Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 37 — THE UNCLE I REMEMBER

Share

CHAPTER 37 — THE UNCLE I REMEMBER

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-11-03 23:58:41
ZAILYN

Nakatayo pa rin ako sa tabi ni Khieran habang kausap ni Prof. Tobias ang lalaking kanina ko pa tinititigan.

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko rito. Talagang pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko matukoy kung saan at kailan ko siya nakita.

Napansin yata niya ang pagtitig ko dahil bahagya siyang ngumiti.

"Hello…" bati niya, saka bahagyang humakbang palapit. "I'm happy to—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may humintong itim na kotse sa tapat namin.

Agad kong nakilala iyon.

Kotse
sweetjelly

Good night.

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Layle Macamay
more updates po
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! tama amo ni Nicolo si Rover ,yon talaga ang nasaisip,hindi nag-katuluyan sila nuon dahil ang kanilang mga anak ang mag-tuluyan ,ang ganda naman may dahilan pala ang kanilang mga anak mag-katuluyan
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Miss a isa lng ba...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 37 — THE UNCLE I REMEMBER

    ZAILYNNakatayo pa rin ako sa tabi ni Khieran habang kausap ni Prof. Tobias ang lalaking kanina ko pa tinititigan.Hindi ko talaga maalis ang tingin ko rito. Talagang pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko matukoy kung saan at kailan ko siya nakita.Napansin yata niya ang pagtitig ko dahil bahagya siyang ngumiti."Hello…" bati niya, saka bahagyang humakbang palapit. "I'm happy to—"Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may humintong itim na kotse sa tapat namin.Agad kong nakilala iyon.Kotse ni Nicolo.Bumukas ang p***o at bumaba siya. Inayos niya ang manggas ng polo niya habang naglalakad palapit sa amin."Good evening, everyone."Walang pag-aalinlangan niyang binati ang lahat, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin."Good evening," sagot ni Prof. Tobias.Samantalang si Khieran, na kanina pa nakatayo sa tabi ko, ay bahagyang umusog. Para bang sinadya niyang maging harang sa pagitan namin ni Nicolo."What are you doing here?" tanong niya.Bahagyang umangat ang isang kilay ni Nic

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 36 — A Familiar Stranger 

    ZAILYNNakatutok ako sa monitor habang sinusuri ang resulta ng latest compound analysis. Nasa tabi ko si Khieran, abala rin sa pag-review ng data mula sa naunang trial.Ilang oras na kaming nasa laboratoryo, pero marami pa rin kaming kailangang tapusin bago maisumite ang updated findings kay Prof. Tobias.“Check mo nga ulit 'yong concentration sa third sample,” sabi ni Khieran habang nakatingin sa hawak niyang tablet.Inilapit ko ang resulta sa monitor at muling sinuri ang figures.“Already did. Within the expected range naman. Pero may slight variation sa second reading.”“By how much?”“Point three percent.”Lumapit siya para tingnan ang screen. Itinuro ko ang bahagi ng data na kailangan niyang makita.“Could be a measurement variation,” sabi niya. “Run another analysis. Just to be sure.”Tumango ako at muling inayos ang samples na susuriin.Bilang pharmacist, sanay akong magtrabaho sa ganitong setup. Pero iba pa rin ang research na ito. Hindi lang simpleng pagsusuri ng gamot ang gin

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 35—A Kiss and a Mystery 

    ZAILYNKinabukasan.Pagkabukas ko ng p***o, bumungad agad sa akin si Nicolo.May dala siyang kape at isang bouquet ng bulaklak. Siyempre, hindi rin mawawala ang matamis niyang ngiti at ang pamatay na pagbati."Good morning, girlfriend."Napahawak ako sa dibdib ko.Susmaryosep!Parang bigla akong naiihi sa kilig. Salubungin ka ba naman ng isang lalaking guwapo, yummy, fresh at napakabango pagkagising mo?Kung hindi lang ako marunong magpigil ng sarili, baka kanina pa ako bumigay.Feeling ko nga, malalaglag na ang panty ko sa harap niya.Kasi naman, kinakagat-kagat pa niya ang ibabang labi habang nakatingin sa akin. Para bang sinasadya niyang akitin ako gamit lang ang simpleng ngiti niya.Napahigpit tuloy ang hawak ko sa doorknob.Ano ba? Hindi pa nga ako nakakapagkape, ganito na agad ang epekto niya sa akin?"Good morning," bati ko rin habang tinatanggap ang kape at mga bulaklak.Pinilit kong kinokontrol ang sarili ko. Huwag lumapit. Huwag yumakap sa leeg niya. At higit sa lahat, huwag

