Share

Chapter Three: Karma

[Kayden's POV]

"I hate you..." Fia faintly said when she recovered from her trance.

I guess her emotion had died down. Medyo kalmado na ang paghinga niya. She took a swig of the water that she pulled out from the fridge at naupo sa kaharap kong sofa.

"Careful, babe. You might end up liking me," I retorted with a grin.

Thankfully, my boner showed some mercy on me too. I should probably get this buddy to good use later. Probably with Ally. My flavor of the month.

"Why are you smiling? Hindi kana nakakatuwa, ha!Unggoy ka talaga! At anong sabi mo? Ikaw magugustuhan ko? Kahit na ikaw nalang siguro ang nag-iisang lalaki sa mundo ay hinding hindi kita papatulan. Mas gugustuhin ko nalang na mamatay kesa ang makita iyang nakakairitang pagmumukha mo!"

I wasn't able to help myself but laughed out loud. Wala parin siyang pinagbago. Wala pa nga akong ginagawa pero galit na siya. Maybe she had become so protective of herself towards me dahil sa mga nagawa ko sa kanya noon. Believe me, I'm not as prick as this to others. Sa kanya lang. Ang sarap lang kasi niyang asarin. Lalo na kapag naniningkit na ang mga bilugan niyang mata sa inis.

"Huwag mo akong tawanan! Akin na iyang camera at cellphone ko!" sabi niyang nanggigil na naman sa inis.

"Only if you will ask me nicely," I teased.

"Ugh! Nakakainis ka talaga!" Dinampot niya ang kaninang baso na ininuman, akmang itatapon sa'kin pero hindi niya ginawa.

Damn, why can't I let this pass? I should give this poor woman a breakPero hindi ko magawa.

Simula kasi nung nawala siya ay wala na akong napagtripan. Hindi ko naman matukso tukso si Cassy dahil mas temperamental pa iyon kay mommy. Siguradong bugbog ang aabutin ko sa kapatid kong yun. But with Fia, I'm safe. She wasn't capable of hurting anyone. I could probably sit here all day and tease her while she rants her nasty banters at me without me being hurt. Naalala kong umiiyak lang siya noon kapagka asar na asar na siya.

I was suddenly brought back to my senses when we both heard a ring. Her phone. Nagkatitigan kami.

"Nooooooo!" she stood up and ran up to me but I was quick to grab the phone. It was her mother calling. I mindlessly swiped the screen to answer it.

"Kayden, ikaw pa rin ba 'to?" asked her mother. Pinindot ko ang loudspeaker para marinig ni Fia. She just stood there not too close in front of me, giving me a death glare.

"Yeah Tita, but I'm at your house right now. Isusuli ko na po sana 'tong phone. Nasa kwarto pa po kasi si Fia. Nagbibihis...Oh, there she is..." I said and she immediately snatched the phone from my hand.

"Ma-a?! Na-patawag ka?" she stuttered.

Nagpigil akong tumawa. I couldn't wait to see her reaction once she finds out the things that I told her mother.

"Ha? Ah eh..uhm kasi...Mom..."

God, but Fia's face was too pricey. I actually came here to give back her phone, but not the camera. She had to learn her lesson first.

After all, what she did was crazy.

[Fia's POV]

"Anak, I called your office. Nagresign kana raw? Why did you do that?"

"Ha? Ah eh..uhm kasi...Mom..." Arrgh, sinong walanghiyang nagsabing nag resign na ako? I just took a leave for heaven's sake!

"Kayden told me that you went up to him daw para humingi ng tulong kung pa'no magmanage ng restaurant. He said he owns a resto at gusto mo raw magtrabaho sa kanya. " Napabuntong hininga si mommy."You should have told me na plano mo palang magpaturo sa pagma-manage, anak. Tsaka, bakit ba hindi ka nagsabing uuwi ka pala ng Pilipinas?"

Nanlilisik kong tinitigan si Kayden pero patay malisya lang itong naupo na para bang walang ginawang kalokohan. Unggoy na 'to!

"Anak?"

"Ah eh, mom...kasi... gusto ko po sanang makatulong sa'yo," wala sa loob kong sabi.

"Are you sure?" mukhang nabuhayan si mommy. "Oh darling, salamat naman at naisip mo narin 'yan ngayon. I guess Kayden could be of good help to you. Mabuti naring naka uwi ka sa Pilipinas kasi plano ko sanang mag put up this year ng branch natin sa Ortigas. He could train you in a way at tsaka with the construction, pwedeng ikaw na ang umasikaso kasi busy si mommy. I'm sure pwede kang humingi ng tulong sa Tito Gab mo."

Oh my God! This couldn't be happening!

"Hello, anak? Nakikinig ka ba?"

"O-po...Mom."

Tumawa si mommy. "Mabuti naman at nagkasundo na kayo ni Kayden? Aba'y para kayong mga aso't pusa noon."

