Maaga akong umalis mula sa table namin. Nagpaalam na 'ko kina Barron, Clara, at Florence dahil may kailangan pa akong ipasa sa finance office bago dumating ang VIP mamaya. Bitbit ko pa ang makapal na folder ng mga dokumento, pero bago pa ako tuluyang makalayo, may narinig akong pabulong na tawa mula sa isang empleyado sa kabilang cubicle.
"Tignan mo nga yang sekretarya. Lagi nalang may importanteng lakad. Nagpapaka-feeling CEO." narinig kong bulong.
"Oo nga, pero hindi lang yon, nabalitaan ko pa na nilalandi niya si Sir Rome."
Mas lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng mga fake news.
"Hah." halakhakhak ng babae, "As if naman na patulan siya. Tignan mo nga, dinaig niya pa ang may sampung anak. Napakalosyang na, kaya siguro hanggang ngayon, wala pa ring asawa."
"Hibang lang na lalaki ang papatol sa kanya." sabi ng isa, at narinig kong nagtawanan sila.
"Totoo, teka nga pano ba yan nakapasok dito?"
"Nilandi nga kasi si Sir Rome." sabat pa ng isa.
Napansin kong medyo umirap amg babae. "Really? Ganon na ba siya ka desperadang yumaman?"
"Ne hindi niya ba alam, kahit pa anong gawin niya. Kahit hubaran niya pa yung sarili niya. Hinding-hindi magiging sakanya si Sir Rome."
"Loyal yon kay Maam Anastasia."
Hindi ko na lang sila pinansin, dahil wala na akong oras para makipagsagutan. Mas pinili ko na lang bilisan ang lakad ko papunta sa conference room.
Lalo pa't wala si Sir Rome, nasa off-site meeting siya ngayon, tapos sa'kin pa nakaatas yung access sa karamihan ng mga records. Sinabihan na ako ng assistant sa accounting na may nagkakagulong board members, pero hindi ko inakala na ganito ka-grabe.
Pagbukas ko ng pinto, halos sabay-sabay kong narinig ang mga sigawan, na para bang konti na lang at maghahagisan na sila ng upuan. Ang mahabang conference table na laging tahimik at pormal, ngayon ay punô ng galit.
"Ano ba 'to?!" boses ni Mr. Langdon, habang sumisigaw sa telepono. "What do you mean you can't trace the exact time stamp? You're an IT, dammit! Do your job!"
Sa kabilang dulo ng mesa, nakita ko si Ms. Avery, na nanlilisik ang mga mata habang kinakausap si Mr. Greene. "Milyon ang nawala at hindi lang basta barya. How the hell can something like this happen overnight?!"
Halos hindi ako makagalaw, pero pinilit kong humakbang nang dahan-dahan.
Mahigpit ang hawak ko sa folder. "Magandang umaga po," mahinahon kong sabi, pilit na nakangiti. "Napatawag po kayo?"
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Hindi lahat pero yung mga malapit sa pintuan, tumigil sa pagsasalita. Napansin ko ang iba, bigla silang nagpalitan ng tingin. Yung isa, ibinaba ang laptop, yung isa naman, sumandal sa upuan habang nakataas ang kilay.
"Venus," sabi ni Mr. Greene. "We have a problem. A very serious one."
Kumunot ang noo ko. "Ano pong problema?"
"Ilang accounts ang na-access, may pondo kaming hindi na ma-trace. Nawawala ang milyon-milyong pondo at sa internal system lang dumaan."
Bigla akong kinabahan. "Baka po may breach? May IT team na po ba kayong tinawagan?"
"We've been on the phone for hours," singit ni Ms. Avery. "Pero habang naghahanap sila, tinignan namin ang audit trail. We decided to run the names of internal users."
Dahan-dahan siyang lumapit sa projector screen at pinindot ang remote. Lumitaw ang isang mahabang listahan ng mga pangalan, kasama doon ang oras, code ng transaction, at account names.
Lumapit ako nang kaunti para makita nang maayos.
At doon biglang nanlamig ang batok ko.
Venus C. Boromeo
Time of access: 6:01 AM
Amount transferred: ₱30,150,000.00
Destination: Eastline Metrobank Account (Private)
Parang biglang nag-iba ang buo kong katawan, dahil nawalan ako ng lakas. Napaatras ako ng isang hakbang.
