing napapikit habang mariing pinipisil ang kaniyang sentido bago tuluyang naglakad palayo nang mas mabilis kaysa sa dati, tila gustong takasan ang kaguluhang dinala ng babae. Sa kabilang dulo ng hallway, ang dalawang intern na nakasaksi sa eksena ay nagkatinginan habang nakanganga at hawak-hawak ang kani-kanilang mga ballpen. “Feeling ko magiging mahaba, magulo, at napakasakit sa ulo ang taon ni Doc Nathan,” bulong ng isang intern sa kasama niya. At sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng St. John General Hospital, may isang taong buong-puso at walang takot na handang guluhin ang napakatahimik, madilim, at yelong mundo ng pinakamahusay na neurosurgeon. Hindi nagtagal ang sandaling iyon dahil sumunod na araw pa lamang ay muling nasubukan ang pasensya ni Nathan sa pinakapaborito nitong lugar para makaiwas sa mga tsismosa at maingay na tao, ang pribadong elevator ng mga consultant. Kakasara lang ng mabibigat na p***o ng elevator sa ikapitong palapag nang biglang may humawak at sumingit mula sa labas, dahilan para bumukas muli ang makintab na p***o. “Oh! Wait lang po!” sigaw ni Kaye habang mabilis na pinipindot ang Open button para hindi maipit ang kaniyang magandang mukha at ang kaniyang imported na handbag. Pagkabukas na pagkabukas ng p***o… Siya na naman. Dr. Nathan Villareal. Nakatayo sa pinakagilid, hawak ang kaniyang digital tablet, at mukhang naging kulay abo ang buong paligid nang makita siya nito. Ay wow. Favorite talaga ako ng universe, isip ni Kaye habang mabilis na pumasok sa loob. Sadyang pinagtagpo sila ng tadhana kahit sa maliit na espasyong ito na may apat na sulok na salamin kung saan walang kawala. “Good morning po, Doc!” ngiti niya na abot-langit, halos kumislap pa ang mga mata sa tuwa. Isang malamig na tango lang ang isinagot nito. Ni walang "good morning" pabalik. Grabe. Baka mahal na mahal ang bawat salita niya at nagtitipid siya sa boto. Tahimik ang loob ng elevator. Ang tanging naririnig ay ang mahinang ugong ng makina habang bumababa sila mula sa mataas na palapag patungo sa lobby. One… Two… Three… Hindi nakayanan ni Kaye ang katahimikan. Para siyang mangingisdang walang mahuli kaya siya na ang kusang nagpasimula ng usapan upang basagin ang yelo. “Doc, curious lang po ako,” basag niya sa katahimikan habang nakatingin sa gilid ng mukha nito. Walang sagot. Staring contest lang ang inatupag nito sa p***o ng elevator, kunwaring hindi siya naririnig. “Required ba sa neurosurgery ang hindi ngumiti? Like… part ba siya ng mandatory residency training ninyo sa ibang bansa? O sadyang born with a stone heart ka lang talaga mula pagkabata?” Dahan-dahan itong lumingon kay Kaye, ang mga mata ay naniningkit sa talim. “No.” “Oh.” Tumango si Kaye nang malalim, kunwaring nauunawaan ang sitwasyon. “Akala ko kasi baka may memo mula sa board of directors tungkol sa pagbabawal ng pagpapakita ng gilagid para mas mukhang seryoso sa mga operasyon.” Tahimik ulit. Lumingon si Kaye sa harap at nakatingin pala sa reflection nila sa malaking salamin ang dalawang nurse na kasama nila sa loob, halatang pinipigilan ang malakas na tawa habang nakatakip ang mga bibig gamit ang kanilang mga chart. Para mawala ang awkwardness, tinuro ni Kaye ang floor button panel kung saan umilaw ang kulay pula. “Doc, ikaw ba ang pumindot ng seven?” tanong niya kahit kitang-kita namang ito ang nag-pindot kanina. “Yes.” “Okay, good. Kasi six lang talaga ang sa akin.” Napatingin si Nathan sa kaniya nang may pagtataka sa mukha. “So… bakit ka nandito sa elevator ko kung anim lang naman pala ang sa iyo?” Napangiti si Kaye nang alanganin, sabay kamot sa gilid ng kaniyang ulo kung saan nakaayos ang kaniyang buhok. “Ehh… para may kasabay ka? Para naman hindi ka malungkot habang bumababa. Ang lungkot kaya ng buhay kapag laging seryoso.” Tahimik. Walang reaksyon. Para siyang nakipag-usap sa isang pader sa Intramuros. Napailing na lang si Kaye. “Joke lang po! Relax ka lang, Doc, hindi kita kakainin. Baka ikaw pa ang kumain sa akin sa sobrang sungit mo.” Eksaktong bumukas ang p***o ng elevator sa sixth floor. Lumabas na si Kaye bitbit ang mga gamit, pero bago niya tuluyang bitawan ang p***o at hayaang sumara, sumilip pa siya ulit sa loob para sa isa pang hirit. “Doc?” tanong niya habang nakasilip ang kalahating katawan. “What?” sagot nito na halatang naiirita na at gusto na siyang mawala sa paningin. “Smile ka naman minsan kahit konti lang. Promise, libre lang ‘yon, hindi ka sisingilin ng PhilHealth.” Hindi ito sumagot. Isang malamig na titig lang ang ibinigay bago kusang sumara ang mabigat na p***o ng elevator sa harap ng mukha niya. Habang naglalakad si Kaye pabalik sa pedia ward habang bitbit ang mga chart, napailing siya sa sarili at natawa nang mahina. “Grabe,” bulong niya sa hangin. “Feeling ko pati ang blood type ng lalaking ‘yon ay serious at walang amoy na kape.”Kung may isang bagay na hindi nagbago sa St. John General Hospital, iyon ay ang pagiging maingay ni Dr. Kaye.