LOGINTiisin mo talaga...hahaha
Bradley“These are not healthy,” saad ko habang inaayos ko ang pagkakaupo ko sa dining chair at pinagmamasdan ang nakahain sa harap namin. Halos mapangiwi ako sa dami ng mantika at tamis na bumungad sa akin—fried chicken na mukhang bagong hango sa kumukulong mantika, golden fries na may kasamang ketchup, spaghetti na halatang overloaded sa sauce at cheese, mango pie, at dalawang malaking cup ng soft drinks.Hindi ko maiwasang mapailing. Sanay ako sa mas kontroladong diet, sa mga pagkain na sinusukat ang calories at nutrients, hindi sa ganitong klase ng “comfort food” na parang sinadyang kalimutan ang konsepto ng health.Tumingin sa akin si Jenelyn, sakto habang kinakagat niya ang fried chicken. Walang kaarte-arte, walang pag-aalinlangan. Halatang gutom siya at masyadong abala sa pagkain para pansinin ang ekspresyon ko.“Minsan naman ay lagyan mo ng pagkain ng mahirap ang sikmura mo,” tugon niya nang hindi man lang iniintindi na may laman pa ang bibig niya. Diretso niyang sinabi iyon,
BradleyHinayaan ko na muna siya sa mga kahon niya. Sa totoo lang, mukhang mas may direksyon pa siya sa ginagawa niya kaysa sa akin sa sarili kong condo, at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa realization na iyon.Napailing ako habang bumabalik sa aking silid, pilit inaalis sa isip ang presensya niya na parang hindi basta-basta nawawala kahit hindi ko siya kaharap.Mas mabuti pang ituon ko na lang ang atensyon ko sa trabaho. At least iyon, kaya kong kontrolin.Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang mga dokumentong dala ko mula sa opisina kagabi. Umupo ako sa gilid ng kama at isa-isang binuklat ang mga kontrata. Puro mahahalagang papeles iyon—mga kasunduan na kailangang suriin nang mabuti, mga detalye na hindi pwedeng palampasin. Ito ang mundong sanay ako. Structured. Predictable. Walang halong panggugulo.Hindi tulad ni Jenelyn.Huminga ako nang malalim bago tuluyang mag-focus. Sinimulan kong basahin ang bawat pahina, inaaral ang bawat clause, bawat salita. Paminsan
BradleyHindi sa hindi ako naniniwala. I already know who she is, at base sa tunay niyang identity ay hindi siya yung tipo ng babae na magsisinungaling sa ganitong klaseng bagay. Lalo na kung ang dahilan lang ay para makaalis siya sa mansyon o para tumigil sa part-time job niya sa company. Walang sense. Hindi siya gano’n ka-shallow mag-isip.Bukod pa roon, kung matutuloy ang collaboration, malinaw na magse-send si EmNagui ng design sa akin. At once na mangyari iyon, madaling makikita kung may mali o hindi tugma. Kung sakaling nagsisinungaling siya, doon pa lang ay mahuhuli na siya. So why would she even put herself in that kind of situation?I let out a slow breath, trying to organize my thoughts.She keeps secrets pero hindi siya sinungaling. Sigurado ako doon.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin nagustuhan ang ginawa niya kanina. She didn’t even let me speak. Basta na lang pinuputol ang bawat sasabihin ko, as if wala akong karapatang magpaliwanag o magtanong man lang. Th
JenelynLinggo ng umaga. Tahimik ang buong condo, yung tipong pati hangin parang tinatamad gumalaw.Nasa sala lang ako, nakaupo nang maayos sa sofa habang hinihintay ang package na manggagaling pa sa Boston. Hindi iyon basta-basta parcel lang. Mga materyales iyon para sa bionic arm na matagal ko nang gustong buuin.Napatingin ako saglit sa kisame, saka napabuntong-hininga.Since priority ng Torrebotics ang paggawa ng mga medical equipment at devices na makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga pasyente, naisip kong gumawa ng sarili kong program para sa bionic arm.Hindi lang basta design—kundi system na kayang mag-adjust sa simpleng galaw ng tao.Layunin ko na kahit papaano, maibalik ang normal na pamumuhay ng mga taong napuputulan ng kamay.Yung kaya nilang humawak ng kutsara at tinidor nang hindi nahihirapan. Makainom gamit ang baso nang hindi kinakabahan na baka mabitawan nila. Makapagsulat ulit gamit ang ballpen—kahit simpleng pirma lang.Minor movements.Pero para sa kanila… mal