"Ano 'to?" tanong ni Mr. Lim. "Ikaw ba yan?!"
Napatingin ako sa screen, tapos sa kanila, tapos muli sa screen.
"H-hindi po ako yan," nauutal kong sagot. "Wala po akong kahit anong ganyang account. Wala po akong idea kung saan galing yan."
"Walang alam?" sabat ni Mr. Ortega, palakas ang boses. "Ikaw ang nakalista sa system! Ikaw ang may pangalan sa account kung saan lumipat ang pondo!"
"Pwede po nating ipa-trace, baka fake lang yan o—"
"Fake?!" singhal ni Mrs. Gatchalian. "Hindi kami tanga, Venus. Alam naming real-time logs yan. Direct from the system. At ang IP address, mula sa opisina mismo ng CEO!"
"Teka lang po," pilit kong pinakalma ang sarili. "Hindi po ako yan. Nanunumpa po ako. Baka po may nag-set up lang sa'kin."
"Set up?" Tumayo si Mr. Langdon. "Putang ina, wag mo nga kaming lokohin. Secretary ka ng CEO, tapos biglang nalang lalabas ang pangalan mo sa missing funds? What a coincidence?!"
"Wala po akong kinalaman dyan. P-pero kung kailangan niyo po ng mag-imbestiga, makiki-cooperate po ako—"
"Bullshit!" sigaw ni Mr. Lim. "Pati yang bibig mo, sanay na sanay. Baka matagal mo na kaming niloloko. Ilang buwan ka na ba rito, ha? Ilang linggo ka nang nakakapasok sa files ng boss mo?"
Napahawak ako sa dibdib ko. Nagsimulang manginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Wala akong masandalan. Lahat sila, nagagalit sa'kin at naniniwalang ako ang may kasalanan.
"Tanggalin na yan!" sigaw ni Mrs. Castillo. "Bago pa mawala pati ang natitira naming pondo!"
"Huwag niyo po akong patalsikin," pakiusap ko. "Makikita niyo po sa investigation na hindi ako—"
"Tumahimik ka na!" sabi ni Mr. Ortega. "Wala kang karapatang magsalita dito. Magnanakaw!"
"Hindi ako magnanakaw!" halos mapasigaw na ako, pero nanginginig pa rin ang boses ko. "H-hindi ako ganon!"
"Eh 'di sino?! Ha?! Ikaw ang huling may access sa system ngayong umaga! At pangalan mo ang nasa account! Ganon ba kami katanga para hindi yan makita?!"
Wala akong naisagot.
Parang gumuho ang mundo ko habang naririnig ko ang mga salita nila.
"Venus, this is not a small amount we're talking about," maanghang na sabi ni Mr. Lim habang pinapalo ang pen niya sa mesa. "You either pay this back, or…" tumigil siya sandali, sabay tingin sa iba. "We will have to let you go."
"Hindi po ako… hindi po ako ang kumuha," mahina kong sagot. Ramdam kong nanginginig na ang kamay ko, kaya't pinagdikit ko sila sa kandungan para maitago.
"Lahat naman ng nahuhuli, yan din ang sinasabi," sarkastikong tawa ni Mrs. Gatchalian. "Kung hindi ikaw, edi sino? Mismong system log na ang nagbunyag sayo. Kaya ano pang rason para paniwalaan ka namin?!"
"Ang dami na nating oras na sinasayang," singit ni Mr. Ortega, napapadyak pa sa sahig. "Tanggalin na yan ngayon. Wala ng paliwanag-paliwanag, kita naman na siya mismo yung kumuha!"
"Exactly," dagdag ni Mrs. Castillo. "We can't afford to keep someone here who might be stealing from us."
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alex, ang assistant ni Sir Rome.
"With all due respect," sabi niya habang tinitingnan silang lahat, "the company policy is clear. No termination can be made without the CEO's final decision, especially if the investigation is incomplete."
"Alex, don't start lecturing us," malamig na balik ni Mr. Lim.
"I'm not lecturing, Sir. I'm reminding you of the process," sagot niya, diretso pa rin ang tono. "If you terminate Venus now without the CEO's approval, it will be a violation of company policy and labor law."
Narinig ko ang mahinang pag-ungol ng inis mula sa gilid ng mesa, at kasunod nito ay mga bulungan na hindi na nila itinago nang husto.
