LOGINHindi na umuwi si Caleb nang gabing iyon.
Hindi rin nakatulog nang maayos si Angela dahil sa napakaraming gumugulo sa isip niya.
Kailangan niyang ihanda ang sarili sa paghihiwalay nila. Kailangan din niyang isipin kung paano siya magsisimulang muli.
At kapag tuluyan silang naghiwalay, malamang ay mawawala rin ang trabaho niya bilang executive secretary ni Caleb.
Sayang ang lahat ng pinaghirapan niya.
Dati, gustong-gusto niyang makasama si Caleb araw-araw kaya pinilit niyang makapasok bilang secretary nito. Noong una, ayaw pumayag ng lalaki. Pero araw-araw niya itong kinulit hanggang sa pumayag itong bigyan siya ng pagkakataong mag-apply tulad ng ibang aplikante.
Walang nag-akala na makakapasa siya.
Pero hindi lang siya nakapasa. Sa mga sumunod na taon, dumaan siya sa ilang internal interviews at promotions hanggang sa maging bahagi ng executive secretarial team ng presidente ng Fuentebella Group.
Gusto niyang patunayan kay Caleb na hindi lang siya naglalaro. Kaya ibinigay niya ang buong oras at lakas niya sa trabaho.
Maging si Nathan Reyes, ang executive assistant ni Caleb at ang tanging tao sa kumpanya na nakakaalam na mag-asawa sila, ay nagbago ang tingin sa kanya.
Noong una, akala ni Nathan ay gusto lang niyang sundan si Caleb sa opisina at magsasawa rin siya agad. Pero nang makita nito kung gaano siya kasipag at kagaling, natutunan din nitong respetuhin ang kakayahan niya.
Marami siyang pinaghirapan para makarating sa posisyon niya ngayon.
Pero ang totoo, hindi naman iyon ang pangarap niya.
Ginawa lang niya ang lahat para mapalapit kay Caleb.
Ang tunay na pangarap ni Angela ay maging fashion designer. Iyon ang kursong tinapos niya sa kolehiyo. Bago siya ikasal, nag-intern siya sa studio ng sikat na designer na si Allison Everhart. Ilan sa mga disenyo niya ay nanalo pa sa mga international competition.
Malapit na sana niyang maabot ang pangarap niya.
Pero iniwan niya ang lahat para kay Caleb.
At ngayon, iyon ang pinagsisisihan niya.
Kung inuna niya lang sana ang sarili niyang pangarap, hindi na sana siya umabot sa puntong desperado siyang mahalin ng isang lalaking hindi naman siya kayang piliin.
Kaya kinabukasan, maagang pumasok si Angela sa headquarters ng Fuentebella Group sa BGC.
Gumawa siya ng resignation letter at agad iyong ibinigay kay Nathan.
“Magre-resign ka na, Secretary Angela?” gulat nitong tanong. “Bakit naman?”
Noong una, akala ni Nathan ay hindi magtatagal si Angela sa trabaho. Kilala kasi itong anak-mayaman at sanay sa maginhawang buhay. Inisip niyang susuko rin ito kapag naranasan ang hirap ng pagiging secretary.
Pero dalawang taon na ang lumipas at napatunayan ni Angela na mali siya. Hindi lang ito tumagal, naging mahusay pa ito sa trabaho. Maging si Caleb ay kinikilala ang kakayahan nito.
Kaya hindi maintindihan ni Nathan kung bakit bigla itong nagdesisyong umalis.
Ngumiti si Angela.
“Wala naman. Napagod lang ako. Gusto ko munang magpahinga at maging full-time wife.”
Halatang palusot lang iyon, kaya hindi naniwala si Nathan.
Naisip niyang baka nag-away ang mag-asawa. Magsasalita na sana siya nang dumating si Caleb sa opisina.
Agad niyang sinalubong ang boss.
Gaya ng dati, nakuha ni Caleb ang atensiyon ng mga empleyado nang pumasok ito. Sanay na rin si Angela na kusang mapatingin sa direksiyon ng asawa.
