Se connecterJenelyn
Kahit na parang ang haba na naging pahinga ko ng nakaraang araw ay ang sarap pa rin ng tulog ko. Talaga yatang nasobrahan sa tagtag ang katawan ko sa biyahe.
Hindi sa minamaliit ko ang ordinary bus, pero sana naman ay ayusin ng Cat’nes Transit ang mga bus nila. Aba eh, bukod sa mag-aalala kang mabagsakan ng bintana kapag naipatong mo saglit ang siko mo don ay matatakot ka pa na baka naiuwi mo na ang tetano dahil parang kumapit na sa katawan mo ang kalawang.
Bumangon ako at muling nilibot ang aking mga mata sa paligid at tumambad sa akin ang pink na silid. Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko dahil sa aking nakita.
Hindi ba nakakahiya kung ipabago ko ang pintura at palitan ang lahat ng nandito sa silid? Kahit ako na ang gumastos.
“Argh!!” inis kong bulalas sabay tayo na. Nagpunta ako sa bathroom at naligo. Nagbihis bago tuluyang bumaba dala ang canvas bag na paborito ko dahil tupiin ko lang ay kasya na sa buslsa ng pantalon ko.
Charot lang pero totoo. Komprotable lang talaga ako dito kaysa sa ibang luxury bag na kaya ko din naman bilhin.
“Good morning, apo,” nakangiting bati sa akin ni Lolo Ruel. Agad akong ngumiti at bumati din. “Dito ka na umupo,” sabi pa niya sabay turo sa upuan na nasa tabi niya.
“Thank you, po.” Sinabit ko ang bag sa sandalan ng upuan at tsaka tumabi na sa matanda na mukhang naghihintay talaga sa akin dahil wala pang laman ang plato niya pero ang mga tao sa paligid niya na sina Tito Alfonso, Tita Mildred at Calvin ay ngumunguya na.
“Kain na tayo, apo.” Sobrang aliwalas ng mukha ni Lolo kaya nahawa na ako at nagsimulang magsandok ng pagkain. Syempre, nilagyan ko rin siya at sabay na nga kaming nag-agahan.
“Aalis ka ba?” tanong ni Lolo Ruel.
“Opo, may kailangan lang akong puntahan at bibili na rin ng ilang gamit.”
“Kung ganon ay magpasama ka sa driver, hindi pwedeng mag-isa ka lang na aalis at baka kung mapaano ka pa.”
“Naku, Lo. Hindi na po at kaya ko ang aking sarili. Mag-grab na lang po ako,” tugon ko na may kasama pang pag-iling. Kahit naman kasi nasa Catanduanes ako kasama si Lolo ay hindi ako nagsasama ng driver. Mas gusto kong magmotor at bibili na nga ako ngayon para may magagamit ako.
Sobra pa naman ang traffic dito sa lungsod. Baka abutin ako ng siyam-siyam.
“Paano pagbalik mo?” tanong pa ng matanda. Ang mga kasalo namin sa lamesa ay tahimik lang at mukhang wala naman balak na makisali sa usapan.
“Bibili po ako ng motor, mas gusto ko po iyon kaysa sa kotse. Madaling sumingit sa mga daanan,” tugon ko.
“Bago ka pa lang dito, baka maligaw ka.” Napatingin ako kay Calvin. Talaga yatang ang tingin niya sa akin ay probinsyanang-probinsyana. Yun tipong ngayon lang nakaranas na lumuwas ng Maynila.
“Tanga na lang ang maliligaw ngayon lalo na kung may cellphone naman,” tugon ko. Hindi na ako nagpa-demure pa dahil hindi din ako tatagal ng hindi magsasabi ng kung ano ang nasa isip ko.
Nagtinginan sa akin agn mag-anak, halatang hindi makapaniwala na sumagot ako.
“Totoo naman ang sinabi mo, apo. Sino pa bang tanga ang maliligaw sa panahon ngayon?” Tumawa ng malakas si Lolo Ruel at syempre, nakisali ako. “Pero mag-iingat ka at alam mo naman, marami na ang manloloko ngayon.”
“Wag po kayong mag-alala, baka mas mauna ko pa silang maloko.” Pagkatapos ay tumawa ulit kami ni Lolo.
Ang mga kasama namin sa paligid ay napailing na lang.
“Siya nga pala,” biglang sabi ng matanda dahilan upang tumingin kami lahat sa kanya. “Nasaan na si Bradley? Hindi ba siya umuwi kagabi?”
