Share

Chapter 22

Author: RGA.Write
last update publish date: 2025-11-14 09:22:26
“What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.

“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.

Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang
RGA.Write

Make up your mind, Juliette. Remember, gusto din makasama ng kambal mong babae na makilala ang Daddy nila...

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 41

    Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat kay Juliette na akala mo ay walang komprontasyon na namagitan sa pagitan nila ni Nicole. Alam niya na darating ang mag-aamang Dylan, Joaquin at Joaquim at alam iyon ng mga bata.Si Mama Beth ay busy sa kusina habang si Lolo Horacio ay nasa kanyang silid pa.Sa sala ay nakita niya si Gener, tahimik na nakaupo habang hawak ang tablet. Ngunit kahit nakatutok ang mga mata nito sa screen, halata ang tensyon sa kanyang katawan, ang bahagyang paninigas ng balikat, ang paminsan-minsang pagtingin sa pinto.Sa kabilang banda, ang kambal na sina Jamima at Janina ay hindi mapakali. Paulit-ulit nilang inaayos ang mga laruan, ngunit halata sa kanila ang excitement. Paminsan-minsan ay napapatingin sila sa pinto, tila ba naghihintay sa isang bagay na matagal na nilang gustong maranasan.“Mom,” mahinang tawag ni Gener.Lumapit si Juliette at marahang hinaplos ang buhok nito. “Darating na ba sila?” diretso nitong tanong.Hindi na niya kailangang linawin kung

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 40

    Nanatiling tahimik si Nicole matapos ang sinabi ni Dylan, ngunit sa likod ng mga matang tila nagpipigil ng luha ay may ibang emosyon na kumikilos—mas malamig, mas matalim, at mas mapanganib kaysa sa simpleng kahihiyan.Dahan-dahan siyang tumango, pilit na kinakalma ang sarili.“Okay,” mahina niyang sagot, halos pabulong. “Magso-sorry ako sa kanya.”Ngunit ang mga salitang iyon ay tila may dalawang kahulugan—isa para kay Dylan, at isa para sa sarili niyang plano.Pinagmasdan siya ni Dylan nang ilang segundo, para bang sinusubukang timbangin kung gaano katotoo ang ipinapakita nito. Ngunit sa huli ay tumango na lamang siya, tila pagod na rin sa nangyari.“Good,” sabi niya. “That’s the least you can do.”Hindi na siya naghintay pa ng sagot. Tinalikuran niya si Nicole at muling bumalik sa loob ng ballroom, kung saan patuloy ang selebrasyon na tila walang nangyaring tensyon ilang minuto lang ang nakakalipas.Naiwan si Nicole sa gilid ng hallway.Mag-isa, tahimik na nagngingitngit sa galit at

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 39

    Nanatiling nakatayo si Juliette sa harap ni Dylan matapos ang maikling tugon niyang iyon. Ang simpleng “Okay” ay tila may dalang mas mabigat na kahulugan kaysa sa inaasahan niya.Hindi iyon pagtanggap nang buong puso, ngunit hindi rin pagtanggi. Isa iyong uri ng pahintulot na walang kasamang emosyon o marahil ay pilit na tinatabunan ang emosyon na ayaw na niyang balikan.Ilang sandali pa silang nagkatitigan, at sa pagitan ng katahimikan ay tila mas lalong lumalalim ang mga bagay na hindi nila sinasabi. Ang ilaw mula sa hallway ay bahagyang tumatama sa mukha ni Juliette, nagbibigay-diin sa matatag niyang ekspresyon, habang si Dylan naman ay tila naghahanap ng kahit anong bakas ng dating babaeng kilala niya.“Thank you,” dagdag ni Dylan, mas mahinahon ang boses ngayon. Hindi lamang iyon para sa pahintulot na binigay ni Juliette, kundi para sa pagkakataong unti-unting ibinibigay nito kahit pa hindi iyon malinaw na inaamin.Hindi sumagot si Juliette. Sa halip ay bahagya lamang siyang tuman

