Share

Kabanata 2

Author: inksigned
last update Huling Na-update: 2025-08-11 19:30:09

Aya — Age 16

Mainit ang sikat ng araw nung umagang ’yon—yung tipong kahit hindi ka pa nakakalahating oras sa labas, ramdam mo na agad na parang kumukulo ang batok mo. ’Yung klase ng init na kung wala kang sombrero, puwede ka nang gawing ginataan kung magtatagal ka sa ilalim.

Pero ako? Wala akong pakialam. Summer break kasi. Walang school, walang assignments, walang kahit anong kailangan ipasa sa klase. Wala rin masyadong iniisip… bukod sa kung anong ulam mamaya at kung ilang mangga ang kaya kong abutin mula sa puno sa likod ng mansyon bago ako papakin ng mga hantik.

Minsan nga, naiisip ko—baka may balat ako sa dila. Hindi yung tipong malas, ha. Yung tipong naiintindihan ako ng halaman. Kasi kapag kinausap ko sila, parang lumalago sila. O baka ako lang ’yon na nagi-imagine.

"Aya, halika na. Baka mahuli tayo sa pagtutubig ng halaman," tawag ni Tatay mula sa gilid ng hardin.

"Nandiyan na po!" Sigaw ko habang mabilis na tinatali ang buhok paitaas gamit ang lumang scrunchie na parang nakasama ko na sa lahat ng summer mula Grade 5.

Nasa tabi ako ng service quarters kung saan kami nakatira ni Nanay at Tatay tuwing summer. Hindi ito yung tipong sobra sa ganda, pero malinis, maaliwalas, at may maliit na bintanang tanaw ang ilang bahagi ng mansyon ng mga Madriaga. Sa likod-bahay namin, may nakahilera ring paso ng mga succulents—project ko noong nakaraang taon na hanggang ngayon buhay pa rin.

Ang tatay ko, si Mang Ben, ay hardinero dito sa mansyon. Siya ’yung tipo ng tao na mas kilala ang pangalan ng mga halaman kaysa sa mga kapitbahay namin sa bayan. Sabihin mo lang yung dahon o bulaklak, kaya niyang ikwento kung anong klaseng lupa ang gusto nito, gaano kadalas dapat diligan, at kung saan pinakamainam ilagay.

Ako naman, dahil wala akong masyadong ginagawa sa bakasyon, sumasama na lang sa kanya tuwing umaga. Minsan magtatanim kami, minsan mag-aalis ng damo, minsan maglilipat ng paso. Sa sobrang dami ng oras ko dito, feeling ko mas kilala ko na ang mga halaman kaysa sa ibang tao. At oo, minsan mas gusto ko pa silang kausap.

Pagdating ko sa hardin, naamoy ko agad ang halimuyak ng mga rosal at gumamela—’yung matamis at medyo mabigat sa ilong na amoy ng bulaklak kapag natamaan ng araw. Nakayuko si Tatay, abala sa pagwalis ng mga tuyong dahon na parang may sariling ritmo ang kilos ng kamay.

Tumabi ako sa kanya at kinuha yung maliit na diligan na may kaunting gasgas na tanda ng ilang taon ng paggamit.

"Tay, parang mas dumami yata yung bougainvillea? Ang dami ng mga bulaklak ngayon," sabi ko habang nagsisimula nang magdilig.

Ang tubig mula sa diligan ay kumikislap sa ilalim ng araw, bumubuo ng maliliit na bahaghari bago tuluyang bumagsak sa lupa.

"Oo," sagot ni Tatay, tumigil saglit para ituwid ang likod. "Maganda ang panahon nitong nakaraan. Tamang ulan, tamang araw. Ganyan din sana ang tao—tamang tiyaga, tamang pahinga, tiyak uunlad." May kasamang sermon pero may ngiti sa labi, kaya hindi ko na tinutulan.

