LOGIN“Scar, mamaya ka pa ba diyan? Bilisan mo naman!” sigaw sa akin ng aking kaibigang si Diane.
“Oo, oo, inaayos ko lang mga gamit ko at dadaanan na lang daw ni Mama dito mamaya!” sigaw ko pabalik sa kanya habang inaayos ang aking mga gamit.
“Sige at papunta na raw si Shane,” sagot pa nito sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa. Tumingin ako sa salamin at naglagay ng lipstick sa aking labi. Ang totoo niyan ay tapos na akong mag-ayos ng aking gamit, inaayos ko na lang ang aking mukha.
Dahil ngayon ay huling araw ng aking trabaho dito sa malaking karinderya ng aking tiya at bukas naman ay unang araw ng aking practicum bilang isang pre-service teacher, kaya napag-usapan naming magkakaibigan ang bar bago sumugod sa laban. Char. Para sa amin, isang malaking laban ang practicum kaya naniniwala kami na deserve namin ito.
Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang aking suot dahil nakapagbihis naman na ako at naihubad na ang aking uniporme dito sa trabaho. Ngumiti ako nang malaki at agad na lumapit sa aking gamit.
Nakita ko sa ibabaw ng aking uniporme ang aking name tag.
‘Quinn Scarlett Laurent,’ hindi ko mapigilang mapangiti dahil bukas ay may isusuot pa rin akong name tag, ngunit hindi na bilang worker kung hindi bilang isang pre-service teacher na. Malapit ko nang maabot ang aking pangarap at maiahon sa hirap ang aking ina na solong nagpapaaral sa aming dalawa ng kapatid ko.
“Oh, Scar, nandito ka pa pala? Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala diyan,” sabi ng aking tiya mula sa aking likod.
“Sige, Tiya, dadaanan naman po ni Mama yung mga gamit ko mayamaya pagkagaling niya sa palengke,” sagot ko sa kanya at isinukbit ang aking shoulder bag na sinadya ko pang dalhin.
“Talaga naman, 24 years old na ay nakaasa pa sa ina, tsk tsk,” natawa na lang ako sa sinabi nito.
Alam ko namang biro lang ito para sa aking tiya. Mabait ito at maalaga sa amin nila Mama. Sa katunayan ay ang ginagamit ni Mama na puwesto sa palengke ay sa kanya. Pinapagamit niya ito nang libre sa amin kaya nakapagtitinda si Mama ng mga seafood.
“Tiya, ako’y gagala. Kapag ako’y umuwi pa sa bahay, siguradong hahabol sa ’kin si Bunso,” natatawang sabi ko sa kanya.
“Oo na, siya, sige na. Ikaw ay humayo at—” tumigil ito bago ako tinaasan ng kilay, “Subukan mo magparami! Grumaduate ka muna bago mag-asawa ha!”
“Si Tiya talaga!” nasabi ko na lang at saka ako nakangiting lumabas ng silid.
Agad kong nakita ang aking kaibigan na si Diane na abalang naglalagay ng blush on. Tumingin ako sa malaking orasan na narito sa karinderya.
It’s already 5 in the afternoon at bago magpunta sa bar, we will go to Miza’s apartment.
“Let’s go?” sabi ko kay Diane.
“Tara,” at saka nito kinuha ang kanyang bag at tumayo na.
“Nasaan na pala si Shane?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa sakayan.
“Katagalan mo, pinadiretso ko na doon kay Miza,” sagot nito sa akin.
“Ito naman, nagbihis pa ako siyempre,” sabi ko sa kanya. “First time kong pupunta, gusto mo ba mukha akong basahan, baka hindi ako papasukin at mapagkamalan akong pulubi.”
“Oa mo naman, ’te, sa pulubi. Siguro homeless, puwede,” nang-aasar na sabi niya.
“Hindi ba iisa ’yon?” tanong ko sa kanya.
Napatawa naman siya. “Awan sa’yo, ’te, ayan na ang jeep, sumakay ka na.”