Hinding-hindi ko makakasundo ang unggoy na 'to. Never!

"Matagal na po yun, mom. Mga bata pa po kami. Uhm sige, mom. I have to pay my friend a visit, naghihintay na siya. I have to go. I... love you. Bye," hindi ko na hinintay ang sagot ni mommy. Galit kong muling hinarap si Kayden. "Why did you do that?!"

"She said you resigned from work. I was just trying to be of help," balewala niyang sagot pero kitang kita ko ang naglalarong kung anong kapilyuhan sa mga mata niya. Prente parin siyang naka-upo na tila ba pagmamay-ari niya itong bahay. Ang kapal talaga ng mukha!

Tinapon ko ang cellphone sa sofa. "Be of help? Be of help! You jerk!" Mangiyak nigiyak kong sigaw. "Why are you doing this? What do you want from me?!"

"Nothing, Fia. Ikaw ang may kailangan sa'kin. Didn't you realize how stupid that was? To film yourself with a guy? Were you that desperate? Heck, my brother has -"

"Shut up! You don't tell me what's good and not when we all know who's the devil here. At wala kanang pake kung bakit ko yun ginawa!" Pigil na pigil kong umiyak sa inis. I don't ever want to show this guy that I was still the weakling Fia years ago. Pero, shit lang! Sobrang sobra na talaga siya.

He straightened from his seat at saka tumayo dala-dala ang camera. "You know where to find me," he gave me a sardonic smile and raised the camera. "Work for me, and you can have this back as your leverage."

I could only watch him in fury as he stormed out the door. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa galit. Nanlalatang napaupo ako sa sofa. Nanginginig kong nasapo ang mukha ko. God, what did I ever do in the past to deserve this? Knowing Kayden. I knew he won't stop until he's satisfied. All I ever care about was the video. I was right from the beginning, he would use that against me! That devil! Wala talaga siyang konsensiya! Siya na nga itong nakinabang sa performance ko! Ako pa itong kinawawa niya. Hayup siya!

Sandali kong kinalma ang sarili ko. I thought of ways to back against him. Kung sakaling magtrabaho man ako sa kanya para makuha ang camera, I should set my terms. Ano, magtatrabaho ako sa kanya at kung kailan lang niya gustong isuli ang camera saka lang ako titigil? Ano siya, hilo? Sa tuso ni Kayden,baka pagtrabahuin pa ako nun habang buhay.

Tumayo ako at nagdesisyong maligo. Matapos kong nakapagbihis ay tinawagan ko si Alice. I asked her if she knew a good lawyer.

"Si Tito Vincent. Lawyer ni daddy."

"How can I get to him?" sagot ko.

"Teka lang. Bakit kailangan mo ng lawyer?" Alice pryed. "May problema ba?"

"Wala. May mga papers lang akong kailangang ipa-notarized," I lied. I still can't tell her the truth. Ayaw kong may iba pang makaalam kahit na pinagkakatiwalaan ko si Alice.

She took a sigh and decided to give me the lawyer's office and the phone number. Sandali rin niya akong kinamusta and told me that she was up for her plan on setting me with blind dates. Wala ako sa mood na makipagtalo sa kanya kaya napa-oo nalang ako.

"PASOK po kayo, Ma'am," invited Attorney Vincent's secretary.

I smiled as she led me to the office. "Thank you," I said and she nodded, saka siya lumabas ng office.

A balding middle-aged man, about his forty, I guess, stood up and motioned for me to sit. "You must be, Fia? Tumawag sa'kin si Alice."

"Opo," tipid akong ngumiti at naupo sa harap ng table niya.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, hija? You don't look like someone who came in para magpa-notarized. May problema ba?"

Diyos ko nakakahiya itong sasabihin ko. Halata ba sa mukha kong hindi talaga pagpapanotarized ang pakay ko? Kung ganun, this lawyer must be good. Na psychoanalized na agad ako. Tsaka, lawyers took oath to keep matters of confidentiality, criminal man o hindi ang kliyente nila, diba? Siguro naman hindi nito ipapagkakalat na may sex video ako.

Napalunok ako saka nagdesisyong sabihin sa kanya ang kagagahang ginawa ko. Syempre, I told him that a jerk tried to blackmail me using the video.

"Mahirap iyang sinasabi mo, Hija. You are under his mercy. Drawing a contract of terms wouldn't be as advantage as you think. You don't hold anything against him. You said he's an asshole." Bahagyang natawa si attorney. "Siguro hindi kawalan sa kanya kung mangyari mang ipagkalat niya ang video."

Gusto ko na muling maiyak. "Attorney, ano po ba ang pwede kong gawin?"

"Subukan mo muling kausapin siya. Baka naman kapag paulit pulit kang makiusap sa kanya ay maawa siya sa'yo."

Maawa? Hindi yata kilala ng lalaking iyon ang salitang awa. Ni wala nga iyong konsensiya.