Natigilan ako, Bradley?
“Baka tulog na. Late ng nakauwi eh,” tugon ni Calvin na may kasamang pagkibit ng balikat.
Ibig bang sabihin, ang lalaking nakabanggaan ko kagabi ang Bradley na tinutukoy ni Lolo Ruel? Hindi na kasi ako nag-effort na alamin pa kung sino ang sino dahil isip ko makikilala ko naman sila pagdating ko rito.
Ngunit ayun nga, si Calvin lang ang nadatnan ko. At kagabi nga ay ang matandang masungit na nagsabing dwarf ako.
“Apo,” tawag sa akin ni Lolo Ruel sabay hawak pa sa kamay ko. “Si Bradley ang panganay sa magkakapatid kaya pagpasensyahan mo na kung may taglay na kasungitan ang isang ‘yon. Pero wag kang mag-alala dahil mabait at tahimik ang isag ‘yon.”
Kung ang Bradley na tinutukoy niya ay ang lalaking nakita ko kagabi, aba, saan kinuha ni Lolo Ruel ang adjective niyang mabait at tahimik?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na ako sa pagkain. Nang matapos ay nagbook na ako ng sasakyan. Medyo matagal bago may nag-accept at palabas na ako ng biglang bumaba ang matandang masungit. Este si Bradley pala.
Nagtama ang aming mga mata ngunit agad din siyang nagbaling ng tingin kay Lolo na nakaupo na sa sofa.
“Jenelyn, apo. Halika at kilalanin mo muna si Bradley,” awat sa akin ni Lolo.
“Mamaya na lang po Lo, nandyan na sa labas ang sasakyan. Sige po!” sabi ko at nagpatuloy na sa pag-alis. Halata naman sa mukha ng matandang masungit na ‘yon na ayaw niya akong makita.
Anyway, kailangan ko na talagang bumili ng motor kaya unahin ko na ‘yon. Kagabi pa rin ako nagsearch ng mabibilhan at nakakita ako sa malapit lang sa condominium na gusto kong rentahan.
Habang inaayos ng agent ang mga papel ng motor ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kaibigan.
“What’s up?” tanong ko.
“Balita ko ay nasa Maynila ka ngayon. Tara, meet up!” excited niyang sabi. Siya si Matt Nolasco. Anak mayaman din at nakilala ko sa Boston. Naging magkaibigan kahit na nga lalaki siya.
“Bumibili ako ng motor,” sabi ko habang tinitignan ang empleyado ng store na binibilhan ko. Wala man lang pangalan sa dibdib at hindi man lang nagpakilala. Iba na yata talaga ngayon, o iba lang talaga sa Boston?
Anyway, isang beses lang naman ako pupunta dito.
“Kung ganon, pagkatapos ay meet up pa rin tayo. Gusto kitang ipakilala sa mga kaibigan ko,” tugon niya. “Higit sa lahat, sa girlfriend ko. Excited siya na makita ka ng personal.”
Napailing ako sa sinabi niya.
“Next time, may kailangan akong ayusin para sa enrolment ko.”
“Talagang mag-aaral ka na dito?” tanong niya pa.
“Mmm..” tugon ko.
“Sige, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung saang school, malay mo dun din pala ako.”
“Saan ka ba?” tanong ko at ng maiwasan.
“Nope. I know you,” sabi pa niya. “Basang-basa na kita.”
“Fine,” tugon ko na lang at tinapos na ang call.
Hindi nagtagal, mga after 2 hours. Grabe, ganito na pala katagal bumili ng motor. Sakay na ako ng bagong-bago kong red na CBR150R na may free helmet. Palitan ko na lang ng mas maganda at mas matibay, sa ngayon kailangan ko ‘yon para makagala.
Nag-ikot-ikot ako sa lungsod, inalam ang ilang pasikot-sikot gamit ang ginawa kong navigation map. This way, na-test ko na rin ang relliability ng app. Wala pa ito sa market dahil hindi ko pa nga nasisiguro ang responsiveness at accuracy.
Nang matapos ay bumalik na ako sa bahay bago ang dinner time.
“Apo, mabuti at nakabalik ka na. Tamang-tama at maghahapunan na,” nakangiting sabi ni Lolo Ruel. Nasa sala pa rin siya ngunit sila lang ni Calvin ang magkaharap na tila may pinag-uusapan.
“Kamusta po, pasensya na at medyo late na ako nakabalik.”
