Se connecterMainit ang sikat ng araw kahit hindi pa tuluyang sumisikat. Ramdam agad ang lagkit sa batok at pawis sa sentido, at mabigat ang hangin na parang ayaw gumalaw. Pero sanay na ako rito. San Felipe summers always felt this way—sticky and heavy, yet oddly comforting.
Nagising ako sa tilaok ng manok, kasabay ng lagitik ng walis-tingting ni Nanay sa labas ng quarters. Mahina siyang kumakanta ng lumang awit habang nagwawalis, at sumisingaw ang amoy ng murang sabon na hinalo sa alikabok. “Aya, gising na. Tulungan mo si Tatay mo sa hardin,” tawag niya, lambing na may kasamang utos. “Opo, Nay.” Mabilis akong bumangon at nagsuot ng lumang shorts at puting t-shirt. Tinali ko ang buhok gamit ang lumang scrunchie, at nakapaa akong lumabas, ramdam ang gaspang ng semento sa ilalim ng talampakan. Sa gilid, nakita ko si Tatay. Pawis na pawis kahit hindi pa mataas ang araw, hawak ang hose at tinatapatan ng tubig ang mga bougainvillea. “Tay, akin na po ’yan,” sabi ko sabay kuha ng hose. Tinapat ko sa mga paso ng succulents na itinanim ko pa noong nakaraang taon. Project ko iyon, at buhay pa rin sila hanggang ngayon. Para silang ngumiti sa akin habang sinasabuyan ko ng tubig, sumisigla sa bawat patak. “Ang sipag naman ng anak ko,” biro ni Tatay, nakangiti ng ngiting puno ng pride. Ngumiti rin ako. “Tay, parang mas dumami po ang bulaklak ng bougainvillea?” “Maganda kasi ang panahon,” sagot niya habang pinapahid ang pawis sa noo. “Tamang ulan, tamang araw. Ganyan din sana ang tao. Tamang tiyaga, tamang pahinga, uunlad din.” Lagi siyang may kasamang paalala. Napatingin ako sa mansyon na ilang metro lang ang layo mula sa quarters. Malalaki ang mga bintana, parang sumisigaw ng yaman at kasaysayan. Minsan maririnig ko ang piano ni Ma’am Sofia, minsan makikita ko ang mga kurtina nilang sumasayaw sa hangin. Tahimik ang paligid pero may bigat—parang kahit walang tao, may iniingatan itong sikreto. Kami ay nakatira sa maliit na service quarters sa likod ng malawak na lupain ng Madriaga. Hindi bongga, pero maaliwalas at sapat para sa amin. Tuwing summer break, dito ako palaging nakatira kasama si Nanay at Tatay. Si Nanay, kilala bilang Aling Myrna, tagalaba at minsan tumutulong sa kusina. Si Tatay naman, Mang Ben, hardinero. Mas kabisado niya ang pangalan ng mga halaman kaysa pangalan ng mga kapitbahay namin sa baryo. Ang staff ng mansyon ay parang extended family na rin. Si Manang Belen, ang housekeeper, paborito akong pakainin ng tortang talong at sinangag, at tinatawag pa akong apo. Si Mang Tonyo naman, ang driver na madaldal, laging may dalang tsismis mula bayan hanggang barangay. Si Aling Berta, kapwa tagalaba rin ni Nanay, may anak na si Jun na kaedad ko. Noon, madalas kaming magtaguan pero ngayon, mas madalas siyang tumutulong sa nanay niya. “Grabe talaga, kahit mahangin, parang walang kalat sa bakuran,” minsang sabi ni Mang Tonyo habang nag-aayos ng sasakyan. “Si Don Alfredo kasi, ayaw ng magulo. Kapag dumaan siya, dapat siguradong maayos ang lahat.” Naalala ko iyon habang nagdidilig ako. Bihira kong makita si Don Alfredo, pero kahit mula sa malayo, parang ramdam mo talaga siya. Minsan din, nadaanan ako ni Ma’am Celeste. Eleganteng-elegante, tahimik lang, pero matalim ang mga mata. 'Yung tipong kahit wala siyang sabihin, alam mong nababasa ka niya. Si Ma’am Sofia naman, iba. Minsan nuya akong inabutan ng mangga habang tumutugtog siya ng piano. “Aya, tikman mo,” sabay ngiti. Palakaibigan, at madaling lapitan. At syempre, si Sir Zedrick. Madalas ko siyang makita sa veranda, may hawak na libro o minsan mga folder. Hindi suplado pero hindi rin approachable. Kapag dumadaan, ramdam mong may dating ang bawat hakbang. Para siyang laging nasa sariling mundo, isang mundong hindi basta pwedeng pasukin ng sinuman. Matapos ang trabaho sa hardin, pinatawag ako ni Nanay. “Aya, bumili ka ng pandesal sa kanto.” “Opo.” Bitbit ang basket, naglakad ako palabas. Mahaba ang daan pero sanay na ako. Nakakasalubong ko ang mga ibang kasambahay, mga driver, pati