Share

CHAPTER 3

I’M so sorry Papa, but I can’t marry someone I don’t love.  Alam mo naman sa umpisa pa lang kung ano talaga ang pagkatao ko, hindi ba? Kung ikinahihiya mo ang isang kagaya ko, magpapakalayo-layo na lang ako.  Promise, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pangalan mo.  Someday, you’ll be proud of me.  Pero sa ngayon, hayaan nyo na lang muna ako sa buhay na gusto ko.  I am really sorry.  I love you.  Mahal na mahal ko kayo ni Mama at ni Andy.

            Nagtangis ang mga bagang ni Facundo.  Sa lahat ng ayaw niya ay ang napapahiya siya.  Hindi siya maaring sumira sa kanyang naipangako.  Mahalaga para sa kanya ang word of honor lalo na para sa kapatiran.

            Kailangang matuloy ang pag-iisang dibdib ng mga anak nila ng kaibigan niyang si Ariel or else masisira siya, hindi lang dito kundi maging sa iba pa nilang mga kaibigan.  Muli niyang naalala ang kanilang naging kasunduan tweny seven years ago. . .

“BILANG TANDA ng ating brotherhood, at upang maging tuloy-tuloy ang fraternity nating ito, nangangako ako na hindi ko papayagang mag-asawa ang kambal ko kung hindi rin lang isa sa mga anak ninyo ang makakatuluyan ng mga ito!” Mariing pahayag ni Facundo, kumuha siya ng blade at hiniwa ang isang daliri.  Ang dugo mula duon ang ginamit niyang ink para sa thumbmark sa isinulat niyang kasunduan.

            “Ako rin.  Nangangako akong sakali mang magkaanak kami ni Arlene ng babae, sisiguraduhin kong isa sa kambal mo ang mapapangasawa nya,” Sabi naman ni Ariel, gamit ang blade at hiniwa rin nito ang isang daliri at tinatakan ng sariling dugo ang kasunduang ginawa ni Facundo.

            Ganuon rin ang ginawa ng iba pa nilang kasamahan sa kanilang fraternity.  Matagal-tagal rin siyang hindi naging active sa fraternity dahil nanirahan sila pansamantala sa Amerika ngunit paminsan-minsan ay nagkakausap sila sa telepono ng kanyang mga ka-brotherhood.

            Nalaman nga niya na marami na rin ang nagkatuluyan sa mga anak ng mga ito.  Seven years ago ay nagdecide silang bumalik ng Pilipinas ngunit duon sila nanirahan sa Davao kaya bibihira pa rin siyang makadalo sa mga pagtitipon ng mga ito.  Until last month ay um-attend siya ng 30th anniversary nila at nagkausap sila ni Ariel at napag-alaman niyang may twenty five years old itong dalaga.  Nang ipakita nito sa kanya ang picture ng anak nito ay naisip niya ang isa sa kanyang kambal na si Anthony.  Maganda ang anak ni Ariel, baka sakaling maging lalaking-lalaki ang binate niya once makatikim ito ng babae.

            Kaya nga nagkasundo sila ni Ariel na ipapakasal nila ang kanilang mga anak sa lalong madaling panahon.

            Nilingon niya si Andy.  “Magbihis ka!”

            “What?”

            “Hindi ako pwedeng mapahiya.  Since naglayas ang kapatid mo, kailangang ikaw ang pumalit sa kanya bilang groom. . .”

            “Pa, are you nuts?” Anitong hindi makapaniwala sa tinuran niya saka naiiling na tinalikuran siya, “No way!”

            Ngunit mabilis niya itong hinila at sinikmuraan.

            “Pa!” anitong nagulat sa ginawa niya.  Ito ang unang beses niyang nakapanakit ng anak.  Maski nuong umamin si Anthony sa tunay nitong pagkatao ay never naman niya itong sinaktan although isang linggo rin yata siyang gabi-gabing nag-iinom.  Hirap na hirap siyang tanggapin ang kalagayan nito.  Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ito ang pinili niyang ipakasal sa anak ng kaibigan niya.

            Pero naisahan siya ni Anthony.  Hindi niya papayagang masira ang reputasyon niya.  Sa ayaw at sa gusto ni Andy, kailangan nitong sumunod sa kanya. 

            “Kahit bugbugin mo pa ko ‘Pa, hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng ni hindi ko pa nga nakikita kahit na kelan. Besides, may girlfriend ako, Pa.  At alam nyo naman kung gaano ko kamahal si Alexa.” Sabi nito habang sapo ang sikmura, “I’m sorry ‘Pa.”

            “Magpapakasal ka sa kanya or tatanggalan ko kayo ni Anthony ng mana?”

            “What?” Hindi makapaniwalang bulalas nito.

            “You decide,” Kibit balikat na sabi niya rito.  Alam niyang hinding-hindi nito nanaising mapunta lahat sa anak niya sa labas ang lahat niyang mga ari-arian.  He knows him too well.  Kaya nga iyon ang ginamit niyang panakot para mapasunod niya ito sa gusto niya.

DAMN, galit na ibinato ni Andy ang kanyang cellphone.  Hinanap na niya sa lahat ng mga kaibigan nito si Anthony ngunit ni isa ay walang makapagsabi kung nasaan ito.  Naka-off din ang phone nito pati na rin ang lahat ng social media accounts nito.  Mapapatay talaga niya ang kanyang kakambal kapag nagkita sila.

            Hindi siya makapaniwalang siya ang malalagay sa alanganin dahil sa ginawa nitong paglalayas.  Kilala niya ang ama.  Alam niyang hindi ito nagbibiro.  Hindi niya papayagang mapunta sa step brother niya ang lahat ng para sa kanila ni Anthony.

            Hindi niya papayagang mangyari iyon.  Hindi dahil sa mukhang pera siya kundi dahil hindi niya bibigyan ng satisfaction ang gahaman niyang half-brother at ang social climber nitong ina.  Pero kilala niya ang Papa niya.  Alang-alang sa pinaglalaban ay totohanin nito ang banta kahit na para sa kanya ay isa iyong kalokohan.  Ano ba naman kasing pumasok sa utak nito para ikumpormiso ang kaligayahan ng sariling anak para lang sa kaibigan nito?

            But damn, paano siya magpapakasal sa isang babaeng hindi naman niya mahal? Never pa nga niya itong nakilala kahit na minsan.  Pagkatapos heto, sa isang iglap magiging asawa na niya?

            Napatiim bagang siya nang maisip ang half brother niya.  Panigurado siyang tuwang-tuwa ito kapag inalisan silang magkapatid ng mana.  At hindi niya bibigyan ng satisfaction ang mag-inang iyon na mangyari ang nuon pa gustong mangyari ng mga ito.

            Damn, Anthony, where the hell are you? Sobrang stress na siya.  Saan ba nagtago ang mokong na iyon?

            “Andy,” Dinig niyang sigaw ng Papa niya, “Nakabihis ka na ba? Naghihintay na sina kumpadre. . .Nanduon na raw sa bahay nila iyong judge na magkakasal sa inyo.  Bilisan mo at baka ma-late na tayo!”

            Pumasok sa kuwarto niya ang kanyang Mama, “Bilisan mo na at nahi-high blood na ang Papa mo.”

            “’Ma,” waring humihingi ng saklolong sabi niya sa ina.

            “Pagbigyan mo na lang ang Papa mo, ‘nak. Kesa naman mapunta sa kabit nya ang lahat nyong mana!” Malumanay na sabi ng ina sa kanya. 

                                

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
haaaaa ganda tlaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status