Share

FOUR

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2023-04-06 13:35:54

“Yeisha?” aniya at hindi makapaniwalang binalingan si Andrea.

Hindi niya alam kong binibiro ba siya nito. But Andrea was looking at him seriously. Doon niya napagtantong totoo ang sinasabi ng babae.At kung may malalang termino pa ba sa nayanig na mundo, iyon ang tawag niya sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Why of all people—ginawa pa talagang magkapatid ang ex-wife at ex-fiancee niya!

F**k! Marahas niyang naihilamos ang mga kamay sa mukha.Gusto niyang sumigaw pero lalabas siyang katawa-tawa sa harap ng mga ito.

Kung magbiro nga naman ang tadhana—oo! Sinusubukan ba siya niyon noong sabihin niya kay Letizia na hindi sila magkasundo? Dahil ngayon pa lang gusto na niyang mabura sa mundong ibabaw ang katagang iyon.

Lumapit sa kanila ang naguguluhan ding siYeisha.

“Andrea, what’s the meaning of this?” tanong nito. Mukhang kagagaling lang nito sa restroom kaya hindi niya agad ito napansin kanina.

“Yeah. . . Andrea. . . What the heck is this?” tanong din niya. Pareho na silang nakatutok ang pansin sa babae.

Napakunot-noo naman si Andrea at litong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila. Pagkuwa’y tinitigan nito si Yeisha.

“He’s the one I am telling you. He’s the one who could help you,” anito sa mahinahong tinig.

Mabilis na umiling ang babae. “No, Andrea. We are just wasting our time here,” wika nito sabay talikod.

Pagak siyang natawa.

“Yeah. . . She’s right. . . You are just wasting your time here,” sarkastikong sang-ayon niya.

Napatigil sa paghakbang si Yeisha at marahas siyang nilingon sa naniningkit na mga mata. “I didn’t know that my sister was referring to you, nang sabihin niyang may kilala siya na makatutulong sa akin. Kung alam ko lang na ikaw ‘yon, I wouldn’t bother to come over here,” she hissed.

“Well, now, you know. At kahit hindi mo ako tanungin, alam mo na ang magiging kasagutan ko,” mariing tugon niya.

“Teka nga, sandali. . .” awat ni Andrea sa kanila na halatang gulong-gulo sa nakikita at napapakinggan. “What was happening here? Do I need to know something about you, two?” litong tanong nito.

Sabay silang umiling ni Yeisha.

“No,” sabay rin nilang sagot.

Natawa si Andrea kasabay ng pag-iling.

“Both of you were lying. Pero sige, paniniwalaan kong hindi kayo magkakilala." At makahulugan nitong tinitigan si Hanz. “Now, I know who you are talking about when you said those words before. But I guarantee you, there’s no harm in trying again. We may not grow up together, but I can see that my sister is a good person. She’s one of best mothers that I know. Just like me,” dagdag pa nito na si Yeisha naman ang nilingon.

Tila ang babae naman ang hindi makaunawa sa pinag-uusapan nilang dalawa.

“How do you know each other?” hindi na napigilang itanong nito.

“Long story.” Si Andrea ang sumagot. “Pero t'saka na natin pag-usapan iyon kapag naresolba na natin ang problema mo. This is an urgent matter at alam kong nagagahol ka na rin sa oras.”

Napabuntonghininga si Yeisha at napatingin na lang sa malawak na karagatan.

Nilapitan ito ni Andrea at hinawakan sa dalawang kamay at pinisil ang mga iyon.

“Just for once, forget about what’s going on between you, two, kung mayroon man. Hindi ko hahayaang makuha ng sinoman ang pamangkin ko sa ‘yo. You’re his mother. At mas lamang ang karapatan mo kayHarvey.”

“Wait. . . What do you mean? Paano napasok sa usapan si Harvey?” gulong tanong niya.

Sabay siyang nilingon ng mga ito.

Hindi niya maintindihan kung matatawa ba siya o magmumura sa nakikita. The two women who he got involved with was now looking at him differently. Ang isa ay nakikiusap, at isa naman ay blangko ang mga mata.

“You know Harvey?” Si Andrea.

Tumango siya. “Kahapon. On your wedding,” tipid niyang sagot.

“He’s so cute, right? At napakabibo ring bata,” pagmamalaki pa ni Andrea.

