“AKALA KO ba hindi ka sisipot? Di ba nagkasundo na tayo?” Nangigigil sa inis na sita ni Catherine sa anak ng kaibigan ng Daddy niya nang dumating ito sa bahay nila kasama ng parents nito.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang nuon lang siya nakita. “Dapat ikaw ‘tong naglayas para di na matuloy ‘tong kasal,” pasuplado nitong sagot sa kanya.
“Bah, aastig astig ka pa dyan, kala mo naman totoo,” angil niya dito saka nilingon ang kanyang Daddy na abala sa pag-eestima sa parents nito at sa judge na magkakasal sa kanila, “Uy, malansang paminta, wag mo kong tinatarayan dyan ha? Baka kala ng Papa mo magkakaron ng milagro oras na matabihan kita? Excuse me, mamatay na muna ako bago mo ko matabihan. Pumapayag akong pakasal saiyo dahil ayokong sumama ang loob ni Daddy pero sa papel lang tayo mag-asawa!”
“Bakit, kala mo ba seseryosohin ko ‘to? Para sabihin ko saiyo, wala ka pa sa kalingkingan ng girlfriend ko!”
“Girlfriend ka dyan!” Natatawang sabi niya dito, “Pwede ba kapag tayong dalawa lang ang nakakarinig, magpakatotoo ka!” Gustong-gusto na niya itong kutusan. Bakit ba nagpi-feeling macho naman ‘to ngayon? Ano bang drama nito? Pero in fairness, bagay dito ang ganitong pormahan. Ang astig ng dating nito sa suot nitong black na t-shirt at simpleng maong lang. At ngayon lang niya napansin, may dragon tattoo pa pala ito sa braso. As if naman ikakalalaki nito iyon. Pero kung di lang ito paminta, pihadong maraming babae ang magkakagusto dito.
Tsinito. Kissable lips. Matangkad. Maganda ang mga ngipin, at higit sa lahat, mabango. Tiyak na kaiinggitan siya ng barkada nya kapag ipinarada nya ang isang ito. Wag lang itong bibigay sa bestfriend niyang si Mak. Pero imposible. Sa gwapong iyon ni Mak, pihadong laglag brief ang mokong na ‘to dun.
Magkaiba ng kaguwapuhan ang lalaking ito at ang bestfriend niyang si Mak.
Bilugan ang malaking mga mata ni Mak. Indian kasi ang tatay kaya ganun ang feature nito. Pero hindi nagkakalayo ng pangangatawan ang mga ito. Magka-height rin. Pareho silang matangkad.
Bigla niyang naalala si Mak. Pihadong magtatampo ito sa kanya kapag nalaman nito ang biglaan niyang pagpapakasal. Ni hindi man lang niya ito nasabihan. Sabagay, kahit isa naman sa mga barkada niya ay wala siyang sinabihan ng tungkol dito. Bukod sa inaasahan niyang hindi ito sisipot sa araw ng kasal, nahihiya siyang ipagsabi na ipinagkasundo siya ng Daddy niya sa anak ng kaibigan nito na three days ago lang niya nameet.
KAHIT NASA AIRCON ay pinagpapawisan si Andy. Never in his wildest dream na naisip niyang ikakasal siya isang araw sa babaeng ni hindi man lang niya niligawan. In fact, ngayon nga lang niya nakita.
Talagang makakatikim ng suntok sa kanya si Anthony kapag nagkita sila. Gosh, ni wala ito sa kalingkingan ni Alexa ang babaeng ito. Ano bang height ng bubuwit na ito? 5’2’? 5’3? Wala siyang ideya. Basta hindi siya mahilig sa maliliit. He is 6 feet tall. Parang ang akward ka-date ng maliit dahil palagi na lang itong nakatingala sa kanya. Hindi pa yata siya nagka-girlfriend ng kasing height nito.
Saka ano ba namang porma nito? Daig pa nito ang manang na may dalang Bible kung makaporma. Sigurado siyang pagtatawanan ito ni Alexa sa bihis nito.
