LOGINPOV: Dante
Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. "Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka." Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?" "Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco. Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin ang opisina ko nang hindi ko nalalaman? "Hayaan mo siya, Marco. Bantayan mo lang nang maigi ang mga kilos niya. Gusto kong makita kung gaano kalayo ang curiosity ang kaya niyang gawin." Umakyat ako sa pasilyo at dire-diretsong naglakad patungo sa silid ni Alessia. Walang katok, marahas kong pinihit ang pintuan at pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang isang makapal na libro na tila ba kanina pa siya nagbabasa roon. Pagkakita niya sa akin, lalo na sa mantsa ng mga dugo sa aking damit, kitang-kita ko ang biglang pagkasuklam sa kanyang mga mata. Tinaasan niya ako ng kilay. Nakakatuwa ang reaksyon ng maamo niyang mukha. "Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo? Bigla ka na lang papasok sa kwarto ng may kwarto ng hindi man lang nagawang kumatok?" malakas niyang singhal sa akin habang ibinababa ang libro. Hindi ako umimik, lumapit ako sa kanya. Bawat hakbang ko papalapit may dalang banta ng panganib na kaya ko siyang parusahan. Huminto ako sa tapat niya at hinawakan ko nang mariin ang kanyang baba upang pilitin siyang tumingala sa akin. "Balita ko, binisita mo ang opisina ko, Alessia. Nagustuhan mo ba ang mga librong nakita mo roon?" Bahagyang dumaan ang takot at gulat sa kanyang mga mata, ngunit mabilis din itong napalitan ng galit. Sinalubong niya ang tingin ko ng mayroon tapang. "Wala akong ibang ginawa kundi maghanap ng mababasa. Masyadong nakakabagot sa magarang kulungan mo." "Huwag mo akong subukan, Alessia," bulong ko, lalong hinigpitan ko ang hawak sa kanyang mukha. "Ang mansyon na ito, ay mayroon mga ang batas, na kailangan mong sundin ngayon. Isang maling kilos mo pa, at sisiguraduhin kong hindi lang ang Papa mo ang magdurusa. Kaya matuto kang lumugar kung ayaw mong magdusa nang mas maaga." Binitawan ko siya nang marahas at tumalikod na ako palabas. Habang naglalakad ako pabalik sa sarili kong silid, naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, gusto kong huminto ang kabog na iyon. Dahil sa maamo niyang mukha, maging sa tapang na ipinapakita niya. Dahan-dahan may kung anong interes na gustong pumukaw sa akin. Isang hindi pamilyar na damdamin. * POV: Alessia Naiwan akong nanginginig sa galit habang nakatitig sa nakasarang p***o. Hinawakan ko ang aking baba na medyo namumula pa dahil sa mariing pagkakahawak ni Dante. Napaka-hayup niya talaga. Isang tunay na demonyo na walang ibang alam kundi ang manakot at pumatay. Pero kung akala niya ay mapapasuko niya ako sa mga pagbabanta niya, nagkakamali siya. Alam na ni Dante na pumasok ako sa opisina niya dahil sa sinabi ng tapat niyang aso na si Marco. Kailangan kong maging mas maingat sa mga susunod kong kilos. Ang lumang folder na nakita ko kanina—ang tungkol sa Devereaux Enterprises, ang tanging hawak kong baraha para malaman kung ano ang totoong dahilan ng galit ni Dante sa pamilya ko. Bakit may mga pekeng pirma roon? Ano ang kinalaman ng Papa ko sa nakaraan ng mga Moretti? Humiga ako sa kama pero hindi ako dinadalaw ng antok. Ang bawat kaluskos sa labas ng pasilyo ay para bang nagpapataas lalo ng kaba sa buong katawan ko. Nararamdam ko ang bigat ng aking sitwasyon. Mag-isa lang ako rito, walang kakampi, at napapaligiran ng mga taong pwedeng pumatay sa akin sa isang utos lang ng asawa ko. Kinaumagahan, bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nadatnan ko roon si Marco na may kausap sa telepono. Nang makita niya akong papasok, mabilis niyang tinapos ang tawag at hinarap ako nang may seryosong mukha. "Ma'am Alessia, tumawag po ang ospital kanina," saad niya na agad nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Anong nangyari? Ayos lang ba ang Papa ko? Si Mama?" sunod-sunod na tanong ko, hindi ko na naitago ang matinding pag-aalala sa aking boses. "Maayos po ang lagay ng Papa ninyo. Sinasagot na po ng accounting ng Boss ang lahat ng bayarin, gaya ng napagkasunduan," tugon ni Marco. "Pero may nagtangkang pumasok sa kwarto ng Papa ninyo kagabi. Isang lalaking kahina-hinala, ngunit mabilis ding nakatakas nang makita ang mga tauhan ng mga Moretti na nagbabantay sa labas." Napakapit ako sa gilid ng lababo. Sino ang taong ang gustong saktan si Papa? "Sino? Si Adrian ba?" "Hindi po, Ma'am. Ayon sa paglalarawan ng nakasaki, mukhang tauhan ito ni Gabriel De Luca," malamig na sagot ni Marco. "Baka gusto kayong gamitin ni Gabriel para makuha ang pansin ng Boss, kaya mas mabuting manatili lang kayo sa loob ng mansyon kung saan mas ligtas kayo." Napatulala ako saglit habang pabalik sa aking kwarto. Iniisip ko kung sino si Gabriel De Luca. Parang narinig ko na ang pangalang iyon? Tama, binanggit ni Dante iyon kagabi. Ngayon, mas naiintindihan ko na. Kaya pala pinilit ako ni Dante na magpakasal sa kanya—hindi lang para saktan ako. Para gawin din niya panangga sa mga kalaban niya kagaya ni Gabriel. Napaupo ako sa sahig, lalo ako nagagalit sa lalaki. Hindi lang kay Dante kundi pati na rin kay Gabriel. Ginigipit ako ng dalawang makapangyarihang demonyo, ngunit hinding-hindi ko hahayaang maging biktima ng mga ito. Kung gagamitin ako ni Dante laban kay Gabriel, gagamitin ko rin ang sitwasyong ito upang silang dalawa ang tuluyang magaway at parehas silang mapunta sa impyerno kung saan sila nababagay.POV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a
POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot
POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m
POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal
POV: Alessia"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko."Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay s







