Venus
Nanginginig pa ang kamay ko habang hinahalo ang kape. Nakapila na yung iba sa likod ko, pero hindi ko na sila pinapansin. Wala akong pakialam kung sabay-sabay kaming malate, basta hindi ako ang magiging dahilan ng gulo. "Venus, Ano na?! Bilisan mo!" sigaw ni Clara sa likod ko, habang hinahabol ang hininga. "Galit na si Mr. Aldrin. Nagsisigaw na sa loob." Napatingin ako sa kamay kong may hawak na tasa. Napansin kong medyo napuno ko nang sobra. Ang tanga ko talaga. Agad kong pinunasan yung gilid para hindi mahalata. "Pustahan, ikaw na naman pagbubuntungan non." dagdag ni Clara. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumango lang ako habang kinukumpuni yung tray na may dalawang kape at tatlong folder. Mas mabuti nang hindi na ako magsalita, baka pati si Clara ay mapagbuntunan ko ng galit. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung gaano pa ako tatagal dito. Pang-ilan na ba 'to? Ilang beses na ba akong pinahiya sa harap ng buong department? Ilang report na ang sinadyang ibalik sa akin na may pulang tinta, kahit alam kong tama naman lahat? Ilang meeting na ba ang sinadyang hindi ako isama, pero ako rin ang sisisihin kapag may kulang sa detalye? At kahit anong gawin ko, lagi nalang may kulang sa performance ko. "Venus, tara na. Baka ikaw na ang sunod na murahin non," halos hila na ako ni Clara palabas ng pantry. Humigpit ang hawak ko sa tray. Pilit kong pinapaalala sa sarili ko na hindi ko dapat 'to mahulog, at baka maging katapusan na ng mundo para sa'kin. Kasi kapag ako ulit ang naging dahilan, baka hindi lang report ang isampal sa akin ng boss na yon. Paglabas ko ng elevator, agad kong napansin ang ilang empleyadong nagmamadaling lumabas mula sa hallway ng opisina. Lahat sila ay nakayuko at may bitbit na mga folder, na para bang may lamay na naganap. Napansin yon ni Clara, at agad siyang sumabay sa lakad ko. "Ayan na naman. Mukhang napagalitan sila, oh," bulong niya sa'kin habang binilisan ang hakbang. "Sige, mauna na ako. Ako na bahala sa mga papeles nila. Ikaw na kay boss... good luck! Sana hindi pa kita paglamayan." Bago pa ako makatanggi, tumalilis na siya palayo. Naiwan akong mag-isa, dala ang tray ng kape, habang nakatitig sa pinto ng opisina ng taong ayaw na ayaw kong kaharapin. Huminga ako nang malalim, pinilit na hindi tignan ang panginginig ng kamay ko. Hindi pwedeng makita niyang natatakot ako. Hindi pwede. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakaupo siya sa likod ng mesa, nakatitig sa laptop na para bang may kasalanan yon sa kaniya. "Sir, your coffee," mahina kong sabi, magalang at halos hindi na lumalabas ang boses ko. Hindi siya tumingin o gumalaw pero nagsalita siya. "Took you long enough." Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya. Wag kang sumagot, Venus. Wag kang pilosopo. Isubo mo na lang yang tray kung kinakailangan. Pero hindi ko napigilan. "Eh... sir, kasi po, ang taas po ng building niyo, paano ko yun magagawa sa loob ng limang minuto? Tapos yung machine, ang bagal pa magtimpla. Ang yaman-yaman niyo pero wala kayong pamalit ng bagong coffee maker." Pak. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko dapat sinabi yon. Napalingon siya sa'kin nang unti-unti, na para bang sinukat niya ako mula ulo hanggang paa gamit lang ang tingin niya. Nagtaas siya ng kilay. "Are you trying to be smart with me?" Umiling ako agad. "No, sir. Sorry po, I mean—sorry, sir. Hindi po ako nag-iisip. I mean, I wasn't thinking. I mean—" He sighed. Tumayo siya at tumingin sa kape sa tray. Kinuha niya yon, tinitigan sandali, tapos ibinalik sa tray. "I changed my mind. I don't want coffee anymore. Throw it away." Napaatras ako ng bahagya. "Sir?" "You heard me." Tapos mo 'kong madaliin kanina dahil gusto mo ng kape. Ngayon, ipapatapon mo lang?! Sayang ang pagod, pawis, at luha na inilagay ko sa kapeng yan. Napapikit ako. "Sir… masasayang naman po. Pwede po kung ibibigay nalang sa