Maaga pa lang, pero nakaupo na ako sa mesa, nakayuko habang paulit-ulit na nagsusulat at pumipirma ng kung anu-anong papeles. Ilang folder pa 'to, at hindi pa rin ako tapos. Ang hirap na mag-isip, dahil ang dami ko pang kailangang i-prepare. May VIP guests pa mamaya, kaya hindi ako pweding makipagsabayan sa katamaran nila.
Nasa iisang mesa lang kami nina Barron, Clara, at Florence. Nagsisiksikan ang folders sa harap ko habang sila ay tamang pahinga lang, naka-sandal pa nga si Clara habang umiikot-ikot ang ballpen sa daliri niya. Si Florence naman ay may hawak na iced coffee, habang si Barron ay abala sa pagkukuwento.
Ako lang ata ang hindi sumasali sa topic nila dahil masyado akong busy sa trabaho ko.
Bigla akong tinawag ni Barron.
"Uy, Secretary Venus," biglang sabi ni Barron, habang nginunguso ako sa iba. "Landi-landi din minsan. Baka ma-estatwa ka sa papales mo, hindi ka na maging masarap. Tulad ko." sabay hawak sa buhok.
Agad na nagtawanan yung dalawa. "Anong Masarap?! Hoy Bakla, nakausap ko huling tumikim sayo. Sabi, ang asim mo daw. Never again." sabat naman ni Clara habang tawa ng tawa.
"Ang sabihin niya, nabitin siya." dagdag pa ni Barron.
Napatingin lang ako sa kanila sandali, tapos napangiti ng tipid. Tumawa rin ako, pilit pero maayos. Hindi ko gustong maging masungit, pero wala rin akong gana makisali.
Napansin naman ako ni Florence. "Secretary Venus." tawag niya sa'kin. "Kanina ka pa diyan nagsusulat, girl. Di ka pa ba napapagod?"
Tumango naman si Clara. "Oo nga, Venus. Alam mo, huwag mong iniistress ang sarili mo. Kung gusto mo, ibigay mo yan sa taong walang ginagawa sa buhay." sabi ni Clara sabay kuha ng mga papeles ko at inilagay sa harap ni Barron.
"Tangina mo, Clara." madiin na mura ni Barron, habang kaming tatlo ay tumatawa. "Pag sinupalpal ko yang muka mo."
Humalaklak si Clara. "Gawaa... hindi mo kaya akla." pambwibwisit niya pa.
Habang nag-aaway ang dalawa, muling bumaling sa'kin si Florence. "Secretary Venus, pwedi mo naman siguro gawin yan mamaya."
"Hindi na." sagot ko, "tutal maaga pa naman, kaya ngayon ko nalang gagawin."
Ngumiti ako sakanya. "Tsaka isa pa, kailangan ko na 'tong matapos agad, lalo na't may darating pa na vip guests mamaya. Tapos wala rin si Boss dito, kaya sa'kin lang talaga nakaasa ang lahat." sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel. Naglagda ulit ako, kahit pa kumikirot na ang pulso ko.
"Barron," tawag ni Clara. "Hawaan mo nga si Venus ng katamaran."
"Tangina mo talagang babae ka. Kanina ka pa!"
"Oh, bakit? Para naman may paggagamitan yang pagiging batugan mo. Ang laki-laki ng katawan tapos hindi mo ginagamit."
"Ignore sa basher." sabi namani ni Barron.
Muli kaming tumawa dahil talagang sanay na sanay na kami sa ganyang set up nila.
Nakuha ko naman ang atensyon ni Barron.
"Venus hubarin mo nga yung salamin mo." utos niya.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Hah? Bakit? Anong meron?"
"Basta hubarin mo na lang." pamimilit niya.
Kahit na medyo naguguluhan ay sandali akong tumigil sa pagsusulat para hubarin ang salamin ko.
"Oh, dibaa. Ang ganda-ganda mo." sabi nito.
Tumango-tango naman si Florence. "Mas bagay sayo ang walang salamin."
Napailing nalang ako. "Ewan ko sainyo. Wala akong makita kapag hindi ko suot ang salamin ko." tapos muli ko na yon binalik.
"Tsaka try mo rin magsuot ng revealing clothes minsan. Sayang yung balakang mo teh."
"Oo nga. Sayang din yung dibdib mo. Pahiramin kita ng damit, marami akong plunging neckline tops sa closet," offer ni Clara.
"Para san naman yon?" tanong ko.
"Para makita nila yung cleavage mo."
Agad akong umiling. "Nasa opisina tayo at may sinusunod tayong dress code." paalala ko sa kanila.
"Hindi pweding magsuot ng revealing clothes lalo na't nagtratrabaho ka kay Sir Rome. Isa pa, ayaw din ni Sir ng mga ganon." sabat ko.