“Good morning, beautiful people!” Napatingin ang ilang nurse sa nurse station nang dumating siya, bitbit ang kaniyang bag at isang paper cup ng kape.“Doc Kaye, alas otso na po,” paalala ni Nurse Minda. Sinundan ni Kaye ng tingin ang wall clock. “Alam ko,” balewalang sabi niya na para bang hindi big deal na lagi siyang late.Ngunit makulit talaga ang nurse. “H-Hindi po ba eight o’clock ang duty ninyo?”“Correct!”“S-So, bakit ngayon ka lang?” Inilapag ni Kaye ang kape sa mesa sabay ngiti nang ubod ng tamis. “Because, Nurse Minda, the universe wanted me to have a dramatic entrance.”Napaiing ang nurse. “Ang universe po ba ang magpapaliwanag sa Medical Director?” Nag-aalala lang naman si nurse Minda, lalo pa at mas matagal siya sa ospital kaysa sa kaniya. Hindi na iba ang turing niya kay doc Kaye.Subalit super confident pa rin itong si doc Kaye. “Kung puwede, pakisabi sa unive
Sabado ng umaga.“Anak, pang-ilang palit mo na ba ng damit iyan?” Natigilan si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng asul na dress, ngunit tila hindi pa rin sapat ang kaniyang itsura sa harap ng salamin.“Mom, I’m not even a birthday celebrant. Why does it feel like I have to go through a fashion show?” taka niyang tanong sa ina. Nakasandal si Karen sa pintuan ng kuwarto habang pinagmamasdan ang anak.Gusto sana niyang bulyawan ang anak subalit tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang anak. “Hindi ko rin alam.” paunang sagot sa anak saka lumapit. “Pero simula nang banggitin mo ang pangalan ni Dr. Nathan, kanina ka pa paikot-ikot diyan.”“Ma!” mabilis na depensa ni Kaye. Namula agad ang mukha.“A-Ano? Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa Doctor Nathan na ‘yon,” napapailing na sagot ng ina..“G-Good. K-Kasi hindi naman,” depensa agad niya.. Tumaas bigla ang kilay ni Mommy Karen. “Talaga?”“Oo!” mabilis na sagot ni K
Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na
Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaye ang pambihirang ngiti ni Nathan na nasaksihan niya sa madilim na pasilyo malapit sa charity ward. Ilang beses na niyang binalikan sa isip ang tagpong iyon, at sa tuwing naaalala niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki, hindi niya maiwasang mapangiti na para bang nanalo siya sa isang malaking kompetisyon. Para sa ibang tao, maaaring wala lang ang ganoong kaliit na reaksyon. Pero para kay Kaye, na halos araw-araw ay nasasalubong ang malamig na ekspresyon at walang emosyong mukha ni Dr. Nathan Villareal, isa na iyong malaking tagumpay. Kung kaya nitong ngumiti kahit saglit, nangangahulugan lamang na hindi pa tuluyang nagyeyelo ang puso nito. At kung may natitira pang kahit kaunting init sa ilalim ng makapal nitong pader ng kasungitan, determinado siyang hanapin iyon. Hindi naman ibig sabihin na naging mas mahinahon si Kaye dahil sa maliit na tagumpay na iyon. Sa katunayan, tila lalo pang lumakas ang loob niya. Kung dati ay pangungumus
Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal na simulan ni Dr. Kaye Salazar ang kaniyang matapang na three-month countdown. Sa bawat araw na nagdaraan sa St. John General Hospital, ginagamit niya ang bawat pagkakataon para guluhin ang tahimik, seryoso, at malamig na mundo ni Dr. Nathan Villareal. Mula sa pag-abot ng mga laboratory request at paghihintay sa tapat ng elevator hanggang sa simpleng pangungulit sa cafeteria, wala siyang pinalalampas na pagkakataong mapansin ng lalaking balak niyang patunayang hindi pala kasing-yelo ng inaakala ng lahat.Ngunit sa kabila ng kaniyang mga makukulit na biro, pagpapakita ng alindog, at pagdadala ng iba’t ibang imported pastries, nanatili pa ring propesyonal si Kaye. Sa oras na may pasyenteng nangangailangan ng kaniyang tulong, nawawala ang pagiging makulit niya at napapalitan iyon ng pagiging seryoso at mahusay na pediatric consultant.Isang hapon, habang abala si Kaye sa pag-aayos ng mga dokumento at gamot sa charity ward sa pinakadulong baha
Ilang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium.Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko.“Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar.Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lan







