MasukREVEKAH
Para akong natutulog sa ulap habang nakahiga sa kama kong alaskan king ang laki na never akong nagkaroon ng katabi. You don't need a man, Revekah. Pero gusto ko rin naman ng katabi? I think... I need human-sized teddy bear, kaysa sa tao. I can't trust anyone. Hindi ako ulam pero para akong piniprito dahil pagulong-gulong ako sa kama. Wala naman akong magawa, ganito talaga ang peaceful kapag malapit nang subukin ng panahon—bibigyan ako ng sandamakmak na problema. Halos mapatalsik ako sa gulat sa narinig kong katok mula sa kuwarto na agad naman itong bumukas. “Revekah...” nanghihinang bungad ni Momma Kelly. Kelly again... my goodness! Napahaplos ako sa aking dibdib habang naniningkit ang mga mata ko sa kaniya. “What?!” “Walang nakapasa.” And then... fucked life again. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. “Fuck!” Hindi mapakali si Momma Kelly habang palakad-lakad siya sa harapan kong nakahawak sa magkabilang sintido niya. “P-Paano niyan?” I knew it! I didn't manifest it, I ALREADY KNEW IT! Hinayaan kong kontrolin ako ng sarili kong katawan kung anong desisyon ang gagawin ko. Bumangon ako at nagmadaling pumunta sa closet room. “I'll do it... by myself.” Punong-puno ng pag-aalala ang tono ng pananalita ni Momma Kelly. “No, Revekah!” Lumabas sa kabilang tainga ang narinig ko at patuloy ako sa paghanap ng maisusuot kong damit. Hindi ako magbibihis nang magara, I'll wear a plain t-shirt tapos pajamas. Though pangbahay lang, gift sa akin ‘to from London ng isang sikat na brand after kong tulungan siyang maghanap ng maisusuot niya. After kong palitan ang suot ko, buong puwersang isinara ni Momma Kelly ang sliding door ng closet room. “Huwag kang pasaway!” Nagpantay ang mga kilay ko. “I would rather maghanap ng temporary ones na makakasama ko kaysa naman wala at mapatay ako ni Valerie.” “Fuck, Valerie!” singhal niya. “Lagi na lang siya!” “Siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko,” angil ko. Tumahimik ang paligid habang nangungusap ang mga mata naming dalawang nagtitinginan sa isa't isa. “Fine, Revekah.” Finally, nagbago rin ang desisyon mo. “Sa isang kundisyon.” Malakas ang loob kong tinanggap ang kundisyon niya. “Ano?” “Huwag kang uuwi sa mansion mo hanggat hindi ka nakahahanap ng personal assistant mo.” “D-Deal!” nauutal kong pagtanggap sa hamon niya. Unti-unting nanlalamig ang pawis ko dahil alam ko sa sarili ko, imposibleng makahanap ako ng personal assistant sa isang gabi lang. I can't trust anyone—easily. Hinablot ko sa closet ang crimson red purse ko from Dior na naglalaman ng hundred pesos ang card ko, in case of emergency. Maliit lang na money ang dala ko since uso ang holduppers at ako lang ang mag-isa. “Sorry, Momma Kelly,” pamamaalam ko sa kaniya at sumakay ako ng elevator pababa sa basement. Kinakabahan pa rin ako sa desisyon ko since ito ang first time kong lalabas nang mag-isa. Hindi kasi ako lumalabas nang wala akong kasama. Fuck this life! Nang bumukas ang pinto ng elevator, bumungad sa akin ang boylet na nasa early 40's ang edad na naglilinis ng kotse ko. “Good evening, Madam Revekah.” Pilit akong napangiti. “Hello.” “Bagong linis po lahat ng kotse ninyo, may gusto po ba kayong ipa-drive?” kitang-kita sa mga mata niya na parang biggest achievement niya ang malinis ang lahat ng kotse sa basement. Lumapit ako sa kaniya. “Ibigay mo sa akin ang susi ng cheapest car ko.” “Sige po, Madam,” saad niya at kumakalansang ang 50 different types ng susi ng mga kotse ko. Music to my ears! “Ito po, 'yung bago—Burgundy S Class Sedan.” Agad kong kinuha sa kaniya ‘yon at in-unlock ko ang kotseng iyon. “Thanks.” Matunog sa bawat sulok ng basement ang mga pagyapak ko gamit ang suot kong burgundy stilletos habang pinapaikot ko sa hintuturo ang susi. “W-Wait, Madam!” Huminto ako sa paglalakad nang hindi lumilingon sa