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 38

    Tahimik ang buong ballroom habang hawak ni Juliette ang mikropono. Ang mga ilaw ay nakatutok sa kanya, at ang bawat pares ng mata ay tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin. Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo roon, hindi dahil sa pag-aalinlangan, kundi dahil sinasadya niyang hayaang maramdaman ng lahat ang bigat ng sandaling iyon.“Good evening,” panimula niya, malinaw at matatag ang boses.Hindi ito malakas, ngunit sapat upang marinig ng lahat. At higit sa lahat, sapat upang ipaalala na hindi niya kailangang sumigaw para mapakinggan.“I know that tonight was supposed to be a simple celebration,” patuloy niya, dahan-dahan ang pagsasalita, “but it seems like… naging mas makulay ang gabi kaysa sa inaasahan.”May ilang bahagyang natawa, ngunit karamihan ay nanatiling tahimik. Alam ng lahat kung ano ang tinutukoy niya.Hindi na niya kailangang pangalanan o ulitin pa.Dahan-dahan niyang inikot ang kanyang tingin sa buong ballroom. Ang bawat galaw niya ay kontrolado, bawat ekspres

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 37

    Unti-unting bumalik ang ingay sa ballroom matapos ang tensyonadong eksena, ngunit hindi pa man tuluyang nakakabalik sa dati ang atmospera ay biglang umugong ang boses ng emcee sa buong bulwagan.“Ladies and gentlemen, may we have your attention, please.”Ang magaan ngunit propesyonal na tono nito ay agad na pumukaw sa lahat. Unti-unting tumahimik ang mga bulungan, at ang mga matang kanina’y nakatuon sa eskandalo ay napilitang bumaling sa entablado.“Tonight is a very special evening for BDR,” patuloy ng emcee, may halong excitement sa boses. “Hindi lamang po tayo nagtitipon para sa ating annual celebration gala, kundi para rin sa isang napakahalagang anunsyo na magbibigay ng bagong direksyon sa kumpanya.”Ang ilaw ay bahagyang nag-dim, at ang spotlight ay tumuon sa stage.Sa gitna ng karamihan, si Nicole ay dahan-dahang huminga nang malalim. Pilit niyang ibinalik ang kanyang composure, inayos ang kanyang postura, at muling itinaas ang kanyang baba. Ang kahihiyan na naramdaman niya kani

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 36

    Pagbalik ni Juliette mula sa pagtitipon ay agad siyang sinalubong ng malamig at maaliwalas na hangin mula sa malawak na ballroom. Kumikinang ang mga ilaw mula sa kristal na chandelier sa itaas, at ang mahihinang tugtog ng orchestra ay nagbibigay ng elegante at pormal na himig sa buong lugar. Maingat ang bawat hakbang niya, tuwid ang likod at kalmado ang mukha, na para bang walang anumang nangyari ilang sandali pa lamang ang nakakalipas.Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa hallway papasok sa main area, isang pamilyar at matinis na boses ang sumira sa katahimikan.“Juliette!”Malakas iyon, sapat upang mapalingon ang mga bisitang malapit sa kanilang direksyon. Unti-unting humina ang mga usapan, at ang ilang pares ng mata ay nagsimulang maghanap kung saan nanggaling ang tinig na iyon.Huminto si Juliette sa kanyang paglalakad. Hindi siya agad lumingon, na para bang binibigyan niya ng pagkakataon ang sarili kung dapat ba niyang harapin ang susunod na mangyayari. Ngunit nang muling mag

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 12

    “Mommy,” malambing na tawag ni Jamima kay Juliette na kasalukuyang naghahanda ng almusal nila. Kakalapag lang niya ng pinggan sa mesa kaya tinapunan niya ng tingin ang anak. “Daddy didn't love us?”Nabitin sa ere ang kamay ni Juliette na sana ay aayusin ang pinggan sa tapat ng anak. “Bakit mo naman

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 11

    “Are you sure about this, Sir?” Nag-angat ng tingin si Dylan sa assistant. “Yes. Sa dalawang insidente na nangyari, imposible na nagkamali lang ang kambal ng tingin. Namimiss nila ang Mommy nila but I don’t think na pareho pa silang makikita si Juliette sa magkaibang lugar.” “And why sa StoryBank?

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 10

    Matapos iwan ni Dylan ang ina at mga anak sa lobby ay dumiretso na siya sa 10th floor at natagpuan na doon si Meynard na naghihintay.“Sir, may meeting lang saglit si Miss Camila, pero ayon sa assistant niya ay matatapos narin naman.” Tumango si Dylan sa sinabi ni Meynard at naghintay. Dinalan sila

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 9

    “Ilang araw na ang lumipas ng dumating ang nag-iisang apo at tagapagmana ni Don Horacio Romano ng BDR ngunit hindi parin malinaw kung kailan ito ipapakilala sa lahat,” sabi ni Donya Gabriela, hindi inaalis ang tingin sa anak na ngayon ay humihigop ng kape. Gusto niyang makasama ang mga apo kaya nama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status