si Kuya Gilbert na bantay sa gate. “Good morning, Aya,” bati niya ng may ngiti. “Good morning po,” sagot ko. Pagbalik ko, naamoy ko agad ang kape at tortang talong. Halos tumakbo ako papunta sa kusina. “Aya, tikman mo ito,” bungad ni Manang Belen, sabay abot ng plato. “Salamat po, Manang.” kinikilig ko pang sagot. Habang ngumunguya pa ako ng pandesal, bumukas ang pinto. At halos mabilaukan ako nang makita ko kung sino ang dumaan. Si Sir Zed. Fresh-looking kahit maaga pa. Naka-white shirt, sleeves folded neatly, may hawak na libro. Diretso siyang dumaan papunta sa garahe kung saan nakapark ang kotse. Wala siyang sinabi, wala ring tingin sa amin, pero parang nag-iba ang hangin sa kusina. Walang umimik maski si manang, saglit na natigilan bago nagpatuloy sa pagwawalis pero hindi rin nakatiis. “Grabe, ang tahimik talaga ng batang iyon,” bulong niya. Tumango lang ako bilang sagot. Oo nga, tahimik siya. Pero kahit wala siyang sinasabi, parang may naiwan siyang marka. Hapon na at nakahiga lang ako sa maliit naming kwarto. Hawak ang sketchpad at lapis sa kamay, habang gumuguhit ng bougainvillea na diniligan ko kanina. Bawat talulot, bawat kurba ng sanga, pinilit kong alalahanin. Habang gumuguhit, biglang pumasok na naman sa isip ko ang mga kwento tungkol sa Madriaga. Isang pamilyang kasing yaman daw ng lupang tinataniman nila. Laging malayo, pero palaging nakikita. Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing naiisip ko sila lalo na si Sir Zed ay parang may kakaibang bigat na dumarapo sa dibdib ko. Hindi siya yung tipong hahanapin mo. Pero kapag dumaan naman siya, hindi mo rin kayang hindi mapansin. Nakatitig ako sa sketch pero ang isip ko, bumabalik sa tunog ng sapatos niya kaninang umaga. Ang paraan ng pagdaan niya, parang wala lang. Pero nag-iwan kakaibang pakiramdam sa'kin. At bago ako nakatulog, isang tanong ang naiwan sa isip ko. Ano kaya ang pakiramdam na pumasok sa mansyon, hindi bilang anak ng hardinero... kundi bilang taong may puwang sa loob nito?Monday noon kaya busy ang lahat sa panibagong week. I was typing on my computer when an email from Iris came in.Agad kong binasa 'yon. It was from her personal email, which immediately made me nervous. Iris rarely used that unless it was something off the record.From: Iris V.To: Aya R.Subject: Just a heads-upHi, Aya. I wanted to let you know that PR and Corporate Affairs have been discreetly monitoring social media chatter about you and Mr. Madriaga. Some board members and external partners have already noticed the photos from last week’s site visit and the dinner rumors. They’re not making formal statements yet, but the Board is becoming cautious. A few investors have started asking questions, too.I’m telling you this privately because I know how things can spiral fast. Please be careful with public appearances or shared events for now. You know how the higher-ups value “image consistency.”I trust your professionalism, but I also know how easily people can twist a story.Napati
Matapos ang mahabang araw ay kita ko kung gaano kapagod ang lahat. Ang iba ay pinilit pa ring umuwi sa Manila. Pero ako, balak kong bisitahin si Nanay at Tatay.Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng chile nang lumapit si Zedrick sa’kin pagkatapos, not minding the eyes following his movements.Tumingala ako at bahagya pang nasilaw sa huling sinag ng panghapong araw.“Any plans?” tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko.“Balak kong umuwi sa’min,” sabi ko.He opened the bottled water in his hand, then offered it to me. Tinanggap ko ’yon saka mabilis na uminom.“Salamat,” bulong ko saka ngumiti.“Then let me join you,” sabi niya pagkatapos.Pagdating namin sa bahay ay si Tatay agad ang nabungaran namin. Nasa labas siya at nagdidilig ng mga tanim niya. Nagtataka pa ang mukha nang tumigil ang kotse sa harap ng bahay.Sa pagkasabik ko ay hindi ko na nahintay na pagbuksan pa ’ko ni Zed. I noticed how he smiled before he went out of the car too.“Tay!” tawag ko.Nanliliit ang mata na tinanaw ako ni Ta