iba?" Bigla niya akong tinapunan ng tingin. "You didn't hear me?" Napaatras ako nang bahagya. "Narinig ko po, sir. Pero kasi—" "Then why are you still talking?" Tumahimik ako, hawak ko pa rin yung tray. Pero hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa kape. Seryoso ba talaga siya? "Sayang po kasi, sir. Isa pa po, mainit-init pa, kung gusto niyo kahit tumikim lang kayo, baka sakaling magustuhan niyo—" "Are you deaf?" Biglang lumamig ang batok ko. Natigilan ako sa kinatatayuan. Mabigat ang boses niya, pero wala pa ring emosyon sa kaniyang mukha. "Kapag sinabi kong itapon mo. Itapon mo." madiin niyang sabi. Napalunok ako. "Yes, sir." Naglakad na ako palabas ng office habang hawak ang tray sa kamay, nagpipigil lang ako ng sarili kahit sa loob-loob ko, gustong-gusto ko na talaga 'tong itapon sa mukha niya. Sa susunod, babasagin ko na lang 'tong tasa, para wala na siyang problema. Pero syempre, yun ay kung hindi pa ako matanggal bukas. Pagkatapos kong itapon ang kape na pinaghirapan kong timplahin, bumalik na ako sa opisina. Yung opisina kung saan kami lang dalawa ng diyos ng impyerno. Hati lang ang room, dahil may divider naman, pero wala ring kwenta. Kasi kahit dumikit ako sa pader, rinig ko pa rin yung paghinga niya. Kahit tumalikod ako, ramdam ko pa rin yung tingin niya. Kahit hindi siya magsalita, feeling ko sinisigawan niya ako. Tumigil ako sa gilid ng cubicle ko. Nagkunwaring busy, habang pasimpleng nagta-type-type kahit wala namang pumapasok sa isip ko. Napansin kong tahimik lang siya, kaya ang akala ko ligtas na ako. Pero hindi, nang bigla siyang nagsalita. "Ms. Boromeo." tawag niya. Napataas ako ng kilay at napatingin ako sa kanya. Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan din ako. "I changed my mind." Napakurap ako. "Sir?" "I want coffee." Napapitlag ang kamay ko. Talaga ba? Pero hindi pa tapos ang sermon niya. "Not that cheap excuse of a coffee you made earlier," dagdag pa niya. "Go to Nero's. I want a large iced white mocha, with oat milk, no whip, one shot of espresso on top. And don't forget the cinnamon powder." Gusto kong isampal yung keyboard ko sa mukha niya. Pero syempre, sa utak ko lang yon. Putangina mo talaga. May pa-cinnamon powder pa, ha. Eh, kung alikabok ilagay ko don? Ngumisi ako. Pero yung ngiting pilit, yung tipong gusto-gusto mo na siyang isumpa na sagad sa buto. "Noted, sir," sabi ko, halos kinain ko ang dila ko para lang hindi ko siya murahin sa harap niya. Pero sa loob-loob ko? Kung hindi mo lang ako kailangan sa trabaho na 'to… Nag-aalburoto na ang kaluluwa ko. Sa sobrang gigil, kahit yung high heels ko parang gusto na ring umatras. Pero sige. Coffee kung coffee. Pagbalik ko mula sa pila sa Nero, ang bigat ng katawan ko. Halos isang oras akong nakatayo doon, hindi pa ako kumakain buong araw. Lahat ng yun, tiniis ko alang-alang sa pinagkakapalan kong boss. Mahaba ang pila, mabagal ang crew, tapos ang dami pang maarte sa harap ko. Pero tiniis ko lahat kasi utos yun ni Satanas—ay, ng boss ko pala. Pagkarating ko sa counter, hindi ko na pinatagal. "Miss, give me one large iced white mocha, with oat milk, no whip, one shot of espresso on top. And don't forget the cinnamon powder." sabi ko agad, halos hindi na humihinga. Pagkatapos ng mahabang paghihintay, hawak ko na rin ang kape. Ang init sa palad, parang nanunuyot na rin ang sikmura ko sa gutom. Nakasalubong ko pa ang matandang janitor na sinabihan akong magpahinga, pero ngumiti lang ako. Hindi ko masabing ang pahinga ko ay nasa impyerno mismo, at wala akong choice kundi bumalik. Pagdating ko sa opisina, nakabukas ang pinto. Naroon siya, nakaupo sa kanyang mesa, seryoso at walang bahid ng emosyon habang nakatingin sa laptop niya. Pero hindi yun ang pumukaw ng atensyon ko. Pagkapasok ko sa opisina, agad akong napatigil sa paglalakad. Nandoon na si Layla. Nakatayo siya sa gilid ng mesa ng boss namin, naka-sando na halos kitang-kita ang kalahati