Wala sa sariling napangiti naman siya. Naalala niya kasi kung paanong nakipagkamay pa sa kaniya ang bata nang magpakilala sa kaniya.Napailing na lang siya.

“I guess you really like him,” pukaw ni Andrea sa pag-iisip niya.

Nang tingnan niya ito ay nakangiti na ito sa kaniya. Samantalang, lumambot na rin ang mukha ni Yeisha.

Bigla siyang natauhan at muling sumeryoso.

“So, ano bang problema?” makaraan ay tanong niya.

Parang hindi naman yata kaya ng konsensya niya na tanggihan si Yeisha kung ang anak nito ang involved. Isang beses pa nga lang niyang nakita si Harvey, pero pakiramdam niya ang gaan-gaan na ng loob niya rito. Something that never happened to him before.

Nagliwanag ang mukha ni Andrea sa narinig. Tahimik namang napahinga nang malalim si Yeisha.

“Ang mabuti pa siguro, kayo na lang dalawa ang mag-usap. I’ll just help Manang Sideng in the kitchen,” boluntaryo nito. Paraan na rin nito iyon para bigyan sila ng privacy.

Magproprotesta pa sana si Yeisha, pero mabilis na silang tinalikuran ni Andrea. Wala itong nagawa kun’di habulin na lang nang nag-aalalang tingin ang papalayong kapatid.

“I didn’t know you’re related to her,” aniya at namulsang umupo sa upuang naroon.

He heard her sigh.

“And I didn’t know you knew her,” anito na naupo sa tapat niya.

Nagkibit siya ng mga balikat. “I don’t have to explain myself to you.” Iniunat niya ang mga braso at inabot ang may kalamigan ng kape at ininom iyon. “Now, tell me. . . what is it at kahit si Andrea ay napilitang sadyain ako rito? Bakit ka ba talaga umuwi ng Pilipinas?” seryosong tanong niya rito.

Tumingin ito sa lamesa at nilaro-laro ng mga daliri ang basong may lamang juice.

“I came here just to attend my sister’s wedding. Iyon ang totoo. Pero nang magkausap kami at malaman niya ang problema ko, she offered to help me. I was really desperate kaya hindi ko na siya tinanggihan pa. Pero hindi ko naman alam na sa ‘yo pala kami lalapit.” At tinitigan siya nitong diretso sa mga mata. Nababasa niya roon ang di-matatawarang pagkabahala at takot.

Hindi pa niya ito nakitang ganoon. Kahit pa nga noong nahuli niya ito sa ‘akto' ay hindi ito kinabakasan ng takot. Well, hindi naman na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin noon. He was so mad at that time at halos mawala sa sariling katinuan.

“I divorced Harvey’s father. And now, we are in the middle of a fight for Harvey’s custody. Alam kong malaki ang tyansang matalo ako sa kaso—not just because I am not that financially stable, but because Dereck have the powers to manipulate the ruling. Gagawin niya ang lahat mapunta lang sa kaniya ang anak ko,” salaysay nito.

Tumigas ang anyo niya nang marinig angpangalang binanggit nito. Ang pangalan ng lalaking pinaka-kinamumuhian niya. Ang pangalang sumira sa pamilyang dapat sana ay bubuuin niya. Siya dapat ang nasa katayuang iyonat hindi ang hayop na lalaking iyon! Siya dapat ang ama ni Harvey at hindi si Dereck Carlson!

“D**nit!” hindi napigilang bulalas niya.

Napaigtad ang babae.

“I-I'm sorry. Hindi ko na dapat binang—”

“No. It’s fine,” mabilis niyang bawi. Pilit niyang ikinalma ang sarili. As much as possible, hindi siya dapat magpahalata na apektado parin nang nakaraan nila.

“Go on. Tell me the reason behind your divorce,” malamig niyang saad.

Nagbago ang itsura ni Yeisha. Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila maiiyak. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang gusto niyang ikulong ito sakaniyang mga bisig.

Stop it, will you! Sigaw ng kabilang bahagi ng isipan niya. Wala rin iyong patid sa pagbibigay paalala sa kaniya.

“I-It. . .” hindi nito maituloy ang sasabihin, kaya tumingin ito sa malayo. “He’s abusive.” Maikli, pero ramdam na ramdam niya ang sakit kalakip ng rebelasyong iyon.