Lumipas ang ilang linggo matapos ang pagkikita namin ni Mrs. Madriaga. Pero kahit kailan, hindi ko nabanggit kay Zed ang tungkol doon.“Packed up na ba ‘yung gamit mo for the site visit?” tanong niya habang nasa biyahe kami pauwi galing opisina.Nilingon ko siya saka ngumiti. “Yeah,” mahinang sagot ko.“I’ll pick you up at 5 a.m. then,” sabi niya.Tumango ako, at bago ko pa maibalik ang tingin sa labas, inabot niya ang kamay ko saka marahang hinalikan iyon. The gesture was simple, but it was enough to quiet every noise in my chest.Pagdating namin sa tapat ng apartment, agad niyang inihinto ang sasakyan. Kinalas ko ang seatbelt, pero mabilis siyang bumaba para umikot at pagbuksan ako ng pinto.And there it was again—that consistent kindness. He never failed to make me feel seen.“Coffee ka muna?” alok ko, kahit alam kong baka tanggihan niya.Ngunit sa halip na sumagot, marahan niyang hinawakan ang pisngi ko.“I want to, but I need to wake up early for tomorrow,” malambing na sagot niy
By the time I got to the office, maaga pa rin ako. Tahimik pa ang paligid, at tanging tunog ng printer at pagbukas-sara ng mga drawers sa kabilang cubicle ang maririnig.Pag-upo ko sa desk, napansin ko agad ang reflection ko sa black screen ng monitor—still smiling. Napailing ako. “Get it together, Aya,” bulong ko sa sarili.Maya-maya pa ay dumating na sina Mira at Janus.“Uy, early bird,” bati ni Janus habang inaabot ang kape niya. “Ang aga mo ah. Nagbago na ang ihip ng hangin?”“Hindi naman,” sabi ko, pero ramdam ko ang init ng pisngi ko.“Hindi naman daw,” sabat ni Mira, halatang nakangisi. “Kahapon din ’to eh, nag-o-office overtime daw. Pero ‘yung ngiti, overtime din.”Natawa si Janus. “In love ‘yan, obvious na obvious. Spill na, Aya. Sino ang nagpapakilig sa’yo?”“Wala,” mabilis kong sagot, sabay inom ng kape. “Kape lang ‘to. Nagkataon lang na masarap ‘yung timpla.”“Sure,” sabay sabi nilang dalawa, sabay tawa.Napatakip ako ng mukha, at natawa rin pero pilit pinapakalma ang sar
Pero hindi natapos doon ang insidenteng ’yon.“Aya!” sigaw ni Sofia, isang gabi na nagdi-dinner kami ni Zed.Nagpaalam lang akong magbanyo, pero paglabas ko ay siya agad ang nasalubong ko.Paglingon ko sa mesa namin, nakita kong abala si Zed sa pag-check ng menu.“Nandito pala… kayo?” bati ko, agad kong binago ang tono ng boses ko.Sinadya kong ibaling ang tingin kay Zed. Sinundan niya ng tingin 'yon.“Oh, I was alone but I didn’t know Kuya’s here. Let’s join him,” mabilis niyang yaya, sabay hila sa akin. “Kuya! What a coincidence for us three,” dagdag niya sabay upo sa tabi ng kapatid.Shock was an understatement to describe his reaction. Nakita ko kung paano siya dahan-dahang bumaling sa akin, ang mga mata niya tahimik na nagtatanong.Agad akong umiwas ng tingin at hindi na nakaimik.Narinig ko ang mabigat niyang paghinga bago niya marahang pinakawalan ’yon.At imbes na tingnan pa ako, inabala niya ang sarili sa menu, habang si Sofia naman ay walang tigil sa pagkukuwento tungkol sa
"Huy!" halos pasigaw na bati ni Mira nang makita ako sa hallway. “Ano ’yan? Afterglow ng unang pag-ibig?” biro niya, sabay kindat.Napailing ako, pigil-tawa, saka ngumiti lang. “Kape gusto mo?” alok ko, pilit na binabaling ang usapan.Napanganga siya sa mabilis kong pag-iwas bago napahalakhak. “Aya! Wow, ikaw na talaga ang may love life!”Sumunod pa siya sa akin papasok sa pantry, bitbit ang tasa. “So, kailan mo naman ipapakilala sa amin ’yung jowa mo?” tanong niya, halos may kasamang tili.Natigilan ako saglit habang pinupuno ang mug ng kape. Hindi ko pa talaga naisip ’yon—kung paano ko ipapakilala si Zed. Paano ko sasabihin na kami, o na mahal ko siya pero kailangan pa ring magtago sa pagitan ng trabaho, ng pangalan, at ng lahat ng kumplikado?Tahimik akong napangiti. “Hindi pa siguro ngayon,” sagot ko. “Busy pa siya.”“Busy, ha? Ayan na naman ang classic excuse ng in love!” pang-aasar pa ni Mira habang sumimsim ng kape. “Pero sige na nga, baka naman surprise mo kami next time.”Ngu