ng dibdib niya, at suot ang sobrang ikling palda na kahit konting hinga ko lang ay baka makita ko na ang ayokong makita. Nakangisi siya habang nakapaling sa gilid, hawak ang tasa ng kape. "Oh my God, Sir," sabi niya, habang idinidiin pa ang boobs niya sa mesa. "I hope you like it. I made it just for you. It's my special blend. Not too sweet, and not too bitter. Just the way you like it." Sinundan niya pa ng tawa na parang pabulong. Yung tipong tawa ng mga babaeng nakikipagflirt. Halos ikamot ko ang noo sa inis, dahil halos isang oras ako sa pila, tapos pagbalik ko, may nag-abot na pala sa kanya, tapos timplang kape lang din naman! Eh, bakit kailangan pang ipatapon ang kape ko kung yon lang pala ang gusto niya, tapos papabilhin ako. Napansin ko ding hawak na ni Sir ang cup at tahimik itong iniinom. Walang reaksyon o salitang lumabas sa bibig niya. Tinitigan niya lang si Layla sandali at bumalik sa ginagawa niya. Hindi rin niya ako napansin agad kaya nakatayo lang ako sa may pinto, hawak ang kape na pinaghirapan kong kunin habang pinapatay ng gutom ang sikmura ko. "Thanks, Layla," malamig pero walang pagtutol na sagot ng boss namin. Hindi niya man lang ako nilingon kahit pumasok na ako. Layla turned to me, that fake sweet smile on her face. "Oh, hi Venus. You're back." Nginitian ko siya ng pilit, kahit gusto ko na siyang sunggaban sa buhok. "Obviously," sagot ko, pero hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina, pero may halong yabang. "You look tired. Nero's line must be crazy." "Yeah. It was long," maikling sagot ko. "One hour loooong." parinig ko naman sa isa. She chuckled. "Oh no. Poor thing." Hindi ako sumagot. Gusto ko siyang sabunutan, pero hindi ako ganung klaseng tao. May natitira pa akong pride, kahit pakiramdam ko parang nilulubog niya 'ko sa bawat segundo ng eksenang 'to. "Anyway, I hope you like mine more," sabi pa niya, sabay kindat sa boss. "You should tell me if it's better than hers, okay?" Wala pa ring sinabi si Sir. Hindi ko alam kung natutuwa siya o naiinis, kasi minsan hindi ko mabasa yung mukha niya. Tahimik siya, at palagi lang kalmado. Pero minsan, yung pagiging kalmado niya ang nakakapanlamig ng dugo. Pinalampas ko na lang at nang paalis na siya, lumapit siya ng bahagya sa akin at bumulong, "You should really work on your timing, girl." Bago tuluyang makalabas, inirapan pa ako ng malandi. Hindi ako papatalo, inarapan ko rin siya, mas masungit pa sa irap niya. Pagkatalikod niya, lumapit na ako sa desk ni Sir at maingat kong nilapag ang cup ng kape sa mesa. Hindi ko na rin alam kung kailangan niya pa 'to o baka ipatapon lang ulit sa'kin. "Sir, here's your order po," mahinahong sabi ko, kahit alam kong may kape na siyang iniinom. Tumingin siya sa akin, tapos sa relo niya, tsaka bumalik sa cup. Hindi pa niya ubos yung kay Layla, pero may nakita akong ngitngit sa gilid ng bibig niya. Hindi naman mukhang galit, pero parang naiirita. "What took you so long?" tanong niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kahit ilang segundo lang akong tumingin sa kanya, parang may nahulog sa loob ko. "Pasensya na po. Mahaba po kasi ang pila," sagot ko, pinipilit ang kalmadong tono. Hindi siya sumagot, sapagkat nilapag niya lang yung hawak niyang cup, tsaka tumingin muli sa papel sa harap niya. "Drink it yourself." Napakunot ang noo ko. "Po?" "You can drink that. I don't need it anymore." "P-pero sir—" pagdadahilan ko nang bigla niya akong putulin sa pagsasalita. "If you don't want it, I'll be the one to toss it." Napakurap ako. Halos maibato ko yung cup sa dingding, pero pinilit ko ang sarili kong tumango. "I don't drink coffee," bulong ko sa sarili ko, sabay upo sa mesa ko, dahan-dahang inilagay ang cup sa gilid. Hindi ko siya tiningnan. Kasi alam ko, pag nakita ko ang mukha niya, baka hindi ako makapgpigil at maibato ko 'tong kape sakanya.Hindi ko alam kung anong mas matindi, yung kaba ko ba sa dibdib ko o