Home / Romance / Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire! / Chapter 3 - If You Won’t Choose Me, I’ll Leave

Share

Chapter 3 - If You Won’t Choose Me, I’ll Leave

Author: Mira Solenne
last update publish date: 2026-08-27 14:14:32

Chapter 3

“Bitawan mo ako!” galit na sabi ni Angela habang nagpupumiglas sa mga bisig ni Caleb.

Nandidiri siyang isipin na mula kay Madison nanggaling ang asawa bago ito umuwi sa kanya.

Pero hindi siya pinansin ni Caleb. Tuloy-tuloy itong naglakad papasok sa kanilang silid at inilapag siya sa kama.

“May maayos kang kama, pero sa sofa ka natutulog. Ano na naman bang drama mo?” tanong nito.

Lalong nainis si Angela. Para bang lagi na lang iniisip ni Caleb na nag-iinarte siya.

“Hindi lahat ng nararamdaman ko ay pag-iinarte lang, Caleb,” malamig niyang sagot.

Tinitigan siya ni Caleb habang nakatayo sa harap ng kama.

“Hindi pa ba sapat na nagsinungaling kang may sakit ka? Gusto mo ba talagang tuluyan nang magkasakit sa pagtulog mo sa sofa?”

Saglit na inakala ni Angela na nag-aalala ito sa kanya. Pero nang maalala niya kung gaano ito kalambing kay Madison kanina ay agad siyang natauhan.

Hindi ito nag-aalala. Sanay lang itong pagalitan at pagsabihan siya.

Umupo si Angela sa kama at pinagmasdan ang lalaking nasa harap niya. Matangkad at guwapo si Caleb. Matalim ang panga nito at bagay na bagay sa kanya ang malamig nitong mga mata. Bukod sa mayaman at makapangyarihan, madali rin nitong makuha ang atensiyon ng mga babae.

Kaya nang malaman ni Angela noon na si Caleb ang mapapangasawa niya, hindi niya maitago ang saya. Matagal na niya itong gusto. At para sa kanya, halos perpekto ang lalaki.

Pagkatapos ng kasal, saka niya napansing malamig ito at tila walang interes sa kanya.

Pero hindi siya sumuko.

Lagi siyang gumagawa ng paraan para mapansin nito. Umaasa siyang darating din ang araw na matututunan siya nitong mahalin.

Pero ngayon, alam na niyang mali siya.

Ibang babae ang mahal ni Caleb.

At kahit gaano pa siya katagal maghintay, hindi siya nito mamahalin.

Pagod na si Angela.

Ayaw na niyang magpapansin. Ayaw na rin niyang humingi ng pagmamahal sa lalaking walang balak ibigay iyon sa kanya.

Nang mapansin ni Caleb na tahimik siya, inakala nitong nagseselos na naman siya. Niluwagan nito ang kurbata bago mahinahong nagpaliwanag.

“Magkaibigan lang kami ni Madison. May problema siya kaya tinulungan ko lang.”

Magkaibigan?

Magkasama silang nagpunta sa pribadong rest house at gabi na nang umuwi si Caleb. Hindi ganoon katanga si Angela para basta maniwala sa paliwanag nito.

Nang maalala niyang dalawang beses pa silang naging intimate ni Caleb nitong buwan, bigla siyang nakaramdam ng pagkadiri.

Pakiramdam niya ay marumi ang buong katawan niya.

Mabilis siyang bumaba sa kama para maligo.

Pero bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Caleb mula sa likuran at ibinalik sa kama.

“Caleb, bitawan mo ako!”

Patuloy na nagpumiglas si Angela hanggang sa hindi niya sinasadyang matamaan ang sensitibong bahagi nito.

Napasinghap si Caleb. Agad nitong hinawakan ang dalawang kamay niya at itinaas ang ulo niya. Nagbago ang tingin nito.

Alam ni Angela ang ibig sabihin noon.

May gusto na naman itong mangyari sa pagitan nila.

Lalo siyang nainis.

Kahit malamig si Caleb sa kanya araw-araw, ibang-iba ito kapag nasa kama sila. Doon ito marunong maging malambing. At sa tuwing sinusuyo siya nito, madalas nakakalimutan ni Angela ang galit at sama ng loob niya.

Pero hindi na ngayon.

Nang yumuko si Caleb para halikan siya, agad siyang nagsalita.

