Share

CHAPTER 6: My Mistake

-=Gabby's Point of View=-

Bigla akong naalimpungatan nang magising ako kinabukasan sa pagsigaw ni Jayden, isa pa naman sa mga ayaw ko ay iyong naiistorbo ang tulog ko kaya naman iritable ako ng akyatin ito sa second floor.

"Ano na naman?!" mataray kong tanong dito ngunit biglang nawala ang antok ko nang makita kong pawisan ito at parang may dinaramdam. "Ok ka lang ba?" bigla ang pagsalakay ng pag-aalala sa akin sa nakikita kong paghihirap nito.

"No I'm not ok! I need to go to the bathroom." ang naiinis nitong sinabi at saka ko lang nagets kung anong kailangan nitong gawin kaya naman nilagay ko sa malapit nito ang susi na kaya nitong abutin at para masiguradong hindi ito makakalabas ay nilock ko na din ang pinto nito.

Hinayaan ko itong gugulin ang oras nito sa banyo at ako naman ay nagdecide nang maghanda ng almusal para sa amin ngunit bigla akong natigilan ng makita kong umiilaw ang phone ko which means may message, dali dali ko iyong kinuha at sakto naman na si Ate Mel na ang nagtext kaya dali dali kong dinial ang number nito at ilang sandali lang ay finally ay narinig ko na ding nagring ang phone nito, ilang sandali lang ay narinig ko na din ang boses nito and the relief that I felt is too much for me.

"What the hell Ate Mel! Nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na sobra mo akong pinag-alala!" sunod sunod kong sinabi dito at imbes na mabothered ay nagawa pa ako nitong tawanan na para bang wala itong problema.

"Miss you too little sis, nandito ako sa Laguna, sorry kung napag-alala kita." ang sinabi nito.

"I'm just glad na ok ka, at tungkol naman........" ngunit bigla iyong naputol ng may marinig akong boses ng lalaki sa kabilang line.

"Sandali lang Aidan kausap ko si Gabby." ang narinig kong sinabi nito hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan na sinabi nito.

"Sino yang kasama mo?" kinakabahan kong tanong dito.

"Si Aidan iyong boyfriend ko, akala ko talaga niloko niya ako pero hindi naman pala kasama ko siya ngayon sa bahay." dinig na dinig ko ang saya sa boses nito na kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

"Akala ko Jayden ang pangalan ng boyfriend mo?" nananantiya kong tanong dito.

"Jayden? Of course not Aidan Andrada ang pangalan ng boyfriend ko." ang sagot nito at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.

Nakumpirma ang hinala ko, maling tao nga ang nakidnap ko, hindi na din ito nagtagal at nagpaalam na din itong ibaba na ang tawag ko.

Pakiramdam ko biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa nalaman ko, isang malaking pagkakamali ang nagawa ko at ang masama sa isang makapangyarihan tao.

Iniisip ko pa lang kung ano bang dapat kong gawin ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin na ibig sabihin ay tapos na ito sa business niya.

Nag-isip na akong magmakaawa dito ngunit habang papalapit ay parang mas lalong dinadaga ang dibdib ko kaya naman isang desisyon ang nabuo ko, duwag na kung duwag pero hindi ko talaga kaya itong pakiharapan kaya nang matapos ang sulat ko ay dali dali akong lumabas at hinayaan ko na lang ang kotse nito doon para magamit nito samantalang ako ay nagtrike na lang papuntang bayan kung saan naman ako sasakay ng bus papuntang pa Manila.

"I'm really sorry Jayden for my stupidity." ang namutawi sa mga labi ko habang umaandar ang bus, umaasa na lang ako na huwag na kaming magkita ng taong iyon at sana ay kalimutan na lang niya ang nangyari.

-=Jayden's POV=-

"What's taking her so long?" sa loob loob ko kasi bigla akong nakaisip ng plano paano matatakasan ang captor ko at iyon ang gamitin ang element of surprise, ngayong wala na akong posas ay maari ko nang magamit ang lakas ko, kanina pa nga ako naghihintay na buksan nito ang pinto para naman mahawakan ko siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ito umaakyat.

I tried to turn the knob of the door and to my delight ay nalaman kong naiwan pala nitong bukas ang pinto kaya naman isang confident na ngiti ang nasa mga labi ko dahil sigurado akong magugulat ito kapag nakita ako nitong nakakalakad ng malaya sa bahay ngunit sa pagtataka ko ay hindi ko makita is Andrea or whatever her name is pero malakas ang kutob kong hindi Andrea ang pangalan nito.

"Where could she be?" sa loob loob ko dahil ni anino nito ay hindi ko makita malabo namang bigla na lang itong mawawala ng ganoon ganoon na lang, nalibot ko na ang buong paligid ngunit hindi ko pa din ito makita, I was about to go back to my room ng isang puting papel ang nakita ko sa isang mesa sa labas.

"Jayden" ang nakasulat sa naturang papel kaya naman agad ko iyong dinampot at binasa ang laman non at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

Ayon kasi sa sulat nito ay nakausap na nito ang Ate nito at nagkamali lang daw ito, isang honest mistake na labis niyang hihingi ng tawad.

"An honest mistake eh........ a mistake that cause me a multi million dollards worth of account dahil sa pagkakamaling iyon." I muttered through my teeth, marahas kong nilamukos ang papel na iyon, hindi ako basta basta nagpapatawad, I'm a businessman after all and I will make sure that Andrea or whatever her name is will pay, big time.

Agad akong lumabas ng bahay at sumakay nang kotse ko, mabuti naman at may decency siyang iwanan ang kotse ko lalo na't masyado nang maraming atraso ang dinulot sa akin ng pagkakamali nito.

Agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa loob ng comparment ng kotse ko at kitang kita ko ang number of missed calls mula sa mga tauhan ko.

"Hello Amy, can you try to contact the secretary of Mr. Amed and try to reschedule my appointment with his boss." utos ko dito at ilang sandali nga lang ay bumalik na ito sa kabilang linya.

"I'm sorry Mr. Andrada ngunit ayaw na kayong kausapin ni Mr. Amed, sinayang niyo lang daw ang oras niya." ang sagot ko nito, bigla ko tuloy naisabunot ang kamay ko sa buhok ko sa frustration na nararamdaman ko dahil alam ko namang malabong mangyari ang gusto ko, gusto ko lang subukan pero malakas naman ang hinala kong hindi na papayag na makipagkita pa sa akin ang businessman na iyon, nag-iwan lang ako ng ilang mga instructions dito at agad ko ding tinapos ang tawag na iyon, sunod kong tinawagan ay si Arman.

"Arman, I want you to investigate a woman named Andrea Crisostomo, or tried to investigate someone named Melchora Crisostomo." ang sinabi ko dito, naisipan kong ipaimbestiga ang pangalan ng ate nito dahil malakas ang hinala kong hindi Andrea ang pangalan ng babaeng iyon.

"Lintik lang ang walang ganti." seryoso kong bulong habang abala ako sa pagdadrive kung iniisip niya kasing matatapos lang sa pagsosorry ang nagawa niya sa akin ay nagkakamali siya, I will make sure that she will really pay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status