"Ano na ang gagawin natin, Elara?" tanong ni Andrea.
Nasa condo silang dalawa at nag-iisip sa kung ano ang maaari nilang gawin upang maituloy na ang kasong isinampa nila laban kay Nathaniel—ex-fiancé ni Elara na nagpakalat sa s*x video nila. Hindi kaagad nakasagot si Elara. Humigpit ang hawak nito sa baso niyang may laman ng tubig. Pilit nitong pinipigilan ang nagbabadyang tumulo na luha niya. "Hindi ko na alam, Andrea. Ubos na ang pera ko dahil sa paghahabol ko na masampahan ng kaso si Nathaniel," naiiyak na saad ni Elara, ang boses nito ay punong-puno ng pagod at panghihina. Nawawalan na ng pag-asa si Elara dahil halos lahat ng abogado ay nilapitan na niya. Halos lahat ng paraan ay nagawa na niya hanggang sa naubos lang ang pera nito ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Hindi basta-basta ang pagnanais ni Elara na masampahan ng kaso si Nathaniel, nais nitong mapakulong ang ex-fiancé niya upang makuha ang pera na ibinigay nito sa kaniya dahil sa iyon ang nais ni Nathaniel noon. Mahal na mahal ni Elara si Nathaniel na umabot sa puntong kahit pa hinihingan na siya ng pera ay hindi niya ito inalintana. "Hindi tayo pwedeng sumuko, Elara. Ayokong umabot sa punto na hindi niya mapagbayaran ang ginawang pamamahiya saiyo saka sayang lang ang perang pinagtrabahuhan mo na siya lang din ang nakagamit. Tandaan mo, Elara, may sakit ang lola mo at kailangan niya ang tulong pinansiyal mo," may kalungkutan sa boses na saad ni Andrea. Napahinga nang malalim si Elara dahil sa hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Alam naman niya iyon. Alam niya na hindi siya dapat tumigil at kailangan niyang ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ngunit hindi niya alam kung paano. Wala na siyang sapat na pera para magbayad sa abogado. Ang perang naipon niya ay naubos din na pambayad sa legal team na kinuha niya noon na wala ring nagawa upang makamit ang hustisyang inaasam niya. Madiing napapikit si Elara. Kailangan niya ng bagong abogado. Kailangan niya ng malakas, matalino at matinong abogado na kayang tapatan si Nathaniel. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Andrea. May isang malaglarong ideyang pumasok sa kaniyang isipan. "Marco Lopez," mahinang bigkas niya. Nakunot ang noo ni Andrea. "What? Yung abogado na kasama mo noong isang gabi?" Kaagad na napalingon si Andrea na nakakunot ang noo. "What? 'The' Marco Lopez? Iyong lalaking naka-sex mo?" Napataas ang kilay ni Elara. "Do you really have to mention that?" Umiirap na napailing na lang si Andrea. "But yes. Si Marco Lopez nga. Magaling siya. Alam nating dalawa iyan. Isa siyang kilala, pinaka-respetado, at mautak na abogadong mayroon tayo sa bansang ito. Kung siya ang magiging legal counsel ko, siguradong may laban ako at may chansa na mapakulong ko na si Nathaniel," patango-tango nitong saad habang pinagdudugtong-dugtong ang ideya sa kaniyang isipan. May pag-aalinlangang napatingin si Andrea sa kaniya. "Pero, Elara... alam mo naman na hindi basta-basta pumapayag si Marco sa kahit na anong kaso, hindi ba? Isa pa, kaya mo ba siyang kumbinsihin?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea. "Ikaw na nga mismo ang nagsabi, naubos na ang lahat ng pera na inipon mo, ano pa ang ibabayad mo sa kaniya kung wala ka nang pera? Alam mo namang sobrang mahal ng rate niyan." Napakagat ng labi si Elara. May punto si Andrea, tama ang sinabi niya. Hindi ito magiging madali dahil pihikan si Marco pagdating sa mga kasong hawak nito. Iba ang ugali nito sa mga kaso na hawak niya at sa korte kompara sa kung ano siya na labas sa trabaho niya. Ngunit wala na siyang iba pang mapagpipilian. Kailangan niya si Marco. Ito na lang ang pag-asa niya. Si Marco na lang ang Kailangan niya si Marco. Kahit pa ang kapalit nito ay isang bagay na hindi niya pa alam kung kaya niyang gawin. Gagawin niya ang lahat para lang mapaki-usapan si Marco na tulungan siya sa kaniyang problema. Sa isang eleganteng law firm sa Makati, tahimik na nagbabasa si Marco Lopez ng dokumento sa kanyang opisina nang biglang bumukas ang pintuan. Tahimik na nagbabasa si Marco Lopez ng dokumento sa kanyang opisina nang biglang bumukas ang