Share

4

Author: Vivipiad
last update Last Updated: 2025-08-09 13:28:35

Hindi ko alam kung anong mas matindi, yung kaba ko ba sa dibdib ko o yung lamig na biglang bumalot sa buong silid.

Tumayo siya sa dulo ng mesa, diretso ang tingin sa mga board member na kanina pa nag-uusap tungkol sa kapalaran ko.

"So…" mahina pero matalim ang boses niya, "…you were having a meeting. Without me."

Narinig ko yung isa sa matatandang board member na pilit ngumiti. "Mr. Aldrin, we were just—"

"Stop."

Isang salita lang pero napatahimik silang lahat.

"I'm talking. Can't you see?”

Parang bumigat lalo ang paligid.

"I hear," tinuloy niya, "you were deciding who gets fired. Without me."

"Can you tell me… since when did my board have the authority to make that decision without my approval?"

"Sir, we only thought it was urgent—" sagot ng isa, nanginginig pa yung boses.

"You thought wrong." Putol niya agad, walang kahit anong pasensya.

"You do not touch my people without my word."

Doon na siya bahagyang yumuko, malamig ang tingin na para bang hinuhubaran niya ng kaluluwa ang mga taong kausap niya. "And I also hear," bumaba pa lalo ang tono niya, "that you had the nerve to speak about me. About my late wife."

Nagpalipat-lipat yung tingin niya sa bawat isa, mabagal, parang tinitimbang kung sino ang uunahin. "Which one of you said I'm using another woman to replace her? Which one of you joked about her death?"

Ramdam ko yung init sa pisngi ko, pero hindi dahil sa hiya, kundi sa galit at sakit. Hindi na ako makatingin sa kanila, lalo na't alam kong narinig ko mismo yung mga salitang yun mula sa bibig nila.

"You forget yourselves," dagdag niya, halos walang emosyon pero mas nakakatakot.

"You forget the line you are never allowed to cross."

Tumingin siya saglit sa direksyon bago ibinalik ang tingin sa kanila. "This conversation ends now. I will handle the matter myself. And the next time I hear any of you speak my wife's name, or hers, with that kind of filth, you will not have a seat in this company."

"Ever."

Wala ni isa ang naglakas ng loob magsalita.

Unang naglakad palabas si Sir Rome, mabigat ang hakbang niya, pero bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, huminto siya sa tabi ni Alex at may ibinulong dito. Hindi malinaw sa akin kung ano, pero nakita ko kung paano tumango si Alex.

Lumapit sa'kin si Alex pagkatapos.

"Pumunta ka mamaya sa office ni Mr. Aldrin," sabi niya.

Tumaliko na agad si Alex, iniwan ako roon habang naririnig ko pa rin ang mahihinang bulungan ng ibang board members na hindi na yata matatapos hanggang hindi nila ako tuluyang mapaalis.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Mr. Aldrin, parang bawat hakbang ay humihigop ng hangin sa dibdib ko.

Pagdating ko sa tapat ng pinto, saglit akong natigilan. Huminga ako nang malalim bago kumatok nang marahan.

Mula sa loob, narinig ko siyang magsalita.

"Come in."

Binuksan ko ang pinto at pumasok, maingat na isinara iyon sa likod ko.

Nakaupo siya sa likod ng malapad na mesa, nakasandal sa upuan, at nakatingin sa akin na parang sinusuri ang bawat galaw ko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.

"Sit," utos niya sa malamig na tinig. Sumunod ako, kahit nanginginig nang bahagya ang kamay ko habang hinahatak ang upuan.

Nang marinig ko ang boses niya, ay mas lalo akong napako sa kinauupuan ko.

"Not because I defended you in public," mabagal at malinaw ang bawat salita niya, "doesn't mean I forget what happened to the access… and the missing funds."

Parang may malamig na kumapit sa batok ko.