kaniya. “Hmm?” “Hindi po ba kayo magpapa-drive?” nahihiyang tanong niya. “Not today, men,” sagot ko at itinuloy ko ang paglalakad papalayo sa kaniya. Pumaloob na ako sa kotse at sinimulan ko na itong imaneho. Halos ilang minuto ang gugugulin bago ako makalabas sa buong hektaryang lupa na ‘to. Saan ako maghahanap? Paano ako makahahanap ng magiging personal assistant ko?! Naninikip ang dibdib ko habang inililibot ko ang sasakyan ko sa mga lugar kung saan maraming tao. Parang nagsisisi na ako sa desisyon ko, ah? Masyado kasi akong nagpadala sa emosyon ko! Halos walang galawan ang mga kasunod at kasabay kong mga sasakyan sa sobrang traffic. Mali ‘yung napasukan kong street! Fuck! Palipat-lipat ang tingin ko sa mga taong dumaraan at karamihan ay tumitingin sa sasakyan ko. Nakasisilaw din kapag tumatama sa akin ang liwanag ng flash nila kapag kinukuhanan nila ito ng litrato. Glad this car was tinted! Saan kaya ako dadalhin ng kotse ko? Shit! Hindi ako makakauwi nito! Sa sobrang tagal ng pag-usad ng mga kotse, nilabas ko ang phone ko at naghanap ako ng hotel at condo na malapit. Choosy ako, so hahanapin ko ’yung katulad ng kuwarto ko. “There's a condo-hotel 3 kilometer ahead, La Aunour,” saad ng map ko sa kotse. “On my fucking way!” nag-overtake ako at binilisan ko ang pagmamaneho. If mahuli man ako, I can pay. As long as wala akong nasasagasaan at nababangga. Basta ang mahalaga, dapat worth it ang napili kong condo-hotel. Nagsawa na ako sa pags-stay palagi sa condo, so I will try ngayon ang Presidential Suite. I will not expect anything, I hate dissapointing myself. It is what it is.VALERIE Pagkapasok ko pa lang sa condo, ramdam ko na agad ang bigat ng gabi. Hindi dahil sa pagod ako—no. Dahil sa pangit ng vibes ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko during the show. Hindi ko gusto ang katahimikang sumalubong sa akin habang hinuhubad ko ang stilettos ko at inihahagis iyon sa carpet. I wanted silence, yes… pero hindi yung ganitong klase ng silence. It’s the kind of silence na parang tumatawa sa akin. Na parang nang-aasar. Na parang sinasabi, “Guess what, Valerie? Hindi ikaw ang bida ngayong gabi.” At lalong sumama ang pakiramdam ko nang magsimulang magvibrate ang phone ko. Sunod-sunod. Para akong binomba ng libu-libong notifications. Sobrang ingay ng mga tunog, pero mas maingay yung mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. Kaba? Or anger? Maybe both. “Ugh, what now…” hindi pa man ako nakaupo nang maayos, binuksan ko agad ang screen. The moment the display lit up, para akong sinampal. TRENDING WORLDWIDE: REVEKAH’S ‘BROKEN MONOCHROME LOOK’ THE ICONIC TORN DRESS
REVEKAH Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na akong nagfa-fashion show, hindi pa rin nawawala ‘yung kaba sa dibdib ko tuwing nasa backstage na ako. Maybe because every show is a gamble. Kahit gano’n ako kasikat, kahit gano’n kalaki ang pangalan ko, kahit pa ilang beses na akong naglakad para sa pinakamalalaking brands sa buong mundo… a single mistake can ruin everything. Pero ngayon, iba ang bigat sa sikmura ko. Paris. Monochrome theme. A runway full of people na literal kayang sirain ang isang career with one headline. Pero teka, bakit parang mas nangingibabaw ang inis ko sa isang taong hindi ko naman dapat iniisip? Oo, si Lucien. Kalmadong-kalmado sa gilid, umiinom ng kape niya like this whole event is a damn picnic. Sino ba kasi nagpatikim ng kape ko sa gago na ‘to?! Naiinis talaga ako kahit hindi ko alam kung bakit. “Revekah, five minutes!” tawag ng isa sa mga coordinators habang nakahawak sa headset. Pawis na pawis na siya, parang malalagutan ng ugat anytime. A
