Partager

Chapter 55

Auteur: MysterRyght
last update Date de publication: 2026-04-14 23:15:09
Bradley

Ako clingy?

“Fine. Wala na akong sinabi,” sabi ko kay Jenelyn, pinipilit panatilihing steady ang boses ko kahit ramdam kong unti-unti nang kumikipot ang pasensya ko. Hindi ko na siya pinigilan pa, dahil sa puntong iyon ay malinaw na kahit anong sabihin ko ay hindi rin niya susundin. Mas lalo lang hahaba ang usapan, at sa huli, ako rin ang maiipit sa sarili kong reaksyon.

Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa sarili ko ay muling umalingawngaw ang boses ng auctioneer mula sa stage, sapat
MysterRyght

Dalawa po muna ang update. Hindi po pwedeng magbabad sa pagsusulat dahil may check-up ako sa mata the next day.

| 35
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
jennifer asis
next chapter po
goodnovel comment avatar
Charlyn Navarra
next po pls
goodnovel comment avatar
Anna Atanante
okay get well soon
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 186

    BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 185

    BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 183

    JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 182

    JenelynNaging maayos ang mga sumunod na araw.Sa katunayan, mas maayos pa kaysa sa inaasahan ko.Hindi ko akalaing talagang tutuparin ni Bradley ang sinabi niya noong gabing sinundo niya ako sa police station.Sinibak niya si Clarabelle.Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala.I mean, kahit paano ay kilala ito ni Lolo Ruel. Medyo malapit din sila at alam kong may koneksyon pa rin ang pamilya nito sa ilang taong malapit sa pamilya Salazar. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Bradley, baka nagdalawang-isip pa.Pero hindi si Bradley.Kapag nakapagdesisyon na siya, mahirap na siyang baguhin.At ayon sa kanya, mas lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang CCTV footage mula sa bar.Hindi na niya sinabi ang lahat ng detalye sa akin, pero base sa ekspresyon niya nang mapanood iyon, alam kong mas marami siyang nakita kaysa sa mga naikwento namin sa police station.Sa huli, wala na rin naman akong pakialam.Matagal nang nakakaabala si Clarabelle sa buhay ko.Sa opis

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 181

    JenelynTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang binabagtas ni Bradley ang daan pauwi.Matagal nang naihatid sina Denise at ang iba pa. Sa katunayan, halos kalahati ng biyahe ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang ilaw ng mga sasakyang kasalubong namin ang nagsisilbing kasama sa katahimikan.Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap kay Bradley.Pareho pa rin ang ekspresyon niya mula nang sunduin niya ako sa police station.Seryoso.Tahimik.At iyon ang mas nakakatakot.Mas gugustuhin ko pang magalit siya nang diretsahan kaysa sa ganitong hindi ko mabasa ang iniisip niya.Sa huli ay hindi ko na kinaya ang katahimikan.“Wala si Denver?” tanong ko, naghahanap lamang ng kahit anong pwedeng pag-usapan.Hindi man lang siya lumingon. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada.“Gusto mo pang mang-abala ng natutulog na tao?”Agad akong napakurap.Well...Mali yata ang napili kong topic.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Sabi ko nga sa saril

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 148

    JenelynPabagsak akong naupo sa malambot na sofa nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ni Bradley.Pakiramdam ko ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa pagod.Buong araw akong nasa biyahe.Mula sa mahabang oras sa eroplano hanggang sa pag-ikot namin sa Fifth Avenue para bumili ng mga damit

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 144

    BradleyMabilis ang naging paglalakad ni Jenelyn palabas ng café at agad namang sumunod si Kaycen sa tabi niya. Halatang nagmamadali silang makarating kung saan man sila pupunta, ngunit kahit gaano pa nila bilisan ang lakad ay madali ko pa rin silang nasasabayan. Sa tangkad kong ito at sa iksi ng bi

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 143

    BradleyTahimik kong pinagmamasdan si Kaycen habang patuloy silang nag-uusap ni Jenelyn tungkol sa problemang tila matagal na nilang sinusubukang ayusin. Ngunit imbes na sa laptop o sa mga documents mapunta ang atensyon ko ay unti-unting napunta iyon sa paraan ng pagtingin ng lalaki kay Jenelyn.Hin

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 139

    BradleyAgad kong hinuli ang dalawang kamay ni Jenelyn nang tuluyan nang gumapang ang mga iyon sa dibdib ko.“So broad…” bulong niya habang tila kinikilig pa.Napapikit ako nang mariin sa loob ng ilang segundo.Damn.Pakiramdam ko ay lalo lang sinusubok ng babaeng ito ang pasensya ko.Mahigpit kong

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status