Home / Romance / Morreti's Revenge Bride / KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

Share

KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

Author: Chelen De Paz
last update publish date: 2026-11-10 22:27:13

POV: Alessia

"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"

Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong i*****k sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya.

"Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap.

Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"

“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang mga kuko ko sa aking palad. Napakawalanghiya niya talaga. Habang andito ako sa mansyong ito at nakikita ang mukha niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya. "Ganyan ka ba kaduwag? Gagamitin mo ang maysakit na tao para lang mapasunod ako sa mga gusto mo?"

Tumayo si Dante, dahan-dahang lumapit sa pwesto ko, at huminto sa mismong likuran ng aking kinauupuan. Nararamdaman ko ang init ng kanyang presensya at ang mabigat niyang hininga sa aking balikat. Nanigas ang buong katawan ko sa galit, pilit kong pinipigilan ang sarili kong saktan siya.

"Hindi ito kaduwagan, Alessia. Ito ay pagbabanta," bulong niya sa aking tainga, sapat na malapit para manginig ako sa poot. "Kaya simulan mo ng hawakan ang kutsara mo, o sisiguraduhin kong magsisisi ka sa unang gabi mo pa lang sa mansyon na ito."

Tiniis ko ang panginginig ng aking mga kamay habang dahan-dahang inaabot ang kubyertos. Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga mata nang bumalik siya sa kanyang upuan at tamad na sumandal. Kakain ako para magkaroon ng lakas. Kakain ako dahil kailangan kong mabuhay upang makitang bumagsak ang lalaking ito. Sisiguraduhin kong ang bawat subo ko ngayon ay magiging mitsa ng pagbawi ko sa lahat ng kinuha niya sa pamilya ko. Hindi ako magpapatalo sa demonyong ito.

"Mabuti naman at natuto ka ring makinig," malamig na sabi niya habang pinapanood akong kumain. "Simula ngayon, may mga patakaran ka sa bahay na ito. Una, hindi ka aalis nang walang pahintulot ko. Pangalawa, bawal mong kausapin ang kahit na sino sa labas, lalo na ang pamilya mo, nang hindi ko alam. At pangatlo, kapag tinawag kita, kailangan darating ka."

"At kung ayoko?" hamon ko sa kanya, ibinagsak ko ang kutsara nang may tunog.

Humilig siya nang bahagya sa lamesa, ang kanyang mga mata ay parang lobong nakatitig sa kanya. "Subukan mo lang sumuway, Alessia, at makikita mo kung paano ko unti-unting papatayin ang natitirang pag-asa ng mga Devereaux."

Napapakit ako nang mariin, nilulon ko ang natitirang pride na mayroon ako. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang mag-isip na hawak niya ako sa leeg. Pero hindi magtatagal ang larong ito, Dante. Darating ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa sa harap ko.

POV: Dante

Pinanood ko si Alessia habang galit na sumusubo ng pagkain sa kanyang plato. Ang matalim at mabagsik niyang mga mata ay sapat na para ipakitang gusto niya akong patayin sa mga sandaling ito. Aaminin ko man o hindi, natutuwa ako sa nakikita ko.

“Tandaan mo ito, Alessia. Walang puwang sa mansyong ito ang mga pagkakamali.”

malamig na paalala ko bago tuluyang tumayo mula sa aking upuan.

Bago pa man siya makasagot, mabilis na pumasok si Marco sa dining area. Seryoso ang kanyang mukha habang may hawak na tablet. Lumapit siya sa gilid ko at bumulong. "Boss, may bago tayong problema sa daungan. Hinarang ng mga tauhan ni Gabriel ang kargamento natin mula sa timog."

Nagdilim ang paningin ko sa narinig. Ang lakas talaga ng loob ng Gabriel na iyon na subukan at hamunin ako. "Ihanda mo ang mga sasakyan at ang mga tao, Marco. Pupuntahan natin ang daungan ngayon din."

Tumingin ako sa direksyon ni Alessia, seryosong nakatitig na rin sa aming dalawa. Mahahalata sa kilos niyang nakikiramdam sa biglang pagbabago ng tensyon sa silid. Lumapit ako sa kanyang pwesto at hinawakan nang mahigpit ang gilid kanyang lamesa, sapat para mapilitan siyang tumingin sa akin. "Huwag kang magkakamaling lumabas ng mansyon na ito habang wala ako, Mrs. Moretti. Ang mga bantay ko sa labas ay may utos na barilin ka sa oras na lumbas ka sa gate."

"Masusunod po, Mr. Moretti. Umalis ka na. At sana ay huwag ka na ring makakabalik pa ng buhay," nakataas ang kanyang kilay habang may gigil sa kanyang mga mata.

Hindi ko napigilang mapangiti sa lakas ng loob niya bago ko siya tinalikuran. Iniwan ko siyang nagngingit-ngit sa galit. Sumunod sa akin si Marco palabas ng mansyon patungo sa nag-aabang na mga nakapilang mga sasakyan. Pagpasok ko sa loob, ikinasa ko ang hawak ko na baril.

Alam kong ginagamit ni Gabriel ang pagkakataong ito para lang lituhin ako. Sinusubukan ng lalaking ito kung mahina ang kakayahan ko ngayon kakasal lang namin ni Alessia. Pero malaki ang pagkakamali niya. Hawak ko na ang natitirang Devereaux na matagal niyang gustong gamitin laban sa akin, at hinding-hindi ko hahayaang maagaw ng kahit na sino ang premyo ng aking matagal na paghihiganti.

"Marco, tawagan mo ang lahat ng tauhan sa checkpoint malapit sa daungan," utos ko habang humaharurot ang sasakyan palabas ng gate. "Walang ititirang buhay sa mga haharang sa transaksyon natin. Ipakita ninyo sa kanila kung sino ang nagmamay-ari sa lungsod na ito."

"Masusunod, Boss," maikling sagot ni Marco habang mabilis na pinipindot ang kanyang telepono.

Tumingin ako sa bintana. Mula sa labas natatanaw ko ang mansyon na lumiliit sa paningin ko. Iniisip ko si Alessia. Napangisi ako ng maalala ang mabagsik niyang tingin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 5 : Ang Pagbabalik ng Demonyo

    POV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

    POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

    POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 2 : Ang Lungga

    POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 1 : Ang Hatol

    POV: Alessia"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko."Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status