Beranda / Romance / Morreti's Revenge Bride / KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

Share

KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

Penulis: Chelen De Paz
last update Tanggal publikasi: 2026-11-10 22:27:19

POV: Dante

Mabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca.

"Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela.

"Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril.

Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.

Bumaba ako ng sasakyan, walang takot na makikita sa aking mukha. Mahahalata sa kilos ko na sanay na ako sa ganitong klase ng gulo. Bawat sasalubong sa akin, walng puso kong binabaril. May mga dugo pa na tumatalsik sa akin. Bawat kalabit ko sa gantsilyo ng hawak kong baril, ay may kasunod na pagbagsak ng katawan ng mga kaaway sa malamig na semento. Nararamdaman ko ang pagdaloy ng adrenaline sa aking mga ugat. Ito ang mundong nakasanayan ko—madugo, walang kinatatakutan, at walang puwang para sa mga mahihina. Bawat dugo na lumalabas sa mga katawan nila, nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan.

"Iatras ninyo ang mga truck!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Gabriel, ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang utos, isang bala mula sa baril ko ang tumama nang diretso sa kanyang dibdib. Lumabas ang masaganang dugo sa kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay dilat na bumagsak sa sahig.

Mabilis akong naglakad papunta sa loob ng unang bodega, kasama sina Marco at ilan naming mga tauhan. Walang nagawa ang lahat ng tauhan ni Gabiel kndi ang sumuko. Itinaas nila ang kanilang mga kamay at ibinaba ang mga hawak na baril.

Lumapit ako sa isa sa mga duguang tauhan na nakaluhod ngayon sa sahig, hinawakan ko siya nang mariin sa buhok upang pilitin siyang tumingin sa akin. "Sabihin mo kay Gabriel, huwag na huwag na niyang susubukan na hawakan ang mga pag-aari ng mga Moretti. At sabihin mo rin sa kanya, ang Devereaux na hinahanap niya ay natutulog na ngayon sa kama ko, naiintidihan mo?"

Mariin siyang tumango, bakas ang takot sa kanyang mukha. Binitawan ko siya nang marahas at hinarap si Marco. "Iligpit ang lahat ng kalat dito. Siguraduhing maibibiyahe ang mga shipment natin bago sumikat ang araw. Kapag hindi nila nagawa, malilintikan silang lahat sa akin, maliwanag?!"

Tumango ang lahat ng tauhan niya. Naglakad ako palabas ng bodega. Pauwi sa mansion kung saan ang babaeng, gusting makuha ni Gabriel.

*

POV: Alessia

Naiwan akong mag-isa sa malaking kwarto ng mansyon pagkaalis ni Dante. Nakatitig lang ako sa kisame, blangko ang isip ngunit nagpupuyos ang kalooban ko sa galit. Ang bawat sulok ng bahay na ito ay nagpapaalala sa akin ng aking pagkatalo, ngunit hindi ko hahayaang manatili akong biktima rito. Hindi ako papaya na laging panalo si Dante.

Narinig ko ang pag-alis ng mga sasakyan sa ibaba. Sa wakas umalis na siya. Ito na ang pagkakataon ko para mag-inspeksyon at maghanap ng kahit anong ebidensya na pwedeng gamitin laban sa kanya.

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o ng aking silid at sumilip sa koridor. Tahimik ang buong paligid, maliban sa dalawang bantay na nakatayo sa dulo ng hagdanan. Alam kong mahigpit ang seguridad, kaya pinili kong lumakad patungo sa kabilang dulo ng pasilyo, kung saan matatagpuan ang opisina ni Dante sa mansyon.

Maingat akong naglakad, hanggang makarating ako sa pintuan ng kanyang opisana. Maswerte ako ngayon, dahil hindi naka-lock ang pintuan. Pumasok ako sa loob at agad na sinalubong ng amoy ng mamahaling pabango at tabako typical na naamoy ko kay Dante sa tuwing lalapit siya. Lumapit ako sa malaking lamesa at dahan-dahang binuksan ang mga drawer nito. Nagsimula akong maghalungkat sa mga gamit niya. Umaasang may mahahanap ako sa lugar na ito.

May mga dokumento akong nakita tungkol sa iba't ibang negosyo at mga transaksyon. Pero karamihan sa mga nakasulat ay mga code na hindi ko pa lubos na maintindihan. Parang ginawa para itago, at kung sakaling may makakita hindi agad malalaman. Sa pinakailalim na bahagi ng isang lihim na drawer, may nakita akong isang lumang folder na may nakasulat na pangalan ng kompanya ng aking ama—ang Devereaux Enterprises.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko, kinuha ko ang folder at binasa. Naglalaman ito ng mga lumang dokumento ng bangko, mga pirma na peke, at iba pang pangalan na nasisiguro kong peke din. Pero bago ko pa man mabasang mabuti ang lahat ng kasunod na pahina. Nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papalapit sa pwesto ko.

Nagmamadali kong ibinalik ang folder kung saan ko kinuha at maingat na isinara ang drawer.n Sumandal ako sa may bintana, sinusubukan kong pakalmahin ang kaba na nasa dibdib ko at pilit na pinapakalma ang sarili.

Bumukas ang p***o at iniluwa si Marco. Ang bilis naman niyang nakauwi. Tumingin siya sa akin na may puno ng pagdududa, ngunit nanatili akong nakatayo ng tuwid at hindi nagpakita ng kahit anong takot. "Ano ang ginagawa ninyo rito, Ma'am Alessia? Bawal po kayo sa silid na ito," mahinahon niyang sabi, pero nahihimigan kong may babala.

"Nakabalik ka na pala agad, Marco. Nababagot kasi ako sa kwarto ko. Gusto ko lang sana maghanap ng mababasang libro," sagot ko habang nakatingin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumingin si Marco sa lamesa, bago muling tumingin sa akin. "Ihahatid ko na po kayo pabalik sa inyong silid. Darating na si Boss anumang oras mula ngayon."

Tumango ako at naunang naglakad palabas ng opisina ni Dante. Habang pabalik ako sa kwarto ko, hindi ko maiwasang maalala ang mga dokumentong Nakita ko. Nasisiguro kong may malaking lihim si Dante tungkol sa pamilya ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang lahat ng tungkol sa kanya. At aalamin ko kung ano ang bagay na puwedeng magpabagsak sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 5 : Ang Pagbabalik ng Demonyo

    POV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 4 : Dugo sa Daungan

    POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 3 : Ang Unang Patakaran

    POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 2 : Ang Lungga

    POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal

  • Morreti's Revenge Bride    KABANATA 1 : Ang Hatol

    POV: Alessia"Pirmahan mo ito, Alessia. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin ko ang pamilya mo sa putik."Malamig ang boses ni Dante. Ibinaba niya ang gintong panulat sa ibabaw ng lamesang salamin. Nakatayo siya sa harap ko, matikas, tuwid, at walang bahid ng emosyon sa mukha. Para siyang isang hukom na tapos nang magbasa ng hatol sa isang kriminal.Tinitigan ko ang manipis na papel na nasa pagitan namin—isang marriage contract. Kasal na walang pag-ibig. Isang kasunduan na gagawin akong legal na alipin ng lalaking pinakakinamumuhian ko."Kasal, Dante? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya ko, inaasahan mong magpapakasal ako sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Nanginginig ang buong kong katawan sa naglalagablab na galit. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit tuluyang bumagsak ang negosyo ng mga magulang ko. Siya ang utak sa likod ng mapanlinlang na eskandalo na sumira sa pangalan ng pamilya ko. Dahil sa ginawa niya, inatake sa puso si Papa, nakaratay s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status