LOGINREVEKAH
Wala ako sa tamang pag-iisip ngayon at sa palagay ko, hindi na tama itong desisyon ko. Sana makabalik na ako ngayon sa mansion! I wish... makahanap ako ng taong magiging rason para makauwi ako. I am begging! Nagmadali akong pumunta sa lobby ng hotel matapos kong i-park sa basement ang kotse ko. Maraming tao ang nasasalubong ko ritong nagpapark din, kaya hanggat maaari, gusto ko nang makaakyat sa lobby. Nang makarating ako sa itaas, bumungad sa akin ang pagyuko ng mga guwardiya at bumati ako nang nginitian ko sila nang may pag-aalinlangang baka mamukhaan. With my burgundy scarf at night vision glasses, hindi nila ako nakilala. Umiiwas ako ngayon sa camera lalo na't wala akong bodyguards na pinadala para samahan ako. Napansin kong iisa lang ang babae sa front desk at agad ko siyang nilapitan. “Presidential suite, please. Now na!” pagmamadali ko sa babae. “I need your card—” hindi ko pinatapos ang receptionist sa sinasabi niya at binigay ko ang ID ko at credit card. Bakit kasi ang dami pang kailangan?! Gusto pa yatang ibigay ko sa kaniya lahat ng hundreds of ID's ko! “Pakihatid na ninyo ako, ngayon din,” masyado na akong nakikiusap sa kanila dahil ayokong mayroong makakita sa akin. Napansin kong naestatwa ang babae sa kinatatayuan niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa ID ko at sa akin. “R-Revekah—” Ingay naman nitong gaga na ‘to! Halos maipit ang tiyan ko sa front desk nang abutin ko ang bibig niya para takpan gamit ang palad ko. “Shh! Kung gusto mong magpa-picture sa akin, pumunta ka na lang sa room kung saan ako ihahatid.” Kahit ayaw kong ilantad kung sino ako, wala akong choice dahil sa ingay ng bunganga nitong babaeng ‘to! Napapansin kong nagiging kulay rosas ang mukha niya at halos maiyak pa siya sa sobrang tuwa. “Y-Yes, Madam!” “In one condition...” pinutol ko saglit ang sinasabi ko, “Ihatid mo na ako sa Presidential Suite, as in ngayon na.” Tumango-tango siya at nanginginig pa ang mga kamay niyang naghahanap ng susi. Pati ako, nahahawa sa panginginig niya! Nangangatog ang mga binti ko dahil unti-unting naninikip ang dibdib ko, nakakaramdam akong malapit na akong makita ng mga tao rito. “Tara na po, Miss Revekah,” pag-aaya niya. “Finally!” Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko siya habang tumatakbo kami papunta sa isang elevator na naka-standby. “G-Ganito pala mahawakan ng isang supermodel na katulad mo, Miss Revekah!” nanggigigil pa siya habang pinipigilang huwag mapatili. Umangat ang kilay ko habang nakangisi. “Kinakaladkad ka na nga, tuwang-tuwa ka pa.” Mabilis kong isinara ang pinto ng elevator at isinandal ko ang likod ko sa salamin. My goodness! Bumibilis ang pagpintig ng puso ko! Fuck this anxiety! “Kung ganiyan kaganda ang manghihila sa akin, kahit kaladkarin mo pa ako hanggang bahay namin,” pagbibiro niya. Masyado na akong binobola ng babaeng ‘to. Matunog akong napangisi. “Akin na ang cellphone mo.” Nagningning ang mga mata niya at mabilis niyang hinablot sa kaniyang bulsa ang phone niya saka ibinigay sa akin. Ipinindot ko agad ang camera saka nagsimulang i-hold ang camera para tuloy-tuloy ang pagkuha ng pictures naming dalawa. Halos mapuno namin ang storage niya dahil sa countless pictures namin! Saktong tumunog ang elevator para iluwa kaming dalawa. “Paano niyan, full storage ka na.” “B-Bibili na lang ako ng bago!” galak niyang sabi. Wow! For the sake of our pictures? Ayaw kong mapunta ang usapan namin na parang magiging comfortable ako sa kaniya. “Saan ang room?” pagbabago ko sa topic namin. Inilahad niya ang kamay niya para ituro ang kuwarto. “Ayon po, ma'am!” Dumampi na naman sa braso niya ang kamay ko at hinila ko siya mula sa hallway papunta sa naka-assign na kuwarto ko. Sorry not sorry, miss. Gusto ko na talagang makapasok sa kuwarto. First time ko rin maka-interact ng taong ganito. Madalas kasi, nasa rules namin ang huwag mamansin ng mga tao para maiwasan ang issue. Hinablot ko sa kaniya ang key card at binuksan iyon. “Thank you.” Abot-langit ang ngiti niya. “You're