Habang nagdidilig ako, napatingin ako sa malayo. Kita ko mula rito ang malawak na bintana ng mansyon. Malaki, puti, at parang laging may kwento ang bahay na ’yon. Kung minsan, makikita mo sa loob ang mga kurtinang sumasayaw sa hangin kapag nakabukas ang bintana, o maririnig mo ang tunog ng piano galing sa loob kapag nagpa-practice si Ma’am Sofia.

May dalawang anak ang mag-asawang Alfredo at Celeste Madriaga. Paminsan-minsan, natitiyempuhan ko silang nakakalabas—lalo na si Sofia, na halos kasing-edad ko at minsan ay kinakausap ako kapag walang ibang tao. Hindi ko pa nasubukang makipag-usap sa kuya niyang si Sir Zed. Masyado siyang tahimik, palaging may hawak na libro kapag nakikita ko sa veranda, at parang ayaw magpa-abala.

Matapos magbunot ng ilang ligaw na damo, narinig ko ang boses ni Nanay mula sa service quarters.

"Aya, halika nga rito sandali," tawag niya.

May dala siyang basket ng mga bagong laba, puting kumot at ilang t-shirt na mukhang sa mga Madriaga galing.

"Tay, balik ako ha," paalam ko.

Paglapit ko kay Nanay, iniabot niya sa akin ang isang maliit na tuwalya. "Ihahatid mo ’to kay Manang Belen sa kusina. Sabihin mo rin, mamaya pupunta ako para tumulong."

"Opo, Nay," sagot ko, sabay lakad papunta sa mansyon.

Pagpasok ko sa kusina, agad akong sinalubong ng halimuyak ng pinipritong longganisa. Kumakapit sa buhok at damit mo ang amoy, at kahit anong diet ang iniisip mo, wala na—talong at longganisa pa rin ang ending mo mamayang tanghali.

Nandoon si Manang Belen, ang tagapagluto. Mataba siya, may maaliwalas na mukha, at parang nanay ng lahat ng trabahador dito. Kahit hindi mo siya kaano-ano, kaya ka niyang sermunan na parang lumaki ka sa bahay niya.

"Uy, Aya! Buti dumating ka," bati niya agad. "Niluto ko na yung paborito mong tortang talong. Kumuha ka mamaya, ha."

"Salamat po, Manang Belen. Eto po pala yung tuwalya, sabi ni Nanay. Pupunta raw siya mamaya para tumulong."

"Aba, mabuti naman. At ikaw, magpahinga ka rin paminsan-minsan. Huwag laging nakabilad sa araw," sabi niya habang inaayos ang mga longganisa sa malaking plato.

Umupo muna ako sa gilid ng mesa, pinapanood silang magluto. May isa pang kasambahay na nagbabalat ng bawang, habang may kumukulong kaldero ng sabaw sa isang sulok. Iba talaga ang amoy ng kusina dito—laging may halong mantika, tinapay, at kape. Parang lahat ng kwento at tsismis ng bahay ay dumadaan muna rito.

Biglang bumukas ang pinto sa gilid, at pumasok ang dalawang trabahador na may dalang mga kahon ng prutas—mga mangga, mansanas, at ubas.

"Kay Sir Zed daw ’to, galing sa Maynila," sabi ng isa.

Napatingin ako bigla. Ibig sabihin… nandito siya? Hindi ko alam kung bakit parang biglang uminit yung tenga ko. Kasabay nito, nakita ko si Sofia na tumatakbo sa hallway, nakasuot ng floral dress at may hawak na makapal na libro. Parang galing siya sa library nila.

Pagbalik ko sa hardin, nakita ko si Tatay na nakaupo sa lilim ng isang puno, may hawak na baso ng malamig na tubig habang nakatitig sa mga halaman na para bang may kakausapin siya.

"Tay, narinig ko po sa kusina, baka nandito si—" Hindi ko natapos ang sasabihin kasi biglang may dumaan na matangkad na lalaki sa may veranda ng mansyon.

Naka-white shirt lang siya at maong, at mukhang bagong dating nga talaga. Malinis ang gupit, maayos ang tindig, at kahit malayo, halata kong hindi siya isa sa mga trabahador.