“Wala iyon apo. Nasabi na sa akin ni Alvin na talagang hindi ka mapapakali sa isang lugar. Sinabihan na rin niya ako na wag masyadong mag-alala dahil hindi mo pababayaan ang sarili mo,” tugon pa ni Lolo Ruel. “Ano, nakabili ka ba ng motor mo?”
“Opo, baka po bukas ay bumili na rin ako ng helmet. Hindi maganda yung free eh. Nalibang ako sa pagdadrive at hindi ko napansin ang bilihan ng motorcycle accessroies.”
“Naku, magpasama ka na kay Calvin. Marami siyang mga kaibigan at may bikers club din siya kaya sigurado akong alam niya kung ano ang maganda para sayo.”
Mapilit talaga itong si Lolo na ipakilala sa akin ang apo kaya hindi na ako tumanggi. Pero tumingin ako kay Calvin.
“Okay lang sa akin,” tugon niya pero seryoso ang mukha na para bang sinasabi niya sa akin na subukan mong pumayag.
But what else kay I do, mapang-asar ako.
“Naku, Lo. Baka po ibang bike ang gamit ni Cal. Baka bigbike po eh, pang scooter lang ako.”
“Cal?” ulit ni Calvin sa pagbanggit ko ng pinaigsi niyang pangalan. Nakataas ang kilay niya at mukhang gusto niya akong sakalin.
“Bakit? Anong masama doon?” tanong ni Lolo Ruel, lumapad ang ngiti kong tila nang-aasar pa sa lalaki. “Bagay pa sayo,” dagdag pa ng matanda na mas lalong nagpalapad ng aking pagkakangisi. Akala yata nila ni Bradley ay kaya nila ako.
Well, tignan natin. Matira ang matibay.
JenelynFirst day of school!Naglalakad ako papunta sa department building ng architecture matapos kong i-park ang aking motor. Ponytail, sumbrero, black jeans at pink hanging blouse na pinaresan ko ng pink din na rubber shoes ang OOTD ko for today.Wala namang iba dahil dalawang sapatos lang talaga ang dala ko.Anyway, nagtanong-tanong ako at natagpuan ko na ang aking silid. Pagpasok ko ay parang natigilan ang lahat at halos sabay-sabay na tumingin sa akin.Kumunot ang noo ko ng makita si Christine.“Hi,” nakangiti niyang bati. Napapalibutan siya ng sa tingin ko ay mga kaklase namin pero bakit parang close na agad sila?Tinanguan ko lang siya at tsaka naghanap ng mauupuan at sa dulo ako nakakita. Yung malapit sa bintana. Naglakad ako palapit doon at sumalampak ng upo.“Hala, doon siya naupo.”“Ang lakas ng loob niya ha…”“Hayaan na lang natin siya. Mahirap na madamay tayo sa kanya.”Napatingin ako sa paligid ng marinig ang mga sinabi nila.Anong meron?“Jenelyn,” tawag ni Christine.
JenelynSunday ng umaga ulit at kinabukasan ay 1st day of school na. HIndi ako kagaya ng iba na super excited dahil pang-ilang course ko na nga ito, pero looking forward pa rin ako dahil gusto ko talaga ang natututo.Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero wala ang mag-asawang Alfonso at Mildred pati na rin ang magkapatid na Calvin at si Nathan na sa tuwing makikita ako sa bahay ay ang sama lagi ng tingin sa akin.Baka ayaw nila akong makita o makasabay sa pagkain. Anyway, bahala sila.Nagsisimula na akong ipaglagay ng pagkain si Lolo na ngayon ay nakangiti sa akin ng biglang dumating si Bradley. Napamaang ako dahil ni minsan, simula ng dumating ako dito sa bahay nila ay hindi ko pa siya nakitang kumain dito.“Mamamatay na yata ako, apo. Akalain mo, nandito si Bradley.”“Ano ka ba naman, Lo. Wag kang magsalita ng ganyan,” saway ko sa matanda na may halong ngiti. Biro lang naman ‘yon pero kahit na.“Hindi mo ako masisisi, Jen. Hay, hindi ko alam kung ano ang meron sa apo ko na ’yan pa
