LOGINREVEKAH
Tumunog ang baso nang ibaba ko iyon sa center table. Nanggagalaiti ang kamao kong dumapo sa panga niya at agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Tarantado ‘to! Napahawak siya sa panga niya na hinahaplos-haplos at nakuha niya pang tumawa. “Ang bilis mo namang mauto.” Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. “Anong sabi mo?!” Tumingin siya sa mga mata ko at ramdam ko ang pang-iinsulto niya, “Ang sabi ko, ang bilis mo namang mauto.” Mabilis na umaksyon ang paa ko papunta sa kanan niyang panga ngunit agad niya itong nahawakan kaya hindi ko natamaan. “I hate you!” “Yes, you can!” umiling-iling siya, “As if hindi mo ako kakailanganin.” Inalis ko ang pagkahahawak niya sa paa ko. Nakakainis! Yes, I am using him naman for my own sake, for the sake of my safety. “Fine!” Humalakhak pa siya na parang tuwang-tuwa pa siyang nakuha niya ang inis ko. “Huwag ka nang mangamba, nakakahinga ka pa naman. So, you are alive and safe.” “Pinalala mo lang ang problema ko!” bulyaw ko sa kaniya. “Sinabi ko na ngang tine-threat ako ng mga gusto akong mawala sa modeling industry, tapos nagagawa mo pa akong gaguhin?!” “Uhm... sorry?” hindi sincere ang putanginang pagpapatawad niya. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko dahil nandidilim na ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko na kinakaya ang pagkulo ng dugo ko sa kaniya. Sinusubukan ko ang breathing techniques para ikalma ang sarili ko ngunit parang nasagad niya ang inis ko kaya... Matalim ang tingin ng mga mata ko sa kaniya nang nanginginig ang kamay kong humigpit ang hawak sa leeg niya. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at bumulong, “Huwag na huwag mong uubusin ang putanginang pasensya ko.” Imbis na makaramdam siya ng pangingilabot ay tuwang-tuwa pa siya. “I love how you choke me.” Hindi talaga umeepekto ang pananakot ko sa kaniya. Binitawan ko ang leeg niya at nagmadali akong pumunta sa kabilang room para kunin ang gamit na naiwan doon. He's getting into my nerves! Sa sobrang dala ng inis, nakalimutan kong may gustong pumatay sa akin. Gladly, walang nangyari sa akin noong kinuha ko ang gamit ko sa kabilang room. Bumalik ako sa kuwarto ni Lucien at kalmado siyang nakaupo sa sofa habang nakatulala sa hangin. Binasag ko ang katahimikan ng buhay niya nang hilain ko ang braso niya. “Hey! What the fuck are you doing?!” “Tara na!” sa paghila kong ‘yon, nadadala siya ng buong lakas ko. “Paano ‘yung maleta ko?! My clothes?” pag-aalala niya. Nang iluwa kami ng pinto palabas ng kuwarto ay sumulyap ako sa kaniya. “I can repay for that, bibilhan na lang kita ng mas maganda pa sa kasuotan mo ngayon.” “Why!? Do I look cheap?” Mabilis akong naglalakad habang kausap siya na humahabol sa akin. “Kind of... poor as rat.” Bumilog ang mga mata niya. “How could you—” “I am just stating the facts,” saad ko nang walang ipinapakitang emosyon, “take that as a lesson, not an attack.” “Nakakainsulto ‘yon!” “Take that as a lesson.” “Argh!” sigaw niya sa loob ng elevator nang makapasok kami. “I hate you!” “We freaking hate each other,” saad ko. Walang namuong usapan sa loob ng elevator hanggang sa makababa kami sa basement kung saan naroon ang parking lot. Salamat naman at tumikom ang bibig niya, walang nakaririnding pang-iinis ang sinasambit. Habang hinahanap ko ‘yung kotse ko, nakarinig ako ng bulong na parang insulto mula sa likuran ko. “Tangina, arte nito maglakad,” reklamo niya. Napahinto ako sandali at bumaling sa kaniya. “And what?” “Model nga naman,” irap niya. “Mas mahal pa ang bayad sa maarteng pagyayapak ng takong ko kaysa sa sinasahod mo, so shut the fuck up.” Nang mahanap ko ang kotse ko ay agad akong pumasok sa loob at si Lucien nama’y umupo sa tabi ko kung saan ang passenger seat. Mabilis niyang inilagay ang seatbelt niya at tumingin sa bintana. “Seatbelt agad, baka kamote ‘to mag-drive,” humirit pa siya ng bulong. Binalewala ko na lamang ang sinabi niya at mabilis kong inapakan ang accelerator. Since ineexpect niya na kaskasera akong babae kung magmaneho, edi ipakikita ko sa kaniya kung gaano ako kakamote sa kalsada. Look what you've expected. Napatakip siya sa kaniyang mata habang