Napakunot-noo siya nang mapansing suot pa rin nito ang parehong suit mula kahapon.
Hindi ito umuwi buong gabi.
At malamang, kay Madison ito nagpalipas ng oras.
Agad na iniwas ni Angela ang tingin.
Ayaw na niyang isipin kung saan ito nanggaling o kung ano ang ginawa nito kagabi.
Hindi na niya problema iyon.
Bago pumasok sa opisina, humarap si Caleb kay Nathan.
“I want coffee.”
“Yes, sir.”
Napatingin si Nathan kay Angela.
Si Angela kasi ang pinakakabisado kung paano gusto ni Caleb ang kape nito. Isang tingin lang ni Nathan ay naintindihan na niya agad ang ibig sabihin.
Napairap siya pero pumunta pa rin sa pantry.
Sanay niyang inihanda ang kape ni Caleb. Black coffee. Walang asukal at walang gatas.
Aabutin na sana niya ang tasa nang bigla siyang huminto.
Napatingin siya sa kape.
Paborito ni Caleb ang timpla niya, hindi ba?
Kung gano’n, naisip niyang bigyan ito ng lasa na hindi nito basta makakalimutan.
May kinuha si Angela at palihim na inihalo sa kape.
***
Pagpasok ni Angela sa opisina, kausap ni Caleb si Nathan tungkol sa trabaho.
Hindi man lang ito tumingin sa kanya.
Para bang wala siya roon.
Tahimik na inilapag ni Angela ang kape sa mesa at agad ding lumabas. Hindi rin niya sinulyapan si Caleb kahit isang beses.
Napansin ni Nathan na may kakaiba sa dalawa.
Matapos mag-report, nag-alinlangan muna siya bago nagsalita.
“Sir, gusto palang mag-resign ni Secretary Angela.”
Bahagyang huminto ang kamay ni Caleb habang inaabot ang tasa ng kape.
Pero ilang segundo lang iyon.
Mabilis ding bumalik ang malamig nitong ekspresyon.
“Bahala siya.”
Natahimik si Nathan.
Hindi man lang ba nito pipigilan ang asawa?
Hindi ginamit ni Angela ang pangalan ng pamilyang Santillan para makuha ang posisyon niya. Dumaan siya sa parehong proseso ng ibang aplikante at pinaghirapan ang bawat promotion sa Fuentebella Group.
Maraming empleyado ang nangangarap na mapunta sa executive secretarial team ng presidente. Kaya nanghinayang si Nathan sa desisyon nitong basta na lang iwan ang lahat.
Pero dahil mag-asawa sina Angela at Caleb, naisip niyang baka may sarili silang usapan.
Hindi na siya nakialam.
Samantala, isang lagok lang ang ininom ni Caleb sa kapeng inihanda ni Angela.
Bahagyang kumunot ang noo nito.
Pagkatapos ay ibinaba ang tasa at hindi na muling ginalaw.
Nang matapos ang usapan nila, lumabas si Nathan sa opisina at agad na lumapit kay Angela.
“Pumayag si Sir Caleb sa resignation mo.”
Hindi na nagulat si Angela.
Kung madali nitong tinanggap ang paghihiwalay nila, ano pa ba ang simpleng pagre-resign niya?
“Malapit na ang end of the year at marami pang kailangang tapusin,” paliwanag ni Nathan. “Baka matagalan bago kami makahanap ng papalit sa iyo, pero aasikasuhin ko agad ang resignation mo.”
“Sige, salamat,” sagot ni Angela.
Wala nang dahilan si Nathan para pigilan siya.
“Be ready. May meeting tayo in ten minutes.”
Tumango si Angela.
Pagkalipas ng limang minuto, kinuha niya ang mga dokumentong kailangan sa meeting.
Papunta na sana siya sa conference room nang biglang nagkagulo sa hallway.
“May nahimatay!” sigaw ng isang empleyado.