Sinimangutan ko siya bago ako sumakay sa e-jeep at agad naman siyang sumunod.
Tahimik lang ang naging biyahe namin. Maya-maya ay tumigil ang e-jeep sa tapat ng isang eskuwelahan.
“Dito tayo ide-deploy bukas, ’di ba?” tanong sa akin ni Diane.
“Yes,” maiksing sagot ko. “Sana mabait ang mapuntahan kong cooperating teacher.”
“Akin sana pogi tapos hot, katulad nung mga nababasa ko sa kuwento,” kinikilig-kilig na sabi ni Diane at may pagyakap-yakap pa sa braso ko.
Inirapan ko agad siya. “Nand’on tayo para mag-aral, hindi para kumiri.”
“Sinasabi mo lang ’yan kasi ’di mo pa nararansanang ma-in love,” natatawang sabi niya sa akin. “Kapag naranasan mo na ang tusok ng pana ni Kupido, ewan ko na lang sa’yo.”
Scarlett’s POVBiyernes ng gabi. Dapat masaya ako, dapat excited sa weekend, pero sa halip, parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Tahimik ang bahay—wala si Mama, gaya ng nakasanayan tuwing Biyernes, nasa bahay ni Tita para mag-overnight. Ako lang mag-isa, pero kahit ganoon, hindi ako mapakali. Parang ang liit-liit ng buong mundo, parang kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang bigat ng lahat ng dapat kong itago.Ilang araw na akong umiiwas kay Sebastian—sa text, sa tawag, pati sa eskuwelahan. Pilit ko siyang nilalayo, pilit kong tinatabunan ng trabaho at pagod lahat ng hinanakit at takot. Pero alam kong hindi na siya magpapapigil. Alam kong darating ang gabi na haharapin ko na rin siya, kahit ayaw ko.Hindi nagtagal, may narinig akong papalapit na kotse sa labas ng gate. Kumabog ang dibdib ko, alam ko agad. Bumaba siya ng sasakyan, mabilis ang lakad, halatang matagal nang nagpigil. Sa porch ako naghintay, naglalaban sa pagitan ng gustong lumapit at gustong humiwalay.“Sc
Clyde’s POVHindi ko masabing chismoso ako, pero kahit anong iwas, napapansin ko kapag may kakaiba sa mga taong araw-araw mong kasama. Simula pa nitong linggo, parang may mabigat kina Sir Sebastian at Scarlett. Dati, kahit pagod si Scarlett, laging game sa kulitan, lalo na kapag kami ang magkasama sa faculty room—parang magkapatid lang. Pero ngayon, parang may distansya na siya sa lahat, lalo na kay Sir.Isang araw, habang nag-aayos ako ng worksheets, pumasok si Sir Sebastian na may dalang test papers. “Clyde, pakikuha nga ng attendance sheet kay Scarlett. Nasa library siya,” utos niya, sabay abot ng folder.“Okay po, Sir.” Wala namang kakaiba—pero napansin ko, parang mas madalas na kaming pinagsasabay ni Sir. Parang gusto niyang may kasama si Scarlett palagi.Pagdating ko sa library, nakita ko si Scarlett na abala sa pag-check ng class record. “Scar, hinahanap ka ni Sir. Sabi, sabay daw tayong bumalik,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. “Sige, Clyde. Tapos ko na r
Sebastian's POVKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa school. Tahimik pa ang faculty hallway—kakaunti pa lang ang tao, at ang bawat hakbang ko ay parang lalong bumibigat ang loob ko. Diretso agad ako sa library office, pilit na pinapakalma ang sarili habang nagpapanggap na may hinahanap lang sa faculty shelf. Pero ang totoo, pinagmamasdan ko si Ma’am Andrea, na abala sa pag-aayos ng mga faculty files, papel, at envelopes sa kanyang lamesa.Hindi nagtagal, napansin kong may envelope siyang hawak. Saglit siyang lumabas ng office para kausapin ang isang staff sa labas, naiwan na bahagyang nakabukas ang drawer sa ilalim ng kanyang desk. Doon ko naramdaman ang pagkakataon—kabado, pero determinado. Sulyap dito, sulyap doon. Wala namang ibang tao.Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya at binuksan ang drawer. Sa loob, may ilang envelope na may label na “PST Monitoring,” “Intern Reports,” at isa pa na walang anumang label—maliban sa pangalan naming dalawa ni Scarlett. Kumakabog ang dibdib k