Nagtaas naman ng kilay si Florence, tutol sa sinabi ko. "Weehh? Eh, bakit si Layla?"
Hindi ko na lang sinagot.
"Speaking of," sabi ni Florence, sabay tingin sa cellphone niya. "dress code. Hindi non tinatablan si Layla. Biruin mo, sec! Kaunti nalang ipangalandakan niya yung dibdib niya sa buong building.
"Yan! Yang babaeng yan!" singit ni Clara, biglang tumigil sa pag-ikot ng ballpen. "Tagal ko nang nanggigigil dyan."
"Sarap sampalin sa mukha. At kung makaasta? Akala mo siya yung reyna."
"Tapos yung boses?!" dagdag pa ni Barron. "'Hi sir... here's your coffee, I made it just for you…'" sabi nito, habang pinapaliit ang boses.
Napatawa silang tatlo, pero halatang iritado.
"Seriously," sabi ni Florence, "kapag hindi pa siya kinain ng lupa sa kapal ng mukha, hindi ko na alam."
"Ewan ko ba kung bakit hindi siya sinasabihan."
"Baka gusto rin ni Sir," sabi ni Barron, sabay kindat, tapos nagtawanan sila.
Tumawa rin ako, pero mahina lang. Hindi na lang ako nagsalita. Inayos ko lang ulit yung pagkakatumpok ng mga papeles sa harap ko. Tinuloy ko ang pagsusulat, kahit mahirap nang mag-concentrate.
Ang totoo, pareho rin naman kami ng iniisip. Pero wala akong balak sumali sa away. Hindi ako nandito para makipag-kompetensya. Pero minsan, oo, naiirita rin ako. Lalo na kapag lahat ng ginagawa ko para sa trabaho, biglang nawawalan ng saysay dahil ano nga namang panama ko pag dating sa hubog ng katawan?
"Basta," bulong ni Clara habang umiinom ng kape. "Pag hindi talaga ako nagka-boyfriend ngayong taon, aakitin ko na rin si Sir. Tignan natin kung sino panalo saming dalawa."
"Hay nako, good luck," sagot ni Florence. "Maging hubadera ka rin, para may sasabay na sa kanya."
"Pwede," sabi ni Barron. "Pero Clara, My dear. Feeling ko huwag ka na. Maganda nga yung katawan mo. Kaso lang, hindi mo naman nabawi sa mukha. Wala rin." pang-aasar niya dito.
Tumayo si Clara at pinaghahampas si Barron, samantalang kami ay tumatawa lang. "What?! Hoy! Yung wig ko matatanggal na!"
"Edi maganda!" sabi ni Clara, habang sinasabunutan siya.
"Sinasabi ko sayo, kapag yan natanggal. Idadamay ko anit mo!"
Huminto na rin siya at muli nang umupo, sa kabilang naman ay mukhang nasalanta ng bagyo si Barron.
Lumapit samin si Clara. "Pero teka, narinig niyo ba yung bago ngayon?" sabay lapit ng boses niya, halos bulong na.
Napatingin si Florence. "Anong bago?"
"About kay Layla," sagot ni Clara. "May sabi-sabi na raw... may something na sila ni Sir."
"Ha?" sabay-sabay kaming napatigil. Kahit ako, napaangat yung ballpen ko sa papel. Hindi ko man gusto ang tsismis, pero hindi ko rin maiiwasang mapatingin.
"Hindi ko rin alam," dagdag pa ni Clara. "Pero diba, sa tuwing lalabas si Layla mula sa office ni Sir... magulo lagi yung buhok, tapos parang... ewan, hulas. Dinaig pa galing sa bakbakan."
"Grabe ka," sabay tawa ni Barron. "Napansin ko din yan eh," pagsang-ayon niya, "tipong minsan na parang may tama yung lipstick niya. May araw pa nga na lalabas siya, mapapansin mo na wala ng suot na bra."
"Alam mo yon, Florence?" tanong ni Clara.
"Oo," sagot ni Florence. "Lalo nung Friday, nung nag-overtime siya sa loob. Ilang oras din silang magkasama ni Sir sa opisina tapos—"
"Ew," singit ni Barron. "Please, huwag mo nang sabihin, nandidiri ako."
"Arte mong bakla ka. Hugutin ko ulit yang wig mo." panakot ni Clara.
"Subukan mo. At hindi ka makakapasok bukas."
Umiling lang ako habang tinatapos yung pirma ko sa huling dokumento. Hindi ako sumisingit sa usapan, pero hindi ko rin mapigilang hindi makinig.
"Ano, Venus?" tanong bigla ni Clara habang nakatingin sa akin. "Ikaw yung madalas kasama ni Sir, diba? Wala ka bang napapansin sa kanila?"
Napatigil ako sa pagsusulat. Napatingin ako sa kanila isa-isa. Lahat sila, nakatitig sa'kin na parang ako ang magbubunyag ng sikreto ng buong kompanya.