He leaned forward slightly, walang bahid ng biro ang makikita sa mata niya

"Even I have a feeling," dagdag pa niya, "that you took it."

Pati siya, pinaghihinalaan ako?

"W-Wala po 'kong alam don," ang sabi ko, "Ni hindi ko nga po alam na may ganung nangyari bago ko pa makita yung—"

"Stop."

Naputol agad ang salita ko.

"So… you're saying… I'm lying?"

Parang humigpit ang hangin sa paligid. Napakagat ako sa labi, napapikit saglit. "Hindi po yun ang ibig kong sabihin…"

His jaw tightened. "Then explain to me, Venus, why your name was the only one on that hacked access list."

Napalunok ako, "Hindi ko po alam kung paano napunta ang pangalan ko don. Wala po talaga akong kinalaman sa—"

"Don't lie to me," malamig niyang putol.

"You think defending you in front of those board members was easy? You think that clears you from suspicion?"

Nanatiling tahimik si Mr. Aldrin sandali, umayos siya ng upo, nakapulupot ang mga daliri sa armrest ng upuan. "If you can't return the missing funds…" huminto siya, para bang sinasadya niyang patagalin para mas lalo akong kabahan, "…then I will decide myself… if you're worth keeping… or letting go."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Sir, please… hindi po talaga ako ang gumawa nun," halos nanginginig ang boses ko, at napalapit pa ako sa mesa niya na parang mas lalo siyang mababago ang isip. "Wala po akong kinalaman dyan. H-hindi po ako magnanakaw."

Tumaas ang kilay niya, "Then you're saying… I'm wrong?"

Mas lalong tumalim ang tingin niya. "You're saying… I'm lying again?"

Mabilis kong umiling. "Hindi po… hindi ko po sinasabi yun. Ang sinasabi ko lang—"

Pero agad niya akong pinutol. "You have nothing to prove your innocence. Until you do… my decision will stand."

Napakagat ako sa labi, halos maiyak na. "Sir… huwag niyo po akong tanggalin… nagmamakaawa po ako. Hindi po talaga ako yung kumuha. Wala po akong magagawa kung hindi kayo maniwala pero… wala po akong kasalanan."

Hindi siya sumagot, pero alam kong kahit anong pagmamakaawa ko, hawak pa rin niya ang desisyon.

"Sir… pakiusap… kailangan ko po talaga ng trabaho na 'to." nanginginig ang boses ko, ramdam ko na nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Wala na po akong ibang mapupuntahan… marami pa po akong bayarin… may binabayaran po ako sa ospital… at nakasalalay po sa'kin ang buhay ng taong yon."

Bumuntong-hininga ako, halos maputol ang boses ko. "Lahat po… lahat gagawin ko… para lang manatili sa trabaho."

Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay, malamig ang titig na nakatutok lang sa'kin.

"Anything?"

Napalunok ako. "O-opo." sagot ko kahit nagdadalawang isip.

Bigla siyang napangisi, "Careful with your words, Venus…"

"When you say anything to me… you might not like what that means."

Kinutoban ako sa sinabing yon ni Sir Rome.

Pero kahit ano pa ang gawin ko, wala na akong magagawa kundi pigain ang hiya ko. Alam ko kung gaano ka importante sa'kin ang trabahong 'to, at oras na mawalan ako ng trabaho, saan na lang ako kukuha ng pambayad ng gastusin sa ospital?

Lalo na't nasa kritikal na siyang kondisyon, kaya require ang malaking pera.

"K-kahit ano, tatanggapin ko."

"Kahit ibigay niyo po sa'kin lahat ng trabaho… kahit hindi niyo na po ako pakainin… kahit pagurin niyo ako hanggang sa mawalan ako ng lakas… okay lang sa'kin, Sir,” sabi ko, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. "Basta po… huwag niyo lang akong tanggalin sa trabaho ko."

"Kailangang-kailangan ko 'to ngayon. Ako nalang yung tanging inaasahan niya."

