Share

CHAPTER 13

Pinagkasya lahat ni Ayla ang mga gamit na inihanda ni Kamaria sa kanyang dalang bag. Nang makitang nalagay na niya sa loob lahat, tumayo siya at isinuot na ang kanyang itim na balabal.

“I`m ready, I should get…”

Hindi natapos ni Ayla ang dapat niyang sabihin kay Kamaria nang bigla na lamang itong umalis bigla. Nagtatakang sinundan lamang ito ng tingin ni Ayla nang naglakad ito sa direksyon papunta sa gilid, kung saan nakalagay ang nakatagong pintuan ng workshop nito.

Habang pinag-iisipan ni Ayla kung aalis na ba siya o hihintayin si Kamaria, bigla na lamang itong sumigaw galing sa workshop nito.

“Don`t go yet! I still have something that I forgot to give you. Just give me a minute!”

Dahil sa narinig, umupo na lamang ulit si Ayla at naghintay. Hindi naman nagtagal si Kamaria sa workshop nito pero nang maka akyat siya ulit sa sala, kung saan naka upo si Ayla, ay hindi siya lumapit dito bagkus ay pumunta ito sa kusina. N

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status