Kinabukasan, hapon na nang magising si Marco. Pagod na pagod ang pakiramdam nito, na para bang nagtrabaho siya buong magdamag at nagbuhat ng napakaraming gamit. Pero alam niyang wala naman siyang ginawa kahapon kundi ang pagnilayan ang mga bagay-bagay. Doble-doble ang pagod na dinaramdam niya dahil mas pagod ang puso at isipan nito kompara sa pisikal na katawan niya. Inabot ni Marco ang kaniyang telepono mula sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang mensahe na mula kay Jake. Jake: Marco, do you have any updates? May nakuha ka bang impormasyon kay Nanay Esther o kay Thea man lang? Napabuntong-hininga si Marco. Parang bumalik na naman siyang muli sa simula noong unang nawala sa piling niya si Elara. Noong una siyang iniwan ng babaeng minahal niya pero hindi niya kayang pahalagahan sa tamang paraan.Tinitigan niya ang mensahe ni Jake. Dalawang minuto pa ang pinalipas niya habang nakatitig doon na para bang ito ang taong makakatulong sa kaniya upang muli niyang matagpuan ang babaeng pinak
Kinabukasan, tila ibang mundo na ang gumising kay Elara. Ang init ng araw sa Palawan ay hindi kasing bigat ng araw na naiwan niya sa Iloilo. Parang kasabay ng pagsakay niya sa eroplano at ang paglipad nito, ay nilipad narin at naiwan ang problema, sakit, at pangamba nito. Hindi niya masabi kung marahil ba malayo na siya sa Iloilo at kahit na libutin pa iyon ni Marco ay hindi siya nito mahahanap o dahil naka-move-on na siya ngayon. Pagkagising ni Elara agad niyang hinawakan ang kaniyang tyan upang pakiramdaman ang anak nito. Naramdaman niya itong bahagyang gumalaw, at sa kabila ng lahat ng sakit sa puso, napangiti siya. Isang bagong simula. Isang bagong buhay na malapit na niyang makasama, na malapit na niyang isilang. Si JP naman ay abalang naghahanda ng almusal. "Ate, gising ka na pala. Tinapay lang muna at gatas, ha? Wala pa kasi tayong pagkain saka mamaya pa naman tayo aalis upang mamalengke," anito habang inilalapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng kama."Salamat, JP. Hindi
Habang abala naman si Marco sa kaniyang mga ginagawang paper works sa opisina, mabilis na tumakbo ang oras. Mula sa bintana ng kaniyang opisina na maliwanag pa ay bigla na lang itong dumilim dahil gabi na pala at hindi man lang niya ito namalayan. Ang mga oras na ginugugol ni Marco sa kaniyang opisina habang hinihintay na magmadaling araw upang bumyahe pabalik sa Concepcion ay kasabay din ng oras na tumatakbo kung saan inaayos na ni Elara ang kaniyang mga gamit. Sa probinsiya naman ng Concepcion, kung saan naging tahimik ang buhay ni Elara at lumago ang kaniyang negosyo, hindi niya inaasahan na darating ang araw na iiwan niya ito. Kung saan guminhawa ang buhay nila roon ay siya namang pag-iwan niya sa mga ito. "Ate Elara, ready na po ako," saad ni JP habang hawak ang mga maleta niya. "Sigurado kaba talaga na sasama ka saakin, JP?" paniniguro ni Elara dahil baka may mga maiiwan siya sa Concepcion na kailangan niyang gawin. "Oo naman, Ate, saka dadalhin naman natin ang trabaho nati
Ang araw ni Elara ay nabuo nang puno ng mga malalalim na isipin. Mga desisyon na ilang ulit niyang pinag-iisipan at pinagpaplanuhan. Mabigat ang pakiramdam niya habang iniisa-isa ang kaniyang ninanais ngunit wala pa siyang mapagsabihan dahil sa alam niya na kahit ano man ang maging pasiya niya ay may masasaktan at masasaktan talaga. "Ate Elara, nagtext si Kuya Marco na hindi na raw muna siya makakapunta ngayon dahil may problema raw sa opisina nila," saad ni JP habang hawak ang telepono nito. Tumango lamang si Elara dahil mayroon na siyang desisyon. Ngayong maghahapunan sila ay saka niya iyon naisipang sabihin para isang paliwanagan na lang. "Nay, JP, Thea, bago tayo kumain may gusto sana akong sabihin sainyo," saad ni Elara na dahilan naman upang mapatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. "Nakapagdesisyon na po ako na umalis ngayong gabi at pumunta sa ibang lugar na malayo at hindi ako mapupuntahan ni Marco." Nanlaki ang mga mata ng lahat habang nasa mesa at hinahanda ang pagkain.
Nang makalabas si Marco ay bumuhos ang luha ni Elara. Hindi nito inakala na darating ang araw na mahahanap siya nito at nalaman pa niya na hindi pala talaga sila annul pa nito. Nakikita rin niya ang desperadong mga mata ni Marco habang tinitingnan siya nito ngunit ayaw niyang ibaba ang pader na binuo niya para sa lalaki. Ayaw niyang basta na lang bumigay sa mga nais nito dahil malalim narin ang pinagdaanan niya noong nagsasama pa sila at nagdulot iyon ng matinding sakit sa kaniyang damdamin. Hindi na niya gusto na maulit pa iyon at mahantong na naman sa masakit na ala-ala. Hindi maintindihan ni Elara ang kaniyang nararamdaman. Pareho ang tuwa at galit na bumabalot sa kaniyang damdamin. Nakapikit si Elara habang tahimik na humihikbi. Wala siyang ibang marinig kundi ang pintig ng puso niya na tila sinasabayan ng bawat patak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Sa lahat ng mga maaaring mangyari, ito ang kinatatakutan niya, ang balikan siya ng nakaraan bago pa siya handa.Bumukas ang pint
Tinalikuran ni Elara si Jake, ang luha niya ay biglang tumulo mula sa kaniyang mga mata papunta sa mga pisngi nito. "All I want right now, and for tge rest of my life is just peace, Jake. I want to rais this child without fear, without pain, and without him." Umigting ang panga ni Jake, nasa gitna siya ng pagsisisi at pakiramdam na tama lamang ang ginawa niya. "I'm sorry. I thought I was helping." "I know how eager you are to help me," sagot ni Elara, hindi parin niya tinitingnan si Jake at pilit nitong inaayos ang tono ng boses. "But helping me means protecting me. It means protecting my privacy and respecting my decisions, not bringing him back to my life. Marco? He is a wound that I have been trying to heal." Napayuko si Jake, pinipigilang lumuha. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang tunay na nasaktan si Elara hindi lang pisikal, kundi emosyonal. Hindi ito tungkol sa pride o galit. Ito ay tungkol sa takot, at sa trauma na pilit niyang nilalabanan para sa batang ipinagbubuntis