welcome po, Miss Revekah!” “May last akong sasabihin.” huling hirit ko sa kaniya bago siya tuluyang umalis. “Ano po ‘yun?” Sandali kong pinagmasdan ang kaliwa't kanan saka bumulong sa kaniya,“Bukas na bukas, ipabura mo ang mga CCTV footage kung saan tayo dumaan at i-post mo lang ‘yang pictures natin after 5 hours akong makaalis dito, okay?” Tumango siya. “Okay po!” “Kapag hindi mo sinunod lahat ng iyon...” inilapit ko sa kaniya ang mukha ko. “I swear... wala kang mapapasukan na kahit anong trabaho sa buong mundo.” Bumilog ang mga mata niya. “Y-Yes, madam!” “Good.” Pumasok na ako sa loob at bago ko isara ang pinto, nagpaalam ako sa kaniya. “Good night.” Gusto ko sana siyang gawing personal assistant ko, kaso kailangan ko munang malaman ang background niya. I can't trust her easily, pero may chance siya na maging isa sa mga kasama ko sa mansion. Inalis ko ang balabal ko at shades saka ipinatong sa center table ng living room. Lumibot ng tingin ang mga mata ko sa paligid, medyo maliit pa ito para sa akin. 1/8 pa lang ito ng ground floor ko kaya hindi ako sanay. Ayoko ng masisikip na lugar, gusto malalaki ang spacious. Anong ieexpect ko sa lugar na ‘to, eh, maypagka-cheap ang location. Kung pagmamasdan naman ang mga major needs ko rito sa Presidential Suite, mayroon silang malambot na sofa, king size ang bed, at maganda rin ang scenery ng city lights lalo na't nasa 15th floor ako. Which is good, para naman makalaya ako saglit kung sino ako ngayon—temporarily. Balita ko, libre din daw ang pagkain dito. Well, at least nakapag-save ako ng money. Ngayon lang naman ako nagtitipid, pakiramdam ko tuloy ang poor ko na. Bwiset! Habang ninanamnam ko ang paligid, unti-unti akong nakakarinig ng malalakas na tugtog mula sa kabilang kuwarto. Hindi nakaririndi ang music, para siyang lo-fi! Fuck! Hindi ba soundproof ito?! So, this is my problem right now! Mas lalo lang akong binigyan ng condo-hotel na ito ng rason para bigyan sila ng mababang ratings! Nag-expect ako ng almost “pwede na” na place, yet ganito ang makukuha ko.REVEKAHLumipad kami papuntang Paris, at sa loob ng eroplano, ramdam ko agad ang kombinasyon ng excitement at inis. Hindi dahil sa flight—hindi ako natatakot lumipad—kundi dahil sa kasama ko: si Lucien Darwin, personal assistant ko… o kung paano ko siya ayaw tawaging, dahil sa halos lahat ng galaw niya, nakakainis siya.Nakaupo siya sa tabi ng bintana, calm lang, hawak ang baso ng tubig, at nakatingin sa labas. Ang posture niya, ang straight, ang perfect, at ang lapit ng presence niya, nakakapagpalito sa utak ko. Halos gusto ko nang itulak siya, pero alam ko, may calm aura siya na kahit papaano ay nakakapigil sa akin.“Sigurado ka bang gusto mo ng window seat?” tanong ko, halatang nagbibiro pero may halong seryosong concern.Tumingin siya sa akin, eyes cold, walang emotional reaction. “Bakit? Sumasabay ka ba o baka mahulog sa aisle kapag nagulat ka sa turbulence?”“Ha! Excuse me?” Halos tumayo ako sa upuan, galit na halatang naramdaman niya. “Hindi ako tulad mo na chill lang at parang
REVEKAHMatapos ang ilang araw, unti-unti akong gumaan ang pakiramdam. Hindi dahil magic, kundi dahil sa isang bagay na matagal ko nang hinahanap: ang pagkakaroon ng personal assistant. Lucien. Sa simula, iniisip kong magiging burden siya, pero parang hindi. Kalmado lang, hindi dramatiko, at sa paraang iyon, mas nakakatulong siya kaysa sa iniisip ko.Habang abala ang mga kasama ko sa bahay, nireready nila lahat ng dadalhin namin—maleta, damit, shoes, accessories. Lahat ay nakaayos nang maayos, bawat item may label at may kanya-kanyang spot para siguradong walang makakaligtaan. Pinagmamasdan ko sila, nakatingin sa bawat galaw, siguradong tama ang pagkaka-pack.Si Lucien naman, nag-iisang kalmado sa gitna ng chaos. Nakaupo sa gilid, nakasandal, may hawak na tasa ng kape, dahan-dahang iniinom habang tinitingnan ang paligid. Nakakainis siya. Sobrang nakakainis.Lumapit ako sa kanya, halatang naiinis, at sabay sigaw: “Lucien! Pwede ba, parang hindi ka naman nagmamalasakit sa kahit anong na
LUCIENNagmamanman ako sa paligid ng bahay ni Revekah, naka-blend sa dilim, naka-position na parang anino. Tahimik, pero alam kong kahit isang maling galaw ng tao sa driveway ay agad kong makikita. Kaya imagine mo ang pagkabigla ko nang limang lalaki ang biglang dumaan, nakaporma, halos parang mga extras sa music video.“Excuse me,” bulong ko sa sarili ko, “sino kayo at bakit parang synchronized swimming ang steps ninyo?”Lumapit sa akin ang isa sa kanila, pagkatapos ay isa pa, at isa pa… hanggang limang lalaki. “Sir, kami po ang boylets ni Miss Revekah,” paliwanag ng pinakauna.“Boylets? Ano ‘to, eksena sa 90s drama?” tumawa ako, sarcastic, nakatingin sa kanilang uniformed but casual look na parang handang sabayan kahit anong fashion show.Ngunit bago ko pa ma-process, binuksan nila ang personal truck ni Revekah at… na-flush ako. Nakaayos sa loob ang iba't ibang high-class brand outfits: Prada, Dior, Gucci, Louis Vuitton—lahat para sa akin.“Huh. Seryoso?” bulong ko sa sarili ko haba
LUCIENI woke up to softness.Which is weird, because I’m used to waking up to either a hard wooden floor, the cold hood of a car, o kaya isang lumang kutson na parang may galit sa likod ko. Pero ngayon? Malambot. Tahimik. Amoy-pera.I blinked.Tangina. ‘Yung kwartong tinulugan ko kagabi… mas malaki pa ata sa buong bahay ng kapitbahay naming may tatlong tindahan. Literal. The ceilings were stupidly high, parang gusto nilang ipa-remind sa mga bisita na maliit lang tingnan sa kanila. May mga chandelier pa—tatlo. Hindi isa. Tatlo.I stretched my arms behind my head.“Of course,” I muttered. “A billionaire’s guest room. Kasing laki ng barangay hall. Bakit hindi.”Tumayo ako, pinulot ang suot kong jacket, then walked around the room. Marble floors, gold accents on the walls, may sariling mini-bar, may TV na mas malaki pa sa akin. Kahit yung floor rug halatang mas mahal pa kaysa sweldo ng isang tao sa isang taon.Kung ganito ang guest room… hindi ko na gustong isipin kung ano itsura ng bedr
REVEKAHHindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil buhay pa ako, o maaasar ako dahil itong gagong ‘to ay may lakas ng loob na painomin ako ng kung anumang prank drink na kung saan alam niya namang hindi ako mapapagod sa pagbulong ng lahat ng mura sa dictionary.“Ano ‘tong pinainom mo sa’kin?” tanong ko habang hawak ko pa ang baso, pinagmamasdan na parang may lalabas pang demonyo mula rito.Si Lucien? Nakasandal lang, parang wala kaming pinag-awayan. “Relax. Hindi naman nakakalason.”“BAKIT ALAM MO!?” bulyaw ko. “Tinikman mo ba? Nagpa-lab test ka ba? Nagpa-second opinion ka ba sa doktor!?”“No,” sagot niya, deadpan. “Pero buhay ka pa, so it’s safe.”Putang ina. Gusto ko siyang batuhin ng baso pero ayokong magbayad ng damage fee sa hotel.“You do realize I almost choked to death?” sabi ko habang naglalakad-lakad ako sa sala ng suite. “Yung feeling na parang nilunod ako ng sariling laway ko?”“You choke easily.”Napahinto ako. Dahan-dahan kong nilingon ang mukha niyang parang walang pakial
REVEKAHI don't know if I should thank him dahil sa paglitas niya sa buhay ko pero dahil sa pamb-blackmail niya sa akin, parang umuurong ang umuusbong na kabaitan ko sa kaniya.“Ano, mamili ka na, ah?” Tang ina nitong lalaking ‘to, bakit niya ba ako minamadali!?Tatanggapin ko ba siya agad?! Paano kung spy siya ni Valerie?Inilibot ko ng mga mata ko ang tingin sa kaniya, waring minamasid kung may itinatago ba siya sa akin. According to what I feel ngayon, masasabi kong wala akong nase-sense na mali sa kaniya.“Pack your things,” mabilis na pagdedesisyon ko. “Gusto ko na ring umuwi.”“Tss. Pumayag ka rin,” pang-iinis niya. Inirapan ko siya habang nakahawak ako sa bewang ko. “Pasalamat ka at binigyan kita ng trabaho! Kaduda-duda ka nga! Nandito ka sa Presidential Suite tapos wala kang trabaho?!” “Sinabi kong wala akong trabaho, pero hindi ko sinabing wala akong pera,” tugon niya.Paano kung kabilang din siya sa billionaire world?I can't judge him easily.Binago ko ang usapan namin,