Jenelyn“She’s working here, too?” tanong ko, ako na rin ang bumasag sa katahimikan na kanina pa nakasabit sa pagitan naming tatlo. Kahit na gusto kong hintayin si Bradley na maunang magsalita, hindi ko na natiis ang bigat ng atmosphere sa loob ng opisina.Si Charles ang sumagot. “She started this week,” sabi niya, maingat ang tono na parang nag-iingat na hindi lalo pang uminit ang sitwasyon.Napabuntong-hininga ako nang mahina habang bahagyang sumandal sa upuan. So Clarabelle wasn’t just passing by—nandito na talaga siya. Permanent. The thought alone was enough to irritate me, pero hindi ko iyon pinahalata. Instead, pinanatili kong kalmado ang mukha ko habang dahan-dahan kong ibinabaling ang tingin ko kay Bradley.“So, Mr. Salazar here doesn’t believe that EmNagui will be contacting him,” sabi ko, steady ang boses, pero malinaw ang laman. Hindi iyon tanong. It was a statement. Kita ko naman sa paraan ng pagtitig niya kanina, sa tono ng tanong niya kanina, at higit sa lahat—sa reaction
JenelynMaingat kong ipinarada ang aking motor sa basement parking ng building, sa bahaging nakatalaga para sa mga empleyado. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng ilang sasakyan at mahinang yabag ng mga dumaraang staff ang maririnig. Dahan-dahan kong tinanggal ang helmet ko at isinabit iyon sa aking braso bago ako tuluyang bumaba.Habang naglalakad papunta sa elevator, hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit bigla akong pinatawag ni Bradley. Hindi naman siya ang tipo na basta-basta nagpapatawag nang walang malinaw na dahilan.Pagpasok ko sa elevator at pagpindot ng floor kung saan naroon ang opisina niya, napabuntong-hininga ako. May kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag na parang may kakaibang mangyayari, o baka naman nag-o-overthink lang ako.Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na rin ang elevator, at agad akong sinalubong ng malamig at pormal na hallway na parang sumasalamin sa personalidad ng “boss” ko.“Jen,” bati sa akin ni Charles nang makita niya akong papalapit.
JenelynHalos sabay kaming huminga nang malalim nila Denise at Marie nang pumwesto kami sa side namin ng court. Ramdam ko ang bahagyang paninigas ng balikat ko, pero hindi dahil kinakabahan ako. Mas sanay ako sa ganitong sitwasyon kaysa sa iniisip ng karamihan. Ang hindi lang ako sanay ay ang maram
BradleyPagpasok namin sa venue, agad akong sinalubong ng pamilyar na ingay ng isang pagtitipon na puno ng impluwensya at kapangyarihan. Hindi iyon basta simpleng usapan lamang. May lalim, may timbang, at may mga kahulugang hindi kailangang sabihin nang direkta para maintindihan.Ang malawak na bal
Bradley“Hindi pa rin ba malaman kung saan nag-i-stay si EmNagui?” inis kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sa mga dokumentong nakalatag sa mesa ko. Ilang araw na kaming naghahanap, pero parang hangin lang ang designer na iyon—walang bakas, walang direksyon.“I’m really sorry, Sir,” sagot ni
JenelynLumabas na ako ng silid ngunit hindi pa ako nakakalayo ay biglang may nagpatigil sa akin.“Wait!” Paglingon ko ay nakita ko ang babaeng kanina lang ay pinagtatanggol ako. “I’m Denise,” sabi niya sabay umang ng kamay. Nagtataka naman akong tumingin don pero kinuha ko pa rin.“Jenelyn,” sabi







