LOGINKaninong tahanan kaya sila uuwi?
ZAILYNHindi ko namalayang nakarating na kami sa apartment ko.Ipinark ni Nicolo ang kotse malapit sa entrance at bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Pagkatapos, sinamahan niya akong umakyat.Tahimik kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa harap ng unit ko.Huminto ako at hinarap siya. Nasa bulsa ang isang kamay niya habang nakatingin sa akin.“Are you tired?” tanong niya.“Medyo. Pero masaya naman ang araw ko.”“I'm glad. At least I did something right tonight.”Napangiti ako. “You did more than that.”Bahagyang umangat ang mga kilay niya. “Is that a compliment?”“Ikaw na ang mag-analyze.”Tumawa siya, pero hindi nagtagal ang ngiti niya. Tumingin siya sa pinto ng unit ko, saka bumalik ang tingin sa akin.“Then I should let you rest.”Tumango ako, kahit may kung anong ayaw sa ideyang aalis na siya.Hindi ko pa nga binubuksan ang pinto ng unit ko.Inilabas niya ang kamay sa bulsa at marahan akong hinawakan sa kamay. Bahagya niya iyong pinisil.“Good night, Zai.”Hindi ko agad bi
ZAILYNHindi ko alam kung saan kami pupunta, pero mula nang makasakay ako sa kotse, panay ang ngiti ni Nicolo.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin habang nagmamaneho. Para bang may gusto siyang sabihin, pero pinipili muna niyang maghintay.“Why do you keep smiling?” tanong ko.“Because you're here.”Napailing ako. “Wala ka bang mas malinaw na sagot? O medyo mahaba?”“Malinaw 'yon…” Kinagat niya ang ibabang labi at sandaling tumingin sa akin. “Gaano kahaba ang gusto mo? Four, six… I'm seven—”“Nicolo! Wala ka talaga sa ayos.”Tumawa siya at muling tumingin sa kalsada, pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya.Ako naman… hindi mawala sa isip ko ang seven inches niya. Parang gusto kong makita at sukatin… subukan—Napangiwi ako.Heto na naman ako sa mga nakakahiya kong iniisip. Hindi naman ako mahilig sa green veggies, pero utak ko puno ng kaberdehan!Ilang minuto pa ang lumipas bago kami huminto sa harap ng isang restaurant. Napalinga-linga ako habang marahang ginagabayan ako ni N
ZAILYN Napakurap ako sa tanong ni Khieran. Hindi ako agad nakasagot. Kasi si Khieran ang kaharap ko, pero si Nicolo ang pumasok sa isip ko. Naaalala ko ang usapan namin kanina at ang date na hinihintay niya mamayang gabi. Paano kung pumayag ako kay Khieran? Ano kaya ang mararamdaman ni Nicolo? Bahagyang ngumiti si Khieran. “You don't have to answer that...” Napatitig lang ako sa kaniya. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Nicolo noong hindi rin ako nakasagot sa tanong niya tungkol kay Khieran. Pareho sila ng sagot. Pareho rin ang reaction. Nakangiti nga, pero malungkot ang mga mata. “Come on. Let's get inside,” aya niya na para bang walang nangyari. Tumango ako at sumabay sa kaniya papasok sa building. Pero habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko. Ayaw ko nang ganito. Ayokong maging awkward ang samahan namin. Mahigit isang taon na kaming magkatrabaho. Komportable ako kay Khieran, at ayaw kong maapektuhan ang samahan namin dahil
ZAILYNHindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita.Nagtitigan lang sila, eh. At ako, parang natuyo ang lalamunan.Hindi naman sila mukhang magrarambulan…Pero…Awkward.Nakatayo si Khieran sa harap namin, hawak ang bouquet ng mga bulaklak. Samantalang si Nicolo naman ay nasa tabi ko, tahimik na nakatingin sa kaniya.Gusto ko na nga lang silang iwanan. Bahala silang magtitigan.Then, biglang ngumiti si Khieran.“Good morning, Zailyn.”Inilipat niya sa akin ang tingin at iniabot ang hawak na bouquet.“These are for you.”Saglit kong tiningnan ang mga white tulips bago ko iyon tinanggap.“Thank you, Khieran. They're beautiful.”“I'm glad you like them.”Ngumiti siya, pero napansin kong saglit na bumalik ang tingin niya kay Nicolo.Bago pa ako makapagsalita ulit, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng sasakyan.“Let's go, Zai.”Napalingon ako kay Nicolo.Nakabukas na ang passenger door ng kotse niya. Mukhang gusto na niya akong ilayo kay Khieran.“I'll see you at the lab
ZAILYNMuntik nang magdikit ang mga labi namin.Pero sa huling sandali, may naalala ako.Hindi pa kami.Hindi pa nga niya ako girlfriend, at heto ako, hinahayaan siyang halikan ako.Pinihit ko ang ulo ko kaya sa pisngi ko tumama ang halik niya. Agad akong bumangon.“Matutulog na ako,” mabilis kong sabi bago tuluyang tumalikod.Hindi na ako lumingon habang nagmamadaling pumasok sa kuwarto. Muntik pa akong mapasubsob sa pagmamadali.Hindi sumagot si Nicolo, pero narinig ko ang mahina niyang tawa.Parang tuwang-tuwa pa siya sa naging reaksiyon ko!“Oh, God, Zailyn! Ano na naman ‘yon…”Napahawak ako sa dibdib ko pagkapasok sa kuwarto. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Isang halik lang naman sa pisngi, pero parang kung ano na ang nangyari sa akin.Pabagsak akong humiga sa kama. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumitig sa mga butiki sa kisame.“Matulog ka na, Zailyn, kung ayaw mong magmukhang zombie bukas.”Pero…Mangkukulam yata 'yon si Nicolo. Kasi mukh
ZAILYN“Monette?”Napakapa ako sa dibdib ko…“Ikaw lang pala! Akala ko kung sinong sira-ulo na ang nakapasok sa unit ko—”Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong hindi pala siya nag-iisa.Nasa loob din si Nicolo.Nakatayo ito malapit sa sofa, seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala. O baka pareho.Napatingin ako kay Monette, saka muling bumaling kay Nicolo.“Ano ang ginagawa n’yo rito?”Hindi na ako nagtaka kung paano sila nakapasok dahil alam ni Monette ang PIN ng unit ko.“Because I've been trying to reach you for hours,” sagot ni Nicolo bago pa makapagsalita si Monette.Bahagyang umawang ang labi ko. Bakit ba siya sobrang bothered? Alam naman niya kung saan ako nagtatrabaho. At saka, hindi nga niya ako sinundo, tapos ngayon, galit siya?Gusto kong isagot sa kaniya iyon, pero pinandidilatan ako ni Monette. Parang pinagbabawalan niya akong sumagot muna.“Kanina pa kita tinatawagan, Zailyn. You weren't answering. Pumunta ako sa laboratoryo, p