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 34—THE RACE TO MY HEART

    ZAILYNIlang beses kong binasa ang message ni Nicolo bago ako tuluyang nag-reply.“Did my mother contact you?”“Yes. She invited me for coffee.”Kadarating ko lang sa apartment. Hindi pa nga ako nakakapasok, pero mensahe na niya agad ang bumati sa akin.Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok. Isinara ko iyon gamit ang paa. Saka ko inilapag ang bag ko sa sofa. Saktong nag-vibrate ulit ang phone ko.“I'm sorry about that.”Napakunot-noo akong napaupo sa sofa.“Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ako tinarayan ng mommy mo.”Segundo lang, nag-reply agad siya.“Hindi ka nga tinarayan, sigurado namang kinulit ka.”Napangiti ako. Talagang close sila ng mommy niya. Kilalang-kilala niya ang ugali nito.Parang kami rin ng family ko. Minsan, hindi mo na kailangang magkuwento dahil alam na agad nila kung paano umasta ang isa't isa.“Mas makulit ka kaysa sa mommy mo.”“Hindi, ah…” kaagad niyang reply.Napailing ako habang nakatingin sa screen.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?”Sinasabi

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 33—HIS MOTHER'S LITTLE MISSION

    ZAILYN“May date ka?”Napatingin ako kay Khieran.Nasa laboratoryo kami at inaayos ang ilang dokumentong kailangan para sa susunod na phase ng research. Pero mukhang mas interesado siyang alamin kung bakit ilang beses nang tumunog ang phone ko kaysa sa mga report sa harap niya.“Wala…”“Then why are you smiling at your phone?”Agad kong pinatay ang screen.“Hindi ako nakangiti, 'no.”Sinilip niya ang mukha ko at ngumiti nang nakakaloko.“Umayos ka na nga, Khieran.”“Maayos ako. Ikaw ang hindi… Tumatawa ka, wala namang nakakatawa.”Napakagat ako sa ibabang labi habang tinataasan ko siya ng kilay.Kunwari'y natakot siya. Kinuha niya ang isang folder at inilapag sa harap ko.“Check these figures. I need your assessment before I send the report to Professor Tobias.”Binuksan ko iyon at sinimulang basahin.Ilang minuto kaming naging abala sa trabaho bago muling tumunog ang phone ko.Napatingin ako sa screen.Si Nicolo na naman.Are you free tonight?Hindi ako agad sumagot.May kasunod agad

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 32—Dinner Test

    ZAILYNMay narinig akong mahinang pagtatalo sa labas.Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil pawang pabulong ang mga boses.Dahan-dahan akong sumilip sa peephole at nanlaki ang mga mata ko.Si Nicolo ang isa sa dalawang taong nakita ko kanina. Nasa tabi niya ang babaeng kasama ni Olivia kagabi. Ang mommy niya.May dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ng babae. Mukhang mga bodyguard.“Mom, let's go,” mariing sabi ni Nicolo.“Not until I talk to her.”Napakurap ako.Bakit niya ako kakausapin?Babayaran niya ba ako ng milyon para layuan ko lang ang anak niya, gaya ng mga napapanood ko sa telebisyon at nababasa sa mga libro?“Mom, naman, eh…” Nahagod na ni Nicolo ang buhok niya. Parang napupuno na siya sa mommy niya.“We're disturbing everyone. Let's go.”“We wouldn't be disturbing anyone if you weren't so against me meeting—”“Mom!” Tumaas ang boses ni Nicolo, dahilan para manahimik ang mommy niya.“Why are you being so paranoid? I'm not going to do anything to her,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status