"Ha?" tanong ko. "Ako?"
"Wala 'kong alam. Madalas naman kasi, ako yung pinapagawa ng kung anu-ano. Pag may pinapatawag si Sir, di ko na rin nakikita kung anong nangyayari sa loob."
"Pero hindi mo talaga napapansin?" ulit ni Florence, parang ayaw paawat.
Umiling ako, sabay tingin sa papel sa harap ko. "Wala. Wala akong napapansin. At tsaka, ayoko rin namang mangiealam. Hindi ko naman trabaho yon."
"Hmm..." sabay sabay silang nagkunwaring disappointed.
"Ay nako," sabi ni Clara. "Pero kung totoo man, sayang talaga. Sayang si Sir."
"Sayang yung posisyon," dagdag ni Florence. "Kung sakali mang magkakatuluyan sila, sobrang ginhawa na nang magiging buhay ni Layla."
"Mas masaklap, kapag naging boss natin siya. Baka ipatanggal niya tayo dito." dagdag pa ni Florence.
Napaisip kaming lahat sa sinabi ni Florence.
Bigla silang tumahimik na parang may malamig na hangin na dumaan sa gitna ng lamesa. Wala namang nagsabi na tigilan ang usapan, pero sabay-sabay silang napahinto. Para bang lahat sila, biglang naalala na may linya rin pala silang dapat hindi tawirin.
Tsaka biglang nagsalita si Barron, mahina lang ang boses pero sapat na para marinig naming lahat.
"Pero kahit anong tsismis, walang pa rin makakapalit kay Maam Anastasia."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa pangalan na binanggit niya o sa tono ng pagkakasabi. Pero parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Wala akong rason para maramdaman yon, dahil wala naman akong koneksyon sa babae.
Nagpatuloy si Barron, tila walang napansin. "Dati, nung buhay pa si Maam Ana… ibang-iba si Sir Rome. As in, hindi siya yung tipo ng tao na malamig, suplado, at yung taong halos hindi mo matignan ngayon. Dati, approachable yan. Lalo na kapag kasama niya si Maam."
"Oo," sabay sang-ayon ni Clara, at tumango. "Naalala ko pa dati, bumaba pa si Sir noon para iabot personally yung flowers sa misis niya sa harap ng maraming tao. Sobrang sweet nila, tapos laging may pakain si Maam Ana dito. Wala siyang arte kahit mataas na tao siya. Kumakain pa nga yan sa pantry natin."
"Down to earth talaga," dagdag ni Florence, halos pabulong. "Kaya ang sakit nung nalaman nating pinatay siya."
Habang nagsasalita sila ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong makisali, pero kahit gusto kong bumalik sa ginagawa ko, wala na akong ibang marinig kundi yung pangalan niya.
Anastasia.
Napakasimpleng pangalan, pero ang bigat bigla. Minsan ko na rin siyang nakita. Sa mga lumang larawan sa loob ng opisina ni Sir. Nakangiti siya roon, maganda, elegante, tipong na sakanya na lahat.
"Simula nung nawala siya," tuloy ni Barron, "doon na nagbago lahat. Si Sir, lagi ng galit, na para bang ayaw niya na may lalapit sa kanya."
"Pinatay si Maam Ana, tapos hindi pa rin nahuli yung may gawa, and that's the worst part," bulong ni Clara. "Kasi paano ka nga naman babalik sa dati kung yung mahal mo, pinatay na lang ng basta-basta."
Tumingin sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ako ang secretary ni Sir. Siguro iniisip nilang may alam ako. Pero wala akong masabi.
Pinilit kong ngumiti nang bahagya, pero alam kong hindi umabot sa mata ko yung ngiting yon.
Tumingin si Barron sa akin.
"Venus, naabutan mo ba si Maam Ana? O hindi na?"
Doon ko lang napagtanto na natulala pala ako. Napatingin ako sa kanila, pero hindi ko agad nakuha yung boses ko. Parang tuyo yung lalamunan ko.
"Hindi na," sagot ko, maliit ang boses. "Late hire na ako. Patay na siya nung kinuha ako ni Sir."
"Sayang. Sana na-meet mo siya," sabi ni Clara. "Sigurado akong magkakasundo kayo."
Kinuha ko ulit yung ballpen, kunyari may pinirmahan. Habang sila naman, ay nagbago na ng topic dahil nagiging malungkot na sila.
Pero kahit ganon, kahit gusto kong bumalik sa normal na araw, hindi ko mapigilang maramdaman yung bigat sa loob ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit… pero may parte sa'kin na ayaw marinig ang pangalan ni Anastasia.
At mas lalo akong hindi komportable sa ideyang, baka totoo nga ang tsismis kay Layla.
Kahit ang totoo nyan, ay wala naman akong karapatang makialam.