Tahimik niya lang akong pinagmamasdan, pero nakikita ko kung paano tumaas ang kilay niya. Para bang may naisip siyang ibang bagay.

"So," malamig niyang sabi, "kahit ano… gagawin mo?"

"K-kahit ano..."

Pero hindi ko inaasahan ang susunod na lalabas sa bibig niya. Dahan-dahan siyang ngumisi, bahagyang nakahilig pasulong.

Nakatitig lang siya sa'kin habang nakaupo pa rin sa swivel chair niya, hawak ang ballpen at marahang iniikot ito sa mga daliri.

"You're saying you'll do anything," he said slowly, "Anything… to keep your job. To keep the money coming in and to keep paying for that hospital bill."

Tumango ako agad. "Yes, Sir. Kahit ano po."

"Even if it means… working longer hours than anyone else here?" tanong niya.

"Yes, Sir."

"Even if I give you the most difficult tasks… and you get no extra pay?"

"Yes, Sir. I'll still do it."

He leaned back, smirking slightly. "Even if it means giving up your weekends, your nights… your personal life?"

Napakagat ako ng labi, pero tumango pa rin. "Yes, Sir."

He chuckled under his breath. "You're really that desperate, aren't you?"

"Yes," mahina kong sagot. "I am."

There was a pause and then he tapped the ballpen against his chin, thinking. "Alright… I could make you an offer. Something that would guarantee your position here. You'll never have to worry about getting fired again. You'll never have to think about where your next paycheck is coming from."

Nagningning ang mata ko kahit may kaba. "T-talaga po?"

"Yes," sabi niya, habang nakasandal, at ang siko ay nasa mesa. "I was thinking… I could put you under a special contract. That you'll report directly to me. Only me. Everything you do, every task, and every hour."

"Anything you say, Sir," mabilis kong sagot.

Muli siyang ngumisi. "Of course… there will be certain… expectations."

Tumango ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"I expect complete loyalty. I don't want to hear questions or complaints. And when I call, you will come without any hesitations."

"Yes, Sir," ulit ko.

He studied my face for a moment, then slowly said, "I was going to make it purely business. That's what I had in my mind. A total control over your work life."

Bigla siyang tumigil, napatingin sa gilid na parang may pumasok na ibang ideya. Tumigil ang pag-ikot niya ng ballpen, at ngumiti siya ng kakaiba.

"But now…" he muttered, almost to himself, "…I'm thinking of something else."

Npakurap ako. "Sir?"

Bumalik ang tingin niya sa akin, "Forget about the contract. I just thought of a better way to make sure you'll never leave..."

My brows furrowed. "H-hindi ko po kayo maintindihan."

He straightened, stepping away from his desk and slowly walking toward me. "If you want to stay here… then marry me."

Nanginig ang buto ko sa sinabi niya.

H-hindi pwedi na... basta... hindi pwedi ang gusto niya.

Natigilan ako, parang hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. "S–Sir?"

"You heard me,"

"Be my wife. In that way, I own not just your working hours… but every part of your life, that is better than any contract."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistress of The Ceo   4

    Hindi ko alam kung anong mas matindi, yung kaba ko ba sa dibdib ko o yung lamig na biglang bumalot sa buong silid.Tumayo siya sa dulo ng mesa, diretso ang tingin sa mga board member na kanina pa nag-uusap tungkol sa kapalaran ko."So…" mahina pero matalim ang boses niya, "…you were having a meeting. Without me."Narinig ko yung isa sa matatandang board member na pilit ngumiti. "Mr. Aldrin, we were just—""Stop."Isang salita lang pero napatahimik silang lahat."I'm talking. Can't you see?”Parang bumigat lalo ang paligid."I hear," tinuloy niya, "you were deciding who gets fired. Without me.""Can you tell me… since when did my board have the authority to make that decision without my approval?""Sir, we only thought it was urgent—" sagot ng isa, nanginginig pa yung boses."You thought wrong." Putol niya agad, walang kahit anong pasensya."You do not touch my people without my word."Doon na siya bahagyang yumuko, malamig ang tingin na para bang hinuhubaran niya ng kaluluwa ang mga t

