Share

Chapter 102

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-05-06 18:07:37
Jenelyn

Linggo ng umaga. Tahimik ang buong condo, yung tipong pati hangin parang tinatamad gumalaw.

Nasa sala lang ako, nakaupo nang maayos sa sofa habang hinihintay ang package na manggagaling pa sa Boston. Hindi iyon basta-basta parcel lang. Mga materyales iyon para sa bionic arm na matagal ko nang gustong buuin.

Napatingin ako saglit sa kisame, saka napabuntong-hininga.

Since priority ng Torrebotics ang paggawa ng mga medical equipment at devices na makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga
MysterRyght

Ginalit mo na naman eh, nakikipag-usap na nga sayo ang matandang masungit. Gusto yata magpaliwanag.

| 25
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Manang Beb
haha mas ok yin Jen ipakita mong gets mo n Hindi kabastabasta papatalo hmmm brad may pagka uto uto karin
goodnovel comment avatar
Angielyn Del Remedios Watson
Baka tumaas ang BP nyan Jen!.. dahil lagi mong ginagalit hahahaha
goodnovel comment avatar
rhea duenas
makocomatose na sa inis ang matandang masungit Jen hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 188

    JenelynAng bilis ng panahon. Pakiramdam ko ay kailan lamang nang dumating ako sa mansyon ng mga Salazar dala ang pagkainis at pagtutol sa plano ni Lolo, ngunit ngayon ay malapit nang matapos ang unang semester.Marami nang nangyari sa loob ng ilang buwan. Kung minsan ay napapaisip ako kung paano nagawang baguhin ng iilang tao ang direksyon ng buhay ko nang hindi ko namamalayan.Naging maayos na rin ang sitwasyon nina Marie. Totoo sa sinabi niya, hindi siya pumayag na hayaan na lamang ang lahat ng naitulong ko sa pamilya nila. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman kailangang bayaran ang mga iyon, patuloy pa rin siyang naghuhulog ng pera sa account ko.Hindi man kalakihan ang halaga, alam kong mahalaga iyon para sa kanya at sa kanilang pamilya. Nakausap ko na rin ang ama niya matapos itong makauwi mula sa ospital. Halos hindi nito maitago ang pasasalamat habang kausap ko siya. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang gusto nilang gawin dahil alam kong hindi iyon tungkol sa pera ku

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 187

    JenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 186

    BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 185

    BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 183

    JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 167

    BradleyUmalis si Josephine sa opisina ko nang hindi ko na pinakinggan ang anumang paliwanag na gusto pa niyang sabihin. Wala rin naman akong interes na marinig iyon. Sa puntong ito ng buhay ko, irrelevant na siya.Kahit pa sabihin niyang mayroon siyang mabigat na dahilan noon, hindi pa rin mababago

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 165

    Bradley“Josephine, who let you in?”Malamig ang naging tanong ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan ng mesa ko. Nakapagtataka dahil kahit ang simpleng pagkagulat na dapat ay natural na maramdaman matapos ang ilang taon naming hindi pagkikita ay wala akong maramdaman.Wala ring galit n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 162

    JenelynHindi naging madali ang imbestigasyon na ipinapagawa ko tungkol sa lalaking iyon.Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang utusan ko si Matt na hukayin ang lahat ng impormasyong may kaugnayan kay Dexter Magsino, ngunit sa bawat report na natatanggap ko ay iisa lang ang pakiramdam na iniiwan

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 161

    Jenelyn“At kung gano'n nga, ano naman sa'yo?” kalmado kong tanong. Hindi ko gustong isipin ang nararamdaman niya para sa akin dahil naku naman, magkapatid sila ni Bradley.Hindi agad siya nakasagot. Sa halip, mabilis na lumapit si Christine at agad na pumulupot ang dalawang kamay niya sa braso ni N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status