REVEKAH Kung may isang bagay na hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na akong nasa industriya… iyon ay ang call time na parang walang awa. Bakit ba laging maaga? Hindi ba puwedeng 5 PM ang fashion show tapos 4:59 PM lang ako dadating? Hindi naman sila mababawasan ng buhay. Pero hindi. Dahil ang buhay ko ay umiikot sa salitang discipline. At kahit sobrang tamad ko ngayong bumangon, kailangan ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng glam room. Malamig ang ilaw, perfect para sa makeup. Ang kuwarto—malinis, maayos, amoy bagong plancha, bagong linis, bagong problema. Lahat ng staff ko abala: may nag-aayos ng gamit ko, may nagtatahi ng last-minute alteration sa gown ko, may nagche-check ng listahan sa tablet. Lahat sila nanghihina, pero ako? Nakaupo, nakadapa ang buhay, pero nakaayos ang kilay. “Ma’am Revekah, start na po tayo,” sabi ni Therese, head makeup artist ko. Tumango ako. “Kung hindi pa kayo ready, tapos na sana ’tong show.” She laughed nervously. “Ready na po. You c
REVEKAH Lumipad kami papuntang Paris, at ramdam ko agad ang halo ng excitement at inis na hindi ko kayang itago. Hindi dahil sa flight—hindi ako natatakot lumipad. Hindi rin dahil sa turbulence. Ang dahilan? Siya. Si Lucien Darwin. Personal assistant ko… o kung paano ko siya ayaw tawaging ganun. Halos lahat ng galaw niya, nakakainis. Halos gusto ko nang itulak siya palabas ng upuan, pero may aura siya na hindi mo mapapawi. Calm. Kontrolado. At nakakasira ng ulo ng kahit sinong may ego. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng tubig, nakatingin sa labas. Straight ang posture, walang sagot sa mundo. Parang statue. Parang… magnet. Ang lapit niya, ang halo ng sarcasm at calmness… hindi ko maalis sa utak ko. “Sigurado ka bang gusto mo ng window seat?” tanong ko, halatang may halo ng biro at concern. Tumingin siya sa akin, mata malamig, walang emotion. “Bakit? Sumasabay ka ba o baka mahulog sa aisle kapag nagulat ka sa turbulence?” “Ha! Excuse me?” Halos tumayo ako sa upuan, i
REVEKAH Matapos ang ilang araw, unti-unti na talagang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sa biglang nag-align ang mga planeta o may milagro—hindi gano’n. Simple lang. May personal assistant na ako. Finally. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. At ayoko mang aminin nang malakas… nakatulong. Lucien. Mr. Calm-in-the-middle-of-a-storm. Sa simula, akala ko magiging parang extra baggage siya. Y’know, yung tipong mas dadagdag sa stress ko kaysa magpabawas. Pero habang lumilipas ang araw, napapaisip ako kung mas pinapahirap niya ang buhay ko… o mas pinapadali niya. And honestly? Nakakainis isipin na baka yung pangalawa ang mas totoo. Busy ang buong bahay. As in chaos. Pero organized chaos—yung tipo kong gusto. Lahat ng kasama ko, parang bees na paikot-ikot, hawak maleta, racks of clothes, shoe boxes, accessories, documents, passports—lahat ng kailangan para sa Paris trip namin. May labels, may lists, may checklists ng checklists. Malinis. Sistemado. Exactly how I want it.
LUCIEN Hindi ko mapigilan ang sarili kong panoorin at pagmasdan kung gaano kalaki ang lupain niya. Tangina, kung ihahambing ko ito sa lugar, parang isang maliit na probinsya na ‘to! Parang wala ng problema itong babaeng ‘to, problema na lang niya siguro ‘yung papatay sa kaniya. Habang nagmamanman ako sa paligid dito sa garden niya, naagaw ng atensyon ko ang isang closed truck na dumaan sa harapan ko. Ano ‘to, delivery? Mas lalo pang kumusot ang mukha ko nang may limang lalaki ang bumaba mula sa truck. Napahakbang ako paatras nang lumapit sila sa akin. “Sir, delivery para iyo ni Madam Revekah.” Nilipat ko ang tingin ko sa truck sandali. “Bakit ganiyan ang suot ninyo?” Sino kayang delivery boy ang nakasuot ng sage green na vest na may terno ng trousers tapos long sleeve pa na cream polo?! Dinaig pa ako, naka-old money style sila. Napakamot sa batok ang isa sa kanila. “Ganito po talaga ang uniform namin dito, sir. Si Madam Revekah po ang nagturo sa amin.” Hinahawaan ni Revekah ng