"Si Sir Zed ba ’yan?" pabulong kong tanong.

Tumingin si Tatay saglit, bago ngumiti ng tipid. "Oo, siya nga. Huwag ka masyadong titingin, baka mapagkamalan kang chismosa."

Napatawa ako. "Eh, curious lang naman po ako."

Tahimik lang si Tatay pagkatapos nun, pero alam kong narinig niya ang tono ng boses ko—may halong interes at pagka-usyoso.

Pagsapit ng hapon, medyo lumamig ang hangin. Sa hardin, tinutulungan ko si Tatay maglipat ng mga paso. Sa kabilang banda ng bakuran, may mga kasambahay na nag-aayos ng mesa para sa hapunan ng pamilya—kumot na puti ang tablecloth, may mga kandila sa gitna, at basong kumikislap sa ilaw ng araw.

Biglang dumaan si Sir Zed papunta sa garahe, may dalang maliit na bag. Parang nagmamadali siya. At kahit malayo, ramdam ko yung presensya niya—yung tipong tahimik pero may bigat. Hindi ko alam kung anong klaseng bigat, basta ramdam mo lang.

Pinunas ko ang kamay ko sa basahan at tinitigan siya hanggang mawala sa paningin.

"Tay… tahimik lang siya, no?" tanong ko.

"Oo," sagot ni Tatay, sabay tingin sa akin. "Hindi siya katulad mo na bungisngis. Pero mabait ’yon."

Ngumiti ako, kahit hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil may kakaibang init sa dibdib ko habang nakikita ko siya. Hindi ko alam kung magkakakwentuhan ba kami ni Sir Zed balang araw, pero sa ngayon, masaya na akong nandito lang—kasama ang pamilya ko, sa lugar na kahit pagod, puno ng kwento.

Pagkatapos naming maglipat ng paso, tumuloy ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Tahimik ang paligid—parang lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pero habang nilalapag ko ang baso sa lababo, may narinig akong boses mula sa kabilang pinto.

“…babalik daw siya sa Maynila next week,” mahinang sabi ni Manang Belen.

“Eh bakit bigla? Hindi ba dapat dito muna siya hanggang matapos ang project ng ama niya?” sagot ng isa pang kasambahay.

“Ewan ko rin. Basta sabi ni Ma’am Celeste, may aasikasuhin daw na hindi puwedeng ipagpaliban.”

Napatigil ako, nakikinig kahit alam kong hindi maganda ang makinig sa usapang hindi para sa’kin. Pero bago pa ako makadagdag ng maririnig, biglang bumukas ang pinto at lumabas si Sofia.

“Aya!” halos pasigaw niyang bati.

“Uy, Ma'am Sofia,” sagot ko, medyo nahihiya.

“May alam ka bang magandang spot dito sa garden para magbasa? Gusto ko yung may hangin pero hindi masyadong maaraw.”

Napaisip ako. “Sa may puno ng kalachuchi, sa gilid ng koi pond. Minsan dun ako tumatambay kapag gusto kong magpahinga.”

“Perfect!” ngumiti siya, sabay akbay sa’kin kahit pawisan ako. “Halika, samahan mo ako.”

Habang naglalakad kami, ramdam ko yung lambing niya kahit halatang sanay siya sa ibang klaseng mundo. Umupo siya sa damuhan, inilatag ang maliit na kumot, at binuksan ang makapal na librong hawak kanina.

“Bakit lagi kang nandito tuwing summer?” tanong niya bigla.

“Tumutulog lang sa trabaho nila nanay at tatay,” sagot ko. “Tapos… gusto ko rin dito. Tahimik.”

Tumango lang siya, tapos ngumiti. “Masarap nga dito. Hindi tulad sa Maynila na parang lagi kang hinahabol ng oras.”

May ilang minuto kaming tahimik. Siya, nagbabasa. Ako, pinagmamasdan lang yung liwanag na dumadaan sa mga dahon at tumatama sa buhok niya. May kakaibang pakiramdam na may isang taong hindi mo naman madalas kausap pero parang madaling maging magaan ang loob mo sa kanya.