“Kung magkaibigan lang talaga kayo ni Madison, pumili ka sa aming dalawa.”

Napatigil si Caleb.

Hindi na nito itinuloy ang paghalik sa kanya.

Kumirot ang dibdib ni Angela, pero pinilit niyang huwag umatras.

“Kapag nangako kang hindi mo na kakausapin o pupuntahan si Madison, maniniwala akong wala kayong relasyon.”

Umayos ng upo si Caleb at binitiwan ang mga kamay niya.

Tahimik silang nagkatitigan.

Hindi inalis ni Angela ang tingin sa asawa.

Gusto niyang marinig ang sagot.

Gusto niyang piliin siya nito kahit minsan lang.

Ilang sandali ang lumipas bago malamig na nagsalita si Caleb.

“Angela, may sarili akong mga kaibigan. Hindi mo puwedeng kontrolin kung sino ang kakausapin ko.”

Mas lalong kumirot ang dibdib niya.

“Asawa mo ako, Caleb. Mas mahalaga pa ba sa iyo si Madison kaysa sa akin?”

Tumalim ang tingin nito.

“Angela, ilang beses na kitang pinagbigyan. Pero kahit mag-asawa tayo, hindi lahat ng gusto mo ay masusunod.”

Pinagbigyan?

Iyon ba ang tawag nito sa dalawang taong malamig na pakikitungo at pagbalewala sa kanya?

Pumikit si Angela at pinigilan ang luhang gustong kumawala.

Ano pa ba ang hinihintay niya?

Maya-maya, niyakap niya ang sariling mga tuhod at mahinang nagsalita.

“Caleb, maghiwalay na tayo.”

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Caleb.

Hinawakan nito ang baba niya at bahagyang itinaas ang kanyang mukha.

“Tatlong beses mo nang sinabing gusto mong makipaghiwalay. Just let me know kapag tapos ka nang magdrama.”

Akala pa rin nito ay nag-iinarte lang siya.

Mahigpit na hinawakan ni Angela ang kumot.

“Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako.”

Tinitigan siya ni Caleb, pero nanatiling malamig ang mukha nito.

“Alam kong masama ang loob mo dahil nalaman mong hindi ka tunay na Santillan. Pero hindi biro ang paghihiwalay, Angela. Kung galit ka lang ngayon, let’s forget you ever said that.”

Nanlaki ang mga mata ni Angela.

Alam na pala ni Caleb ang totoo? 

Alam nitong hindi siya tunay na Santillan, pero hindi man lang siya nito tinanong kung ayos lang ba siya. Ni kaunting pagdamay ay wala? 

At ngayon, maging ang desisyon niyang makipaghiwalay ay hindi nito sineseryoso.

Napagod na siyang ibigay ang puso niya sa lalaking paulit-ulit lang na binabalewala ang nararamdaman niya.

Tinanggal ni Angela ang kamay ni Caleb sa kanyang mukha.

“Hindi ito dahil sa galit, Caleb. Gusto ko na talagang makipaghiwalay sa'yo."

Ilang segundo siyang pinagmasdan nito.

Maya-maya, tila tuluyan nang nawalan ng pasensiya si Caleb.

“Bahala ka kung ’yan ang gusto mo.”

Kinuha nito ang suit jacket at mabilis na lumabas ng silid. Malakas na sumara ang p***o sa likuran nito.

Maya-maya, narinig ni Angela ang pag-andar ng sasakyan sa labas.

Umalis na si Caleb.

Napabuntong-hininga siya at isinandal ang likod sa headboard.

Sa isang bahagi ng puso niya, umasa pa rin siyang pipigilan siya ni Caleb. Na kahit minsan lang, lalaban ito para sa pagsasama nila.

Pero tulad ng dati, siya pa rin ang nag-iisang lumalaban.

At ngayong gabi, tuluyan nang napagod si Angela.

