Share

Mistaken Identity (Filipino)
Mistaken Identity (Filipino)
Author: willbeasomebody65

CHAPTER 1: A Night of Seduction

-=Gabby's Point of View=-

"Hi mind if I join you?" ang narinig ko sa bandang kanan ko.

"Sorry I'm waiting for someone." ang nakangiti ko nang sinabi dito, ilang offer na ba ang tiniturn down ko simula pa lang nang pumasok ako sa bar na ito, actually may hinihintay talaga ako pero I don't think na alam niya na hinihintay ko siya at siguro dalawang oras na din ako naghihintay sa pagdating nito at ilang orange juice na din ba ang iniinom ko dahil hindi ako sanay uminom ng alak.

Medyo nawawalan na nga ako ng pag-asa na makikita ko ito ngayon pero naniniwala ako sa sinabi ng source ko sa kumpanyang iyon na pupunta ito ngayon.

"Maybe he's not coming." ang namutawi sa mga labi ko at akma ko na sanang tatawagin ang waiter para bayaran ang bill ko ng sakto naman na pumasok ang kanina ko pa hininhintay.

Parang biglang huminto ang buong paligid at ang buong atensyon ko ay natuon lang sa bagong dating, he's the epitome of tall, dark and handsome. At twenty seven he already established his empire and he's already one of those few billionaire Filipino making a fortune with his wide range of businesses from mobile networks, to some of the most famous resorts here and outside the Philippines, five star hotels and restaurants all around the globe, kaya naman hindi kataka taka na halos lahat ng mga mata ng mga tao sa naturang bar na iyon ay dito nakatutok at isa na ako sa mga taong iyon.

"Finally." I said with a satisfied smile on my lips, habang pinapanood ang pagpapasok nito, he walks like he owned the place na hindi ko ikagugulat dahil sa yaman nito hindi kataka-taka na maaring isa sa mga pag-aari nito ang naturang bar na ito na talaga namang pinupuntahan ng mga mayayaman at sikat na personalidad.

Hindi ko pa ding maiwasang hindi kabahan lalo na't nandito na ang naturang target ko, kasi naman kahit hinanda ko ang sarili ko sa araw na ito ay hindi ko pa din maalis ang kakaibang nararamdaman ko habang nakatingin kay Jayden Andrada, he looks like he just got of fashion magazine, life isn't really fair because Jayden have the looks, the body if I might add, the power and the money.

"But it doesn't give him the right to abuse someone else's innocence." ang nasa isip ko at dahil na din sa kaisipan na iyon kaya naman kahit paano ay lumakas ang loob ko para simulan ang plano ko.

Getting in this bar is hard, but getting his attention is harder considering all the women in this bar are swooning over him, not just ordinary women, mga babaeng kilala sa lipunan, models, actresses and socialites are doing their best to catch this eligible bachelors' attention, so how can she catch this man's attention then?

"You waited for this day Gabby, wala nang atrasan ito." ang sinabi ko, sandali ko na munang pinagmasdan ang target ko at hindi nga ako nagkamali dahil lang mga magagandang babae na ang nagtangkang lumapit dito para makipaglapit at kung tama ang hinala ko ay mahigit pa sa pakikipagkilala ang pakay ng mga iyon specially since he's really oozing with sex appeal.

"Waiter!" at agad naman lumapit ang naturang waiter na nag-aassist sa akin, sinenyasan kong lumapit ito para marining nito ang sinasabi ko lalo na't masyadong malakas ang music sa naturang bar, kitang kita ko ang gulat sa mukha nito sa inutos ko at para masigurado kong susundin nito ang gusto ko ay inabutan ko pa ito ng isang libo na labis kong pinanghihinayangan lalo na't mahigit isang araw ko nang sahod iyon pero kung gusto kong magtagumpay ang plano ko ay kailangan ko talagang gumastos, sa totoo nga lang ang laki na ng perang nailabas ko sa bangko ng dahil sa naging paghahanda ko, talagang ginastusan ko ang suot ko ngayon na halaga ng isang buwan kong sahod sa trabaho ko sa bangko bilang isang teller at maliban pa doon kinailangan ko pang suhulan ang bouncer ng naturang bar para lang papasukin ako dahil hindi basta basta ang pinapapasok nila sa lugar na ito.

Isang ngiti ang namutawi sa akin ng makita ko ang inutusan kong waiter na papalapit sa binata ilang mesang hindi kalayuan sa puwesto ko, dala ang inorder kong alak para dito.

Isang mapang-akit na ngiti ang lumabas sa mga labi ko ng makita ko ang pagkunot ng noo nito at mukhang pinaliwanag naman ng naturang waiter kung kanino galing ang alak na dinala nito.

Sandaling nagtama ang aming mga mata at kahit anong pilit ko ay hindi ko maiwasang hindi mailang lalo na't parang ramdam na ramdam ko na nanunuot sa pagkatao ko ang matiim nitong pagkakatingin sa akin, ngunit agad naman akong nakahinga ng maluwang ng makita ang pagngiti nito at mabuti na lang at malayo ito sa akin dahil siguradong akong bigla akong napasinghap sa ngiting naglalaro sa mga labi nito, that kind of smile should be ban for causing so much ruckus inside my stomach, it's as if there are butterflies inside my stomach because of that smile na pilit kong nilalabanan.

Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang pagtayo nito sa puwesto nito at paglapit sa puwesto ko.

Isang malalim na buntung hininga ang ginawa ko bago pa ito makalapit para kalmahin ko ang sarili ko.

"Hi there gorgeous." he said with that baritone voice of his with a sexy grin on his lips.

"Hi yourself handsome, why don't you join me?" aya ko dito, ngunit hindi ko inasahan na uupo ito malapit na malapit sa akin na naamoy ko ang panglalakeng amoy nito na sinamahan ng cologne na gamit nito.