Napatigil si Angela.
Bigla siyang kinabahan at napahigpit ang hawak sa mga dokumentong dala niya.
Kaunti lang naman ang inihalo niya sa kape.
Hindi naman siguro si Caleb ang nahimatay...
Hindi ba?
Angela stopped.Good question.Slowly, she looked at Luis.Remembering Trina.Remembering Bianca.Remembering the suspicious emergency trip to Siargao.Actually—hindi rin niya alam.Luis, meanwhile, was casually looking at his phone as if he hadn’t heard anything.Angela narrowed her eyes.Interesting.Since he wasn’t answering, Jessa looked disappointed.Ding.Bumuka
Nakatitig si Angela sa screen ng bago niyang cellphone.Hanggang ngayon, nasa trending topics pa rin ang pangalan ni Madison.At hindi lamang simpleng balita tungkol sa nangyaring holdap ang pinag-uusapan.Maraming entertainment pages, fan accounts at gossip sites ang nagre-repost ng parehong set ng litrato.MADISON VALDERRAMA SPOTTED WITH CALEB FUENTEBELLA AFTER LATE-NIGHT HOSPITAL VISITCALEB FUENTEBELLA STAYS BY MADISON’S SIDE AFTER ROBBERY INCIDENTMay iba pang mas malala ang headlines.OLD FLAMES REUNITED?CALEB AND MADISON’S MIDNIGHT HOSPITAL DRAMANapangiti nang mapait si Angela.
Napatingin si Angela sa daliri niya.Wedding ring.Tahimik siyang napatitig doon.Dalawang taon.Mula nang isuot iyon ni Caleb sa daliri niya, halos hindi niya iyon tinanggal.Kahit galit siya.Kahit nag-aaway sila.Kahit nagsimula na siyang mag-file ng annulment.Nandoon pa rin iyon.Partly because their separation wasn’t public.Partly because she had simply gotten used to wearing it.And maybe—
Kung hindi dahil sa kasal niya kay Caleb, malamang hindi rin magiging ganoon ka-close si Angela kay Bianca.Mas matanda sa kanila nang ilang taon ang kapatid ni Caleb at matagal ding nanirahan sa Singapore. Magkaiba rin ang circles na ginagalawan nila noon, kaya bihira silang magkita bago pa naging parte si Angela ng Fuentebella family.Ganoon din si Trina.Kaya hindi maintindihan ni Angela kung bakit biglang naging parang may malaking tsismis na alam ang kaibigan nang mabanggit ang pangalan ni Bianca.“Wait.”Napasingkit ang mga mata niya.“Bakit ganyan ang mukha mo?”Tinakpan ni Trina ang bibig, pero hindi nit
Napasingkit ang mga mata ni Madison.Then she smiled.Sa unang pagkakataon mula nang malaman niya ang pairing, gumaan ang pakiramdam niya.Fine.Gusto ni Caleb na magkasama sila ni Angela?Then so be it.Tingnan na lang nila kung gaano kalayo ang mararating ni Angela kapag si Madison mismo ang may kakayahang sirain ang score nila.***“Achoo!”Napahinto si Angela sa pagtatahi.Agad napalingon si Jessa.“Ma’am, okay lang po kayo?&rd
Sa kabilang linya ng tawag, abala si Angela sa pagtatahi ng maliliit na beads sa bodice ng isang sample gown.Nasa tabi niya si Jessa, hawak ang cellphone malapit sa tenga niya dahil parehong okupado ang mga kamay ni Angela.Nang marinig niya ang sinabi ni Caleb, akala niya mali lang ang dinig niya.“Come to Fuentebella Group today. Kailangan ng maayos na handover ng papalit sa ’yo.”Napahinto ang kamay ni Angela.Dahan-dahan siyang napatingin kay Jessa.Pagkatapos ay dagdag ni Caleb na para bang pinakakaraniwang bagay lang sa mundo ang sasabihin niya—“My new secretary is my sister.”