Bukod sa fashion model ay fashion designer rin si Alexa kaya naman napakaganda nitong manamit. Pagkatapos sa babaeng ito lang siya ipapakasal ng Papa niya? Hindi ganito kababa ang standard niya!
Gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay na iyon. Pero kapag naiisip niya si Justin ay napapaatras siya.
Parang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib niya nang tawagin na silang dalawa ng judge, hawak ang marriage contract na pinirmahan nito. Pakiramdam niya ay katapusan na niya.
Ganito siguro ang feeling ng bibitayin, sa loob-loob niya habang nakatingin sa mukha ng mapapangasawa niya. Ni hindi man lang inahit ang makapal na kilay, sa loob-loob niya habang nakatitig dito.
Diyos ko naman, ano ba itong napasukan ko? Ano ba ang kasalanang nagawa niya nuong past life niya para parusahan siya ng ganito? Nilingon niya ang kinaroroonan ng ama. Napalunok siya nang makitang hindi inaalis ng Papa niya ang pagkakatingin sa kanya. Subukan mo lang gumawa ng gulo dito, tingnan ko lang kung magustuhan mo ang gagawin ko, waring nagbabalang sabi ng mga mata nito sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya ng malalim. Kung isa itong panaginip, gusto na niyang magising sa lalong madaling panahon!
“MAG-ASAWA na ho kami?” Parang maiiyak na tanong ni Catherine sa judge nang ianunsyo nitong pwede na siyang halikan ng kanyang groom. Nilingon niya ang kanyang Daddy na masayang-masaya para sa kanya.
Ginagawa ko ito para sa kaligayahan mo, Dad. Pero jusko lord, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang isang ‘to! Bakit naman iyong kaligayahan nyo, katumbas ng kamatayan ko? Napahikbi siya nang ma-realize ang lahat ng isinakripisyo niya para lang mapagbigyan niya ang request ng ama. Bakit ba kasi nagpatangay siya sa iyak nito?
“Oo, mag-asawa na kayo,” Nakangiting sabi ng judge na napag-alaman niyang kasamahan rin sa Fraternity ng Daddy niya, “Iho, you may now kiss your wife.”
“No way!” Halos sabay nilang sagot ng kanyang napangasawa.
Iniisip pa lamang niyang makikipaghalikan siya dito ay nangingilabot na siya. At malamang ay ganun rin naman ito sa kanya dahil alam naman niyang hindi babae ang hanap nito.
Tinawanan lang silang dalawa ng judge.
“Okay, hindi ko kayo pipilitin. Pasasaan ba at masasanay rin kayo. Ganyang-ganyan rin iyong anak ko nuon,” anito sa kanila.
“By force nyo ring ipinakasal ang anak nyo? Hindi ho ba bawal iyon?”
“Hindi ko kayo pinilit. Kusa ninyong pinirmahan ang marriage contract nyo. Naka-video lahat ng mga kaganapan. Walang nakatutok na baril sa inyo at hindi nanganib ang buhay nyo, kaya sa mata ng batas, wala akong nilalabag na kahit na ano!” Paliwanag nito sa kanila, “At iyong anak ko, very grateful sya na ginawa ko iyon. Ngayon masayang-masaya na silang mag-asawa. For sure, ganun din ang mangyayari sa inyo.”
“I don’t think so,” sagot ng lalaki saka yamot na tumingin sa kanya, “Hinding-hindi ako maiinlab sa kanya.”
Namilog ang mga mata niya, “Bah, bakit, feeling mo naman maiinlab ako saiyo? Uy, pareho lang tayo ng pinagdadaanan dito ‘no!” Mataray na sabi niya rito. Kung makaasta ito, parang ginusto niya ang nangyayaring ito sa kanila ah!
“Kuuh, ganyan-ganyan rin ang sinabi ng anak ko sakin nun. Pero ayun, nakakatatlo na silang anak ngayon!” Anang judge sa kanilang dalawa.
Kinilabutan siya saka humaba ang nguso, “Iba naman po kasi ang case ng anak nyo at ng groom nya sa case namin ng isang ‘to!”
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi