Home / Romance / Morreti's Revenge Bride / KABANATA 1 : Ang Hatol

Share

Morreti's Revenge Bride
Morreti's Revenge Bride
Author: Chelen De Paz

KABANATA 1 : Ang Hatol

Author: Chelen De Paz
last update publish date: 2026-11-10 22:26:52

POV: Alessia

"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."

Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.

Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko.

"Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit.

Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay sa ospital, walang katiyakan kung magigising pa. Ngayon, hawak ako ni Dante sa leeg, at maging ang huling natitirang ari-arian ng aming pamilya.

"Hindi ito pakiusap, Alessia. Isa itong transaksyon," sagot niya habang dahan-dahang sumasandal sa kanyang mamahaling upuan. Pinagkurus niya ang kanyang mga braso at tumitig sa akin gamit ang mga matang walang kahit anong bakas ng awa. "Pirmahan mo 'yan at babayaran ko ang lahat ng utang ng kompanya ninyo. Ang papa mo ay makakakuha ng pinakamahusay na doktor. Tumanggi ka, at sisiguraduhin kong bukas na bukas din ay nasa kalsada na kayo , pupulutin kasama ng mama mo."

Mariin kong nakagat ang aking labi hanggang sa malasahan ko ang kaunting dugo. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa natitira kong dignidad. Napakabangis. Napakatigas. Ganito ba talaga kalaki ang galit niya sa pamilya ko para gawin ang lahat ng ito?

"Bakit ako?" tanong ko. Halos pabulong na lang ito dahil sa bigat sa aking dibdib. "Kung gusto mo kaming sirain, nagawa mo na. Bakit kailangan mo pa akong pakasalan?"

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Dante. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya sa bawat hakbang, ngunit nanatili akong tuwid at hindi umurong. Tinaas ko ang aking ulo at sinalubong ang kanyang tingin. Hindi ko ipapakita sa kanya na natatakot ako.

Huminto siya sa tapat ko, medyo malapit, sapat na para maamoy ko ang mamahalin niyang pabango na may kaunting amoy ng tabako. "Dahil ang mabilis na pagbagsak ay masyadong madali para sa inyo, Alessia. Gusto kong makita kung paano ka magmakaawa araw-araw sa ilalim ng bubong ko. Gusto kong ipaalala sa 'yo sa bawat gising mo kung sino ang puwedeng magmay-ari ng buhay mo ngayon."

"Hayop ka," mariing sabi ko, sinalubong ang mapanghamong tingin niya. Gusto ko siyang saktan. Gustong-gusto kong kalmutin ang mukha niya, para lang mailabas ko ang matinding galit sa dibdib ko.

"Oo, isa nga ako hayop sa paningin mo. Pero ang hayop na ito ang siyang tanging pag-asa mo ngayon upang mabuhay," mariing bawi niya sabay turo muli sa panulat. "May limang minuto ka lang para magdesisyon."

Tiningnan ko ang panulat na nasa ibabaw, pagkatapos ay ang mukha ng lalaking nangako sa sarili niyang sisirain ang buhay ko. Ramdam ko ang mariing pintig ng puso ko—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa isang bagong emosyon na gustong umalpas sa kalooban ko, ang matinding pagnanais na makaganti.

‘Gusto mo ng laro, Dante? Sige, pagbibigyan kita.’

Inabot ko ang ballpen. Hindi ko naramdaman ang panginginig ng aking mga kamay nang ilapat ko ang dulo nito sa papel. Sa bawat guhit ng aking pirma, isinusumpa ko sa sarili ko na darating ang araw na siya naman ang luluhod sa harap ko. Kakainin ko ang aking pride ngayon, ngunit sisiguraduhin kong ang kasal na ito ang magiging mitsa ng sarili niyang pagbagsak.

Inilapag ko ang panulat at tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "Tapos na. Masaya ka na ba ngayon?"

Kinuha ni Dante ang papel, sinuri ang aking pirma, tumango at saka ngumisi. "Welcome to hell, Mrs. Moretti. Maghanda ka na, at bukas na bukas din ay lilipat ka na sa mansyon."

Tinalikuran niya ako nang walang pag-aalinlangan. Nang sumara ang p***o ng kanyang opisina, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Pumikit ako at kinagat muli ang aking labi. Alam kong nagsisimula pa lang ang laban.

Lumabas ako ng gusali na nagngangalit ang mga ngipin. Diretso ang hakbang ko patungo sa kalsada at agad na pumara ang taksi. Sa loob ng sasakyan, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha, ngunit agad ko ring pinunasan ang mga ito gamit ang likod ng aking palad. Walang silbi ang pag-iyak. Ang kailangan ko ngayon ay lakas.

Kinuha ko ang aking telepono at mabilis na hinanap ang numero ng dati kong fiancé. "Adrian," tawag ko nang sagutin niya ang linya. Walang preno, walang paligoy-ligoy ang boses ko. "Tapos na tayo. Huwag mo na akong tatawagan o lalapitan pa kahit kailan."

"Ano? Alessia, sandali—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Pinatayan ko siya agad ng tawag at blinock ang kanyang numero. Alam ko na ang tungkol sa pagtataksil niya sa akin, ang relasyon niya sa kanyang sekretarya na si Vanessa. Ang mabilis na pagputol sa aming engagement ay isang magandang bagay na maaari kong simulan. Wala na akong oras para sa mga taong walang kuwenta.

Pagdating ko sa ospital, mabilis akong naglakad sa koridor patungo sa kwarto ni Papa. Naririnig ko na mula sa labas ang mahinang iyak ni Mama. Pagkabukas ko ng p***o, nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng hospital bed, habang ang kapatid kong si Vespera ay nakasandal sa pader, blangko ang tingin at halatang gulong-gulo ang isip.

"Ayos na ang lahat, Ma. Vespera," bungad ko, na pumutol sa mabigat na katahimikan ng silid. Lumapit ako at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Mama. "Huwag na kayong umiyak. Pumayag si Dante na sagutin ang lahat ng gastusin dito sa ospital. Mananatili si Papa sa pribadong kwartong ito kasama ang pinakamagagaling na doktor."

Nanlaki ang mga mata ni Vespera, mabilis na lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso. "Paano, Ate? Imposible! Anong ginawa mo? Si Dante ang sumira sa pamilya natin! Bakit bigla niya tayong tutulungan?"

Huminga ako nang malalim, tinitigan ang kapatid ko, at pinakita ko sa kanya ang pinatatag kong mga tinig. "Magpapakasal ako sa kanya, Vespera. Iyon ang naging kasunduan namin dalawa."

"Diyos ko, Alessia..." Napahagulgol si Mama at napasubsob sa kama ni Papa.

"Nababaliw ka na ba, Ate?!" galit at may halong iyak na singhal ni Vespera. "Ipinagbili mo ang sarili mo sa demonyong iyon? Paano ang buhay mo? Paano si Adrian? Paano na lagat ng pangarap mo?"

"Wala na kami ni Adrian, Vespera. At mas mahalaga ang buhay ni Papa, sa ngayon ito ang pinakamahalagang desisyon na dapat kong gawin." Bumuntong-hinga ako, malungkot akong nakatitig sa mukha ni Papa na may mga nakakabit na tubo.

Hindi na sila sumagot. Pero bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Naririnig ko ang tibok ng puso ni Papa sa heart monitor, sa bawat tunog nito, lalong tumitindi ang poot sa dibdib ko. Tumingin ako sa bintana ng ospital, tanaw ang malalaking gusali sa lungsod. Bukas, titira na ako sa mala impyernong mansyon ni Dante. Handa akong magtiis, pero hindi ibig sabihin na hahayaan kong lurukan niya ang pagkatao ko. Dahil sisiguruduhin kong, sa huli. Ako ang magiging dahilan ng pagbagsak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 5 : Ang Pagbabalik ng Demonyo

    POV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

    POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

    POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 2 : Ang Lungga

    POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 1 : Ang Hatol

    POV: Alessia"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko."Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status