"By the way thank you for this." ang sinabi nito habang inaangat nito ang alak na inorder ko para dito.

"You're welcome, I hope you had that to your liking." I said seductively while batting my eyelashes to him.

"Anything from you love, it will be." he said seductively taking a zip from his glass.

"You're spoiling me." I said na sinabayan ko pa nang paghampas sa mamuscle nitong braso, and man his biceps are really ripped.

"By the way, I'm........" pagpapakilala nito ngunit bago pa man ito matapos ay pinutol ko na ang sasabihin nito.

"I already know who you are." nakangiti kong sinabi dito at nang makita ko ang pagkunot ng noo nito ay nagpatuloy ako. "You're Jayden Andrada sino ba ang hindi nakakakilala sa pinakaguwapong businessman sa buong Pilipinas." I said and saw his face lightened.

"You're making me blush." ang natatawa nitong sinabi but I doubt that will happen lalo na't sigurado akong common na dito ang makatanggap ng ganoong compliment.

The guy is really a charmer no wonder madali para dito na mapaikot ang ulo ng ate ko not just my sister but probably all the women population well except mine.

Lumalim ang gabi at sa totoo lang madami akong nalaman sa naturang lalaki, he really have a great sense of humor, at masarap itong kausap at kung hindi ko alam ang hilatsa ng lalaking ito ay baka magustuhan ko pa siya lalo na't pakiramdam ko ay biglang nag-iinit ang pakiramdam ko sa simpleng pagdidikit ng mga braso namin, mabuti na lang at hindi lang ako ang nakakaramdam niyon lalo na't nakikita ko ang bahagyang pagniningas nang pagnanasa sa mga mata nito sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.

"Don't you feel that this place is getting too crowded already?" he said in a harshed voice as if trying to contain the lust that he is feeling.

"My thoughts exactly! Do you have any place in mind?" tanong ko dito at sinadya kong inilapit ang mga labi ko malapit na malapit sa tenga nito at hindi pa ako nakuntento at bahagya kong kinagat ang tenga nito which awarded me a gentle moan from him.

"In heaven." ang naging sagot naman dito at kahit hinanda ko ang sarili ko sa bagay na iyon ay hindi ko maiwasang hindi kilabutan, not in a scary kind of way.

Agad nitong tinawag ang naturang waiter at akma nitong babayaran ang bill para sa amin ng pinigilan ko ito.

"My treat." ang nakangiti nitong sinabi.

"Well to be honest this is the first time that I received a drink from a lovely lady like yourself at ngayon naman ikaw ang nagbayad ng bill ko, you're not just any other girl na nakikila ko." he said.

"Dapat lang dahil kailangan kong gawin iyon." sa isip isip ko gamit ang credit card ko ay binayaran ko ang bill namin na umabot din ng limang libong piso na pilit kong isinantabi sa isip ko dahil sobrang dalang kong gumamit ng credit card.

Hindi na ito nag-atubili nang hapitin ako nito palapit dito kaya naman ramdam na ramdam ko ang matigas nitong katawan na halatang banat ng pagbubuhat sa gym.

I can feel all eyes on us habang palabas kami ng naturang bar, minabuti naming gamitin ang kotseng dala nito dahil wala naman akong kotse na gamit dahil nagtaxi lang ako papunta dito, pinalabas ko na lang na tinawagan ko ang driver ko para kuhanin ang kotse ko, kailangan ko kasing magpanggap na kauri ako nito at hindi lang isang simpleng bank teller.

"So where......." ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad iyong naputol nang magulat na lang ako nang mapahangas nitong sakupin ang mga labi ko and oh man ang sarap nitong humalik.

Para akong naliliyo sa paglalapat ng aming mga labi, pakiramdam ko nga lalagnatin na ako sa init na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

I feel the heat going down to my very core and it took me a lot of self control para lang makayanan kong lumayo sa mga halik nito kahit na nga ba parang tumututol ang isip ko.

"Woah! Hold your horses there, we have a lot of time for that." I tried hard not talk without my voice cracking ng dahil sa nararamdaman ko, I need to remind myself what kind of man Jayden Andrada is.

"What I can I do, you are so irresistible that I can stop myself." he said with a mischievous smile on his face.

"Medyo nauuhaw ako, may tubig ka ba yan?" ang bigla kong sinabi dito.

"Sorry wala akong tubig dito." ang naguguluhan nitong sagot sa akin.

"Wait lang bibili lang ako sa loob." ang pagpapaalam ko dito.

"Huwag na!" angil nito ngunit wala na itong nagawa ng tuluyan na akong lumabas ng kotse nito, ngunit imbes na pumasok ay kinuha ko ang hinanda kong dalawang bote ng tubig sa bag ko.

"Sorry ha, o para sayo para naman mawala ang pag-iinit ng katawan mo." ang natatawa kong biro dito.

"Mukhang malabong mangyari iyon Andrea lalo na't kasama ka." he said na sinundan ng paghagod nito sa hita ko, kung kanino hindi ako nauuhaw parang bigla iyong nagkatotoo kaya naman naparami ako ng nainom.

Hindi ako makahinga sa tensyon na nararamdaman ko ng makita kong tignan nito ang inabot kong inumin, hindi ko kais naisip na baka alam nitong hindi ko iyon nabili talaga sa loob ngunit saka lang ako nakahinga ng maluwang nang agad nitong binuksan ang naturang bote at inisang lagot ang laman noon.

"Shall we go?" ang nakangiti nitong sinabi.

"Sure." ang sagot ko naman dito, isang ngiti ang namuwati sa mga labi ko dahil tumatakbo sa plano ko ang mga bagay bagay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status