Bradley“Kuya, wala ka bang gagawin para lang mapaalis sa bahay ang babaeng ‘yon?” inis na bungad ni Nathan pagkaupong-pagkaupo niya sa harap ng desk ko, parang may hinahabol na deadline ang galit niya.Hindi ko agad siya sinagot. Tinitigan ko muna ang monitor ko na puno ng reports bago dahan-dahang ibinaba ang salamin ko. Bakit ba ako pa ang naisipan niyang puntahan dito sa opisina para lang magreklamo? Kung tutuusin, hindi ko naman obligasyon ang ayusin ang mga petty drama niya sa school. May sarili akong mga problema—mas mabibigat kaysa sa sugat ng ego niya.“She humiliated me pati na ang mga kaibigan ko! Kahit na si Christine, alam mo naman kung gaano kamahiyain ang isang ‘yon,” dugtong niya, halatang umaasa na kakampi ako.Napahilot ako sa noo ko. Hindi dahil naaawa ako sa kanya, kundi dahil ramdam kong sasakit na naman ang ulo ko sa pag-uusap na ito.“Nathan, hindi mo dapat dinadala sa akin ang kung anumang nangyayari sa school. Tsaka sa tingin mo ba ay mapipigil ko si Lolo? Na
JenelynLumakad ako papalapit sa kanila nang tuwid ang likod at kalmado ang mukha, kahit ramdam kong sinusukat ako ng tingin ni Nathan mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinatago ang pagkairita sa presensya ko, at mas lalong hindi niya itinatago ang paghusga.Si Christine naman ay nakangiti sa akin—yung tipong ngiti na masyadong perpekto para maging totoo, parang naka-practice sa salamin bago lumabas ng bahay. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka naniwala pa ako na natutuwa siyang makita ako.“Nandito ka na. Sinabi ko kay Nathan na hintayin ka kanina, pero nagmamadali siya,” sabi ni Christine na parang concerned, kahit halata namang pinapakiramdaman niya kung paano ako magre-react.“Bakit ko naman kailangang hintayin ang probinsyana na ‘yan? Hindi ko gustong makasama sa sasakyan ang isang kagaya niya,” malamig na sagot ni Nathan, sabay bahagyang pagtaas ng baba na para bang may sariling spotlight.Hindi ko sila pinatulan agad. Tiningnan ko lang sila sandali, sapat para ipakitang na
JenelynEmNagui? Ako?May kailangan ba sa akin si Sebastian?Hmp! Bahala na nga siya. Manigas siya sa kakahanap… hehehe…“Sunday ngayon, may lakad ka ba, apo?” tanong ni Lolo Ruel habang nasa poolside kami, tamang kuwentuhan lang. Binabalikan niya ang kakulitan nila ng lolo ko noong panahon na nag-aaral pa sila.“Naku, hindi po. Kapag ganitong araw ay sinisikap ko na manatili sa bahay,” tugon ko. Biglang lumapad ang ngiti ng matanda.“Ganyan talaga dapat. Kung sana lang ay katulad mong mag-isip ang mga apo ko,” sabi niya, na kahit may kinang sa mga mata ay kita pa rin ang lungkot. Siguro ay dahil mas gusto niya talaga na magkaroon ng pahinga ang mga apo o kaya naman ay magkasama silang pamilya minsan sa isang linggo.Hay… iba na talaga kapag tumatanda. Mas gusto na nila na sulitin ang oras kasama ang mga mahal sa buhay.Tapos itong lolo ko na ito ay pinadala ako dito sa Maynila!Mas gusto pa niya ang malayo sa akin kaysa ang makasama ako. My sweet and loving old fool grandpa!“Siya ng
Bradley“Cal! Tinawag niya akong Cal!” iritadong sabi ni Calvin habang palakad-lakad siya sa harapan ko. Nasa study room ako at kasalukuyang tinitignan ang report na binigay sa akin ng aking assistant na si Charles.Gusto kong magkaroon ng bagong line ng jewelry at for three years ay matunog ang pangalang “EmNagui”. Wala pang nakakakita sa kanya at walang may idea kung paano sila nagtatransact ng fashion luxury brand na Epitome Fashion.“It's late, itulog mo na lang yan.” Walang buhay ang pagkakasabi ko at nanatili ang mga mata ko sa dokumentong hawak ko.“Are you not listening? Hindi mo ba naiisip na baka mamaya ay ako na pala ang target niya?” Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. “Congratulations, magkakaasawa ka na.”“Kuya!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.“You know what, I'm really busy. Hindi ko na alam kung paano ko matatagpuan ang hinahanap ko ay dumadagdag ka pa.”“Alam mo naman siguro na late na. Hindi ka ba magpapahinga man lang?” tanong niya.“Do I look like I have th







