Mag-log inJenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang
BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim
BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n
BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya
JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang
JenelynNaging maayos ang mga sumunod na araw.Sa katunayan, mas maayos pa kaysa sa inaasahan ko.Hindi ko akalaing talagang tutuparin ni Bradley ang sinabi niya noong gabing sinundo niya ako sa police station.Sinibak niya si Clarabelle.Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala.I mean, kahit paano ay kilala ito ni Lolo Ruel. Medyo malapit din sila at alam kong may koneksyon pa rin ang pamilya nito sa ilang taong malapit sa pamilya Salazar. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Bradley, baka nagdalawang-isip pa.Pero hindi si Bradley.Kapag nakapagdesisyon na siya, mahirap na siyang baguhin.At ayon sa kanya, mas lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang CCTV footage mula sa bar.Hindi na niya sinabi ang lahat ng detalye sa akin, pero base sa ekspresyon niya nang mapanood iyon, alam kong mas marami siyang nakita kaysa sa mga naikwento namin sa police station.Sa huli, wala na rin naman akong pakialam.Matagal nang nakakaabala si Clarabelle sa buhay ko.Sa opis
JenelynPagdating ko sa condo ni Bradley, agad akong sinalubong ng katahimikan. Walang ilaw sa sala, walang tunog ng TV, at wala ring kahit anong senyales na kakauwi lang ng may-ari. Saglit akong napatigil sa may pintuan habang hinuhubad ang sapatos ko, saka napailing nang bahagya.Mukhang wala na n
JenelynAng matinis na tunog ng pito ang unang bumasag sa katahimikan ng umaga—isang tunog na tila direktang tumusok sa tenga ko at agad nagpaalala kung nasaan ako.Military training pa rin at huling umaga na namin dito ngayon.Konting tiis na lang at bukas ay babalik na kami ng Manila.Dahan-dahan
Bradley“Your lunch, Sir.”Nag-angat ako ng tingin mula sa screen ng laptop ko at nadatnan si Charles na maingat na inilalapag ang mga pagkain sa ibabaw ng maliit na mesa sa receiving area ng opisina ko. Maayos ang galaw niya—sanay, na at walang sayang na kilos.Simula ng ako na ang humawak ng kumpa
BradleyNapataas ang kilay ko nang tuluyan kong makita ang babae. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa amin, may bahid ng kumpiyansa ang tindig at isang ngiting parang matagal nang pamilyar sa akin. Yung tipong hindi basta-basta ibinibigay sa kahit sino lang. Diretso ang tingin niya sa akin, parang s