Mahigpit siyang napakapit sa tasang hawak-hawak.Halos mabasag na iyon sa tindi ng pagkakakapit niya. The anger he felt at that moment was overflowing. At pakiramdam niya, anomang sandali ay parang bulkan siyang sasabog.

Ganoong klaseng buhay ba ang ginusto nito? Iyon ba ang kapalit nang paghihiway nila? Ang maging punching bag ng tarantadong iyon!?

Hah! Kahit gustuhin niyang matuwa sa naging sitwasyon nito, hindi naman siya ganoon kasamang tao. He’s a lawyer. At kaya niya pinili ang propesyong iyon para ipagtanggol ang mga naaapi… ang mga walang kasalanan… ang mga inosente; bata man o mantanda.

“Why in the first place did you allow that to happen? Nakikita ba ito ni Harvey?” seryosong tanong niya.

Mas malaki ang concern niya sa anak nito, dahil lilikha iyon nang masalimuot na alaala sa isip nito. His childhood will become traumatic for him. A nightmare. At iyon ang ikinababahala niya.

Nakahinga siya nang bahagya nang makitang umiling si Yeisha.

“Dereck was too careful. And I am very thankful na hindi niya ipinakikita sa anak namin ang ginagawa niyang karahasan sa akin,” anito.

“Why you’re still proud of that? That bastard is full of b*****t!” bulalas niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinigilan ang sarili.

Kaya may mga taong nasasanay mang-abuso. Because some people tolerate what they do. At hindi nagkakalayo roon ang sitwasyon ng dating asawa. Kaya lalo lang nag-umapaw ang galit sa dibdib niya while listening to her reasons.

Dapat pa palang ipagpasalamat ngayon ang ganoong akto? Hah! Sunod-sunod siyang nagpakawala nang marahas na paghinga.

“I am not proud of it!” she snapped. Nanginginig pa ang mga labi nito at halatang takot na takot. “I am just a mother who wants to protect my son from that terrible life—from his terrible father. Alam mong hindi ako katalinuhan. Alam mong wala akong ibang alam gawin kun’di ang pagmomodelo. I am not talented nor smart one. And I don’t want my son to grow up like me. I want to give him the whole family he deserves. Kaya hindi mo ako masisisi kung natiis ko ang ganoong klase ng buhay sa loob nang anim na taon,” humihingal na paliwanag nito.

Kumalma naman siya. Totoo lahat ng sinabi nito.Mahirap talagang lumaki na sira ang pamilya. Kahit siya ay hindi gugustuhing iparanas iyon sa magiging anak.

And she was also right in pointing out her capabilities. Kaya nga kahit gustong-gusto na niya itong pigilan noon at patigilin sa trabaho ay hindi niya magawa. He knew that modelling was the only thing she could do. Kung pagbabawalan pa niya ito, para n'ya na rin itong pinatay.

Iba kasi ang buhay sa Amerika—maraming kakumpentinsya. You will not always be on top dahil araw-araw ay nagbabago ang lahat. Pero kung talagang gagalingan mo, you’ll stay in the game longer.

Sa pagkakatanda niya, teenager pa lang ay nagmo-model na ito. She never mentioned anything about her family to him. Ang alam niya lang laging nasa malayo ang ina nito because of her job. Ang ama naman nito ay nagkaroon ng ibang pamilya bago mamatay. Pero hanggang doon lang. Hindi na rin naman siya nagtanong pa. Kaya nga nayanig nang husto ang mundo niya nang malamang kapatid ito ni Andrea.

Small world! Aniya sa sarili.

“Fine. . . I won’t judge you for that. But, how come you divorced him anyway?”

Kung hindi ito financially stable, then it’s hard for her to get some help—to get a better lawyer. Iyong papayag na ipagtanggol ito kahit na walang bayad. Wala naman sigurong magaling na abogado ang gagawa niyon. Lalo na kung malaking tao ang kalaban. At lalo na kung nasa Amerika ito.

“Because he threatened me using our son’s life,” tugon nito.