pinto nito. "I told you, I don't want any interruptions at this time," madiing saad ni Marco sa malamig na tono. "Even if it's me?" Napa-angat ng tingin si Marco sa babaeng pumasok hindi niya inaasahan ang taong pumasok na nakita niya—si Elara. Ang seryosong mukha ni Marco ay napalitan ng mapaglarong ngisi. "Well. Oh, well... Anong ginagawa mo rito, Miss Hot and will forget what happened between the two of us?" Humugot ng malalim na hininga si Elara. Alam niyang aasarin siya ni Marco. Ramdam niyang ibabalik nito sa kaniya ang mga sinabi niya sa hotel noong may nangyari sa kanila ngunit desperada na si Elara na mapapayag si Marco sa nais niya. Seryosong tingin ang ibinigay nito kay Marco. "Kailangan ko ang tulong mo, Marco," direktang saad niya, hindi na iniisip pa ang hiya at arte. Napataas ang kilay ni Marco at matalim na tiningnan siya na para bang pinag-aaral ang bawat kilos niya pati na rin ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "So you're here because you need me? For what?" "Para sa kaso na isasampa ko laban kay Nathaniel." Sarkastikong napangisi si Marco at umiling-iling. "What made you so sure that I will accept your case? Why the hell I would do that, anyway?" Nagtagpo anh kanilang mga mata. Alam ni Elara na mahabang pilitan ang mangyayari. Alam nitong mahirap pakiusaoan si Marco, nasisiguro nitong kalahati lang ang percent na makukumbinsi niya siya. "Ano ba ang gusto mo, Marco?" tanong niya sa mahina at may paki-usap na tono sa boses. "Ano ang kapalit na nais mo para lang matulungan mo ako at tanggapin ang kaso ko?" Hindi nagsalita si Marco. Tahimik lang ito at pinag-iisipan kung ano ba ang maaari niyang ipagawa kay Elara dahil alam niyang sa punto na iyon ay gagawin ni Elara ang lahat mapapayag lamang siya. "Are you really that desperate to convince me, Elara?" mapaglaro na tanong ni Marco. Napabuntong-hininga ito. Wala na siyang pakealam kung inaasar ba siya ni Marco o ano. At totoo ang sinabi ni Marco, desperado na siya para lang tulungan siya nito at gagawin niya ang lahat upang matulungan lang siya nito. "Kahit ano gagawin ko, Marco," seryosong saad nito. Biglang tumahimik ang paligid. Nakatitig lang si Elara kay Marco na seryosong tinititigan din siya. Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Be my sex slave."Ilang buwan na ang makalipas nang maging matagumpay sina Thea at Elara sa Concepcion. Nagsimula sila sa isang simple at mahirap na buhay na ngayon ay naging maayos na at maganda. Nagkaroon na si Thea ng isang souvenir shop na nagsusupply sa mga tindahan sa mga kalapit na bayan habang si Elara naman ay nagkaroon na rin ng cathering service. Nabili na rin ni Elara ang resort na kung saan siya nanunang maging tagaluto dahil ang may-ari nito ay aalis na ng bansa kaya binenta niya ito kay Elara. Nakapagpatayo na rin si Thea at Elara ng kanilang bahay. Malaki, malawak, at matibay. Isang mansyon ang pinatayo nilang dalawa at ang mansyon na iyon ay pwede nang tirahan ng sampung tao. Sa bahay na iyon na rin nananatili sina Nanay Esther at Jp dahil ang nais ni Elara ay sa isang bahay na lang sila tumira. "Ang lalaki na ng tyan ng dalawang buntis," saad ni Aling Rosa na nakangiti kina Thea at Elara. "Nako, oo nga po," nakangiting sambit naman ni Elara saka hinimas ang kaniyang tyan na malaki
"Uhm, Yes. May check-up kasi kami bukas sa doktor," sagot naman ni Lia. Parang nabuhayan naman ng loob si Marco. Saktong-sakto ang plano niyang ilabas si Lia saka makakasama pa siya sa pagpapatingin nito sa doktor. "Really? Well, then that's great! I will come with you tomorrow and then after your check-up we will go eat out," saad naman ni Marco saka nginitian si Lia. Alam niya sa sarili niyang ito na ang oras upang muling ipagpatuloy ang buhay na nawala dahil sa pagkakalugmok niya noong nawala si Elara. Buo na ang kaniyang loob na baguhin ang buhay niya at isipin naman ang kung paano siya magiging masaya. Kinabukasan, maaga gumayak sina Marco at Lia para makapagpatingin na sa doktor. Lahat ng kilos ni Lia ay alagang-alaga ni Marco. Mula sa pagbaba ng hagdan nakaalalay ito sa kaniya hanggang sa kumain ng umagahan at pagsakay sa kotse. Buong byahe ay parang abot langit ang tuwa na natatamasa ni Lia. Wala talagang makakadaig sa masamang hangarin basta't pinaghihirapan. Ngayon, ang