Bago magdilim, tumayo siya at inabot sa’kin ang isang bookmark. “It’s for you. Just a remembrance.” Ngumiti siya ng matamis, tapos naglakad pabalik sa mansyon.

Iniikot-ikot ko yung bookmark sa kamay ko. Hindi ko alam kung anong parte ng araw ang mas tatatak—yung pag-uusap namin ni Ma'am Sofia, o yung sandaling nakita ko si Sir Zed kanina na parang walang kinalaman pero ewan, hindi ko makalimutan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • More Than The Marriage   Simula

    I crossed my arms habang nakatitig sa traffic. Ilang minuto rin akong tulala, hinayaang lumipas ang oras.Natapos na naman ang isang ordinaryong araw.City lights began to paint my cubicle’s glass window with hues of red, blue, yellow, and green. Kumukutikutitap sila sa blinds, nag-iiwan ng mga aninag sa desk ko—paalala na malapit na ang Pasko.Pero kahit ilang beses ko pa silang panoorin, kahit gaano pa sila kaganda, hindi ko pa rin maramdaman ang papalapit na okasyon. It was one of those days that wasn’t exactly happy, but not entirely sad either. Siguro ganoon na lang talaga ang ikot ng buhay ko.Gumigising ako tuwing umaga para magtrabaho nang maayos, uuwi kapag tapos na. The drive to strive feels permanent—ayoko nang maramdaman ulit ang pagkukulang at pagiging hindi sapat.It was that day when I realized I wasn’t good enough. That I could be better—that I should be.Bawat araw, gusto kong patunayan sa sarili kong sapat ako. I want to feel content. ’Yon ang paniniwala kong paulit-

  • More Than The Marriage   Kabanata 1

    Huminga ako nang malalim habang lumalabas mula sa private dining room ng isang high-end na hotel sa Makati. The lunch meeting with our new client—a luxury hotel chain—had been a resounding success. Bilang Senior Marketing Manager ng Madriaga Enterprises, isang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Zed, kailangan kong siguraduhin na walang sablay, walang kulang. Is it because I was under them, under him? Or was it just me?The contract was sealed with a firm handshake from Mr. Alcantara, the CEO of the chain. His sharp suit matched his sharper smile. "You've truly outdone yourself, Ms. Reyes," sabi niya, with eyes sparkling in approval. "That campaign for the women's shelter was inspiring, and now this. Madriaga Enterprises is lucky to have you."I offered him my professional smile—the one I’d perfected over years of meetings and negotiations. “Thank you, sir. I’m just doing my job. The whole team worked hard on it.”Nang umalis sila, I caught my reflection sa glass wall ng restaurant

  • More Than The Marriage   Kabanata 2

    Aya — Age 16Mainit ang sikat ng araw nung umagang ’yon—yung tipong kahit hindi ka pa nakakalahating oras sa labas, ramdam mo na agad na parang kumukulo ang batok mo. ’Yung klase ng init na kung wala kang sombrero, puwede ka nang gawing ginataan kung magtatagal ka sa ilalim. Pero ako? Wala akong pakialam. Summer break kasi. Walang school, walang assignments, walang kahit anong kailangan ipasa sa klase. Wala rin masyadong iniisip… bukod sa kung anong ulam mamaya at kung ilang mangga ang kaya kong abutin mula sa puno sa likod ng mansyon bago ako papakin ng mga hantik.Minsan nga, naiisip ko—baka may balat ako sa dila. Hindi yung tipong malas, ha. Yung tipong naiintindihan ako ng halaman. Kasi kapag kinausap ko sila, parang lumalago sila. O baka ako lang ’yon na nagi-imagine."Aya, halika na. Baka mahuli tayo sa pagtutubig ng halaman," tawag ni Tatay mula sa gilid ng hardin."Nandiyan na po!" Sigaw ko habang mabilis na tinatali ang buhok paitaas gamit ang lumang scrunchie na parang naka