“What!?” palatak niya. Bahagya pang natapon ang mga inuming nakapatong sa lamesa, dahil naihampas niya nang wala sa oras angkamay roon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   SPECIAL CHAPTER

    “Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango.  Napansin niyang tahimik lang ito.  “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya.  “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   THIRTY

    “What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-NINE

    Pilipinas, Villa Catalina “No. . . no. . . Stop it!” sumisigaw na wika ni Yeisha mula sa silid nito. Napatigil sa paghakbang si Hanz nang matapat doon. Pinakiramdaman niya ito mula sa loob. “Please. . . I will not do it again. Please forgive me. . .” paulit-ulit na pagsusumamo nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid nito. Madilim sa loob at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw roon. Lumipad ang mga mata niya sa kama ng babae. Naroon ito at nakapamaluktot habang nanginginig ang buong katawan. Mabilis siyang napalapit dito at binuksan ang lampshade sa side table. “Yeisha. . . Yeisha. . . Wake up. You're having a bad dream,” paanas niyang sambit. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang magmulat ng mga mata. “H-Hanz?” nanginginig ang mga labing turan nito. “Yeah, it’s me.” Napabangon ito at mahigpit siyang niyakap. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m scared, Hanz. I'm scared. . .” tila nagsusumbong na wika ni

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-EIGHT

    “Where are you?” nag-aalalang tanong ni Hanz kay Yeisha, na sa wakas, after calling her for twentieth times ay sinagot din ang telepono. “I-I. . . I went somewhere,” alanganing tugon nito. He can sense the worriedness in her voice. “Tell me the truth, Yeisha. Dahil ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika niya. It's been a week since Harvey went missing. Ayon kay Bernard, pinakilos na ng ama nito ang mga tauhan sa paghahanap kay Dereck. And anytime soon ay makikita na rin ito. Sinigurado iyon sa kaniya ng lalaki. But Yeisha seemed to be not herself sa nakalipas na dalawang araw. Hindi niya alam kung bakit. Sa isip niya ay dahil iyon sa hindi pa nila matagpuan ang anak nila. Subalit, lumakas ang kutob niya na may hindi ito sinasabi sa kaniya, nang bigla na lang itong magpaalam at uuwi sa apartment, habang kinakausap nila ang mga pulis kanina. At nang puntahan niya ito roon ay wala oon ang babae. “Don’t try to find me, Hanz. I am doing this

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-SEVEN

    “Still no news?” namamaga ang mga matang tanong ni Yeisha sa kaniya nang balikan niya ito sa apartment. Iniuwi niya muna ito roon kanina, upang kahit papaano ay makapagpahinga ito. Subalit mukhang hindi rin naman iyon nagawa nito dahil sa matinding pag-aalala sa kanilang anak. Apat na araw na ang nakalilipas, ngunit hindi pa rin nila natatagpuan si Harvey o si Dereck. Walang makapagpagsabi kung nasaan ang mga ito. Noong pumunta sila sa eskwelahan ni Harvey ay nakuha sa CCTV ang pagpasok ni Dereck sa school premises nito. Kilala ng eskwelahan na anak nito si Harvey kaya walang kahirap-hirap na naitakas iyon ng lalaki. And the cops were having a hard time tracing Dereck’s location. Kahit sa bahay nito ay wala ang lalaki. At tila pinapatay silang pareho ni Yeisha nang matinding pag-aalala. They knew Dereck’s capabilities. Nasisiguro niyang hindi ito mangingiming saktan si Harvey, lalo pa nga’t malinaw naman na hindi nito anak ang bata. Umiling siya at naupo sa tabi nito. “Th

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-SIX

    “Daddy?” ani Harvey nang makita siya nito sa playground sa loob ng eskwelahan. Nakangiting nilapitan niya ang bata. “Hi! I came by to see you,” ani Dereck at bahagyang luminga sa paligid. Walang gasinong tao sa mga sandaling iyon. “Where is Mommy? Have you seen her?” Tumingin ito sa may likuran niya na para bang inaasahan nitong anomang sandali ay lalabas doon si Yeisha. “Yeah. She’s waiting in my car. She asked me to pick you up because she wanted to give something to you.” Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi iyon. “Really?” nanunukat ang tinging tanong nito. Mabilis siyang tumango. “Yeah. You could ask her yourself,” malumanay na wika niya. Hindi sumagot si Harvey. Kumibot lang ang mga labi nito. “Don’t you wanna see her?” aniya. Alanganing lumingon ito sa loob ng room nito, pagkuwa’y bumuntonghinga. “Please promise me one thing,” anito nang harapin siyang muli. “Go ahead...” “You will not hit Mommy again. Never,” mariing sambit nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status