Nakapagdesisyon na siyang hindi na ipaglalaban ang pagsasama nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 91 – Best Friends Take the Stage

    Two hours later, dumating si Trina sa bahay na parang may sariling production crew kahit mag-isa lang naman siya. Bago pa man ito tuluyang makapasok sa living room, narinig na ni Angela ang boses nito mula sa hallway.“Nasaan ang injured kong best friend?”“Teka lang po, Ma’am Trina—”“Tita Fe, nasaan?”“Nasa living room po—”“ANGELA!”Napapikit si Angela.“Why did I invite her?”Narinig niya ang tawa ni Tita Fe.A second later, lumitaw si Trina sa doorway

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 90 – This Time, I Choose

    Kinabukasan, hindi alarm ang gumising kay Angela kundi ang walang tigil na pag-vibrate ng cellphone sa bedside table. Nakapikit pa siya nang abutin iyon, pero nang maramdaman niyang sunod-sunod ang notifications, napakunot agad ang noo niya. Masakit pa rin nang kaunti ang ulo niya dahil sa concussion, at gusto sana niyang balikan ang tulog, pero mukhang may nagdedesisyon para sa kanya na tapos na ang pahinga niya.“Kung hindi ito emergency…”She squinted at the screen.Dozens of messages.Everhart.Goddess in Gown.Jessa.Trina.Nico.Mostly—Trina.Angela opened their private group chat.TRINA: ANGELA.TRINA: GISING.TRINA: IMPORTANT.TRINA: GISING KA NA BA???NICO: May concussion ang tao. Hayaan mong matulog.TRINA: THIS IS IMPORTANT.NICO: Everything is important to you.TRINA: NICO HINDI IKAW KAUSAP KO.Angela rubbed her eyes.Then another message appeared.TRINA: HINDI MAKAKASALI SI MADISON SA FIRST ROUND.Angela immediately sat up.The dizziness was minimal now, but she still mo

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 89 – You Never Thought of Me

    Dahan-dahang iminulat ni Angela ang mga mata at kalmadong sinalubong ang matalim na titig ni Caleb. Wala na siyang balak ipagpatuloy ang pagpapanggap na wala siyang maalala. Sa totoo lang, mula pa noong umpisa ay hindi naman niya seryosong inisip na kaya niyang magkunwaring may amnesia nang matagal. Napakarami niyang kailangang gawin—may Everhart, may Goddess in Gown, may kalagayan ni Allison, may production deadlines—at wala siyang oras para gawing teleserye ang buhay niya dahil lang gusto niyang makita kung anong klaseng kuwento ang ikukuwento ni Caleb kapag inakala nitong hindi na niya maalala ang nakaraan nila. Kaya nga kanina, hindi naman talaga niya pinag-ingatang mabuti ang pagpapanggap. Ilang beses siyang nadulas sa pananalita. Naalala niya si Nathan. Naalala niya ang bahay. Naalala niya ang mga paboritong bulaklak ni Helena. At sa isang banda, w

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 88 – How Long Are You Going to Keep Pretending?

    Pagkatapos maligo, humiga si Angela sa kama at binuksan ang cellphone.Mas maayos na ang pakiramdam niya. May konting sakit pa rin sa ulo at masakit ang bruise kapag nadadampian, pero wala na ang matinding pagkahilo kanina.Binuksan niya ang Goddess in Gown group chat.As expected—chaos.PRODUCTION: We are currently coordinating with Ms. Madison’s management regarding her medical condition.DESIGN TEAM 2: Will the garment deadline move?PRODUCTION: We will provide an update after medical

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 87 – The Mother Who Never Made Her Beg for Love

    Mahimbing ang tulog ni Angela.Siguro dahil ilang linggo na rin siyang halos walang matinong pahinga. Everhart. Goddess in Gown. Allison’s treatment. Santillan family drama. Caleb. Ang robbery. Ang succession issue. Ang marriage agreement.Nakakapagod pala ang buhay kapag sabay-sabay kang may career crisis, family crisis at marriage crisis.Nang magising siya, madilim na sa labas.She checked her phone.5:18 PM.Napakurap siya.Maulan ang panahon, kaya mas maagang dumilim ang langit.Maingat siyang

  • Mr. CEO, Your Ex-Wife Is Now a Billionaire!   Chapter 86 – The Lie He Told His Wife

    Pagkasakay nila sa Rolls-Royce, agad na inabot ni Caleb ang kamay ni Angela.Napatingin siya sa magkadikit nilang mga daliri.Warm.Steady.Familiar.Kumunot agad ang noo nito.“Bakit ang lamig ng kamay mo?”Dahan-dahang binawi ni Angela ang kamay niya.Hindi abrupt.Hindi halatang ayaw niyang hawakan siya.“I don’t know.”Caleb watched her.Angela turned toward the window.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status