Share

CHAPTER 2

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2022-01-25 15:17:46

PARA ng maiiyak si Anthony habang hinihintay lumabas ang mag-ama.  Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero umaasa siyang hindi sana pumayag ang anak nitong makasal sa kanya.

            Hindi niya maintindihan ang Papa niya kung bakit siya nito pinipilit na mag-asawa eh lalaki nga ang type niya?

            Maluha-luhang tinawagan niya ang kanyang kakambal na si Andy, “I can’t believe this, Andy.  Ano ang akala sakin ni Papa? Isang burger na pwedeng ipalafang kahit na kanino?” Dinukot niya ang kanyang pamaypay mula sa dala niyang bag, “This is so stressful. My gosh, Andy, I can’t imagine myself with a woman!” Napapabilis ang paypay niya, para siyang masusuka habang iniisip ang kasalang senet-up ng Papa niya at ng kaibigan nito.

            Paniguradong magwawala ang boyfriend niyang si Basti kapag nalaman nito na gusto siyang ipakasal ng Papa niya.

            “Gusto kang maging lalaki ni Papa kaya nya ginagawa ‘yan. . .”

            “Which is impossible.  Kahit siguro wala ng tao sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa babae!”

            “Anthony, alam mo naman ang kalagayan ni Papa.  ‘Wag na ‘wag mo sana siyang bibigyan ng sama ng loob.” Sabi ng kakambal niya sa kabilang linya.

            Napasimangot siya, “Madaling sabihin saiyo ýan porke hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!”

            “Sorry na lang brother dear.  Kasi kung ako naman ang pipilitin ni Papa, okay lang naman sakin, after all, kapirasong papel lang naman ýan. Hindi naman ibig sabihin nyan kailangang maging loyal ka na sa mapapangasawa mo.  Ang mahalaga, sundin mo ang gusto ni Papa. . .”

            “Talaga lang ha? Eh kung sabihin ko kaya kay Papa na ikaw na lang ang pilitin nyang ipakasal sa anak ng kaibigan nya?”

            “No way! Over my dead body!” Mariing sagot ni Andy sa kanya.  “Alam mo namang may girlfriend na ako ‘no.”

            “Bakit, may boyfriend rin naman ako ah!” Yamot na sabi niya sa kakambal. Pinindot na niya ang end button nang lumabas muli ang mag-ama.  Tumuwid siya ng upo.  Mapapatay siya ng Papa niya kapag babakla-bakla siya sa harapan ng kaibigan nito kaya kahit hirap na hirap siya ay pinipilit niyang magpakalalaki.  Pero may mga pagkakataong di talaga niya mapigilan lalo pa at me pagkamaldita ang anak nito.  Pinagtaasan niya ng isang kilay ang babae nang pasadahan siyang muli ng tingin mula ulo hanggang paa.  Feelling mo? Hoy girl, mas maganda ko sayo! Gusto sana niyang sabihin dito.

            “Anong oras ba darating ang Papa mo para mapag-usapan namin ang tungkol sa kasal ninyo nitong unika ija ko.” Tanong ng kaibigan ng Papa niya na napag-alaman niyang Ariel ang pangalan.

            “On the way na po siya, Tito Ariel,” pa-macho ang tinig na sagot niya sabay irap sa anak nito nang muling magsalubong ang kanilang mga paningin.  Diyos ko, sarap ahitan ng makapal nitong kilay.  Pumilantik ang kanyang mga daliri.  Gustong-gusto na niyang sabunutan ang babae kung hindi lang nila kaharap ang tatay nito.

            Gosh, kung inaakala mong matitikman mo ang alindog ko, you’re wrong. Mamatay na muna ako bago ko pakasal sayo!

“UMAMIN ka na, alam kong malansa ka!” Sita ni Catherine kay Anthony nang sila na lamang dalawa ang naiwan sa salas habang ang Daddy niya at ang father ni Anthony ay busy sa pag-iinuman sa may wine bar malapit sa kanilang kusina.

            Inirapan siya ni Anthony, “Alam mo na pala, bakit pumayag ka pa ring pakasal sakin?”

            “Me magagawa pa ba ko kung iyakan na ko ng Daddy ko? Ikaw dapat ang umurong sa kasal eh.”

            “Bakit ako? Dapat ikaw ‘no,” Taas ang kilay na sabi nito sa kanya, “Ikaw ang babae kaya dapat ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo!”

            “Gusto mong atakehin sa puso ang Daddy ko? Sya na lang ang meron ako kaya mas gugustuhin ko pang pagtiisan ka, kesa naman may mangyaring masama sa Daddy!” Muli niyang naalala ang naging pag-uusap nila kanina.  Dalawang beses pa lang niyang nakitang umiyak ang Daddy niya.  Nuong mamatay ang Mommy saka kaninang nag-uusap sila ng heart to heart.  Kaya kahit tutol ang kalooban niya ay napapayag na rin siya nito.  Handa niyang isakripisyo ang kanyang kalayaan mapagbigyan lang ang kanyang pinakamamahal na ama.

            “Wow ha? Ikaw pa ‘tong magtitiis sakin? Uy, baka gusto mong humarap sa salamin? Saka, hindi ka ba tinuturuan ng nanay mong mag-ahit ng kilay?” May pagkamalditang tanong nito sa kanya.

            “Twelve years old pa lang ako nang mamatay sa cancer ang nanay ko.”

            “Oh, I’m sorry. . .” Biglang lumambot ang mukha nito, “But God, I really can’t marry you for obvious reason. . .”

HINDI makatulog si Anthony ng gabing iyon.  Tinawagan niya ang kasintahang si Basti. Hindi siya makapapayag na makasal sa babaeng iyon.

            Hindi siya papayag na kontrolin ng Papa niya ang buhay niya.

            “Hello, Basti?”

            “Yes, sweety?”

            May naulinigan siyang malakas na tugtugan sa background nito, “Asan ka? Nakikipagparty ka na naman ba?”

            “Sweety, nagkakatuwaan lang kami ng barkada.  Napatawag ka?”

            “Magtanan na tayo sweety.  Ilayo mo ko dito sa bahay.  Kailangan kong makatakas kay Papa at sa babaeng iyon!”

           

             

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ganda tlaga
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Mistaken Identity   EPILOGUE

    HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.

  • Mistaken Identity   CHAPTER 125

    KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin

  • Mistaken Identity   CHAPTER 124

    “SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to

  • Mistaken Identity   CHAPTER 123

    “NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.

  • Mistaken Identity   CHAPTER 122

    “DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma

  • Mistaken Identity   CHAPTER 121

    “MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status