yung lamig na biglang bumalot sa buong silid.Tumayo siya sa dulo ng mesa, diretso ang tingin sa mga board member na kanina pa nag-uusap tungkol sa kapalaran ko."So…" mahina pero matalim ang boses niya, "…you were having a meeting. Without me."Narinig ko yung isa sa matatandang board member na pilit ngumiti. "Mr. Aldrin, we were just—""Stop."Isang salita lang pero napatahimik silang lahat."I'm talking. Can't you see?”Parang bumigat lalo ang paligid."I hear," tinuloy niya, "you were deciding who gets fired. Without me.""Can you tell me… since when did my board have the authority to make that decision without my approval?""Sir, we only thought it was urgent—" sagot ng isa, nanginginig pa yung boses."You thought wrong." Putol niya agad, walang kahit anong pasensya."You do not touch my people without my word."Doon na siya bahagyang yumuko, malamig ang tingin na para bang hinuhubaran niya ng kaluluwa ang mga t
Maaga akong umalis mula sa table namin. Nagpaalam na 'ko kina Barron, Clara, at Florence dahil may kailangan pa akong ipasa sa finance office bago dumating ang VIP mamaya. Bitbit ko pa ang makapal na folder ng mga dokumento, pero bago pa ako tuluyang makalayo, may narinig akong pabulong na tawa mula sa isang empleyado sa kabilang cubicle."Tignan mo nga yang sekretarya. Lagi nalang may importanteng lakad. Nagpapaka-feeling CEO." narinig kong bulong."Oo nga, pero hindi lang yon, nabalitaan ko pa na nilalandi niya si Sir Rome."Mas lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng mga fake news."Hah." halakhakhak ng babae, "As if naman na patulan siya. Tignan mo nga, dinaig niya pa ang may sampung anak. Napakalosyang na, kaya siguro hanggang ngayon, wala pa ring asawa.""Hibang lang na lalaki ang papatol sa kanya." sabi ng isa, at narinig kong nagtawanan sila."Totoo, teka nga pano ba yan nakapasok dito?""Nilandi nga kasi si Sir Rome." sabat pa ng isa.Napansin
Maaga pa lang, pero nakaupo na ako sa mesa, nakayuko habang paulit-ulit na nagsusulat at pumipirma ng kung anu-anong papeles. Ilang folder pa 'to, at hindi pa rin ako tapos. Ang hirap na mag-isip, dahil ang dami ko pang kailangang i-prepare. May VIP guests pa mamaya, kaya hindi ako pweding makipagsabayan sa katamaran nila. Nasa iisang mesa lang kami nina Barron, Clara, at Florence. Nagsisiksikan ang folders sa harap ko habang sila ay tamang pahinga lang, naka-sandal pa nga si Clara habang umiikot-ikot ang ballpen sa daliri niya. Si Florence naman ay may hawak na iced coffee, habang si Barron ay abala sa pagkukuwento. Ako lang ata ang hindi sumasali sa topic nila dahil masyado akong busy sa trabaho ko. Bigla akong tinawag ni Barron."Uy, Secretary Venus," biglang sabi ni Barron, habang nginunguso ako sa iba. "Landi-landi din minsan. Baka ma-estatwa ka sa papales mo, hindi ka na maging masarap. Tulad ko." sabay hawak sa buhok. Agad na nagtawanan yung dalawa. "Anong Masarap?! Hoy Bak
VenusNanginginig pa ang kamay ko habang hinahalo ang kape. Nakapila na yung iba sa likod ko, pero hindi ko na sila pinapansin. Wala akong pakialam kung sabay-sabay kaming malate, basta hindi ako ang magiging dahilan ng gulo."Venus, Ano na?! Bilisan mo!" sigaw ni Clara sa likod ko, habang hinahabol ang hininga. "Galit na si Mr. Aldrin. Nagsisigaw na sa loob."Napatingin ako sa kamay kong may hawak na tasa. Napansin kong medyo napuno ko nang sobra. Ang tanga ko talaga. Agad kong pinunasan yung gilid para hindi mahalata."Pustahan, ikaw na naman pagbubuntungan non." dagdag ni Clara.Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumango lang ako habang kinukumpuni yung tray na may dalawang kape at tatlong folder. Mas mabuti nang hindi na ako magsalita, baka pati si Clara ay mapagbuntunan ko ng galit. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung gaano pa ako tatagal dito.Pang-ilan na ba 'to? Ilang beses na ba akong pinahiya sa harap ng buong department? Ilang report na ang sinadyang ibalik sa akin n