  • Mistress of The Ceo   3

    Maaga akong umalis mula sa table namin. Nagpaalam na 'ko kina Barron, Clara, at Florence dahil may kailangan pa akong ipasa sa finance office bago dumating ang VIP mamaya. Bitbit ko pa ang makapal na folder ng mga dokumento, pero bago pa ako tuluyang makalayo, may narinig akong pabulong na tawa mula sa isang empleyado sa kabilang cubicle."Tignan mo nga yang sekretarya. Lagi nalang may importanteng lakad. Nagpapaka-feeling CEO." narinig kong bulong."Oo nga, pero hindi lang yon, nabalitaan ko pa na nilalandi niya si Sir Rome."Mas lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng mga fake news."Hah." halakhakhak ng babae, "As if naman na patulan siya. Tignan mo nga, dinaig niya pa ang may sampung anak. Napakalosyang na, kaya siguro hanggang ngayon, wala pa ring asawa.""Hibang lang na lalaki ang papatol sa kanya." sabi ng isa, at narinig kong nagtawanan sila."Totoo, teka nga pano ba yan nakapasok dito?""Nilandi nga kasi si Sir Rome." sabat pa ng isa.Napansin

  • Mistress of The Ceo   2

    Maaga pa lang, pero nakaupo na ako sa mesa, nakayuko habang paulit-ulit na nagsusulat at pumipirma ng kung anu-anong papeles. Ilang folder pa 'to, at hindi pa rin ako tapos. Ang hirap na mag-isip, dahil ang dami ko pang kailangang i-prepare. May VIP guests pa mamaya, kaya hindi ako pweding makipagsabayan sa katamaran nila. Nasa iisang mesa lang kami nina Barron, Clara, at Florence. Nagsisiksikan ang folders sa harap ko habang sila ay tamang pahinga lang, naka-sandal pa nga si Clara habang umiikot-ikot ang ballpen sa daliri niya. Si Florence naman ay may hawak na iced coffee, habang si Barron ay abala sa pagkukuwento. Ako lang ata ang hindi sumasali sa topic nila dahil masyado akong busy sa trabaho ko. Bigla akong tinawag ni Barron."Uy, Secretary Venus," biglang sabi ni Barron, habang nginunguso ako sa iba. "Landi-landi din minsan. Baka ma-estatwa ka sa papales mo, hindi ka na maging masarap. Tulad ko." sabay hawak sa buhok. Agad na nagtawanan yung dalawa. "Anong Masarap?! Hoy Bak

  • Mistress of The Ceo   1

    VenusNanginginig pa ang kamay ko habang hinahalo ang kape. Nakapila na yung iba sa likod ko, pero hindi ko na sila pinapansin. Wala akong pakialam kung sabay-sabay kaming malate, basta hindi ako ang magiging dahilan ng gulo."Venus, Ano na?! Bilisan mo!" sigaw ni Clara sa likod ko, habang hinahabol ang hininga. "Galit na si Mr. Aldrin. Nagsisigaw na sa loob."Napatingin ako sa kamay kong may hawak na tasa. Napansin kong medyo napuno ko nang sobra. Ang tanga ko talaga. Agad kong pinunasan yung gilid para hindi mahalata."Pustahan, ikaw na naman pagbubuntungan non." dagdag ni Clara.Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumango lang ako habang kinukumpuni yung tray na may dalawang kape at tatlong folder. Mas mabuti nang hindi na ako magsalita, baka pati si Clara ay mapagbuntunan ko ng galit. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung gaano pa ako tatagal dito.Pang-ilan na ba 'to? Ilang beses na ba akong pinahiya sa harap ng buong department? Ilang report na ang sinadyang ibalik sa akin n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status