Share

CHAPTER 5

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2022-01-25 15:21:12

“SA IISANG KUWARTO kami matutulog?”

                “Natural, mag-asawa na kayo ngayon, alangan namang magkahiwalay kayo ng kuwarto?  Ngayon pa lang sanayin nyo na ang mga sarili nyong me katabi sa pagtulog. Gusto na naming magkaapo ‘no!” Sabi ng Daddy niya saka nakangising tingnan ang kaibigan nitong si Facundo.

            “’Ma,” dinig niyang sabi ng lalaki, parang humihingi ng saklolo sa ina.  Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa nangyayaring ito sa kanya.  Kahapon lang ay dalaga pa siya.  Ni wala nga siyang boyfriend.  Pagkatapos ngayon, biglang-bigla heto at Mrs.Catherine Villanueva na siya.

            Parang um-order lang siya online ng asawa ah.  Ang masama, may defect pa. Sabagay, mainam na ring hindi tunay na lalaki ang napangasawa niya.  At least nakasisiguro siyang hindi siya nito pipiliting magtalik.  At least, walang sex na magaganap sa pagitan nila.

            Pero ibig rin bang sabihin niyon, mamatay siyang virgin?

            Huwag naman.  Pangarap pa niyang mainlab, madiligan at magkaroon ng masayang pamilya.  After five years, siguro naman hindi na magagalit ang Daddy niya kung mag-file siya ng annulment?

            Napapaiyak na siya.  Daig pa niya ang nasentensyahan sa kasalanang ni hindi niya alam kung ano.

            “Oh, ano pang hinihintay nyo, pasok na,” dinig niyang sabi ng kaibigan ng Daddy niya, itinulak nito papasok sa loob ng kuwarto ang anak, saka inihagis ang dala nitong bag dito.  Gumaya naman ang ama niya, itinulak rin siya nito papasok sa loob ng kuwarto saka kinabig ang pinto niyon para sumara.  Narinig pa niyang nagtatawanan ang mga ito habang papalayo.  Gosh, ano bang akala ng mga ito sa kanila?

            Sinipat niya ang lalaki.  Kagaya niya ay nakasimangot rin ito habang iginagala ang paningin sa kwarto niya.  May kalakihan naman ang kuwarto niya, malinis at air-conditioned iyon.  Saka mabango.  Medyo OC kasi siya pagdating sa kanyang mga gamit.

            Namilog ang mga mata niya nang maghubad ang lalaki ng suot nitong shirt at pantalon.  “San ang banyo mo?”

            Nakapikit niyang itinuro ang banyo sa loob ng kanyang kuwarto.  Ilang sandali pa at narinig na niya ang lagaslas ng tubig mula duon.  Hindi siya mapakali, parang nakaregister pa rin sa utak niya ang maganda nitong pangangatawan.  God, ni walang inhibition na naghubad sa harapan niya.  Mano bang takpan man lang nito ng towel ang katawan.

            Pero ang macho, ha.  Siguro madalas itong tumambay sa gym para mang manyak ng mga kalalakihan.  Hindi ba ganun ang style ng mga paminta?

MALALIM ang takbo ng utak ni Andy habang nakababad siya sa shower.  At least ay naiibsan niyon ang stress na nararamdaman niya.  God, bakit ko ba pinasok ang gulong ito? Siguradong magwawala sa galit si Alexa kapag nalaman nito ang tungkol dito? I can’t afford to lose her.  Pero paano nito tatanggapin ang kaganapang ito sa buhay niya?

                “Ahhh. . .” Sigaw niya para pakawalan ang stress na nararamdaman.  Ang gulat niya nang bumukas ang pinto ng banyo.  Nagpanic siya nang makita ang babaeng napangasawa niya sa may pintuan ng banyo.

“Bakit, anong nangyayari? Ekkk. . .” Tili nito nang mapadako ang tingin sa kanyang s*****a na ewan ba niya kung bakit tayong-tayo ng mga oras na iyon. At aaminin niyang me kahabaan iyon. Well, isa iyon sa mga assets niya. Natatarantang hinila niya ang tuwalyang nakasampay sa rack at itinapis iyon sa kanyang h***d na katawan.

            “Damn, bakit kasi bigla-bigla ka na lang pumapasok dito, alam mo namang naliligo ako?”

            “Narinig kasi kitang sumigaw, akala ko kung ano ng nangyari saiyo?” Sabi nitong kaagad na tumalikod at mabilis na isinara ang pinto ng banyo.  Napapailing na itinuloy niya ang paliligo.

Hindi naman siya apektado kung makita pa nito ang buong katawan niya. Laki siya sa States, madalas nga ay naliligo silang magkakaibigan sa pool ng hubot-h***d duon. Pero syempre ay iba ang kultura dito sa Pilipinas kaya nang umuwi sila dito ay malaking adjustment para sa kanilang magkapatid ang lahat. Actually, kung siya ang papipiiin ay mas gusto niya ang buhay sa Amerika.

