LOGINREVEKAH
Nadala ng galit ang mga paa ko kaya ang bilis nitong maglakad papunta sa balcony. Buong puwersa kong itinulak ang kaliwa't kanang sliding door at napapikit pa ang mata ko nang parang tumutusok sa tainga ko ang napakalakas na tunog mula sa kabilang kuwarto. “Sino ba ‘tong tarantadong ‘to?!” pinagmamasdan ko ang kabilang balcony nang nagliliyab ang mga mata ko. “Bakit kasi may mga classy pero balahura ang ugali?!” Unti-unti itong nakukuha ang atensyon ko, napapansin kong mas lalong lumalakas ang bawat beat ng music. Gusto nang lumabas ng mga nanggagalaiti kong ugat sa sintido. I REALLY REALLY FUCKING HATE LOUD MUSICS! Halos mabasag ang salamin ng sliding door nang pabagsak ko itong isinara. Nakahanda na ang nanginginig kong kamao palabas ng presidential suite. I can't take this shit anymore. Ibinuhos ko ang panggigigil ko nang gamitin kong pangkatok sa pinto ay ang kamao ko. “Open this fucking door!” Walang humpay ang kamay kong buong lakas na kinakalampag ang pinto nito. OPEN. THIS. FUCKING. DOOR! Akmang sisipain na sana ng paa ko ang pinto kaso biglang bumukas ito na naging dahilan para mapunta ako sa loob. Naramdaman kong may humila sa braso ko, hindi mahigpit ngunit may panginginig. Naumpog pa ang mukha ko sa dibdib niya dala ng malakas na puwersa ng pagkakahatak sa akin. Who the hell is this?! Parang ngayon ko na yata gagamitin ang natutuhan ko noong bata ako! Kumalas ako sa pagkakahawak ng lalaki sa akin saka ko tinyempuhang itulak siya papalayo. “Who the fuck are you at kailangan mo akong hilain papalapit sa ‘yo?!” angil ko sa kaniya. Matunog siyang napangisi. “If that's how you say “Thank you”, then my pleasure, Miss... Revekah.” Matalim ang mga mata kong pinagmamasdan at inaalala ang hitsura niya. “Why should I thank you?!” dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “Hindi mo ba alam na nakaririndi ang leche mong music taste!?” “Kung gano'n... mission success!” tuwang-tuwa pa siya. “Fuck you!” Hindi ako nag-alinlangang itaas ang binti ko at tamaan ang sikmura niya. Mas lalong kumukulo ang dugo ko dahil lahat ng sipa ko sa kaniya ay kaya niyang umilag at protektahan gamit ang kaniyang naglalakihang mga braso. Nakaiinsulto ang ngiti niya habang alam na alam niya kung saang parte ng katawan niya siya tatamaan. “Hehe! Nice to meet you, Miss Revekah! I didn't expect na... you know these kind of moves.” “How dare you—” natigil ako sa sinasabi ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at inikot niya ang katawan ko, roon niya sinimulang itulak ako sa pader. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang itulak ako nang hindi ako nasasaktan. Hindi naumpog ang ulo ko dahil agad niyang isinandal ang kaniyang palad kung saan tatama ang ulo ko. Unti-unting nanlalaki ang mga mata ko at nag-iinit ang mga pisngi ko, dahil nagtama ang mga mata naming dalawa. Fuck, his... hunter eyes! “Finally, wala na siya.” Parang naginhawaan pa ang lalaking ‘to. Kumusot ang noo ko. “Anong wala na siya!?” Napansin kong hindi ko maigalaw ang wrists ko at natanaw ko sa peripheral vision ko na hawak niya ang magkabila kong kamay gamit ang kanang kamay niya. “Let me go!” Umiling-iling siya na parang bata. “Ayaw.” Ibinuhos ko na ang lakas ko, yet hindi ko pa rin kayang kumawala sa kaniya. Alam kong maganda ang hugis ng katawan mo, but please, let me go! “Fun fact!” hirit niya. “That loud music earlier, props ko lang ‘yon. I even sacrificed my ears for that very loud music.” “For what?! To harass me?!” Napahagikgik pa siya. “Hindi ako ganiyan kababa.” “Then what!?” inirapan ko siya. Umangat ang magkabilang balikat niya. “Hindi ko alam kung paano ka paaalisin sa room mo, so I tried that.” Bumuntong ako ng hininga. “Para saan nga?! Tang ina.” Lumulutong ang pagmumura ko sa sobrang pagbibitin niya sa akin. “Chill, lady,” at mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa akin. “I did that becase...” Iginigilid ko ang mukha ko sa kaniya. “B-Because what?!” “Someone... is trying to...” inilipat niya ang kaniyang mukha sa bandang tainga ko at bumulong, “kill you from the other building.” Nanindig ang mga balahibo ko habang nanigas ang katawan kong kinakabahan dito sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkahahawak sa mga pulsuhan ko at pumunta siya sa balcony kung saan mayroong nakatayong telescope. So... dinistract niya ako kasi alam niyang may nagtatangkang pumatay sa akin? “B-But how did you know... na ako ang target?” Napalitan ang init ng ulo ko ng panginginig sa kalamnan na halos hindi ako mapakali. “You owned a burgundy car, right?” paninimula niya nang hindi lumilingon sa akin. “Dalawang naka-mask na itim ang nagmamanman sa iyo—kanina pa. Isa sa bandang parking lot at isa sa rooftop ng kaharap nating building.” Malikot ang mga mata kong tumitingin sa kawalan habang nag-iisip. “Sino ang nakaaalam o nagpaalam na aalis ako?! At paano nila na-track ang location ko?!” “Maybe... your phone,” hula niya. Iniwan ko sa kabilang room ang phone ko at purse. Kahit saan talaga ako magpunta, hindi ako safe. Alam kong ikaw rin ang may pakana na naman nito, Valerie! Inilakad ko ang mga paa ko papalapit sa lalaki. Nababalutan na ako ng pangangamba, hindi ako takot makipaglahan nang physically, nangangatog ako kapag nalalaman kong may armas na nagtatangkang itama sa akin. “Who are you, by the way?” Bahagya siyang lumingon sa akin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. “I am... Lucien Darwin.” Hindi ko napigilan ang sarili kong kuwelyuhan siya ng mga kamay ko. “Baka kaya mo ako kilala, dahil umeespiya ka!” Hindi ko pa nakitang nagseryoso ang timpla ng mukha niya, naiinsulto na ako sa ngiti niya nang dahan-dahan niyang alisin ang mga kamay ko sa kuwelyo ng kaniyang puting polo. “Sa dinadami-dami ba namang mukha mo rito sa billboards, hindi kita makilala? Am I dumb?” Inirapan ko siya. “Fine.” Tinalikuran ko siya at dahan-dahan akong naglalakad papalayo sa kaniya. “Don't let anyone know what happened.” “But!” Napahinto ako sa paglalakad. “What?” “Hanapan mo ako ng trabaho.” Ang kapal naman ng mukha nito. Nagpantay ang kilay kong bumaling sa kaniya. “Sa tingin mo, mahahanapan kita ng trabaho?! I can't even find someone na magiging personal assistant ko.” “Ayon naman pala, edi ako na lang ang kunin mo.” “No! I hate perverts!” singhal ko sa kaniya. “Oh!“ dahan-dagang kumurba ang gilid ng kaniyang labi. “Then... ipagkakalat kong may scandal ka—” Parang hinila niya pabalik sa katawan ko ang panggagalaiti ko sa kaniya. “FUCK YOU!”VALERIE Pagkapasok ko pa lang sa condo, ramdam ko na agad ang bigat ng gabi. Hindi dahil sa pagod ako—no. Dahil sa pangit ng vibes ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko during the show. Hindi ko gusto ang katahimikang sumalubong sa akin habang hinuhubad ko ang stilettos ko at inihahagis iyon sa carpet. I wanted silence, yes… pero hindi yung ganitong klase ng silence. It’s the kind of silence na parang tumatawa sa akin. Na parang nang-aasar. Na parang sinasabi, “Guess what, Valerie? Hindi ikaw ang bida ngayong gabi.” At lalong sumama ang pakiramdam ko nang magsimulang magvibrate ang phone ko. Sunod-sunod. Para akong binomba ng libu-libong notifications. Sobrang ingay ng mga tunog, pero mas maingay yung mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. Kaba? Or anger? Maybe both. “Ugh, what now…” hindi pa man ako nakaupo nang maayos, binuksan ko agad ang screen. The moment the display lit up, para akong sinampal. TRENDING WORLDWIDE: REVEKAH’S ‘BROKEN MONOCHROME LOOK’ THE ICONIC TORN DRESS
REVEKAH Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na akong nagfa-fashion show, hindi pa rin nawawala ‘yung kaba sa dibdib ko tuwing nasa backstage na ako. Maybe because every show is a gamble. Kahit gano’n ako kasikat, kahit gano’n kalaki ang pangalan ko, kahit pa ilang beses na akong naglakad para sa pinakamalalaking brands sa buong mundo… a single mistake can ruin everything. Pero ngayon, iba ang bigat sa sikmura ko. Paris. Monochrome theme. A runway full of people na literal kayang sirain ang isang career with one headline. Pero teka, bakit parang mas nangingibabaw ang inis ko sa isang taong hindi ko naman dapat iniisip? Oo, si Lucien. Kalmadong-kalmado sa gilid, umiinom ng kape niya like this whole event is a damn picnic. Sino ba kasi nagpatikim ng kape ko sa gago na ‘to?! Naiinis talaga ako kahit hindi ko alam kung bakit. “Revekah, five minutes!” tawag ng isa sa mga coordinators habang nakahawak sa headset. Pawis na pawis na siya, parang malalagutan ng ugat anytime. A