Sebastian’s POVHindi ako mapakali buong gabi. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pabalik-balik lang sa isip ko ang eksena kanina—si Scarlett, umiwas ng tingin, umiwas ng yakap, umiwas ng kahit anong koneksyon. Ilang beses kong tiningnan ang phone, umaasang may mensahe siya, kahit simpleng “OK lang ako.” Pero wala. Blangko.Hindi ako sanay na siya ang lumalayo. Palaging ako ang nagpapakumbaba, ako ang nagpapasensya, ako ang nauunang mag-reach out. Pero ngayon, parang may pader na hindi ko kayang basagin, hindi ko maintindihan.Kinabukasan, maaga akong dumating sa faculty room. Sinalubong ako ng mga co-teacher, pero wala akong ganang makipagkwentuhan. Ang utak ko, lumilipad—naghahanap ng sagot. Pagdating ni Scarlett, hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siyang dumaan, nagpaalam na may kailangan daw tapusin sa records. Wala. Wala ni isang sulyap, ni isang ngiti.Tumingin ako kay Clyde, na napansin kong parang mas abala kay Scarlett. Lagi siyang nakasunod, laging may dalang pagkain, la
Sebastian’s POVHapong-hapo na ako buong araw—galing sa sunod-sunod na klase, meetings, at mga papel na kailangang i-check. Pero ang pinakaabangan ko, ang tanging nagpapagaan ng araw ko, ay ang makita si Scarlett kahit ilang saglit lang. Kaya nga nandoon ako ngayon, nakatayo sa labas ng library, hawak-hawak ang phone at paulit-ulit na tinitingnan kung online siya.Nag-message na ako:“Scar, okay ka lang ba? Nasa labas ako ng library, hintayin kita.”Nilibot ko ang paningin ko sa hallway, umaasang lalabas na siya anumang oras. Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin. Napansin kong kakaiba ang atmosphere—parang mabigat ang hangin, parang may bumabagabag kahit sa mga estudyanteng dumadaan.Maya-maya, nakita ko siyang lumabas ng library—mabagal ang lakad, nakayuko, at parang ibang-iba ang aura niya. Wala ‘yung dating sigla, ‘yung simpleng ngiti na laging nagbibigay-buhay sa araw ko. Inangat niya lang saglit ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko nakita—puno ng takot, lungk
Scarlett’s POVKabado akong naglakad papunta sa library office. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang hangin ngayon—parang bawat hakbang ko, mas lumalalim ang kaba at takot sa dibdib ko. Sobrang tahimik ng hallway, parang lahat ng tao ay lumalayo, parang may paparating na unos na ako lang ang nakakaalam.Pagbukas ko ng pinto, nandoon na agad si Ma’am Andrea. Hindi siya nakaupo sa usual niyang pwesto sa harap ng computer, kundi sa mismong reading nook, malapit sa bintana. Nakataas ang kilay, tuwid ang upo, at mahigpit ang hawak sa envelope na parang sandata.“Umupo ka, Scarlett.” Wala nang lambing sa boses niya, puro lamig at authority.Naglakad ako papunta sa harap niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Umupo akong maayos—kahit gusto ko nang tumakbo, gusto kong magtago, gusto kong maglaho. Pero hindi puwede. Kailangan kong harapin ‘to.“Ano po ‘yon, Ma’am?” mahina kong tanong, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.Hindi siya sumagot agad. Imbes, dahan-dahan niyan