umiiling-iling. “Ano ba ‘tong pagd-drive mo, Revekah?!” “Ito ang ineexpect mo, right?” “Oh my goodness!” Pinatakbo ko ito ng almost 120 kilometers per hour sa highway at halos tumaob ang sasakyan sa tuwing lumiliko ako. Natuto ako magdrive nang ganito noong mayroon akong tinatakasan noong kabataan ko. Hindi pa pala naaalis sa muscle memory ko! Ilang minuto lang ang itinagal bago kami makarating sa hacienda ko na dapat ay almost one hour. Hindi maaninag ni Lucien kung gaano kalaki ang lupain ko, gabi na kasi. Wala tuloy akong maipagyayabang sa kaniya. Naramdaman niya sigurong kalmado na ako magmaneho kaya tinanggal niya ang pagtakip ng mga mata niya. “Glad, I'm still alive.” Nang bumukas ang gate ng basement, dinadahan-dahan ko ang pagmamaneho ko para matanaw niya ang iba't ibang klase ng mga kotseng mayroon ako. Nakita ko sa mga mata niya kung paano siya nalula sa mga nakikita niya. “Ano ‘to, illegal?!” Naningkit ang mga mata ko. “Hindi ‘yan illegal, success ang tawag diyan.” Hindi mapakali ang mga mata niyang nililibot sa paligid habang unti-unting kumukurba ang gilid ng labi niya. “Ganito ka kapaldo sa buhay?” “Why?” “Hindi kapani-paniwala, para kasing galing sa illegal,” saad niya. Binilisan ko uli ang pagmamaneho at halos maumpog siya sa air bag nang pinreno ko iyon sa mismong parking space. “Sayang, hindi ka natuluyang maumpog, mare-realize mo sanang hindi panaginip ang mga nakikita mo.” Bumaba ako sa kotse at iniwan siya sa loob. Sumalubong sa akin ang boylet ko at ibinigay sa kaniya ang susi. “Fuck you, Revekah!” sigaw niya sa loob ng kotse at nagmadali siyang lumabas. Dedma sa iyo, bitch. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Momma Kelly. “Hi, Momma Kelly. Mission complete, may personal assistant na ako.” “You can't call me your fucking personal assistant!” singhal niya, “Hindi pa ako pumipirma sa kontrata!” “Bakit siya sumisigaw? Kidnapping ba ang ginawa mo?” sarcastic niyang tanong. “Kind of... i-ready mo na ‘yung mga pipirmahan niya,” tugon ko habang patagong napapangisi. “Waiting ako rito sa sala.” “On the way!” Pagkababa ko sa phone ay agad kong hinila si Lucien papasok sa loob ng elevator. “Elevator again!” nanginginig ang boses niya sa inis at wala siyang nagawa nang nagsara ang pinto ng elevator. Welcome to my hell, Lucien!VALERIE Pagkapasok ko pa lang sa condo, ramdam ko na agad ang bigat ng gabi. Hindi dahil sa pagod ako—no. Dahil sa pangit ng vibes ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko during the show. Hindi ko gusto ang katahimikang sumalubong sa akin habang hinuhubad ko ang stilettos ko at inihahagis iyon sa carpet. I wanted silence, yes… pero hindi yung ganitong klase ng silence. It’s the kind of silence na parang tumatawa sa akin. Na parang nang-aasar. Na parang sinasabi, “Guess what, Valerie? Hindi ikaw ang bida ngayong gabi.” At lalong sumama ang pakiramdam ko nang magsimulang magvibrate ang phone ko. Sunod-sunod. Para akong binomba ng libu-libong notifications. Sobrang ingay ng mga tunog, pero mas maingay yung mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. Kaba? Or anger? Maybe both. “Ugh, what now…” hindi pa man ako nakaupo nang maayos, binuksan ko agad ang screen. The moment the display lit up, para akong sinampal. TRENDING WORLDWIDE: REVEKAH’S ‘BROKEN MONOCHROME LOOK’ THE ICONIC TORN DRESS
REVEKAH Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na akong nagfa-fashion show, hindi pa rin nawawala ‘yung kaba sa dibdib ko tuwing nasa backstage na ako. Maybe because every show is a gamble. Kahit gano’n ako kasikat, kahit gano’n kalaki ang pangalan ko, kahit pa ilang beses na akong naglakad para sa pinakamalalaking brands sa buong mundo… a single mistake can ruin everything. Pero ngayon, iba ang bigat sa sikmura ko. Paris. Monochrome theme. A runway full of people na literal kayang sirain ang isang career with one headline. Pero teka, bakit parang mas nangingibabaw ang inis ko sa isang taong hindi ko naman dapat iniisip? Oo, si Lucien. Kalmadong-kalmado sa gilid, umiinom ng kape niya like this whole event is a damn picnic. Sino ba kasi nagpatikim ng kape ko sa gago na ‘to?! Naiinis talaga ako kahit hindi ko alam kung bakit. “Revekah, five minutes!” tawag ng isa sa mga coordinators habang nakahawak sa headset. Pawis na pawis na siya, parang malalagutan ng ugat anytime. A