REVEKAH Kung may isang bagay na hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na akong nasa industriya… iyon ay ang call time na parang walang awa. Bakit ba laging maaga? Hindi ba puwedeng 5 PM ang fashion show tapos 4:59 PM lang ako dadating? Hindi naman sila mababawasan ng buhay. Pero hindi. Dahil ang buhay ko ay umiikot sa salitang discipline. At kahit sobrang tamad ko ngayong bumangon, kailangan ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng glam room. Malamig ang ilaw, perfect para sa makeup. Ang kuwarto—malinis, maayos, amoy bagong plancha, bagong linis, bagong problema. Lahat ng staff ko abala: may nag-aayos ng gamit ko, may nagtatahi ng last-minute alteration sa gown ko, may nagche-check ng listahan sa tablet. Lahat sila nanghihina, pero ako? Nakaupo, nakadapa ang buhay, pero nakaayos ang kilay. “Ma’am Revekah, start na po tayo,” sabi ni Therese, head makeup artist ko. Tumango ako. “Kung hindi pa kayo ready, tapos na sana ’tong show.” She laughed nervously. “Ready na po. You c
REVEKAH Lumipad kami papuntang Paris, at ramdam ko agad ang halo ng excitement at inis na hindi ko kayang itago. Hindi dahil sa flight—hindi ako natatakot lumipad. Hindi rin dahil sa turbulence. Ang dahilan? Siya. Si Lucien Darwin. Personal assistant ko… o kung paano ko siya ayaw tawaging ganun. Halos lahat ng galaw niya, nakakainis. Halos gusto ko nang itulak siya palabas ng upuan, pero may aura siya na hindi mo mapapawi. Calm. Kontrolado. At nakakasira ng ulo ng kahit sinong may ego. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng tubig, nakatingin sa labas. Straight ang posture, walang sagot sa mundo. Parang statue. Parang… magnet. Ang lapit niya, ang halo ng sarcasm at calmness… hindi ko maalis sa utak ko. “Sigurado ka bang gusto mo ng window seat?” tanong ko, halatang may halo ng biro at concern. Tumingin siya sa akin, mata malamig, walang emotion. “Bakit? Sumasabay ka ba o baka mahulog sa aisle kapag nagulat ka sa turbulence?” “Ha! Excuse me?” Halos tumayo ako sa upuan, i
REVEKAH Matapos ang ilang araw, unti-unti na talagang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sa biglang nag-align ang mga planeta o may milagro—hindi gano’n. Simple lang. May personal assistant na ako. Finally. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. At ayoko mang aminin nang malakas… nakatulong. Lucien. Mr. Calm-in-the-middle-of-a-storm. Sa simula, akala ko magiging parang extra baggage siya. Y’know, yung tipong mas dadagdag sa stress ko kaysa magpabawas. Pero habang lumilipas ang araw, napapaisip ako kung mas pinapahirap niya ang buhay ko… o mas pinapadali niya. And honestly? Nakakainis isipin na baka yung pangalawa ang mas totoo. Busy ang buong bahay. As in chaos. Pero organized chaos—yung tipo kong gusto. Lahat ng kasama ko, parang bees na paikot-ikot, hawak maleta, racks of clothes, shoe boxes, accessories, documents, passports—lahat ng kailangan para sa Paris trip namin. May labels, may lists, may checklists ng checklists. Malinis. Sistemado. Exactly how I want it.
LUCIEN Hindi ko mapigilan ang sarili kong panoorin at pagmasdan kung gaano kalaki ang lupain niya. Tangina, kung ihahambing ko ito sa lugar, parang isang maliit na probinsya na ‘to! Parang wala ng problema itong babaeng ‘to, problema na lang niya siguro ‘yung papatay sa kaniya. Habang nagmamanman ako sa paligid dito sa garden niya, naagaw ng atensyon ko ang isang closed truck na dumaan sa harapan ko. Ano ‘to, delivery? Mas lalo pang kumusot ang mukha ko nang may limang lalaki ang bumaba mula sa truck. Napahakbang ako paatras nang lumapit sila sa akin. “Sir, delivery para iyo ni Madam Revekah.” Nilipat ko ang tingin ko sa truck sandali. “Bakit ganiyan ang suot ninyo?” Sino kayang delivery boy ang nakasuot ng sage green na vest na may terno ng trousers tapos long sleeve pa na cream polo?! Dinaig pa ako, naka-old money style sila. Napakamot sa batok ang isa sa kanila. “Ganito po talaga ang uniform namin dito, sir. Si Madam Revekah po ang nagturo sa amin.” Hinahawaan ni Revekah ng