"Are you serious?" "What? Why? Is that how impatient you are, Bro?" "What about Elara, you know you are still married to her." Ilan lamang iyan sa mga salitang nabitiwan ng mga pinsan ni Marco sa kaniya. Napabuntong-hininga si Marco at napatahimik na lang din sa mga narinig niyang mga tanong mula sa mga pinsan nito. Ramdam niya ang pagtutol, pag-aalala, at pagkagulat ng mga ito hindi lamang sa tono ng salita nila kundi pati na rin sa reaksyon at galaw ng mga ito. "Wait, before you guys react, let's hear Marco's side first," singit naman ng nanay ni nito saka tiningnan ang kaniyang anak. "Do you have any explanation? About your plans for Elara, and for Lia." "Yes, Ma. Kagabi kasi napag-usapan na namin ni Lia ang lahat. And she is right, our baby is about to go out and we will become a family. Naisip ko rin kasi na noong nagbuntis ang asawa ko ay hindi kami nabigyan ng pagkakataon na mahawakan man lang o maalagaan ang anak namin," pagpapaliwanag ni Marco, nakatingin pa ito sa binta
Sa kabila ng masaya at matahimik nang buhay ni Elara sa Concepcion ay ang unti-unti namang pagbawi ng buhay ni Marco sa kung ano man siya noon. Dahil sa pagkawala ni Elara halos mawala si Marco sa kaniyang sarili ngunit nabago iyon ni Lia. Si Lia na ang dahilan ng lahat kung bakit nawalay si Marco kay Elara ay siya rin ang taong buo sa masakit at wasak na puso ng lalaki. Isang mainit na hapon nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay nina Marco at Elara na kung saan nakatira ngayon sina Lia at Marco. Biglang pumasok si Marco at hindi iyon inaasahan ni Lia sapagkat araw-araw ay gabi na ang uwi nito. "Hi, wala ka nang pasok?" tanong ni Lia habang nakaupo sa sofa at hinihimas ang kaniyang tyan. Umiling si Marco sa kaniya at pabagsak na iniupo ang sarili sa gilid nito. "Nah. I'm tired my mind's out and I can't think normally." Itinigil ni Lia ang paghimas sa kaniyang tyan saka tinitigan si Marco na wari mo ay ibinibigay ang buong atensyon niya sa kaniya. Kitang-kita sa mukha ng lalaki
Habang lumilipas ang mga araw, nagiging magaan na ang pamumuhay ni Elara sa probinsya kasama si Thea at ang mga taong may mabuting pusong umampon sa kanila roon. Mabilis lamang ang araw na nagdaan, sa mga araw na 'yon ay lumalaki rin ng lumalaki ang anak sa sinapupunan nina Thea at Elara. Naging maayos ang pagbebenta ni Elara ng ulam habang si Thea naman ay malaki na rin ang kinikita sa mga accessories na ginagawa niya. Para silang ipinagpala na bigla na lamang may nagbukas na resort sa tabi ng bayan nila kaya roon, malaya silang nakakapagbenta sa mga tao. Hindi nagtagal ay kinuha na rin si Elara na tagapagluto sa resort na 'yon. Ang mga produktong gawa ni Thea naman ay ang naging lokal na roon. Halos lahat ng mga taong pumupunta roon ay tanyag at sikat habang ang iba naman ay galing sa ibang bansa. Dahil sa mga bagong oportunidas na labis ang naitulong sa kanila, mas lalong naging magaan ag pamumuhay nila. Hindi lamang pansarili nina Elara at Thea kundi narin nina Nanay Esther, Jp
Kinaumagahan, maagang gumising si Elara para magluto ng umagahan nila. Napagdesisyunan kasi nina Thea, Elara, Nanay Esther, at Jp na hindi na muna si Elara maglalako ng mga ulam dahil magpapatingin sila sa kalagayan ni Nanay Esther sa munisipyo. Libre kasi ang check-up doon at sasabay na rin sina Thea at Elara. Kailangan na rin na magpa-ultrasound ni Elara lalo na si Thea dahil malapit na itong manganak. Medyo nakikita na rin ang umbok ng tyan ni Elara dahil malapit na ring mag isang buwan ang pagbubuntis nito. Nang makarating sila sa munisipyo, ay sakto naman na wala pa masyadong mga tao kaya nakaramdam sila ng ginhawa. Medyo maingay dahil sa mga tao, mainit, at masikip dahil hindi naman ganoon kalaki ang ispasyo. Pagkabukas ng clinic ng doktor ay nauna nang pumasok si Nanay Esther na sinamahan naman ni Jp. Hindi nagtagal ay tinawag narin si Elara at Thea para sabay na silang tingnan kasi saktong dalawa ang OB. Pinaupo na sila agad sa ospital bed saka itinaas ang damit na suot ni