ホーム / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 60 — THE FAMILY APPROVAL

共有

CHAPTER 60 — THE FAMILY APPROVAL

作者: sweetjelly
last update 公開日: 2026-11-20 01:18:49
ZAILYN

Ayaw pa sanang umuwi ni Nicolo.

Pero dahil kanina pa sunod-sunod ang tawag nina Mommy at Daddy, wala na kaming nagawa kundi bumalik sa mansiyon.

At ayon nga… napurnada ang plano niyang makarami.

Pagdating namin, wala na ang mga bisita. Wala na rin ang mga kasamahan ko sa trabaho na tiyak ay nasa kani-kanilang kuwarto na.

Dumiretso kami ni Nicolo sa living area kung saan naghihintay ang pamilya namin.

Akala ko sina Mommy at Daddy lang ang naghihintay sa amin, pero lahat sila ay naroon. Pat
sweetjelly

Isa lang ngayon. Bawi po bukas... goodnight.

| 3
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Ano na-naman ang gawin ng mga kapatid ni Zailyn kay Nicolo,siguro naman may happy moment ang gawin ng tatlong mag-kakasama ngayon idol kasi nila si Nicolo
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 63 — THE WOLF IN MY BED

    ZAILYNAgad akong bumangon at tinampal ang noo ni Nicolo.“Aray!”Halos mapatalon siya sa kama. Agad siyang bumangon at napadepensa, na parang may kaaway na haharapin.“Sino ang kalaban?”Pero nang makita niya kung sino ako, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nawala ang gulat sa mukha niya at napalitan iyon ng malawak na ngiti.“Mahal ko, Zailyn!”Napairap ako.“Mahal mo mukha mo!”Lalong lumapad ang ngiti niya. “Mahal ko nga ang mukha ko, pero mas mahal kita.”Umangat na naman ang kamay ko para sampalin siya, pero mabilis niya akong niyakap bago ko pa magawa iyon.“Aray, mahal ko… Masakit ang ulo ko.”Tinulak ko siya at pinagkrus ang mga kamay ko sa dibdib. Tinaasan ko pa siya ng kilay.“Masakit ang ulo mo? Nag-enjoy ka namang yumakap at humalik sa ibang babae!”“Hindi, ah!”Mabilis siyang umiling at bahagyang lumayo para tingnan ang mukha ko.“Don't even try to deny it. Sinabi sa akin ng mga kapatid ko ang ginawa mo. Lahat daw ng babae, ako ang nakikita mo!”“Exactly!” Agad siyang

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 62 — THE UNEXPECTED BEDFELLOW

    ZAILYNInis na inis akong nagtungo sa guestroom kung saan dinala ni Uncle Rover si Nicolo.Gusto ko sana siyang gisingin at pagalitan dahil sa ginawa niya.Bwisit siya.Mahal na mahal daw ako, tapos yayakap at hahalik sa ibang babae.Walang katok-katok na binuksan ko ang p***o.“Zailyn!” Napaigtad si Uncle Rover. Muntik pang matapon ang hawak nitong basang pamunas.“What are you doing here?”Simangot akong napatingin kay Nicolo na payapang nakahiga. Bukas ang ilang butones ng polo niya. Mukhang katatapos lang siyang punasan ni Uncle Rover.“Hayaan mo na muna siyang matulog…” sabi ni Uncle Rover. “Baka baliw na Nicolo pa rin ang humarap sa ’yo kapag nagising ’yan.”Tumango na lang ako. Pero ang sarap talaga niyang supalpalin sa nguso.“Tara, labas na tayo.”Lalabas na sana kami ni Uncle Rover nang biglang pumasok si Tita Nica. Itinuro niya agad si Nicolo, pero ang mga mata niya ay nakatutok kay Uncle Rover. Sinabayan pa iyon ng isang hampas.“Aray, hon! Ano na naman ba ang kasalanan ko?