"Imposible po iyan, attorney."

"Then siguro ay kailangan mong gumawa at mag-isip ng paraan para mai-blackmail rin siya. It's the only option na pwede mong gawin, na sana naman ay hindi mangyari. A wrong for a wrong will never cause any good result. Para lang iyang sa math. Adding two negative numbers would always yield for a negative result. If you know what I mean, hija."

Lalong sumama ang loob ko. Pinabaunan pa talaga ako ni Attorney Vincent ng logic. I left his office with a heavy heart. Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa bahay.

Ano namang klaseng pangba-blackmail ang pwede kong gawin kay Kayden? I don't know anything about him. Hindi ko alam kung saan siya nakatira, kung anong f******k account niya,kung anong natapos niya, kung may girlfriend ba siya, ni hindi ko nga alam kung totoo ngang may restuarant ba talaga siya. I didn't bother to check on him in the social media since I left the Philippines. Mukha palang kasi niya noon allergic na ako. Tsaka si Elijah, wala siyang social media. I guess he was too serious with studies and all. Si Cassy, friend kami sa f******k pero hindi naman kasi ako masyadong nag o-open ng social media. I just knew Elijah's engagement party through Louise. Halos gumuho ang mundo ko nang ibinalita niya iyon. I did my research and immediately took a plan on impulse at that day. Hindi ko na pinagisipan ang mga naging desisyon ko. Desperada na kung desperada but I did that stupid thing with my heart on.

But you ended up ruining your own plan! Supplied my conscience. Tanga ka kasi! Tanga!Ngayon kinarma ka!

Naramdaman ko nalang ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Ang sikip sikip sa dibdib. Tuwing naalala ko iyong mga sandaling nakasama ko si Elijah noon.

"How many kids would you like to have, Mi?" Elj took my hand. Magkatabi kaming nakaupo gilid ng pool nila, nakalublob ang mga paa namin sa tubig. Napatitig ako sa kanya. He was just sixteen, ako naman turning fifteen palang.We were too young pero ito na ang iniisip niya.

"Ilan ba ang gusto mo?" nakangiti kong sabi at bahagyang pinisil ang kanyang kamay.

"Kung ilan ang gusto mo,"sagot niya at nakangiting napatitig sa'kin. "Pero gusto ko marami, para masaya."

My heart did a sommersault. Ngayon palang ay naiisip ko na ang buhay na kasama siya. Magkakaroon kami ng mga malulusog na anak. Titira kami sa isang malaking bahay na may napakagandang garden at syempre may pool. Tsaka, magkakaroon din kami ng mga pets.

"Paano 'yan bata pa tayo. Baka naman ipagpalit mo ako niyan?"napanguso ako.

"Hindi na ako titingin sa iba. Sayo lang, Mi. Bata palang tayo alam ko na at naramdaman ko na'ng mahal kita."

Mangiyak-ngiyak ako habang nakatitig sa kulay brown niyang mga mata, napadiin pa ang pagkakapisil ko sa kamay niya.

"Mahal na mahal kita, Mi. Lagi mo 'yang tatandaan."

Inatake na naman ako ng nostalgia. Tandang-tanda ko pa ang pag-uusap naming iyon ni Elijah. At tandang-tanda ko pa na iyon ang mga pinaka huling salitang binitawan niya bago ako umalis at nagpasyang iwan siya. Iniwan ko siya ng hindi man lang ako nakapag-paalam. Iniwan ko siyang hindi natupad ang mga pangakong iyon.

I leaned back against my seat. Sinubukan kong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko, may iilang kutsilyong ibinaon sa dibdib ko. Ang sakit sakit parin eh. Sobra. Gusto ko siyang makita at makausap. Marami akong gustong itanong. Gusto kong balikan niya ako ulit at sabihing ako parin ang mahal niya. Na ako lang talaga simula noon.

Pero pa'no ko gagawin iyon kung may kahihiyan akong ginawa? At sa mismong kapatid pa niya?

Nangignginig ang mga kamay na nagpunas ako ng luha. Inaliw ko nalang ang sariling tiningnan ang ilang mga billboards na naka-display sa gilid ng kalsada.

Papaakyat kami sa isang overpass ng manliit ang mga mga ko. Seriously? Pinaliit ko pa muli ang mata ko para siguraduhing siya nga ang naka topless na larawan sa billboard. Nanuyo bigla ang lalamunan ko ng masiguradong siya nga ang nasa litrato.

Kayden's in a black and white photo, half naked. His jeans swang low his waist. Ang isang kamay niya'y nakahawak sa waist band ng kanyang pantalon at ang isa naman ay tila nang-aakit na pinadaan ang mga daliri sa basa niyang buhok. Naka lip bite pa ang h*******k. Tinitigan ko ang label ng billboard. It was famous signature for jeans.

How come ngayon ko lang 'to napansin? Was he into modeling?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status