  • More Than The Marriage   Kabanata 3

    Mainit ang hapon, tipong kahit ang hangin ay parang may dalang init mula sa lupa. Sanay naman na ako sa ganitong panahon, pero dito sa mansyon, iba ang pakiramdam. Malawak ang lupa, may mga lumang puno at hardin na parang galing sa mga pahina ng isang magazine. Pero sa likod-bahay, sa may pinaka-dulong parte nito, may isang puno ng mangga na paborito ko.“’Nak, huwag kang aakyat diyan, ha?” boses ni Tatay mula sa gilid ng greenhouse. Naka-yuko siya, may hawak na maliit na pala, nagtatanim ng bagong halaman.“Opo, Tay!” sigaw ko pabalik. Pero sa loob-loob ko, may balak na talaga ako. Hindi naman sa pasaway ako, pero sayang kasi ang mga hinog na mangga na wala namang pumipitas.Summer break naman, at halos araw-araw, tumutulong ako sa trabaho ni Nanay sa loob ng mansyon, at kay Tatay sa hardin. Gusto ko ang ginagawa nila, pero minsan gusto ko ring makahanap ng sariling trip—at ngayong araw na ’to, mango-picking ang napili ko.Kumaway si Mang Tonyo, isa sa mga driver. “Aya, saan ka pupun

  • More Than The Marriage   Kabanata 4

    Minsan, parang ang bagal ng oras dito sa mansyon. Tipong maririnig mo pa ang tik-tak ng orasan sa kusina kahit nasa kabilang panig ka. Pero ngayong summer break, parang mas ramdam ko ‘yung katahimikan. Hindi lang 'yung katahimikan ng malaking bahay, kundi pati na rin ng mundo ko. Parang sa bawat sandali, may bago akong nararamdaman na nagpapabilis sa bawat paghinga ko. Parang may nagbabago sa loob ko.Maaga pa lang, gising na ako. Pagbukas ko ng bintana sa maliit naming kwarto sa servants’ quarters, sinalubong ako ng amoy ng damong bagong dilig. May mga patak pa ng hamog sa dahon ng santan, kumikislap sa ilalim ng araw. Ang ganda-ganda, parang mga brilyante. Sa kusina, rinig ko na ang boses ni Nanay, abala sa paghahanda ng almusal ni Ma’am Celeste. Normal na umaga. Pero sa loob-loob ko, may kakaiba na. Hindi ko alam kung dahil lang sa sariwang hangin o dahil naaalala ko pa ‘yung nangyari sa ilalim ng puno ng mangga ilang araw na ang nakalipas. ‘Yung kaba, 'yung hiya, at ‘yung... tin

  • More Than The Marriage   Kabanata 5

    Nasa isang kubo kami malapit sa bahay ng isa naming kaibigan, si Jessa. Tanaw mula rito ang malawak na kapatagan. Hindi ko naman talaga balak sumama, pero matagal nang nag-aaya ang mga kaibigan ko para sa isang outing bago magsimula ulit ang klase.“Sige na sumama ka na, Aya,” sabi ni Lani habang nagbabalot ng pagkain sa mesa namin kanina.“Kami na bahala magpaalam sa nanay mo,” dagdag pa ni Jessa."Oo nga!" Magkasabay na sabi ni Mira at Lani.“Wala namang problema kina Nanay at Tatay,” sagot ko, nakangiti. “Meron kasing pagdiriwang sa mansyon ngayong weekend. Susubukan kong magpaalam mamaya.”Pagdating ko sa kusina ng mansyon, nadatnan ko si Nanay na abala sa paghahanda ng meryenda para sa mga bisita.“Nay,” tawag ko, medyo mahina ang boses.“Ano ‘yon, anak?”“Nag-aya sila Lani na baka po pwedeng mag-outing kami bago magpasukan. Diyan lang po sa malapit na talon sa kabilang bayan,” sabi ko, sinusubukang magmukhang inosente.“Kailan ‘yan?” tanong niya habang nakatingin sa tray ng mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status