Home / Romance / Morreti's Revenge Bride / KABANATA 2 : Ang Lungga

Share

KABANATA 2 : Ang Lungga

Author: Chelen De Paz
last update publish date: 2026-11-10 22:27:04

POV: Dante

"Nakaalis na siya, Boss."

Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya.

"Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel."

"Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madali para sa akin na kontrolin ang sitwasyon kung walang sagabal. Ang mahalaga, bukas na bukas din ay lilipat na siya rito sa mansyon."

Nang umalis si Marco, naiwan akong mag-isa sa silid. Tinitigan ko ang marriage contract na may pirma niya. Ang pirma na magiging mitsa ng aking paghihiganti. Matagal kong hinintay ang araw na ito—ang araw na ang isang Devereaux naman ang luluhod at magmamakaawa sa akin. Maraming taon ang nawala sa akin dahil sa kasalanan ng pamilya niya, at ngayon, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang bawat sentimo at bawat patak ng luha na dinanas ko sa nakaraan.

Kinaumagahan, maaga kong ipinadala si Marco upang sunduin niya si Alessia. Nakatayo ako sa may malaking pintuan ng aking mansyon habang hinihintay ang pagdating ng itim na sasakyan. Hawak ko sa aking kamay ang isang basong may laman na whisky, habang pinapanood ko ang dahan-dahang pagpasok ng kotse sa naglalakihang bakal na gate.

Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, lumabas si Alessia. Bitbit niya ang isang maliit na maleta. Wala ako nakikitang karangyaan sa postura niya, wala din siyang kasama. Bakas sa kanyang mukha ang pagod, ngunit ang kanyang mga mata ay nananatiling matalim. Iyon ang klase ng tingin na gusto ko—ang tingin na masarap basagin.

"Eksakto sa oras ang pagdating mo, Alessia," seryosong sabi ko habang lumalapit siya sa pwesto ko. Pinapanood ko si Marco habang pinapasok niya ang mga gamit ni Alessia. "Inaasahan kong magiging masunurin kang asawa simula sa araw na ito."

Huminto siya sa harapan ko, ilang distansiya mula sa akin. Sinalubong niya ang aking tingin, walang mababakas na kahit anong takot. Pinapaalala ng kanyang mga mata, ang mukha ni Theodore. Isang matapang na babae na nagmana sa kanyang ama. Dahilan para lalo akong magalit.

"Huwag mong aasahan ang isang bagay na hinding-hindi mo makukuha, Dante," mariing sagot niya, malinaw at buo ang kanyang boses. "Nandito ako dahil sa kontrata, pero hinding-hindi mo makukuha ang respeto o kahit ang pagsunod ko."

Bahagya kong itinaas ang aking baso, natutuwa ako sa nakikita kong lakas ng loob na pinapakita niya.. "Makikita natin, Alessia. Tingnan natin kung hanggang kailan tatagal ang matigas mong paninindigan sa ilalim ng pamamahala ko."

Nagsisimula pa lang mag-alab ang tensyon sa pagitan naming dalawa nang biglang tumunog ang telepono sa aking bulsa. Pagkakita ko sa screen, agad na nagbago ang aking mood. Sinenyasan ko si Marco na ihatid na si Alessia sa kanyang kwarto bago ko sinagot ang tawag.

"Ano iyon?" mariing tanong ko habang lumalayo sa pintuan.

"Boss, gumagalaw si Gabriel," boses ng isa sa mga tauhan ko sa kabilang linya. "Nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng kasal ninyo ni Alessia. Nagwawala siya ngayon sa kanyang hideout at nag-uutos na ihanda ang mga tauhan."

Napakuyom ang aking kamao, Gabriel. Ang lalaking matagal ko nang gustong ilibing sa lupa ng buhay. "Hayaan mo siyang magwala. Basta bantayan ninyo ang bawat bodega niya. Sa oras na gumawa siya ng maling galaw, tapusin ninyo agad."

Ibinaba ko ang telepono at lumingon sa hagdanan kung saan paakyat si Alessia kasama si Marco. Ngumiti ako nang malamig. Akala ni Gabriel ay magagamit niya ang pamilya Devereaux upang pabagsakin ako. Nagkakamali siya. Hindi niya alam, hawak ko na ang pinakamahalagang piyesa sa larong ito.

Hinarap ko muli si Marco nang makababa siya. "Ayusin mo ang seguridad sa buong mansyon. Simula ngayon, doble ang bantay sa paligid. At siguraduhin mong walang kahit isang impormasyon ang makakalabas o makakapasok kay Alessia nang hindi ko alam."

"Masusunod, Boss," pormal na sagot ni Marco.

Naglakad ako patungo sa aking library . Habang papalapit sa pintuan ng kwarto kung saan naroroon ang silid ni Alessia, huminto ako sandali. Pinagmamasdan ko ang mahinhin niyang pagkilos. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko habang nakikita ko siya. Mahigpit kong ikinuyom ang aking kamao sa pagpipigil na umalpas ang galit sa aking dibdib. Alam kong sa pagpasok ni Alessia sa aking lungga, sisiguraduhin kong ang matibay niyang pundasyon ay tutuluyan kong wasakin at wala akong ititira sa kanya kahit kunti. Pagsisihin ng pamilya niya ang ginawa nila sa akin noon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 5 : Ang Pagbabalik ng Demonyo

    POV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

    POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

    POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 2 : Ang Lungga

    POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 1 : Ang Hatol

    POV: Alessia"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko."Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status