REVEKAH Kung may isang bagay na hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na akong nasa industriya… iyon ay ang call time na parang walang awa. Bakit ba laging maaga? Hindi ba puwedeng 5 PM ang fashion show tapos 4:59 PM lang ako dadating? Hindi naman sila mababawasan ng buhay. Pero hindi. Dahil ang buhay ko ay umiikot sa salitang discipline. At kahit sobrang tamad ko ngayong bumangon, kailangan ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng glam room. Malamig ang ilaw, perfect para sa makeup. Ang kuwarto—malinis, maayos, amoy bagong plancha, bagong linis, bagong problema. Lahat ng staff ko abala: may nag-aayos ng gamit ko, may nagtatahi ng last-minute alteration sa gown ko, may nagche-check ng listahan sa tablet. Lahat sila nanghihina, pero ako? Nakaupo, nakadapa ang buhay, pero nakaayos ang kilay. “Ma’am Revekah, start na po tayo,” sabi ni Therese, head makeup artist ko. Tumango ako. “Kung hindi pa kayo ready, tapos na sana ’tong show.” She laughed nervously. “Ready na po. You c
REVEKAH Lumipad kami papuntang Paris, at ramdam ko agad ang halo ng excitement at inis na hindi ko kayang itago. Hindi dahil sa flight—hindi ako natatakot lumipad. Hindi rin dahil sa turbulence. Ang dahilan? Siya. Si Lucien Darwin. Personal assistant ko… o kung paano ko siya ayaw tawaging ganun. Halos lahat ng galaw niya, nakakainis. Halos gusto ko nang itulak siya palabas ng upuan, pero may aura siya na hindi mo mapapawi. Calm. Kontrolado. At nakakasira ng ulo ng kahit sinong may ego. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng tubig, nakatingin sa labas. Straight ang posture, walang sagot sa mundo. Parang statue. Parang… magnet. Ang lapit niya, ang halo ng sarcasm at calmness… hindi ko maalis sa utak ko. “Sigurado ka bang gusto mo ng window seat?” tanong ko, halatang may halo ng biro at concern. Tumingin siya sa akin, mata malamig, walang emotion. “Bakit? Sumasabay ka ba o baka mahulog sa aisle kapag nagulat ka sa turbulence?” “Ha! Excuse me?” Halos tumayo ako sa upuan, i
REVEKAH Matapos ang ilang araw, unti-unti na talagang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sa biglang nag-align ang mga planeta o may milagro—hindi gano’n. Simple lang. May personal assistant na ako. Finally. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. At ayoko mang aminin nang malakas… nakatulong. Lucien. Mr. Calm-in-the-middle-of-a-storm. Sa simula, akala ko magiging parang extra baggage siya. Y’know, yung tipong mas dadagdag sa stress ko kaysa magpabawas. Pero habang lumilipas ang araw, napapaisip ako kung mas pinapahirap niya ang buhay ko… o mas pinapadali niya. And honestly? Nakakainis isipin na baka yung pangalawa ang mas totoo. Busy ang buong bahay. As in chaos. Pero organized chaos—yung tipo kong gusto. Lahat ng kasama ko, parang bees na paikot-ikot, hawak maleta, racks of clothes, shoe boxes, accessories, documents, passports—lahat ng kailangan para sa Paris trip namin. May labels, may lists, may checklists ng checklists. Malinis. Sistemado. Exactly how I want it.
LUCIEN Hindi ko mapigilan ang sarili kong panoorin at pagmasdan kung gaano kalaki ang lupain niya. Tangina, kung ihahambing ko ito sa lugar, parang isang maliit na probinsya na ‘to! Parang wala ng problema itong babaeng ‘to, problema na lang niya siguro ‘yung papatay sa kaniya. Habang nagmamanman ako sa paligid dito sa garden niya, naagaw ng atensyon ko ang isang closed truck na dumaan sa harapan ko. Ano ‘to, delivery? Mas lalo pang kumusot ang mukha ko nang may limang lalaki ang bumaba mula sa truck. Napahakbang ako paatras nang lumapit sila sa akin. “Sir, delivery para iyo ni Madam Revekah.” Nilipat ko ang tingin ko sa truck sandali. “Bakit ganiyan ang suot ninyo?” Sino kayang delivery boy ang nakasuot ng sage green na vest na may terno ng trousers tapos long sleeve pa na cream polo?! Dinaig pa ako, naka-old money style sila. Napakamot sa batok ang isa sa kanila. “Ganito po talaga ang uniform namin dito, sir. Si Madam Revekah po ang nagturo sa amin.” Hinahawaan ni Revekah ng