            But since nagdecide na rin si Alexa na sumunod sa kanya dito sa Pilipinas, At nagboom ng husto ang career nito dito, naisipan niyang mag-settle na rin lang dito at pagbigyan ang kanyang ama na pamahalaan ang kanilang mga negosyo dito.

            Muli niyang naalala ang kanyang kakambal.  Malilintikan talaga sa kanya ang lalaking iyon kapag nagkita sila.  Inilagay siya nito sa kapahamakan at ngayon ay wala siyang maisip kung papaano siya makakalabas sa sitwasyong ito.

PAIKOT-IKOT sa loob ng kanyang kuwarto si Catherine.  First time niyang makakita ng live na sex organ ng lalaki.  Nangangatal ang kanyang buong katawan sa takot.  Ang laki, ang haba.  OMG.

            Kailangang gumawa siya ng mga kondisyon kung gusto nitong maging maayos ang pagsasama nila.

            Kumuha siya ng papel at ballpen at inumpisahan ang mga rules and regulations na gusto niyang tupdin nito habang nagsasama silang dalawa.

            Bawal maghubad sa harapan niya.

            Bawal maligo ng matagal.  Fifteen minutes are enough to take a shower.  Bawal galawin ang mga gamit niya.  Bawal sumigaw sa loob ng banyo dahil nagkaka-anxiety siya.  Minsan na kasing nadulas sa loob ng banyo ang mommy niya at very traumatic sa kanya ang experience na iyon.  Ang mga susunod na kondisyon ay sa ibang araw na lamang niya susulatin.  Huminga siya ng malalim saka pinirmahan ang kondisyon na kanyang ginawa.  Umikot ang eye balls niya nang lampas thirty minutes na ay hindi pa rin ito lumalabas ng banyo.  Ano pa ba ang pwede nitong gawin sa loob ng banyo besides sa dumumi at maligo. 

            Natakpan niya ang kanyang bibig nang maisip kung ano ang possible nitong ginagawa sa loob.  Mukha pa namang me pagka-pervert ang pamintang iyon.  Mas lalo siyang nagpanic.  Kahit binabae pa iyon, possible pa ring makabuntis.  OMG.

            Inabot yata ito ng forty five minutes bago ito lumabas sa banyo.  Tumayo siya at yamot na iniabot dito ang isinulat na mga kondisyon.

            “Ano ‘to?” Nabubugnot na tanong nito sa kanya.

            “Basahin mo para maintindihan mo!” may sarcasm na sagot niya dito.

            “What? Fifteen minutes lang ako pwedeng maligo sa banyo? Ano ‘to, communist? Uy, kung hindi ka maayos maligo, ‘wag mo kong iparis saiyo ‘no!” Maangas na sabi nito sa kanya, “I make sure malinis na malinis ako bago lumabas ng banyo!”

            “As if naman makukuskos mo lahat ng bahong tinatago mo dyan sa loob ng katawan mo!”

            “Anong sinabi mo?” Kunot-nuong tanong nito sa kanya.

            “Kilala kita.  Alam ko ang kulay ng dugo mo!  Kaya ‘wag kang aasta-asta dyan na akala mo astig ka!  Saka pwede ba, ‘wag mong pinagmamalaki yang. . .ýang, ano mo dahil kahit mahaba ýan, alam kong. . .”

            Lumapit ito sa kanya, bahagya siyang napaigtad lalo na nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya.  Ang bilis ng pintig ng puso niya lalo na nang maamoy ang scent nitong fresh na fresh.  Kahit nakabukas ang air-con ay ramdam niya ang pawis sa kili-kili niya.

            “Huwag mong sabihing first time mong makakita ng ganito kahaba?” Pilyong tanong nito sa kanya, parang gusto talagang subukan ang pasensya niya, napalunok siya nang idikit nito ng husto ang mukha sa mukha niya.

                

                              

                                

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mercuria Cerbas
Pangit kayo hindi na ako mag babasa niloloko nio lang kami
goodnovel comment avatar
Mercuria Cerbas
Hay nako doon na ako bumalik na c andy mula sa apartment, napaka walang kwenta ninyo oi,,,,,
goodnovel comment avatar
Mercuria Cerbas
Bakit bumalik ito sa chapter 6? Hay nako ang layo ko na tapos binalik nio? Ano ba kayo?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mistaken Identity   EPILOGUE

    HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.

  • Mistaken Identity   CHAPTER 125

    KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin

  • Mistaken Identity   CHAPTER 124

    “SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to

  • Mistaken Identity   CHAPTER 123

    “NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.

  • Mistaken Identity   CHAPTER 122

    “DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma

  • Mistaken Identity   CHAPTER 121

    “MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status