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 61 — THE DRUNKEN FIANCÉ

    ZAILYNHindi ako mapakali.Kanina pa ako pabalik-balik sa kuwarto habang hawak ang phone ko. Ilang beses ko nang tinawagan sina Zihan at Zhaion, pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot.Hindi ko rin makontak si Nicolo.Ano ba ang ginagawa ng mga kapatid ko sa kaniya?Gusto ko nang gisingin sina Mommy at Daddy para tanungin kung saan nila dinala ang fiancé ko. Pero tuwing lalapit ako sa p***o, naiisip kong baka pagalitan lang nila ako dahil madaling-araw pa.Kaya naghintay na lang ako.Pero habang tumatagal, lalo akong kinakabahan.Alas-singko na ng madaling-araw nang tuluyan na akong mawalan ng pasensya. Bumaba na ako para hintayin sila sa veranda.Nagsisimula nang sumikat ang araw. Abala na rin ang mga kasambahay sa paglilinis at pagliligpit ng mga ginamit sa anniversary nina Lola at Lolo. May ilan na nag-aalis ng mga dekorasyon, habang ang iba naman ay nagliligpit ng mga gamit sa garden.Pero ang mga kapatid ko at si Nicolo, wala pa rin.Umupo ako sa sofa at muling tinawagan ang pho

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 60 — THE FAMILY APPROVAL

    ZAILYNAyaw pa sanang umuwi ni Nicolo.Pero dahil kanina pa sunod-sunod ang tawag nina Mommy at Daddy, wala na kaming nagawa kundi bumalik sa mansiyon.At ayon nga… napurnada ang plano niyang makarami.Pagdating namin, wala na ang mga bisita. Wala na rin ang mga kasamahan ko sa trabaho na tiyak ay nasa kani-kanilang kuwarto na.Dumiretso kami ni Nicolo sa living area kung saan naghihintay ang pamilya namin.Akala ko sina Mommy at Daddy lang ang naghihintay sa amin, pero lahat sila ay naroon. Pati sina Lola at Lolo. Nandoon din ang mga kapatid ko na hindi man lang tumingin sa amin.Nakatutok lang sila sa mga phone nila.Napatingin naman ako sa orasan habang papalapit kami sa kanila.Mag-aalas dos na ng madaling-araw.Sabay kaming bumati ni Nicolo sa kanila.“Umupo kayo,” sagot ni Lola.Umupo kami ni Nicolo. Pagkaupo namin, saka ko lang napansin ang lamig ng kamay niya.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Halos mag-violet na ang mga daliri niya sa sobrang lamig.Ang taas-taas ng c

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 59 — THE PROPOSAL

    ZAILYN Ngumiti si Nicolo bago mabilis na yumuko at hinalikan ako sa labi. Mabilis lang. Hindi dramatic na halik na mapapaungol ako. Ayos din ’tong utak ko! Pinangungunahan si Nicolo. Tumayo si Nicolo at iniabot sa akin ang kamay niya. Ilang beses muna akong kumurap habang nakatingin sa kaniya. Ano ba talaga ang trip ng lalaking ito? Halong inis at ginhawa ang naramdaman ko. Akala ko kasi, ito na ang unang gabi namin ni Nicolo. Hindi pala… Hindi ang kama ang gusto niyang i-test… ako! Sh*t! Tiyak na pinagtatawanan niya ako ngayon sa isip niya. Bakit ba kasi ang bilis kong pumayag? Itong bibig ko, pahamak! “Come on, mahal ko.” Inabot ko ang kamay niya. Agad niya iyong hinawakan at inalalayan akong tumayo. “Ang saya-saya mo, ah,” komento ko habang inaayos ang damit ko. “Of course. I'm with you.” “Ang babaw naman ng kaligayahan mo.” “Hindi mababaw ang mahalin ka…” Uminit ang mukha ko. Joke ang banat ko, pa-sweet naman ang response niya. Pagkalabas namin ng kuwarto, hindi

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 58 — BED TESTING

    ZAILYNAgad akong tumayo at hinila si Nicolo palabas ng kuwarto.“Lumabas ka muna. Magbibihis ako.”Humawak siya sa hamba ng pinto at ngumiti nang matamis.“Mahal ko… Can I watch?”“Nicolo!”Akmang susuntukin ko siya, pero tumawa lang siya habang nakataas ang dalawang kamay.Gigil kong isinara ang pinto sa harap niya.“Ang kapal talaga ng mukha!”kahit inis na inis ako, hindi ko napigilang mapangiti habang napapailing. Bumalik ako sa kama at pabagsak na humiga.Bigla namang sumagi sa isip ko ang araw ng kasal nina Mommy at Daddy. Limang taon pa lang kami noon ni Nicolo. Ako ang flower girl; siya ang ring bearer. Magkahawak kami ng mga kamay habang nakatayo sa harap ng mga bisita.Pero bakit naalala niya ang pangako ko noon, samantalang ako hindi?Siguro mas matalas ang isip niya kaysa sa akin.Napangiti ako sa sarili ko.Bumangon ako at nagpalit ng mas komportableng damit. Inayos ko rin ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.Pagdating ko sa ibaba, hindi si Nicolo ang una kong

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status