"Alam mo na, yan na nga ba ang sinasabi ko," mahinang sabi ng isa. "Hindi yan basta-basta matatanggal, sa mukha pa lang, alam ng haliparot."
"Hindi lang sa mukha," sumabat ang isa pa na may bahid ng tawa sa boses. "Siguradong makakatagal pa yan. Ano bang alam natin kung may ginagawa pala. Baka sakaling kapag hinubad niya lang yung panty niya, maging okay na ang lahat."
May kumindat pa sa katabi niya, sabay bulong ng mas bastos. "Kung ako lang si Rome, baka hindi ko rin yan tanggalin. Who would fire a pretty secretary like that? Lalo na't mukhang magaling sa kama."
"Maybe that's why she's in this position in the first place," dagdag pa ng isa, sabay mahina pero halata ang panlilibak na tawa. "Pretty face, sweet voice… perfect cover for dirty work."
Tila bawat salitang naririnig ko ay tinatamaan ako nang direkta sa mukha. Hindi na lang ako napagbibintangan, kundi pinipinturahan din nila ako bilang babaeng handang gamitin ang sarili para makaligtas. At habang nakayuko ako, ramdam ko ang tingin nilang lahat, parang pinupunit ang dignidad ko sa harap ng mesa.
Nang akala ko tapos na ang mga bulong nila tungkol sa mukha ko, biglang may sumingit pa na mas malakas ang boses, sapat para marinig ko kahit kunwari'y nag-uusap lang sila sa gilid.
"Hindi na ako magtataka kung bakit malapit siya kay Rome," mahinang sabi ng isa, pero may halong pandidiri ang tono. "Since patay na ang asawa, ayan na… nilalandi na niya."
Napahinto ang iba, tapos sabay-sabay silang nagkatinginan, parang nag-aagawan kung sino ang susunod na magsasabi ng mas masakit.
"Kita mo nga yung mga tinginan nila kapag nagkakasabay sa office," dagdag pa ni Mrs. Gatchalian, sabay ngisi. "She's probably using that sweet voice to make him feel… you know… less lonely."
"Lonely widower with a secretary?” bulong ni Mr. Ortega na may halong malaswang tawa. "That's like the oldest cliché in the book."
May isa pa na tumikhim at sumabat. "Kung totoo man yan, hindi ko siya masisisi. Alam mong may mga babae talagang ginagamit ang katawan para umangat. And clearly, she's one of them."
Parang lumiliit ang mundo ko habang isa-isa nilang binibitawan ang mga salita, na parang mga kutsilyong tumatama sa likod ko. Hindi na lang ako akusado ng pagnanakaw, ngayon pati pagkatao ko tinatapakan nila.
Bago pa ako makasagot sa kahit isa sa kanila, narinig ko ang isa sa pinakamatandang board member na halos sumandal sa upuan habang nakataas ang kilay. Malakas at malinaw ang boses niya para siguraduhing maririnig ng lahat.
"Imagine," sabi niya, na may halong pang-aasar, "our CEO keeping a secretary like her… after everything that happened to his late wife."
May sumang-ayon kaagad, tumawa pa ng marahan. "He must be blind… or just desperate. Keeping her here despite all of this? Makes me wonder what kind of man he's become."
Ramdam ko kung paano unti-unting lumamig ang hangin sa paligid. Yung tipong alam mong may paparating na delubyo. Nakatungo ako, pero napansin ko kung paano unti-unting natahimik ang iba. Parang biglang nawala ang ingay ng bulungan at reklamo.
"Who is desperate?"
Napatingala ako.
Nakatayo sa may pinto si Sir Rome, nakasuot ng dark suit at malamig ang tingin, ngayon ay walang sumubok na magsalita. Kahit yung pinaka-maingay kanina ay parang napalunok.
He stepped inside slowly, his voice calm but sharp. "I would love to know… who here thinks they understand my decisions better than I do."
Walang gumalaw, kahit yung matanda na nangunguna sa paninira kanina, ay bahagyang napaatras sa upuan niya.
Rome's eyes swept across the table before they landed on me, then back to them. "And as for my secretary…" He paused, his tone dropping lower. "If you have something to say about her, say it directly to me. Not in pathetic whispers like cowards."